You are on page 1of 2

SANDIGAN NG LIPUNAN

ni: Herwin Cabasal


Pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan subalit pinakamalikng sandigan ng bayan.
Ang tunay na paraiso sa ibabaw ng lupa ay matatagpuan sa loob ng tahanan. Ito ang marikit at
munting daigdig na ating ginagalawan. Nasaisilayan natin dito ang maaliwalas na buhay dulot ng
sumisinag na pag-ibig. Sa tahanan, ang tao ay hinuhubog bilang isang mabuting mamamayan.

Ama, Ina, Anak, sila ang mga tulad mo ang bumubuo ng isang tahanan. Ama ang
haliging nangangalaga ng katatagan ng pamilya samantalang ang ina naman ang ilaw na
naghahandog ng liwanag sa buong tahanan. Silang mga magulang ang gumagabay sa landas na
tinatahak ng kanilang mga anak upang ihanda sa pagtatatag ng mabuting pamayan sa
pamamagitan ng pagtuturo ng kaganadahang asal at mabuting pananaw sa buhay. Nakikilalala
natin ang Diyos, natututong magmalasakit sa kapatid, at natutuklasan ang kapakinabangan bilang
tao- mga pangunahing batayan sa pagbuo ng maunlad at mapayapang bansa.

Oo, kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit ang magulang ay malaking pag-asa ng mga
kabataan. Hatid nila’y haplos ng pagmamahal. Tagahulma n gating puso’t diwa. Tagalilok n
gating kinabukasan. Sa kamay ng isang ama at ina, nabubuo ang pagkatao ng mga anak bilang
paghahanda sa isang mas malawak na mundo.

Pamilya ang matibay na sandigan ng lipunan. Sa kanyang mga kamay, nakasalalay ang
kinabukasan ng bayan sapagkat malaki ang pael na ginagampanan ng bawat mag- anak. Ang
pagmamahalan sa tahanan ay kapayapaan sa pamayanan. Ang matibay na pagsasama-sama ay
lakas ng bayan. Ang pagkakaisa ng mga magulang at anak ay kaisahan ng isang lahi. Ang dalisay
na adhikain ng mag-anak ay pangarap ng malawak na mundo.

Paano na ang mundo kung mabubuwag ang haligi at mapupundi ang ilaw? Iikot ang
mundo sa gitna ng dilim. Ang pag-aaway sa tahanan ay kaguluhan ng pamayanan. Ang marupok
na pamilya ay kahinaan ng bayan. Ang pagkakawatak-watak ng mga magulang at anak ay
pagkakahati-hati ng saing lahi. Wala nang ibang adhikain kundi pagdurusa ng bukas.

Pamilya ang larawan ng mundo. Sinasalamin niya ang kalagayan ng buhay. Huwaran ng
bawat bukas na darating. Nais mo bang mabatid kung paano umiikot ang iyong mundo? Masdan
mo ang iyong pamilya.

A. Pagtalakay sa Nilalaman
1. Ano ang naidudulot ng pamilya sa isang anak?
2. Bakit sinasabi na ang tunay na paraiso ay matatagpuan sa loob ng tahanan? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay naniniwala k aba na ang marupok na pamilya ay kahinaan ng bayan?
4. Ipaliwanag “ Sa kamay ng isang ama at ng isang ina, nabubuo ang pagkatao ng mga
anak”.

B. Pagsusuri sa Bahagi ng Teksto


1. Paano sinimulan ng awtor ang panimulang bahagi ng teksto?
2. Nasa maayos at lohikal na order ba ang pagtalakay sa paksa sa gitnang bahgi ng teksto.
Ipaliwanag ang sagot.
3. Paano winakasan naman ng awtor ang kanyang teksto?

You might also like