You are on page 1of 2

Repleksyong Papel

Pelikulang Banyaga: The Child’s Play (2019)

Isang uri ng pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga

manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Ito ay isang kwento ng masamang manika

at ang bidang nag ngangalang si Andy Barclay. Tumanggap ng isang espesyal na laruan mula sa

kanyang ina - isang tila inosenteng manika na naging pinakamatalik niyang kaibigan. Pero di

kalaunan ay gumagawa na ito ng masasamang bagay na nakikitang niya sa paligid. Hindi na

mapigilan ang kasamaan ng manika kaya nakiisa si Andy sa iba pang mga bata sa kapitbahayan

upang matigil ang makasalanang laruan mula sa pag-agos ng madugong kaguluhan.

Nang mapanood ko ang The Child’s Play (2019) na pelikula halo halong emosyon ang

aking naramdam. Sa umpisa natuwa ako dahil ang manikang nasa pelikula ay parang totoong tao

na magiging kasama mo sa araw araw. Ipapa-alala kung ano man ang mga naiwan mong dalhin

papasok sa eskuwela. Pwede mo rin siyang isama kung saan at makipag laro. Pero sa kalagitnaan

ng palabas ay nakaramdam na ako ng kaba sa mga pangyayari, gulat at takot. Sa panahon natin

ngayon madaming ng na-iimbentong mga modernong bagay. Katulad nalang ng manikang si

Chucky para na siyang totoong tao sa mga kilos niya. Wala itong utak o isip para malaman kung

ano ang tama at mali. Kung ano ang nakikita neto yun ang kanyang gagayahin. Naka-kakaba na

ang mga pangyayari, mas madami na siyang nagagaya na masasamang bagay kaysa sa mabubuting

bagay. Nakakagulat ang mga kilos dahil mas nagiging bayolente na ito sa mga taong nasa paligid

niya. Ako ay natatakot dahil parang hindi na kayang pigilan ng kung sino man ang kanyang

masasamang gawa.
Huwang hayaang manood ng ganitong klaseng pelikula ang mga bata. Dapat ay may
kasamang mas nakakatanda dahil bayolente ito at may masasamang salita ang maririnig.

You might also like