You are on page 1of 7

Balagtasan: Pagtatrabaho O Pag aaral

Lakandiwa:
Sa lahat ng nangarito sa aking harapan
Sa mga guro, magulang, estudyante’t kabataan
Isang mapagpalang araw po, mga kaibigan
Ang makita’t makasama kayo’y isang karangalan

Kaming inyong mga lingcod, dito sa tanghalan


Ay magbibigay linaw sa isyung pagtatalunan
Magiliw na inihahandog ang isang balagtasan
Upang maipamalas ang husay sa pangangatwiran

Paksa natin ngayo’y ordinaryo’t luma na


Ngunit karaniwang pinagmumulan ng mga dilemma
Ng ating mga Kabataang hitik sa problema
Lalo na yaong mga kapus palad sa pera

Alin nga aba ang mas dapat pagtuunan ng pansin


Upang makaahon sa kahirapan, alin ang uunahin
Ngayon araw ay ating titimbangin

Sa ating pag sisimula, narito sa aking gawing kanan


Tagapagtanggol ng edukasyon, binibining makatwiran
“Pag aaral muna” ito ang kanyang ipaglalaban
Ang mas dapat daw unahin higit sa anupaman

Pag aaral:
Pagkat ako’y lumaki at nahubog sa paaralan
Naniniwala akong edukasyon ang dapat pagtuunan
Higit na bigyang pansin bago ang pagkakakitaan
Pagkat sa panahon ngayon, dapat ay may pinag aralan

Ako nga po pala ang inyong butihing lingkod


(pangalan ng nag sasalita) po, pag aaral ang ikakayod
Samahan ninyo akong itatak ng buong lungod
Ang mga kaisipang sasambitin, sa inyong diwang pagod

Lakandiwa:
Ayan mga kaibigan, inyo nang masilayan
Anyo ng unang makata dito sa labanan
Sa mga nagtrabaho agad ngunit di naman umunlad
Sa panahon ngayon, diploma ay kailangan
Upang makuha ng trabaho, iyon na ang batayan
Pagkat mas lamang, ang may malawak na karunungan
At yaong nahasa ng husto sa wastong kasanayan.

Paano ka magtatrabaho kung wala kang nalalaman?


Makapasok ka man ngunit pawing mga panandalian lamang.
Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan
At tiyak walang mararating ang iyong pinaghirapan

Mas Mabuti pa kung ika’y nagtiyaga at nagtanim


Pagkat kalaunan iyo ring aanihin
Bunga ng pinaghirapan di ka bibiguin
Kaya’t sa kahirapan ay makakaahon rin.

Pagtatrabaho:
Paano naman yaong kapus-kapalaran?
Ni hind inga natutustusan ang mga pangangailangan
Paano pa kaya ang mga gastusin sa paaralan
Mas Mabuti pang magtrabaho nang may pagkakitaan

Ang mga pangarap ay di naman natutunaw


Ang paaralan, hindi ka naman tatakasan
Ngunit ang mga gastusin sa pang araw araw
Iyan ang problema sa kasalukuyan

Mga karunungang iyong ipinagmamalaki


Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuli
Maraming paraan upang ika’y maging intelehente
At Samahan na rin ng ibayong pagpupursige.

Nag aaral ka nga ngunit di naman matiyaga


Maalam ka nga ngunit di naman hinahasa
Mas Mabuti pa ang magtrabaho nang may Mahita
Inaalam mo pa lang, akin nang ginagawa.

Lakandiwa:
Pahiram muna ng sandali mga kaibigan kong makata
Hinga hinga muna ng malalim at baka magkahika
Pareho naman kayong may katwiran ukol sa paksa
Kaya’t nasa inyong dalawa ang aking lubos na paghinga
Paninindigang matatag tila di yata matitibag
Mga puntong magagaling, bubuyog na mabibilang
Mga tagapakinig na sa katotohana’y di bulag
Maakit sumang ayon kahit sa kaloobay labag.

Pag – aaral:
Ngunit paano ka uunlad sa mga pipitsuging trabaho?
Natanggap ka nga ngunit bilang service crew
Magkano na lang ba ang sasahurin mo?
Kung puro pang – animang buwan lang ang kinabukasan
Permanente ang trabaho kung may pinag-aralan
At dika basta basta masisipa nang among mayaman.
Kapag dika nag tapos at nagtrabaho agad
Kahit tumambling kapa’y dika uunlad
Kakarampot n akita, yan lang ba ang iyong hangad?
Mangangarap ka rin lang ba dipa isagad?

Kung mapustos lang ang iyong katwiran


Problema sa salapi’y madaling solusyunan
Maraming mga tao nay an din ang pinagdaanan
Ngunit nagtapos pagkat diskarte lang ang kailagan

Pagtatrabaho:
Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo.
Sa palagay mo ba’y hindi yan ang ginagawa ko?
Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa mundo
At nang makapag-impok, ‘trabaho agad’ ang diskarte ko.

Marami nakapag aral na ngayon ay namomroblema


Walang trabaho at sa bahay ay tambay muna
May diploma nga ngunit di naman nakakapasa
Tinalo pa ng mga walang pinag aralang kakompetensiya
Oo, ikaw nga’y armado ng kaalaman
Ngunit mas pinipili pa rin ang may karanasan
Pagkat tayong mga tao, natututo di lamang sa paaralan
Maging sa labas, maraming matutunan

Sinabi mong di uunlad yaong di nakapag aral?


Buksan mo iyong mga mata at magmasid sa kapaligiran
Hindi mo ba nakikita na ngayo’y mas nakakaangat pa sa buhay
Mga taong nag simula sa mababa ngunit kalauna’y nag tagumpay

Maraming nakapagtapo na di sapat ang kaalaman


Ni hindi alam kung aling deriksyon ang pupuntahan
Diplomang papel tangi lamang pinaghahawakan
Na wala ring halaga sa gunting ng kaalaman.

Lakandiwa:
Bakit ganun? Ako yata’y mas lalong nalito
Tila gusto kong lagnatin sa init ng pagtatalo.
Ramdam na ramdam ko bigat ng bawat punto
Magkaibang katwiran, hugot mula sa puso

Pag aaral:
Kaalamang natutunan mula sa pag aaral
Maaari pang ipagsanggalang sa lupitng buhay
Sa mga pang aapi’y di basta basta bibigay
Pagkat alam ng Mabuti kung saan lulugar

Mga di nakapag aral at nagtrabaho agad


Inaapi api at yuko ulo kung maglakad
Sa utos ng iba ay agad agad pumapayag
Pagkat kakaraan sa mundo sila ay bulag.

Pagtatrabaho:
Ngunit pakatandaan, hindi lahat ay mangmang
May mga taong di nakapagtapos ngunit patuloy ang laban
Sa buhay ay nanagana at kahit walang pinagaralan
Pagkat sipag at tiyaga ang ipinuhunan

Kaya ka rin lang nag aaral ay upang makapagtrabaho


At mabilis na makaahon sa hirap ng buhay sa mundo
Di mag aral di mag trabaho, ang hahantugan pareho
Kaya’y bakit pa mag aaral kung yun lang din ang dulo?

Pag aaral:
Ngunit aking katunggali, nais ko lamang ipaalala
Na kapag nakapagtapos ka’y pag asenso’y sigurado na
Mas mataas na posisyon, mas malakas ang kita
Na ibig sabihin, Magandang kinabukasa’y abot kamay na.

Sa konting panahon lamang na gugugulin


Magastos man sa turing kahit pa balikbaliktarin
Maliit na ipinuhunan, triple ang balik sa ating
Sakripisyo ng pamilya’y masusuklian din.

Pagtatrabaho:
Di nga ba’t sakripisyo rin ang pagtatrabaho
muna?
Isinakripisyo ang pag aaral para din sa pamilya
Ngunit mas nakapag impok at sa buhay ay nanagana
Umaalon sa kahirapan at buhay ay nag iba

Kung uunahin ang pag aaral, wala naming mahihita


Pagkat araw araw ay sa gastusin mamoroblema
Ni walang panlaman sa tiyan pagkat walang walang kuwalta
Maapektuhan ang lahat pati pokus sa ginagawa

Lakandiwa:
Matapos ninyong mapakinggan ang dalawang makata
Nasa inyong mga kamay ang paghatol ng pasya
Tayog ng katwiran ay hindi maisasanla
Parehong may punto na makaahon sa dalita

Mga binitiwang salita nawa’y maging inyong gabay


Lalo na ng mga kabataan sa pagdedesisyon sa buhay
Pagkat iyon ang inyong sus isa pagkamit ng tagumpay
At sa patuloy na pagkapit sa baging na matibay.

You might also like