You are on page 1of 5

Lakbay – Sanaysay

Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang ala-ala lalo


na't kasama natin ang pamilya. Isa mga paglalakbay na
hinding-hindi ko malilimutan ay nangyari noong bakasyon
ng taon dalawang libo’t labing-walo sa buwan ng Abril.
Heto ang mga pangyayaring naganap sa aming
nakakaaliw na pasyal.

Lugar na walang maikukumpara sa malalaking tanawin


at nakamamanghang kagandahan ng Campuestohan
Highland Resort sa Talisay City, Negros Occidental.
Pagkarating naming sa lugar ay agad akong nabighani sa
tanawin. Ang klima ng lugar na ito ay may kalamigan at
tila napakagandang kapatagan na makikita galling sa
ibaba. Ang isa sa atraksiyon na ito kung bakit kawili wili ay
ang replika ng mga higanteng estatwa ng superhero,
dinosaur at pati rin bahay ng hobbit at mga Indian tents.
Makikita din sa lugar na ito ang estatwa ng higanteng
unggoy mula sa pelikulang “Kingkong”. Mayroon ding iba’t
ibang uri ng aktibidad, rides katulad ng zipline,
restaurants, at mga rooms kung saan pwede tuluyan kung
sakaling nais mong magpalipas ng gabi sa lugar.

Sa aming byahe, sunod naman na pinuntahan namin ay


ang Mambukal Mountain Resort, ngunit sa kasamaang
palad hindi kami nakapag check-in doon marahil sila ay
fully booked dahil marami ring turista ang bumisita doon,
kaya’t kami ay nagtampisaw at naligo na lamang sa
kanilang swimming pool. Ang huling destinasyon naman
na pinuntahan naming sunod ay ang Butterfly Garden sa
Mambukal Mountain Resort. Ito ay isang magandang lugar
para sa mga taong mahilig sa mga halaman at kalikasan.
Tila ba ikaw ay rang nasa isang paraiso na napakakalma
ng paligid lalo na’t makikita mo ang nagagandahang at
makukulay na paru-paro.
Paglalakbay sa Sipaway!

Ang bayan ng San Carlos kung saan bahagi ang Sipaway Island ay isang bayan
na naglalaman ng ilang destinasyong pang turista na sulit sa iyong oras.
Matatagpuan sa pagitan ng mga isla ng Cebu at Negros, ang Blue Wave Resort
Sipaway. 10-15 minutong biyahe sa bangka mula sa San Carlos City na halos
dalawang oras ang layo mula sa Bacolod. Ang mga bangkang bumibiyahe sa
Sipaway Island ay nagsisimula mula 8 am hanggang 5 pm.

Ang mga puting buhangin na baybayin ng isla ay mga patunay na ang lugar na
ito ay isang guhit ng langit sa lupa. Kung ang buhay sa lungsod ay naging
napakaingay at puno ng maraming stress at pressure, dito, makikita mo ang iyong
sarili na nalubog sa ganap na kapayapaan. Dahil hindi gaanong masikip, lahat ay
ginagarantiyahan ng isang araw ng pagninilay-nilay na pakikipag-isa sa kalikasan.
Iniimbitahan ka ng dagat para sa isang nakakapreskong paglangoy. Hinding-hindi
ka na pipigain sa paglubog buong araw sa tubig na asul ang kalangitan. Ang ilalim
ng tubig ay biniyayaan din ng mayamang marine life kaya ang snorkeling ay isang
bagay na hindi mo dapat palampasin.

Sa gabi, maaari kang mag camp kasama ang iyong mga kaibigan sa malawak na
kahabaan ng baybayin at humanga sa malinaw na kalangitan na may mga
kumikislap na bituin. Ang bonfire kasama ang mga ito ay maaari ding maging isang
mahusay na paraan upang maging masaya ang iyong pananatili dito. Siyempre,
ang tunog ng alon at ang magandang tanawin ng abot-tanaw ay mga bagay na
magpapahalaga sa buhay at kalikasan. Maliban sa paggugol ng oras sa beach,
mayroon ding iba pang mga kawili-wiling lugar sa loob ng isla. Ang isang siglong
gulang na puno ng balete ay isa sa mga pinakasikat na lugar. Ang Scuba Diving ay
isa ring aktibidad na dapat gawin.
Nasasabik at nasisiyahan akong balikan ang mga panahon nang pumunta kami sa
Cambulawan,Tagaytay. Isang araw na punong-puno ng kasiyahan at tawanan. Ang
paglalakbay ay masayang gawin kung kasama ang pamilya at mga kaibigan. Mga plano
na kapag  natuloy ay sobrang nakakatuwa. Maraming nabubuong alaala at
pagsasamahan tuwing naglalakbay. Isa din ito sa mga paboritong gawin ng mga Pilipino.
Itong lugar na aking ibabahagi ay dito at ito ang pinaka magandang tanawin na aking
napuntahan. Narito ang isa sa aking paglalakbay noong bakasyon na hindi ko
malilimutan.

Bilang isa sa mga kabataan ngayon ay ang hilig kong gawin ay tanawin ang magandang
kalikasan. Ito ang isa sa lugar na aking napuntahan na at maipagmamalaki ko kong saan
ako lumaki. Sa paglalakbay ko patungog bukid, nalanghap ko ang hangin na dumampi sa
aking katawan. May mga matataas na niyog at mga damong kay gandang higaan.
Mapang-akit na tanawin na kay gandang pagmasdan. Mga huni ng ibon na ang sarap
pakinggan. Sa bukid, ibang-iba ang dating sa paningin ko.  Palibhasa, madali akong
naakit sa kagandahan ng kalikasan. Iba ang init ng araw; ang hangin ay walang polusyon;
ang agos ng tubig sa kanal ng Irigasyon ay malinaw at malamig.

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan


ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan.
Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na
yaman. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga biyayang ating
natanggap galing sa kanya.

You might also like