You are on page 1of 9

Iwasan ang Stress

Sa araw-araw na pamumuhay natin dito sa mundong ibabaw ay hindi natin


maiiwasang dumanas ng mabibigat na pagsubo sa buhay. Kaliwa’t kanang suliranin na
pinapatindi pa ng iba’t ibang mahihirap na gawain sa buhay. Ngunit magkagayon paman,
ay karamihan sa atin ay matatag subalit marami rin ang hindi kinakaya ang mabibigat na
pasanin sa buhay at nawalan ng pag-asa. Bawat tao’y may iba’t ibang dinadalang mga
pasanin sa buhay kaya hindi natin maiiwasang ihambing ang sarili natin sa iba. Ngunit
kung ating susuriin ay magkasingbigat lamang ang ating pasan. Masasabi kong nasa
paraan lamang ito ng tao sa nagdadala ng kanyang problema. Ang ibang taong naging
negatibo ang pananaaw a pagdadala ng mabibigat na problema ang siyang kalimitang
nakakaranas ng stress. Ngunit ano nga ba ang stress? Paano natin ito maiiwasan?

Ang pagkakaroon ng STRESS ay isang normal o pangkaraniwan na bahagi ng


pang-araw-araw nating pamumuhay. Kadalasan pa nga, ang pagkakaroon ng stress ay
hudyat upang umisip at gumawa ng tayo ng mga paraan o bagay na makabubuti para
malutas ang isang sitwasyon o suliranin sa ating buhay. Subalit kung hindi maayos ang
pagharap natin sa mga sitwasyon, ito ay maaaring mauwi sa mga problemang
pangkalusugan.

Ang "STRESS" ay sinasabing ang reaksiyon ng ating katawan at pag-iisip sa mga


sanhi ng stress tulad ng mga problema sa bahay o sa ating tahanan; ang kawalan ng pera
na kalimitang pinag-uugatan ng pag-aaway ng mag-asawa, ang problema naman sa
relasyon ng mag-asawa kapag nambababae o nanlalalaki ang isa sa kabiyak ng mag-
asawa o ang hindi kaya ay ang hindi magkaroon ng anak o pagkabaog. Kapag pagod na
rin sa pag-aaruga sa mga anak ang asawa na kahit sa sinong parte ng pamilyang
inaarugahan at nag-aalaga sa mga anak o inaanak o kaya ay kaanak ay nagiging sanhi ito
lalo na kung ang inaalagaan ay may pagkapilyo. Ang pagkakaroon naman ng sakit o
kapansanan na minsan ay iniisip na niyang siya ay pabigat na sa kanilang pamilya kaya
gugustuhin na lang na mamatay o magpakamatay o hindi kaya ay gugustuhing mapag-isa
at iwanan. Ang pagkakasakit naman ng mga mahal sa buhay na kalimitang buong
pamilya ang apektado lalong lalo na sa mga gastusin, pag-aalaga at ito ay nakakagambala
pa ng mga gawain ng pamilyang may nagkakasakit. At ang pagkawala o pagkamatay ng
mahal sa buhay na buong kamag-anak at kapamilya ay lubos na nagluluksa o
nagdadalamhati lalong lalo na ang pinakamalapit na kamag-anak. Hindi lang sa bahay o
tahanan matatagpuan ang mga sanhi ng stress dahil ang mga problema ay kadalasang
nasa trabaho rin makukuha at ito ay ang mga sumusunod; ang pagkawala ng trabaho kung
saan ito ang tangi nating inaasahan para sa ikabubuhay ng pamilya o hindi kaya ay ang
paglipat ng trabaho na hindi natin ito maiiwasan lalong lalo na kapag hindi pa
permanente sa ating pinapasukan at ang tanging dapat lang nating gawin ay tanggapin ito
kahit mahirap lalong lalo na kung mawawalay pa tayo sa ating mga mahal sa buhay. Ang
pakikitungo naman sa amo at sa mga katrabaho na minsan ay pinag-iinitan tayo, minsan
ay ginagawan ng mga kwentong walang katotohanan upang masira sa posisyon at
hinahanapan ng butas kahit wala tayong ginagawang masama sa kanila. Kapag tayo
naman ay pagod na pagod sa pagtatrabaho dahil sa mga tambak na mga ipinapagawa at
wala ng oras sa sarili at sa pagpapahinga at minsan pa ay makalilimutan ng kumain. Ang
kawalan ng gana sa trabaho dahil sa mga problemang iniisip lalo na kapag maysakit ang
ating katawan tulad ng trangkaso o lagnat. Kung malayo naman ang lugar ng trabaho
mula sa bahay ay nagiging perwisyo rin ito lalong lalo na kung tayo ay nagmamadali para
sa mga gawain kaya talagang tataas ang presyon ng dugo natin. At ang mababang
pasahod ng ating pinapasukan na kadalasang ang apektado ay ang mga malaking mag-
anak lalong lalo na kung maraming gastusin sa pamilya. Dagdag pa ay ang lahat ng
natatanggap nating mga estimulo sa kapaligiran tulad ng init at lamig ng klima o
panahon, ingay sa paligid lalo na sa mga matataong lugar, mga gamot na pinapainum, ang
masamang amoy sa mga bagay bagay o hindi kaya ay sa mga taong nakapalibot sa atin at
iba pa ay nagiging sanhi ng stress. Kung isa ka namang mag-aaral o estudyante ang
kadalasang sanhi ng pagkaka-stress ay ang mga gawain sa paaralan tulad ng mga
proyektong kailangan ipapasa sa itinakdang panahon, kawalan ng pera para sa baon o
pambayad sa mga gawain, ang kalayuan ng tirahan patungo sa paaralan na kadalasan ay
pagod na pagdating sa bahay at kunti lang ang panahon upang magpahinga, mga guro o
propesor na may kanya kanyang paraan ng pagtuturo at ang parating na mga pagsusulit.
Kaya masasabi talaga nating ang stress ay parte na ng ating buhay mula pa sa pagsilang
hanggang sa pagkamatay.
Ang mga epekto ng stress sa ating katawan kung hindi makokontrol ay maaring
humantong sa: una ang alta-presyon o stroke kung saan ito ay nangyayari dahil sa
sobrang puwersa ng dugo na tumutulak sa loob ng ugat na kung minsan ang iilan ay
pumuputok na, kadalasang mangyayari ito kapag sobrang mataas ang presyon ng dugo na
dumadaloy dahil na rin sa mga problemang hinaharap na lubos na nakaapekto sa normal
na pagdaloy ng dugo sa katawan ng tao at sanhi rin ng masidhing damdamin o emosyon.
Ang masamang maaaring naidudulot nito ay ang mga nakamamatay na sakit gaya ng
sakit sa bato, atake, pagkasira ng puso, pagkabulag, atake sa puso at pagkaparalisa. Ang
stroke ay kilalang “silent killer” o traydor na sakit, dahil kadalasan ay walang kilalang
sintomas at hindi kaagad naaagapan hanggang sa ito ay lumala. Kaya dapat bantayang
mabuti at huwag ipagwalang-bahala ang pagsakit ng ulo at panghihina ng katawan,
paglabo ng paningin at pagkahilo, pagdurugo ng ilong, pamamanhid ng braso o binti at
pagbilis ng tibok ng puso at hirap sa paghinga. Pangalawa, ang pagkakamainitin ng ulo
na kahit na kaunting bagay lang ang pinagmulan ay pinapalala at agad na itong nagagalit
at yung iba ay mananakit pa. Pangatlo, ang pananakit ng ulo sanhi ng kaiisip sa problema
na humantong sa stress na lalong nakaaapekto sa kalusugan. Pang-apat ang diarrhea o
pagtatae na kadalasan ang reaksiyon ay ang sumakit ang tiyan o magka-LBM (malambot
ang tae), bagay na hindi dapat baliwalain lamang dahil nagiging mahina ang katawan ng
tao sa patuloy nitong pagtatae. Ang panglima ay ang ulcer, na mga butas sa itaas na parte
ng bituka ng tiyan na sanhi ng pagka-stress kung kaya’t nagpapalabas ito ng asido sa
tiyan na siyang dahilan ng paghapdi ng bituka at ang taong mayroon nito ay
nakararamdam ng pananakit sa parte ng katawan mula sa pusod hanggang dibdib,
pagsiklab ng tiyan kapag gabi, kung pinabayaan at lumala ay maaaring magsuka ng dugo
na kulay itim o pula, ang kulay itim na duming ipinapalabas kapag nagtatae, hindi
maipaliwanag na pagbaba ng timbang at pabago-bago ang gana sa pagkain. Pang-anim
ang insomnia o ang hindi makatulog sa gabi na palaging balisa at kahit gustuhin man ng
katawan na magpahinga ay hindi magawa at dahil dito ay nakakabawas ito ng enerhiya at
nakakasama sa kalusugan kung kaya’t kinaumagahan ay nawawalan ng kakayahang
magtrabaho. Pangsiyam ang depresyon na kalimitang ang kundisyon ng mayroon nito ay
nalulungkot, nawawalan ng pag-asa at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay.
Maaari ring maging dahilan ito ng atake sa puso o heart attack sanhi ng stress sa labis na
pag-iisip sa mga problemang hinaharap kung kaya ang mga kalamnan ng puso ay
nababara at tumitigil ang daloy ng dugo sa isang bahagi ng puso, kung hindi agad
malalapatan ng lunas ay namamatay ang bahaging ito kaya mamamatay ang isang tao.
Kahit na anong sanhi ng stress na dumating sa ating katawan, magkakaraoon ito ng
reaksiyon at sa parte ng puso upang makibagay sa sanhi ng stress na ito. Bumababa ang
resistensiya ng katawan natin pagkatapos salakayin ng sanhi ng stress, ngunit dahan-
dahang makakibagay din ang katawan. At kung mahabang panahon na lumalaban sa mga
sanhi ng stress, mapapagod din ang katawan at ang puso. Kung nasa ganitong kalagayan
at madagdagan ang sanhi ng stress, malalang klase ang magiging reaksiyon sa stress. Sa
katamtaman na sanhi ng stress, magandang reaksiyon sa stress ang mangyayari, ngunit
kapag ang sanhi ng stress ay napakalaki at mali ang reaksiyon na nangyari, lalo itong
lalaki at kung minsan ay nagiging dahilan ng sakit. Sa kasalukuyan, ang relasyon ng
stress sa immunidad ay nabibigyang pansin. Kapag nalalantad sa sanhi ng stress,
humihina ang lakas ng immunidad at madaling magkasipon at magkapulmonya. Sa kabila
naman, kapag tuloy-tuloy na nalalantad sa sanhi ng stress, sumusobra naman ang lakas ng
immunidad at nagkakaroon ng reaksiyong allergy, may kaso ring nagkakaroon ng rayuma
ng kasukasuhan na nakakapinsala sa paggalaw ng katawan. Naiulat na nang isinagawa ng
mga pasiyente na may kanser ang pagre-relax, lumiliit ang mga tumor at may kaso pang
talagang nawala ito. Ang paliwanag ay nagiging aktibo ang pagkilos ng immunidad at
tinunaw ng natural killer cells ng katawan ang tumor. Paniwalaan nating ang ganitong
paraan ng pagpapagaling tulad ng halimbawang naibigay ay pag-aralan natin kung paano
kontrolin ang stress.

Ang mga sintomas na mayroon ka nang stress; malala ang iyong pagkapagod o
mabilis ang iyong pagkapagod na kadalasan ay nanghihina ang buong katawan,
sumasakit ang iyong ulo na parang mabibiyak ito sa sobrang sakit, sumasakit ang iyong
leeg o balikat na minsan ay nangangalay o namamaga, naninigas ang iyong katawan,
sumasakit ang iyong dibdib na parang tinutusok ng anong bagay, nawawala ang iyong
konsentrasyon sa sarili, hindi makatulog at palaging balisa, napapagod at nalulumbay sa
sarili, masama ang lagay ng tiyan, kinakailangan pang-uminom ng gamot pampatulog o
pampahinahon, nalulumbay pa kahit na nakauwi na galing trabaho, magalitin, mayamutin
at nerbiyoso.
Maaaring maiwasan ang stress alinsunod sa mga dapat na gawin; una ang
pagkakaroon natin ng positibong pag-iisip dahil ang pagkakaroon ng positibo at
magandang pananaw sa buhay ay nakapagbibigay ng lakas ng loob upang harapin ang
mga problema at tanggapin sa sarili ang mga bagay na hindi talaga kayang baguhin.
Pangalawa, makipag-usap tayo sa taong ating mapagkakatiwalaan dahil ang pakikipag-
usap o paghingi ng payo tungkol sa iyong problema sa taong magpagkakatiwalaan tulad
ng kamag-anak o kaibigan ay isang paraan upang mawala ang tensyon na nararamdaman
at makapagpapalabas tayo ng ating mga saloobin. Pangatlo, magrelax tayo sa
pamamagitan ng pagbigay sa ating sarili ng panahon para gawin ang mga bagay na
maaaring makapagbigay sa atin ng kasiyahan tulad ng pagpahangin, panood ng sine at iba
pang nakapagbibigay kasiyahan sa ating sarili. Pang-apat, magpahinga o matulog ng
mahimbing. Ito ay nakakatulong upang manumbalik ang ating kasiglahan sa katawan at
isipan upang harapin ang mga pagsubok o problema sa ating buhay. At ang panghuli ay
mag-ehersisyo, sa pamamagitan nito ay mas pinalalakas ang ating mga sistema sa
katawan sa mas mabuti at magandang pag-iisip.

Ang stress ay isang pangkatawan, pangdamdamin at pangkaisipang kabigatan


(strain) na nararamdaman natin kapag pinagbubuhusan natin ng buong sigla ang ating
pamumuhay o ang puspusang pagtatrabaho. Lahat tayo ay nakakaranas ng stress araw-
araw bilang bahagi ng ating buhay. Minsan napakahirap ang pagbagay sa isang bagong
bansa at ang pag-umpisa ng bagong buhay para sa ating sarili. Ang stress ay maaaring
magmula sa mga mahihirap na gawain, tulad ng paghanap ng trabaho o pag-aaral ng
Ingles, at mula rin sa mga bagay na dapat ay masaya, gaya ng pakikihalubilo o
pakikipagkaibigan. Hindi natin maiiwasan ang stress, ngunit maaari tayong matutong
pangasiwaan ito upang maging masaya tayo sa buhay at mabawasan natin ang
pagkakasakit sa katawan o sa kaisipan. Siguro ay puwede nating ipagpatuloy ang mga
gawain na nakakatulong sa atin upang mas maging panatag at nasa mabuting kalagayan
noong naroroon pa sa bansang pinanggalingan. Maaari ring subukang gawin ang mga
bagong paraan upang bawasan ang stress.

May mga paraan upang pangasiwaan ang stress. Ito ay ang maging marunong
makipagbagay sa buhay, alamin natin kung ano ang mga mababago at kung ano ang hindi
natin mababago. Pag-ukulan natin ng pansin ang mga bagay na maaari nating
pangasiwaan. Tumawa tayo hanggang kaya natin upang ipalabas ang lahat ng ating mga
saloobin. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang nararamdamang pagkabahala o
tensyon sa sarili. Magbiro at manood tayo ng mga nakakatawang palabas sa telebisyon o
nakakatawang pelikula, o hindi kaya ay magbasa tayo ng mga komiks. Huminga nang
dahan dahan, mamahinga ng ilang minuto at huminga nang malalim. Ito ay nakaka-relaks
sa ating utak at katawan. Payagan natin ang ating sarili na magkamali at ipagpaumanhin
ang sarili kapag nagkamali. Walang taong hindi nagkakamali. Matututo tayo sa ating mga
pagkakamali. Harapin natin ang ating mga problema ng isa-isa muna. Mas madaling
lutasin ang ating mga problema kapag hinati-hati natin ito kaysa subukang lutasin ang
lahat ng sabay-sabay. Kumausap tayo sa isang taong mapagkakatiwalaan dahil kapag ang
problema ay ibinunyag sa iba ay nagmumukhang mas madaling kayanin ito. Maaaring
dumaranas sa ganito ring bagay ang inyong kaibigan, tagapagbigay-payo, o kasamahan sa
trabaho. Baka makapagpayo pa sila sa atin at malutas ito, nararapat na bukas tayo sa mga
payo o suhesyon ng iba. Huwag nating pabayaan ang ating sarili na maramdaman ang
kalungkutan dahil sa pagbabago, maaaring maalala natin ang mga dating gawain. Ito ay
totoo, kahit na bumuti ang kalidad ng ating buhay dahilan sa pagbabago. Pagluksaan ang
nawala sa atin at ibagay ang sarili sa mga pangyayarai ng dahan-dahan. Ang pagluluksa
ay nakabubuti rin sa pagkabahala. Matutong magsabi ng “hindi pwede” sa masyadong
marami ng gawain. Maaaring mahirap ito sa umpisa, ngunit kung talagang tutuusin–
hindi natin magagawa ang lahat. Lumabas tayo at magpahangin ito ay nakabubuti sa ating
katawan at kaisipan. Dagdagan ang paglalaro at ang pagkakaroon ng kasiyahan. Ito ay
natural na paraan upang makilos ang mga matitigas na kalamnan. Magpakasaya tayo
kasama ang isang kaibigan, isang bata o isang alagang hayop. Magbasa ng aklat o isang
babasahin na nagbibigay-kasiyahan sa atin. Maaaring makatulong ito na malimutan natin
ang ating mga problema ng ilang oras. Ang meditasyon o yoga ay makakatulong sa atin
na mag-relaks sa pamamagitan ng pagbibigay-tahimik sa ating kaisipan. Ang yoga ay
dahan-dahang nakakabanat din ng ating mga kalamnan.

Upang magkaroon tayo ng maganda at maayos na pangangatawan dapat ay


magkaroon tayo ng maayos na pangangalaga sa katawan. Kaakibat din nito ang pag-iwas
sa mga gawain na makakasama sa ating katawan at kaisipan. Dapat isagawa natin ang
mga mabuting pangangalaga sa ating katawan mula sa simula ng ating pagkabata
hanggang sa ating pagtanda. Hindi lamang ito sa isang miyembro ng pamilya kundi para
ito sa buong kasapi ng pamilya. Nararapat din na gumawa, kumilos at ang madalas na
pag-eehersisyo upang ang mga kalamnan at sistema sa katawan ay lumakas. Kumain tayo
ng mga masusustansyang mga gulay at pagkain araw-araw. Subaybayan natin ang
sobrang pagtaas ng ating timbang. Huwag tayong manigarilyo at lumayo tayo sa mga
taong naninigarilyo. Iwasan din ang tensyon kung mayroon at iba pang stress para sa
maganda at malusog na pangangatawan. At ugaliin din ang palagiang pagpatingin sa
doktor o health worker kahit walang masamang nararamdaman upang kung mayroon
man, madaling matukoy at maagapan.

Para sa mabuting pangangatawan natin, kailangang kumain tayo ng mga pagkaing


sagana sa calcium, potassium at magnesium, kagaya ng nuts, saging, beans at isda.
Kumain din ng pagkaing may fiber at palaging uminom ng maraming tubig. Ugaliin ding
kumain lamang ng pakonti-konti, tatlong beses sa isang araw sa agahan, tanghalian at
hapunan at dalawang almusal sa umaga at sa hapon. Iwasan ang palaging pagkain ng
karne. Bawasan ang maalat na pagkain tula ng processed foods, fast foods at de lata.
Kung pwede, konti lang ang ilagay na asin sa pagkain. Ugaliin nating mag-ehersisyo
palagi. Mamili ng libangan o isports kung saan masaya ka at naaaliw. Maaaring gawin
ninyo ito ng limang (5) beses sa isang linggo. Kailangang makondisyon ang puso at
maayos ang sirkulasyon ng dugo sa katawan. Kung mataba naman, pagsikapan na
mabawasan ang timbang. Ang pagbabawas ng timbang ay malaking tulong na ito sa
pagbaba ng presyon ng puso. Iwasan din ang pag-inom ng alak na may alkohol dahil
maraming dalang hindi maganda ito sa puso at sa presyon ng dugo sa ating katawan. Ang
pagbawas sa alkohol ay malaking tulong din sa pagbawas ng timbang. Sa paninigarilyo,
nararapat na itigil na agad at layuan ang mga taong naninigarilyo. Sa buhay natin ngayon
kailangan ng katawan natin ang pahinga paminsan-minsan, iwasan nating mastress, dapat
maging positibo tayo sa buhay, matulog ng maayos at maghinay-hinay lang sa ginagawa.
Nararapat ding bigyang pansin at magpatingin o magpakuha ng blood pressure ng
madalas. Magkaroon tayo ng tala at ipagbigay alam kaagad sa doktor ang ano mang
nakikitang pagbabago sa ating katawan.
IWASAN ANG STRESS

Inihanda ni:

Rosalie T. Orito

You might also like