You are on page 1of 1

Opinyon Mo, Ipahayag Mo

1. Buong igting kong sinusuportahan lahat ng frontliners na nagbuwis-buhay para silbihin


ang ating bansa sa gitna ng krisis na ito. Bilang isang sambayanang Pilipino, sama-
sama natin sundin ang mga protokol katulad ng "social-distancing" para sa ating
kaligtasan, pati na rin sa mga manggagawa na patuloy na lumalaban. Kaya dapat
pahalagahan natin sila pagkat sila ang haligi ng ating bayan.

2. Kung ako ang tatanungin, ang distance-online learning ay mahirap abutin o


maisasatupad sa kasalukuyang sitwasyon ngayon. Maraming kabataan ngayon ay
maiiwan dahil wala silang mga gadget o mobile devices atsaka internet para sa
sistemang ito. Possible namang maging modular ngunit ito’y makakaapekto sa kalikasan
dahil sa malaking paggamit ng papel. Tungkol naman sa isyung “#AcademicFreeze”,
para sa akin ay hindi mairekomenda dahil malaking problem ang maidulot nito sa ating
ekonomiya. Maraming mga guro ay mawawalan ng trabaho at maraming mga paaralan
ay masisira.

3. Sa aking palagay, tama na isinatupad ang curfew ngunit maraming maaapektuhan. Mga
companya, drayber, at mga manggagawa na umaasa sa kanilang trabaho para
mapakain nila ang kanilang mga pamilya. Ang pinakamagandang solusyon ay gawing
mas matibay ang mga “health protocols” kasi diyan nakasalalay ang kalagayan ng mga
tao. Kahit na may curfew, kung ang tao ay hindi madisiplina sa kanilang sarili ay hindi
natin malutas ang isyung ito.

You might also like