You are on page 1of 3

STEM 11

Muli ako po si Architect Jhana Celine Quinoneza. Sa lahat ng kagalang-galang na bisita,

Ronnie Bautista punong barangay, kay Ginoong Joshua Franklin S. Dula , punong guro, sa aming

mga minamahal na guro, sa mga mag aaral at sa mga magulang, isang mapagpalang hapon po sa

ating lahat.

Mahigit isang dekada na ang lumipas simula ng ako ay makapagtapos sa ating mahal na

paaralan. Maraming masasayang alala ala ang nais kong balikan. Nagagalak ako na makatungtong

muli sa entabladong ito. Minabuti kong gawin ang lahat ng aking makakaya bilang inyong

panauhing pandangal upang makapagbigay ng inspirasyon sa inyong lahat, upang maitanim sa

inyong puso at isipan ang mga aral na nais kong ibahagi sa inyong pagtatapos.

Ito ay tinawag kong 4Ps, iba ito sa programa ng gobyerno na nagbibigay tulong pinansyal

para sa mga mahihirap na mag-aaral. Tinawag ko itong 4Ps sapagkat kinapapalooban ito ng apat

na mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang kabataan upang makamtan ang pangarap niya

sa buhay.

Ang ibig sabihin ng unang P ay Panginoon. Sapagkat naniniwala ako na sa lahat ng

gagawin ay napakahalagang hilingin ang gabay ng Panginoon… may kasabihan tayo sa ingles na

“Put God first in everything. Sa bawat desisyon na gagawin natin sa ating buhay, isipin natin na

lagi natin syang kasama. Tandaan din natin na tayo ang pipili ng ating landas na tatahakin. Huwag

kang matakot na magkamali.

Ang pangalawang P ay Pangarap. Ang simula ng paglalakbay sa buhay ay ang pagkakaroon

ng pangarap sapagkat ito ang magiging gabay sa pagtahak ng landas patungo sa ating magandang

kinabukasan. Sa tuwing naaalala ko ang aking sarili, sa halos tatlong dekada na ang nakalipas,

naalala ko ang isang batang punong-puno ng pangarap at pag-asa. Isang bata na pabago bago ng

pangarap at hangarin sa buhay. Minsan akong nangarap na maging reporter, guro, abogado,

inhinyero at marami pang iba. Dahil sa pangarap ko na maging isang arkitekto, STEM ang kinuha

kong strand noong senior high school ako at dahil nasa strand din na iyon ang aking mga kaibigan.

Sinanay na kaming tumayo sa sarili naming mga paa, isang paghahanda na rin ito pagtungtong ko

sa kolehiyo. Ako ay nag aral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong arkitektura. Hindi

naman ako ganoon kagaling gumuhit, nakahiligan ko lang. Tunay nga na walang madaling kurso.
Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang. Libre

lang naman ang mangarap. Pero hindi libre ang pagtupad nito. Kailangang mamuhunan ng sipag,

tiyaga at tiwala sa Diyos. Ang pangarap ay makakamtan sa pamamagitan ng ikatlong P.

Ang ikatlong P naman ay Pagsisikap. Walang bagay na madali sa buhay, lahat ay

pinagsisikapan para makamtan sabi nga nila, mas masarap ang tagumpay kung pinagsumikapan

mo itong makamtan. Ang pagpasok ko sa kursong arkitektura ay di basta-basta, sa unang taon ng

pag-aaral marami ang nag eenrol pero habang tumatagal nababawasan na kaming mga estudyante,

hanggang sa matira ang matibay. Kasi habang tumatagal ang mga asignatura ay pahirap ng pahirap

at ito ay hindi basta-basta. Kahit gaano pa karami ang plano na dapat gawin kailangan na

magkaroon ng balanseng oras at maging produktibo. Madalas ay nalilipasan ako ng gutom sa dami

ng ginagawa. Sa awa naman ng Diyos ay napagpatuloy ko ang pagtupad sa aking pangarap. Sa

kabutihang palad sa loob ng apat na taon ay nagtapos ako sa aking kurso na Bachelor of Science

in Architecture bilang isang Suma Cum Laude taong 2022. Makalipas ang isang taon ay kumuha

ako ng architectural licensure exam. Nagtrabaho muna ako sa Aidea Philippines Inc. isang kilalang

kumpanya dito sa ating bansa sa loob ng tatlong taon. Pagka alis ko sa kumpanya ay nagsimula

naman akong magpatayo ng paaralan para sa mga kabataang nangangarap na maging arkitekto

balang araw ngunit walang sapat na kita ang kanilang mga magulang upang matustusan ang

kanilang pag aaral. Nagtayo ako ng paaralan upang makatulong sa iba dahil minsan din akong

naging bata at nangarap tulad nila. Nagbunga ang aking pagsisikap, masaya at kuntento na ako sa

kung ano ang narating ko sa buhay. Walang mahirap sa taong may pangarap at pagsisikap.

Ang pang apat at pang huling P ay Pag-papakumbaba, kailangang maging

mapagpakumbaba sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ating mga magulang na

nagsisilbi nating gabay at kalakasan. Matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan. Ako ay

panganay na anak at inaamin ko na ako ay talagang na presyur noong ako ay nag aaral sa kolehiyo

dagdag pa ang mga kailangang gawin sa paaralan sapagkat laging sinasabi ng aking mga magulang

na kapag ako ay nakapagtapos na ng kolehiyo ay ako na ang magpapa aral sa aking nakababatang

kapatid. Ngunit kaysa panghinaan ako ng loob ginawa ko itong motibasyon upang pag igihan pa

ang pag aaral. Pamilya ang aking inspirasyon. Ang aking ina, na palaging naka suporta sa akin at

ang aking masipag na ama na hindi sumuko at patuloy na kumayod para matustusan ang pang araw

araw na pangangailangan ng aming pamilya. Mapalad ako na sila ang aking mga magulang. Nais

kong suklian ang lahat ng sakripisyo nila sa akin. Ang kalagayan ng buhay ng aking pamilya ang
siyang nakapagpalakas at nagmulat sa akin upang harapin ang hamon ng buhay. Natuto akong

maging maparaan, magkaroon ng tibay ng loob, at magtaglay ng malakas na paniniwala sa sariling

kakayahan at pananalig sa Diyos.

Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat

pagkakamali.

Mahalaga pala talagang may natapos ka sa pag-aaral. Hindi lang dapat mayroon na

diploma, dapat siguruhin mong may katangian ka na mas naka-aangat ka sa iba. Ang magandang

kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan.

Ang pinaka mahalagang bagay na aking natutunan sa buhay ay hindi tayo habambuhay na

magiging bata. Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral para makakuha ng mataas na marka ngunit

huwag ninyong kalilimutan magsaya sa bawat sandal ng inyong buhay bilang estudyante.

Sa pagtuntong ninyo sa entabladong ito upang tanggapin ang katibayan ng inyong

pagtatapos, nawa’y hindi dito matatapos at iiwanan ang mga aral ng buhay na inyong natutunan

mula sa inyong mga guro, mga magulang, mga kaibigan, mga kaaway at maging ang iyong dating

kasintahan. Ang mga aral ng buhay na lalong mahalaga, kumpara sa mga medalya, tropeo,

sertipiko maging ng diploma. Binabati ko kayong lahat at umaasa akong gagamitin ninyo sa mabuti

ang inyong talino at lakas upang maisulong nang mabuti ang iyong sarili.

Sa inyong pagtungtong sa kolehiyo hangarin naming lahat kasama ang inyong mga

magulang na nagmamahal sa inyo na sana’y gawin ninyong lahat ang makakaya upang makapag-

aral ng mabuti, alang alang sa inyong sarili at sa inyong mga magulang at sa patuloy na umaasa sa

inyong mga kamay.

Ang pinakamabuti ninyong alay sa mga magulang at para masiguro ang magandang

kinabukasan ninyo at ng ating bayan.

Ang lahat ng naririto ngayon sa bulwagang ito, lalong-lalo nga sa mga magulang, atin pong

gabayan ang mga kabataang ito na abutin nila ang kanilang mga pangarap.

Maraming Salamat at Maligayang Pagtatapos…

You might also like