You are on page 1of 4

Kabataan, Daan Tungo sa Kaunlaran

Una sa lahat, nais ko pong batiin ang isa’t isa sa atin sa araw ng ating pagtatapos. Binabati ko rin

ang mga magulang na nandirito ngayon, ang ating kagalang-galang na mga guro, ang ating

pinakamamahal na punong guro, Ginoong Whitney A. Dawayen, sa ating ipinagmamalaking panauhing

pandangal, Ginoong Jack E. Bagbaga at sa lahat ng mga naririto, isang magandang umaga po sa ating

lahat.

Isang magandang pagpupugay po sa atin sapagkat tayo ang unang batch na magtatapos ng Senior

High School. Kung noong Junior High ay tinawag tayong Grade 10 Completers, ngayon tanyag na

tayong gradweyt ng hayskul dahil natapos natin ang dalawang taong dagdag sa hayskul. Sa araw na ito,

isang napakagandang tema ang naihain para sa atin “Kabataang mula K-12 Tagapagdala ng Kaunlaran

sa Bansang Pilipinas”. Pero bago po ang lahat nais ko pong ipahayag ang aking maikling kasaysayan

bago pa man ako tumuntong sa yugto ng buhay kong ito.

Ako ay namulat sa isang mahirap na pamilya. Ang aking mga magulang ay isang hamak na

magsasaka lamang. Hindi nakakapag-ulam ng masarap , lahat ng bagay ay tinitipid lalo na sa pera.

Naalala ko pa, walang binibigay ang aking magulang na pera sa akin, may binibigay man dos lang

ganun. Pero hindi hadlang ang lahat ng mga ito para ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Ako ang

panganay sa aming magkakapatid kayat sabi ko sa sarili ko na pagbutihin ko ang aking pag-aaral para

matulungan ko din sila. Nagtapos ako ng elementarya at laking pasasalamat ko dahil grumadweyt ako ng

may karangalan. Tumungo ako sa hayskul, ang simula ng anim na taong pag-aaral ko sa hyaskul dahil

naabutan ko ang K-12 Kurikulum. May mga pagbabagong naranasan ko kumpara noong nasa

elementarya ako. Maraming mga proyekto, mga asignatura at akung ano-ano pa na ginagawa. Dito ko

unang naranasan ang sinasabi nilang “stress”. Sumali ako sa school paper namin na tinatawag naming

“Ap-apoy”. Sumali din ako sa Press Conference pero ni minsan di ako pinalad sa pagkakataong ito na
makapunta sa Regional. Sabi nga nila, kahit ilang beses mo pa sinusubukan kung hindi talaga para sa

inyo ang pagkakataong iyon ay wala talaga. Noong G-10 ako ay nagging SSG president ako na paaralan

namin at miyembro ng Girl Scout. Dito ko natutunan at nahubog ang pagiging responsible bilang isang

estudyante at bilang ulo ng opisyal sa lahat ng mga organisasyon. Nagpapasalamat ako dahil lahat ng

responsibilidad ko, mga plataporma ko, action plans namin ay nagampanan ko kahit ginagabihang

umuuwi, napapagalitan, tuwing sabado na araw para tulungan ang aking magulang sa kanilang trabaho

sa bukid ay nasa paaralan pa rin ako para gawin ang aming gawain. Pero sa kabila ng lahat, nagbunga

naman lahat ng mga pasisiskap at pagtitiyaga ko. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang at sa

Diyos dahil nagtapos ako sa Junior High bilang Junior Completer at pinarangaln “1 st in Highest

Average”. Tuwang- tuwa ako sa pag-akyat ko sa entablado para kunin ang medalya, diploma at

pagpapahayag ng talumpati ko sabay ang mga luhang di ko maipaliwanag (luha ng kagalakan)

Simula na naman ng dalawang taon sa Senior High. Hindi ko pa alam ang kursong kukunin ko.

Sabi nila kapag hindi ka pa daw nakadesisyon sa General Academics ka daw pupunta at pinili ko nga.

Pinagpasyahan naming ng magulang ko na sa Natonin na lang ako mag-enroll. Nag-aral ng ako doon,

ibang environment, ibang tao ang nakakasalubong, ang kanilang salita, mga kultura at tradisyon nila.

Pinilit kong mag-adjust at makibagay sa mga tao doon, mga guro at kamag-aral. Nagawa ko naman

ngunit parang hindi pa rin ako komportable sa pag-aaral ko doon. Pinagtiyagahan ko ito hanggang sa

malapit na ang bakasyon at napagdesisyonan ko nang hindi na doon mag-aral sa G-12. Nagpapasalamat

ulit ako dahil noong bakasyon ay pinarangalan ako bilang pang-apat sa klase namin.

Ngayong G-12 ay mga mababait ng guro, palakaibigan na mga kamag-aral ang nakilala ko dito

sa Mil-an National High School na ngayon ay kasama ko kayo sa araw ng pagtatapos nating ito.

Ngayong araw na ito ng ating pagtatapos, ay gusto kong iabot ang aking buong pusong pasasalamat sa

aking mga magulang at sa aking tita na sumusuporta sa akin, maraming, maraming, maraming salamat
po sa iyong walang hanggang pagsusuporta sa akin,sa pagbibigay ninyo ng aking mga pangangailangan

ko sa pag-aaral sa kabila ng pagkukulang ninyo ng pera para sa pambayad ko sa paaralan. Ang mga

hirap at sakripisyo ninyo ay may katumbas din.

Sa aming mga mababait na guro na nagsilbing ikalawang magulang sa amin, kami po ay

nagpapasalamat sa walang humpay na pagtitiyaga sa pagtuturo sa amin. Kayo ang nagtiyagang turuan

kami ng mga magagandang aral, magbasa, magsulat at magbilang. Kayo ang mga gurong walang

hinangad kundi itungo ang bawat isa sa amin sa tuwid na landas. Kayo ang dahilan kung bakit narating

namin itong yugto ng buhay namin. Kung ano man ang mararating naming sa aming kinabukasan,

minsan ay naging parte rin kayo ng aming pagtatagumpay.

Bilang isang estudyanteng nagunguna sa klase natin ay isang hamon para sa akin. Maraming mga

pagsubok ang kailangang mapagtagumpayan. Sapagkat nasa General Academics tayo, halos lahat ng

ating mga aralin, mga gawain ay nangangailangan ng kakayahang intelektwal. Kailangang pagsisikapan

mo ang lahat ng mga gawain upang maabot ang mataas na gradong kakailanganin para maging honor

student.

Ipinatupad ng dating pangulo ang K-12 Kurikulum at inaprobahan ito ng Department of

Education dahil sa paniniwalang may magandang pagbabago sa mga estuyanteng patungo sa kanilang

magandang kinabukasan. Naniniwala rin sila na matutulungan ng K-12 ang mga mag-aaral sa paghanda

nila patungong kolehiyo o anuman ang gusto nilang abutin sa kanilang buhay.

Ngayon, magtatapos na tayo ng Senior High. Tayo ay maghiwa-hiwalay dahil bawat isa sa atin

ay tutungo sa gusto niyang landas ng kanyang buhay. Bago ko pa man wakasan ang talumpating ito, nais

kong ipabatid sa mga kapwa ko magsisitapos ngayon na sana hindi tayo susuko sa pag-abot natin sa

ating mga pangarap. Alam ko matatayog ang ating mga pangarap sa buhay at marahil marami ding mga
hadlang ang kailangan nating malapasan. Sa mga magulang din naming, sana patuloy pa rin kayong

sumusuporta sa amin sa susunod naming tatahakin.

Sa pag-abot natin sa ating tagumpay, huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating mga

magulang, sa ating mga naging guro dahil sa kanila ay nakamit natin ang ating minimithi. Katulad din sa

mga paaralang pinanggalingan natin dahil dito tayo hinubog kayat dito rin natin ibahagi ang ating mga

napagtagumpayan upang kaagapay nito sa kaunlaran ng ating bansa. Tayong mga kabataan ngayon ay

hawak natin ang pag-unlad ng bansa. Tayo ang magsilbing modelo sa mga sumusunod pang henerasyon

para sa kanilang kinabukasan. Naniniwala ako na makakamtan natin ang pag-unlad sapagkat tayo ang

mga kabataang taglay ang lakas, ang talino, kakayahan at ang pangarap na maaaring makapagpapabago

sa ating bansa. Tayo ang mga kabataang tagapagdala ng kaunlaran sa ating bansa.

Sanggunian:

Vicente, J. (n.d.). “Kabataan, Daan Tungo sa Kaunlaran.” Academia. Nakuha mula sa

https://www.academia.edu/34764942/Talumpati

You might also like