You are on page 1of 4

SAMPUNG TAON MULA NGAYON

Sampung taon mula ngayon isa na akong ganap na matagumpay na tao sa


kursong aking tinapos. May magandang trabaho at may simpleng buhay.
Magtatayo ako ng magandang negosyo upang may iba pa akong pagkakitaan bukod
sa aking trabaho, negosyong magbibigay trabaho sa ibang tao upang makatulong
ako sa kapwa ko pilipino at pagkakalibangan ko din sa tuwing wala akong ginagawa.
At patuloy kong alagaan ang aking mga magulang bilang kapalit sa mga ginawa
nilang pagsasakripisyo sa pagpapalaki at pagpapa-aral sa akin. Unti-unti ko naring
bubuoin ang aking pangarap na maganda at masayang pamilya.

Lahat ng mga pangarap ko sa buhay ay unti-unti narin sigurong matutupad sa


loob ng sampung taon. Ngunit hindi din maalis ang mga pagbabago sa aking buhay.
Maaring may mawala, maaring may mga bagong dumating, may mga panahong
kailangang masaktan pero may mga kapalit naman lahat ng mga paghihirap. Ang
buhay para sa akin ay isang palaisipan, kung hindi ko hahanapin ang daan palabas
hindi ko din mababago ang buhay na aking kinalalagyan. Maraming mga
pagkakataon na dumadating, kung hindi ko susubukang hanapin ang mga paraan
upang makaahon sa buhay hindi ko din mababago ang aking kapalaran.

At ang mga bagay lang na aking gagawin ay ang mga bagay na makakabuti para
sa akin at makakatulong sa aking pamilya. Hindi ko naman hinangad na magkaroon
na sobra-sobrang kayamanan sa buhay. Ang nais ko lang ay ang makasama ko ang
aking mga mahal sa buhay ng tahimik, masaya at sama-sama. Para sa akin yun ang
pinaka mahalagang kayamanan na nais kong makamit hindi man sa loob ng
sampung kundi isang simpleng pangarap na dapat kong makamit na pang habang
buhay.
“Sino Ako Sampung Taon mula Ngayon?”

Sumagi lamang sa aking isipan, sino nga ba ako sampung taon mula
ngayon?
Marahil, hindi lamang ako ang nag-iisip ng ganitong bagay. Kung pakaiisipin, lahat
naman ng tao ay may pangarap, hinahangad sa buhay, at inaasahang mangyari sa
hinaharap. Ang tanong, matupad kaya ang lahat ng mga iyon?

Siyempre, matutupad iyon kung may determinasyon talaga ang isang tao
na mangyari ang lahat ng kanilang inaasam. Bilang isang kabataang nangangarap,
marami akong mga ninanais na matupad sa buhay. Isa na rito ay maging isa sa mga
iginagalang na guro sa hinaharap. Kung kaya’t kumukuha ako ng kursong
edukasyon. Para sakin, makamit ko lamang ang propesyong ito na aking
hinahangad, siguradong makakamit ko na rin lahat ng mga bagay na aking inaasam.
Hindi naman ako mahilig sa mga material na bagay lalo na’t kung ito’y mga
mamahalin. Nais ko lamang ay magkaroon ng simpleng buhay at maiahon sa hirap
ang aking pamilya. Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking sarili bilang
isa sa mga guro na may masteral degree. Opo, kung papalarin na maging isang guro,
nais kong ipagpatuloy agad ang pagiging guro patungo sa Masteral at hanggang
Doctoral. Nagtuturo sa pampublikong paaralan, at ibinabahagi ang mga kaalamang
aking patuloy na natutunan a aking buhay.

Alam kong masyadong mataas ang aking hinahangad na buhay sa


hinaharap. Ngunit naniniwala ako na makakamit ko ito sa pamamagitan ng
determinasyon sa buhay at tiyaga na makuha ang mga ito. Naniniwala din ako na
hindi ako nag-iisa sa landas na aking tinatahak. Nariyan ang aking mga kaibigan at
pamilya, na patuloy na sumusuporta sa aking mga adhikain. At ang
pinakamahalaga, ang Panginoong lumikha na nariyan at gumagabay sa akin sa
bawat sandal ng aking buhay.
Pangarap - Sampung taon mula ngayon
Sabi nga ni Aira Eloisa Carino, ang pangarap ay tumutukoy sa mga minimithi o
ninanais ng isang tao sa kanyang buhay, kung minsan ay mahirap itong makamtan
at maaring malayo sa kasalukuyang kalagayan. Ngunit ang mga pangarap na ito’y
magdadala sa akin kung saan, ano, at sino ako sampung taon mula ngayon. Ang
kahirapan sa pagkamit ng mga ito ang magsisilbing hamon sa akin para magsumikap
sa pag-abot ng mga ito.

Ang pagtuturo noon ay wala pa sa aking bokabolaryo. Ngunit sa pagtungtung ko sa


kolehiyo, dito unti-unting namulat ang aking mata sa mga gusto ko sa aking buhay.
Napapalagay ko na na sampung taon mula ngayon, ako ay magiging isang
matagumpay na titser sa matematika na may master’s degree. Isang epektibong
titser na mapagmahal sa trabaho at maunawain sa mga taong nakapaligid.

Nakikita ko rin ang aking sarili sampung taon mula ngayon sa parang ng
engineering. Gusto-gusto ng aking ina na may anak siya na inhinyero at dahil gusto
ko rin naman ito, nagbabalak ako na kumuha ng pangalawang kurso pagkatapos
kong mag masteral sa pagtuturo. At sampung taon mula ngayon, ako ay magiging
mabuti at mapagkakatiwalaang inhinyero na handang tumulong at magsirbisyo sa
mga tao.

Magtatayo din ako ng mga magandang negosyo upang may iba akong pakakakitaan
bukod sa aking trabaho. Isa na dito ang palayan. Sa pamamagitan din nito ay
makakatulong ako sa aking kapwa tao. Patuloy ko ring paninindigan ang pagiging
anak ng Dios at seserbisyohan ang panginoon, patuloy kong aalagaan at
susuportahan ang aking pamilya at ang aking mga aso, at patuloy akong maging
isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, guro, mamamayan na handang tumulong
sa aking kapwa tao.

Sa loob ng sampung taon ay unti-unti kong makakamit ang aking mga pangarap.
Ngunit sa ating buhay ay maraming pagbabago. Sa mga pangarap na nakasulat dito,
marahil ay may mga mawawala at maari ding, marahil may mga bagong pangarap
na dadating. Ang gagawin ko lang ay sa bawat pangarap ay madidilig ako nang
ekstra-ordinaryong pagsusumikap, disiplina at pananalig sa Dios. Isasaisip at
isasapuso ko din na sa bawat pangarap na nabigo, ang Panginoon ay may mas
magandang plano para sa akin, planong tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa
kasamaan, upang bigyan ako ng pagasa at magandang kinabukasan, na nakasulat
pa sa Jeremiah 29:11.

You might also like