You are on page 1of 2

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL

Taun-taon, isang tradisyon na sa mga guro ng paaralan ang paghahanap at pagpili


ng isang matagumpay at natatanging indibidwal na magbibigay ng isang masalamisim na
pananalita at inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsikhay sa pag-aaral sa loob
ng apat na taon. Ngayon, napatunayan n gating nagpipitagang panauhing pandangal na
ang angking talino, sipag, at determinasyon sa buihay na kinambalan ng magandang
edukasyon ang tunay na kaagapay ng isang tao upang makamit niya ang nagniningning
na kinabukasan. Likas na tubong Luna at panganay na anak nila G. at Gng. Irene C.
Balala, an gating panauhin ay nakapagtapos ng elementarya noong 2012 sa mababang
paaralan ng Oaqui Elementary School, Oaqui #4, Luna, La Union. Kaakibat ang angking
talino na pinamalas noong elementarya, itinuloy niya ang pag-asaral ng sekundarya sa
mataas na paaralan ng Oanari National High School, Oaqui #4, Luna, La Union noong
2018 na kanyang pinaglilingkuran ngayon. Dahil sa kagustuhang makatulong sa mga
magulang, tumigil siya sa pag-aaral at nagtrabaho. At bumalik sa pag aaral noong 2019
para makapagtapos at makamit ang mga pangarap at upang mapalaki ang anak at
matulungan ang kanyang mga magulang.Sa loob ng apat na taong pag-aaral sa kolehiyo,
katulad ng nakasanayan, sa simula pa lamang noong elementarya, masikhay niyang
isinaisip, isinapuso at isinagawa ang pagpapahalaga sa edukasyon sa paniniwalang ito
ang magdadala sa kaniya sa rurok ng tagumpay pagdating ng panahon. Noong 2023,
nagtapos siya ng pag-aaral sa Ilocos Sur Polytechnic State College, Tagudin Campus,
Tagudin, Ilocos Sur ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Science at
agad ding nagging ganap na guro nang maipasa niya ang professional board examination
for teachers ng taong ring iyon. Siya ay kasalukuyang naglilingkod sa paaralang kaniyang
pinanggalingan, ipinakikilala ko si Dr. Piel Iyrah C. Balala, Principal IV.
TALUMPATI SA PAGTATAPOS

Maraming salamat Gng.Fernandez sa mainit na pagpapakilala sa akin.


Magandang umaga sa ating mga guro, mag-aaral, mga magulang at sa iba’t ibang mga
bisita sa araw na ito. Ilang taon na ang nkalipas mula noong kami ay grumaduate kasama
ang aking mga kaibigan na sina Rhem, Paulo, Jayjay, at Sandra. Nakakatuwa sapagkat
kami ay mga lisensyadong guro na at sabay-sabay kaming nakapagtapos ng pag-aaral.
Inaamin ko na isa ako sa mga estudyanteng papetiks-petiks lang, ayoko kasing na i-
stress sa mga proyekto sa paaralan, kung kalian bukas na ipapasa, tsaka lang ako
gagawa kapag gabi o pagkatapos ng klase. Papasok akong may hang over at minsan pa
inaantok sa klase dahil puyat na puyat ako pero kahit ganoon, natapos ko padin ang aking
pag-aaral. Alam ninyo, ako’y nanganak sa napakamurang edad, katorse anyos ako
noong ako ay makilive in at desi-sais anyos ako noong ako ay manganak.Sa kasamaang
palad ng maaga kong pakikipag asawa, nakahanap ako ng taong bubugbog at
mankloloko sa akin ng paulit ulit. Dahil ako’y tanga at mahal na mahal ko sya, natiis ko
siya sa loob ng limang taon naming pagsasama. Noong ako ay napuno na, taong 2019,
ako na mismo ang nang-iwan at nakipaghiwalay sa kaniya. Madaming pasakit ang
natanggap ko mula sa kaniya at sa kaniyang pamilya.Kung maitatanong ninyo kung bakit
ako maagang nakipag asawa, nagrebelde ako dahil ang aking ama ay sobrang higpit sa
akin at ako ay nasakal.Sa pakikipaghiwalay ko, naghanap ako ng trabaho para
matustusan ang pangangailangan ng aking anak. Kahit ako ay buntis noon, Malaki na
ang tiyan pumapasok padin ako sa paaralan dahil ayokong huminto sa pag aaral pero
kahit ganun ang aking kapalaran, nagpursigi padin ako at nagtapos ng ng pag-aaral at
nakatanggap ng mga medalya, ribbon, at mga sertipiko. Ang mga nakaraang napakapait
at napakapangit ay ginamit kong inspirasiyon para matupad ang aking mga pangarap.
Ang aking anak ang nagsisilbi kong lakas at inspirasiyon, kahit sobrang pagod na ako sa
pag-aaral, siya ang nagbibigay lakas sa akin. Kahit maaga akong nanganak, hindi koi
yon ikinakahiya, proud na proud ako! Ngapapasalamat ako sa aking mga tiya, tiyo, lolo,
lola at sa aking ina na tumulong sa akin para makamit ko ang aking tagumpay.
Kaya payo ko sa inyong mga mag-aaral, hindi masama ang magkaroon ng nobyo
at nobya badta alam ang mga limitasiyon. Ang pagtatpos ninyong ito ay ang unti unti
niyong pagkamit sa inyong mga pangarap.Sa mga guro, mga politico, business man at
iba pa, bakit sila nakatungtong sa ganoong propesiyon? Dahil hindi sila nagpabaya. Bago
matapos ang aking mensahe, gusto kop o munang magpasalamat sa mga guro ng
paaralang ito ng karangalan sa pag-imbita sa akin bilang panauhing pandangal sa taon
ng pagtatapos ngayon. Ang masasabi ko lang “mag-aral kayong mabuti dahil iyan lamang
ang yaman na maipapamana sa atin n gating mga magulang”. Nais ko kayong batiin ng
maligayang pagtatapos nawa”y makamit ninyo ang inyong mga minimithing pangarap sa
buhay, iyon lamang po at maraming salamat.

You might also like