You are on page 1of 2

Thomas Oisin O.

Ano 12 – Our Lady of Sorrows

Filipino sa Piling Larangan Talumpati

Paaralan: Ito lang ba ang tanging paraan?

Ang pag-aaral sa paaralan ay pinaniwalaan ng maraming tao na ito ang daan


upang magkaroon ng maganda at maginhawang kinabukasan. Base sa aking realidad,
ang paniniwalang ito ay may tama at mali sa ibang kadahilanan. Ano nga ba ang tama at
mali sa paniniwalang ito? Kung gusto niyong malaman, makinig kayo ng mabuti.

Tama nga naman ang paniniwalang ang pag-aaral ay ang daan sa pagiging
matagumpay sa buhay. Ito rin ay ang daan upang makamit ang pangarap ng karamihan.
Isang patunay ang aking mga matagumpay at mayayaman na mga tiyuhin. Dahil sa
kasipagan nila sa pag-aaral, nakapagtapos sila sa kolehiyo, nagkaroon ng matatag na
trabaho, at guminhawa sa buhay. Ngunit ang nakikita kong mali sa paniniwalang ito ay
sadyang hindi na ito naaangkop sa henerasyon ngayon. Ang henerasyon na kung saan
pinagbigyan na ng pansin ang pagiging malikhain at produktibo ng mga tao; ang
henerasyon na kung kailan ang mga industriya at teknolohiya ay palaging namumulaklak;
at higit sa lahat, patok ang social media! Kung nagiging matagumpay man ang ating mga
kakilala o kamag – anak ng dahil lamang sa pag-aaral, ang katotohanang ito ay matagal
nang nag laos. Kasi sa panahon ngayon, marami nang opurtunidad sa labas ng paaralan
ang naghihintay sa atin. Ilan sa mga ito ay ang pag i-invest sa mga startup na kompanya,
pangangalakal ng cryptocurrency, pag nenegosyo sa online o hindi online, magtrabaho
sa online, at maaari ring pagkikitaan ng pera ang iyong pagiging produktibo at malikhain
sa social media. Ang lahat sa nabanggit ay base sa aking nakikitang katotohanan na
nangyayari sa ating lipunan ngayon. Kung marami ang nagtagumpay dito, marami rin ang
hindi.
Sa madaling salita, hindi lamang sa pag-aaral na pwedeng magtagumpay ang
isang tao sa panahon ngayon. Uulitin ko, maraming opurtunidad ang nag hihintay sa atin.
‘Yon nga lang, ang opurtunidad na ito ay hindi madaling hanapin, kasi hindi ito nakikita
ng ating dalawang mata, kundi makikita lamang ito sa ating kaisipan.

You might also like