You are on page 1of 2

Zhareighneile Mamolo

STEM 2112

“Unang karanasan sa ibang bansa”

Ako ay lumaki sa pamilyang hindi ganoon kadalas kung mamasyal sa mga iba’t ibang lugar
at mga probinsya rito sa Pilipinas marahil sa sobrang abala ng aking mga magulang sa kaniya
kaniyang mga trabaho. Iba na rin ang panahon noon sa ngayon, kung noong mga bata pa kami ng
aking mga kapatid ay nakakapamasyal ang aming pamilya sa kung saan saan, ngayon naman ay
hindi na sapagkat wala ng panahon. Ganun pa man isa sa mga hindi ko makakalimutang lugar na
aming napuntahan ay ang bansang Hongkong nung ako’y siyam na taong gulang palang.

Buwan ng Pebrero noong taong 2010 nang magpasya ang pamilya naming pumuntang
Hongkong upang mamasyal sapagkat nabigyan kami ng libreng ticket sa Hongkong Disneyland at
sayang naman kung hindi namin susunggaban ang pagkakataon. Maliban sa ito ang unang beses
kong makatapak sa ibang bansa, ito rin ang unang beses kong maranasang makasakay sa isang
sasakyang panghimpapawid.

Tatlong araw kaming nag lagi sa Hongkong, sa unang pagtapak palang ay mararamdaman
mo na agad na wala ka na talaga sa Pilipinas dahil sa hangin at klimang pambungad sa iyo. Noong
mga panahon na ito ay masimoy pa ang hangin rito kung ikukumpara mo sa ating bansa.
Nakakapanibago rin ang klima rito sapagkat tirik ang araw kahit na malamig ang hangin tuwing
umaga at sobrang lamig naman ng panahon pag sapit ng gabi.
Zhareighneile Mamolo
STEM 2112
Marami kaming napuntahang mga lugar at mga museo, ang ilan ay nakalimutan ko na
marahil ay ilang taon na rin ang nakalipas nang magpunta kami rito. Sa loob ng tatlong araw na
pamamasyal ay masasabi kong maganda ang bansang ito. Maraming magagandang gusali at bukod
dito ay mababait rin ang mga tao. Nakakamangha ang naglalakihang mga gusali at mga
magagandang sasakyan na madalang mo lamang makikita sa ating bansa.

Isa sa mga paborito kong pinuntahan sa bansang ito ay ang Disneyland. Sumakay kami sa
mga rides at kumuha ng mga litrato at mga video, nanood ng 3D films at fireworks display. Talaga
nga namang nakakawala ng tinatawag nating stress at mga problema ang pagpunta rito. Sa
maikling panahon ay makakalimot ka sa mga nararapat mong gawin at walang iisipin kundi ang
magpakasaya.

Napansin ko na kahit na malaki ang pinagkaiba ng bansang ito sa ating bansa ay may
pagkakatulad rin naman tulad ng halaga ng pera, ang ugali ng mga mamamayan, ang paglalako at
pagbebenta ng streetfoods, at marami pang iba na siyang kahit papaano ay mararamdaaman mo
ring nasa Pilipinas ka.

Masasabi kong ang bansang ito ay isa sa mga hindi ko malilimutang lugar sapagkat kahit
na sa maliit na gulang pa lamang ay naihalintulad ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura
ng ating bansa sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit naipangako ko sa aking sarili na magt-
travel o maglakbay ako pag ako’y nasa tamang edad at may sariling ipon na.

You might also like