You are on page 1of 2

hawak-kamay, halik at yakap, ilan lang 'yan sa mga paraan ng pagpapakita at pagpaparamdam ng

pag-ibig sa taong minamahal natin. Mapamatanda, bata, babae, lalaki, tomboy,bakla, at pati na
din ang mga hayop ay gumagamit ng ganitong paraan. ngunit pagdating sa magkasintahan, bakit
may tinatawag na Public Display of Affection? ang lantarang pagpapahayag at pagpapakita nga
ba ng pagmamahal ng makasintahan ay masama? Alam kong hindi, pero pag masyado nang
sobra, malaswa nang tignan.
kung ikaw ay isang tiga-Malolos, alam kong naiisip mo ang "mini forest park" sa capitol, kung
hindi, sige, subukan mong puntahan at malalaman mo kung ano ang kaugnayan ng lugar na iyon
sa isinusulat ko. ang karamihan na nandoon ay mga magkasintahang estudyante. bawat isang
pares sa kanila ay may kani-kanilang lebel ng PDA, may ilan sa kanila na, matutuwa ka pa pag
nakita mo dahil ang sarap nilang tignan, sadyang malambing lang pareho,kumbag ba'y hindi
O.A., katanggap-tanggap pa. meron namang nakakairita na, yung tipong kung maglingkisan ay
parang maya-maya lang ay magugunaw na ang mundo. mga walang pakialam kung may
nakakakita o nasasagwaan na sa ikinikilos nila sa publikong lugar. naalala ko pa nang unang
beses akong mapunta sa lugar na iyon at matambay, hindi ko mabilang ang mga ibong
nagtutukaan doon. "Wow ha? pa'no pa pag gabi na.PATAY!" sabi ko sa sarili ko. nadumihan din
ako sa pag-iisip ko nang oras na iyon, pero masisisi mo ba ko? Nag-suot pa ng uniporme eh
parang hindi naman yata sa eskwelahan ang gustong tunguhin. may mali ba? oo meron, mali kasi
nasa publiko. ang lugar na iyon ay parke. lugar para sa lahat ng tao, kaya posibleng may bata.
isipin mo na lang paano kung habang naglalampungan kayo, ay nakatingin sa inyo ang bata, sino
ba ang dapat mahiya? ikaw at ang kasintahan mo na kwarto na lang ang kulang? o ang batang
nanunuod sa inyo? paano kung may batas para sa mga P.D.A students o kahit na sa hindi
estudyante? Sa ilang bansa, anumang uri ng PDA ay isang criminal act. Depende na ito sa
relihiyon, sa kultura ng bansa, at sa exposure.
Sa Europa, USA at sa Canada, normal lang ang holding hands at kissing (lips to lips) sa publiko.
Sa tradisyunal na bansang Iran at Saudi Arabia, kahit na anong klase o lebel ng PDA ay
ipinagbabawal. Ngunit, sa iba namang Arab countries, depende sa bansa at ciudad, tanggap ang
ilang uri at lebel ng PDA. Sa Indonesia, mayroong pinapanukala na batas na ipagbabawal ang
halikan sa publiko. Ayon naman sa Supreme Court ng India, ang PDA ay isang public nuisance,
bad taste at hindi katanggap-tanggap.
kung ako ang tatanungin mo, ang paghahawak-kamay na ang pinaka katanggap-tanggap na PDA,
lalo na kung ang mga nasa paligid niyo ay hindi naman ninyo kakilala. masarap pa din naman
kasing tignan ang magkasintahang HHWW (holding hands while walking). maaari na din
maging katanggap-tanggap ang paghalik sa pisngi, tanda ng pagpapaalam o kung naghahanap ka
ng mas siguradong katanggap-tanggap kaysa sa halik, pwede din naman ang beso-beso.
para kay lalaki, matuto kang umalalay at rumespeto, kung ayaw ni babae ang magpaka SHOWY
sa publiko'y huwag mong pilitin. hintayin mo ang tamang panahon, at tamang lugar. tandaan mo,
mas masarap mahalin ang babaeng may pagmamahal at pag-galang sa sarili. at kahit naman
pumapayag si babae sa pagsasapubliko ng inyong damdamin (showbiz ang dating mo ha) isipin
mo ang kapakanan niya, huwag mong hayaang maging kabastos-bastos ang iyong nobya sa
paningin ng iba. kung talagang mahal mo siya, ikaw na mismo ang maglugar ng kilos ninyo.pero
kung si bababe ang mapilit, hayaan mo, iba na yan.
para kay babae, huwag kang makiri, magpakadalagang Pilipina ka, huwag kang papayag na
ipagkalantaran ng iyong nobyo ang paglalambing niyang may halong tawag ng laman. kung sa
kanya ay walang mawawala, sa'yo meron, ang respeto ng mga nakakakita sa inyo. huwag mo
ding idahilan na mahal mo siya at mahal ka niya kaya ka pumapayag kundi ay babatukan kita.
kung mahal mo siyang talaga ay turuan mo siya ng tamang kilos, at kung mahal ka niya, hindi ka
niya pipilitin pag hindi nakuha sa pakiusapan, iwanan no na te, hindi ka mahal niyan.
huwag nating hintayin na magkaroon ng patakaran ukol sa PDA, baka ultimong simpleng
paghahawak-kamay ay hindi na natin magawa. habang wala pa'y sundi natin ang dikta ng
tradisyon- magpakaluma tayo ngunit maayos. maging sensitibo para sa sarili at sa nakararami.
ikaw? mababahala ka ba sa bagay na ito? o magkikibit-balikat na lamang dahil sa isa ka sa mga
PDA students or couples, o dahil sa tingin mo, ito'y bahagi ng pagbabago?

You might also like