You are on page 1of 2

Baynos, Diane Rose G.

11- Blessed Josephine (HUMSS) Oktubre 03, 2019

Lambug Beach of Badian, Cebu

Ang Cebu ay naturingan bilang “Queen City of the South”. Kilala ito bilang isang lugar
kung saan matatagpuan ang napakaraming naggagandahang isla. Marami rin itong
kasaysayan na talaga namang gaganahan kang tuklasin at alamin. Ngunit kung sa tingin mo
ay nalibot mo na ang kayamanang dala ng Cebu, nagkakamali ka. Sino nga ba ang mag-
aakalang may tinatagong mala-Little Bora ang Cebu?

Noong nakaraang bakasyon sa taong 2016, pumunta kaming magkapamilya sa


Lambug Beach, Badian, Cebu. Napagdesisyunan namin na puntahan ang Lambug Beach
ng Badian, Cebu dahil interesado kaming malaman pa ang kabuuang yaman nito lalo na’t
nalaman naming ang kasaysayan ng lugar ay mayaman daw ito sa isang halaman na
tinawag na "badyang" (o ‘giant taro’ sa Ingles) at doon nakuha ang pangalan nito.
Nahihirapan daw ang mga Kastila na ipahayag ang badyang kaya napagpasyahan nilang
ibagsak ang "g" at baguhin ang "y" sa "i" na ginagawa itong "badian". Ang Badian, tulad ng
iba pang mga bayan sa Cebu, ay nagsisimula na lumubog bilang isa sa mga patutunguhan
ng turista. Dahil ang pagbubukas ng mga turista ng turista nito, nakamit na nito ang
katanyagan hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa mundo. At talagang hindi maitatanggi
ang kagandahang dulot ng naturang lugar nang mapuntahan na naming ito. Maputi ang
buhangin at napakalinaw ng tubig dagat, kamangha-mangha pa ang mga tanawin at hindi
talaga kami nito binigo sa aming pagpunta rito. Malinis rin ito at hindi rin masyadong matao
sa aming pagpunta doon kaya naman perpektong lugar ito kung gusto mong
makapagpahinga dahil mapayapa ang buong lugar. Isa ito sa mga dahilan bakit parang
ayaw na naming umuwi sa siyudad; dahil sa kapaligiran nitong nagdudulot ng kaginhawaan.

Hindi maitatanggi na hinahanap-hanap namin ang pakiramdam sa pagpunta sa


paborito naming dagat ng Badian, Cebu. Hindi ito katulad ng ibang beach resort dahil bukod
sa hindi ito mahirap puntahan, ito ay hindi nanghihingi ng malaking halaga sa pagrenta ng
kubo at mura rin ang entrance fee nito. Naka-save ka na sa gastusin, makokontento ka pa sa
lugar na ito dahil para ka nang nakapunta sa isang munting paraisong itinago ng Cebu. Sa
araw na iyon, nakita at nasaksihan namin ang paglubog ng araw. At talagang namangha
Baynos, Diane Rose G. 11- Blessed Josephine (HUMSS) Oktubre 03, 2019
kami sa iba’t ibang kulay na nagkakahalo sa araw. At iyon ang isa sa mga
pinakanakakamanghang tanawing nakita ko buong buhay ko. Parang ang perpekto ng
momentong iyon, mula sa mga punong nakapalibot sa lugar, sa pinong buhangin, sa malinis
at napakamalinaw na tubig dagat, sa mga taong kasama ko sa bakasyon na iyon,
hanggang sa sunset na nakakaakit. Kaya ano pa nga ba ang hinihintay niyo? Tara na at nang
matuklasan niyo rin ang iba’t ibang yamang dala ng Lambug Beach sa Badian, Cebu!

You might also like