You are on page 1of 1

Ballpen at Libro

Sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang nagsusumikap upang makapagtapos ng pag-
aaral. Ballpen at libro ang sumisimbolo sa akin, natututo at nagsusumikap para sa aking
kinabukasan. Ito ang susi upang magtagumpay at makamit ang inaasam na pangarap.

Ang ballpen at libro ay ginagamit sa silid-aralan. Dito nadadagdagan ang aking kaalaman
dahil sa pagsisikap ng guro, dito din nagkakaroon ng karanasan na maari kong magamit sa
kinabukasan. Ito ang magtuturo sa akin upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay sa
bansa.

Ito din ang sumisimbolo sa aking mga gastos at pagsisikap na aking sinakripisyo habang ako
ay nag-aaral pa lamang. Kung ako ay magakaroon ng diploma sa kolehiyo dahil sa aking
pagsisikap maari na akong magkaroon ng magandang trabaho. Magiging daan ito upang
makamit ko ang aking minimithing mga pangarap sa buhay. Ito ay naakakatulong sa akin upang
maging propesyonal sa buhay.

Kung ako ay magkakaroon na ng trabaho madali na sa akin ang magkakaroon ng pera. Ito ang
tutungo sa akin upang magkakaroon ako ng sapat na paangagailangan. Makakatulong din ito
upang ako ay patuloy na mabubuhay sa mundo.

Bilang isang tao hindi ko maiiwasang magkaroon ng suliranin upang ganap na magtagumpay.
May ibang mga tao ang gagawa ng paraan upang ako ay bumabaa sa aaking tagumpay pero hindi
ito ang dahilan, kailangan magpakatatag at magtiwala sa aking sarili upang malagpasaan ko ito.

Sa aking pagtatagumpay at pagsisikap mayroon akong makakamit na biyaya. Ito ang bahay at
pamilya. Ito ang kapalit ng mga paghihirap ko, pagtiya-tiyaga at pagsisikap na aking dinanas sa
aking buhay. Ito din ang makakatulong upang mas lalong tumatag ang pananaw ko sa buhay.

You might also like