You are on page 1of 2

Rice Tarrification Law

ni Zoe Vera S. Acain

Pilipinas, pag dating sa kainan hindi papaawat ang mga Pilipino. Sadyang natural na sa
atin ang pagiging palakain, mapafiesta man o birthdayan. Ngunit may napapansin ba kayong
kaisa-isang bagay na hindi nawawala sa hapag kainan? Hulaan niyo nga hindi mabubuo ang
tapsilog kung wala ito? Tama, kanin ito. Nakasanayan na natin itong ipares sa kahit anong
putaheng nakahain sa ating hapag kainan. Mapamayaman man o mahirap ito ay ating hahahanap
hanapin. At sa sobrang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanin o bigas bahagi na ito ng ating
pagiging Pilipino.
Isa ang bansang Pilipinas sa may pinakamataas na produksiyon ng bigas at siya ding
nagapapadala sa ibang bansa noong dekada 70s at 80s. Ngunit dahil sa patuloy na mabilis na
paglaki ng ating populasyon at sa pagbaba ng mga Pilipino na nais magsaka, tayo na ngayon ang
nag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa tulad ng Thailand at Vietnam. Sa pagbaba ng suplay
ng bigas, patuloy na tumataas ang presyo nito sa ating merkado. Sa kabila ng mga suliraning ito,
hinahanap-hanap parin ng mga Pilipino ang bigas.
Upang masugpo ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, ipinasa noong Pebrero nitong
taon ang Republic Act No. 11203 or mas kilala bilang Rice Tarrification Law. Naglalayon ang
batas na ito na pababain ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagtanggal ng limitasyon ng
inaangkat na bigas sa ibang bansa. Dahil dito magiging unlimited na ang bigas na maaaring
kunin sa ibang bansa at dahil mas mura ang bigas na ito mas nais itong bilhin ng mga
mamimiling Pilipino. Subalit upang maging competitive sa mga imported na bigas, binaba ng
mga nagtitinda ng bigas ang presyo ng lokal na bigas na dahilan din ng pagbaba ng presyo ng
palay. Oo, nahinuha ng mga mambabatas na maaapektuhan nito ang mga lokal na magsasaka
kaya naman nakapaloob sa nasabing batas ang Rice Competitive Enhancement Fund o ‘Rice
Fund’. Ang Rice Fund ay mula sa mga naipon na taripa sa mga inangkat na bigas mula sa ibang
bansa at dito manggagaling ang mga ayudang ibibigay ng pamahalaan sa mga magsasaka para sa
maayos na produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagpapakilala at pagbibigay ng makabagong
pamamaraan ng pagsasaka tulad ng pagpapaunlad, pagpapalago ng binhi ng palay, mga
kagamitang pang saka at makinarya.
Ngunit sapat ba na compensation ang Rice Fund para sa mga magsasaka? Hindi. Ayon sa
mga datos na aking nakalap, mas mataas pa ang ikinalugi ng mga magsasakang Pilipino kesa sa
financial assistance na pinagkaloob ng gobyerno. Sabi nga nila, Republic Act no. 11203 Rice
Tarrification Law, mas masahol pa ang dagok na idinulot nito sa sektor ng magsasaka at sa
buong bansa kaysa sa idinulot ng bagyong Ompong.
Bilang isang anak ng magsasaka, malapit ang isyu na ito sa aking puso. Nararamadaman
ko ang hirap, lungkot, at galit na nadarama ng libo-libong magsasakang Pilipino. Sabi ng ating
gobyerno, masyado pa daw maaga upang husgahan ang nasabing batas. Ngunit para sakin,
kitang-kita na ang epekto nito sa ating bansa at sa ating mamamayan. Para sa akin, isinantabi at
binabaan ng batas na ito ang halaga ng mga magsasakang Pilipino na isa sa mga
pinakamahalangang tao na bumubuhay sa ating bansa at sa ating pagka-Pilipino. “Magtanim ay
’di biro. Maghapong nakayuko.’Di man lang makatayo,'Di man lang makaupo." Magsasakang
Pilipino bigyang katarungan, lokal na produksiyon ng bigas ating tangkilikin at tulungan.

You might also like