You are on page 1of 17

MABUTI AT DI MABUTING EPEKTO NG PROGRAMANG K12 PARA SA MGA

MAG-AARAL NASA SENIOR HIGH SCHOOL

SA Sumulong College Arts and Science

Bilang Bahagi ng Katuparan para sa Pangangailangan sa


Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Cj marane

Beejay mercado

Herminio Mauricio

Rolly Nicolas

Stem11
KABANATA 1

I.Panimula

Sa pagsapit ng patuloy na modernasisasyon hindi maiiwasan ang pagbabago ng

maraming bagay kung saan ang mga tradisyon at nakagawian at tuluyang nagbabago pang

linangin ang luma at palitan ng bago. Isa na sa mga pagbabagong ito ay ang pagbabago sa

aspetong edukasyon. Sa kasalukutan ang ating Kagawaran ng Edukasyon ay nagsimula ng

bumuo ng panibagong edukasyon kung saan maghuhubog ito sa mga estudyante na makamit

ang kinakailangang kaalaman at kahusayan sa pagpapatuloy ng pag-aaral o sa pagtratrabaho.

At ito ang K-12 kurikulum, isang panibagong uri ng sistemang edukasyong sa Pilipinas na

naglalayong ipagbuti ang mga mag-aaral upang maging mas handa sa kinabukasan.

Bagama’t maganda ang layunin masasabing ang panibagong sistemang edukasyon na

ito ay bago palang at nasa panahong transisyon mula sa lumang Sistema papunta sa panibago

at mas moderno kaya’t masasabing marami pa itong pagkukulang at mga suliraning

ikinahaharap.

Sa pananaliksik na ito ay matatalakay ang mga suliraning ikinahaharap ng sistemang K-

12 partikular na para sa mga Senior High School Students. Tatalakayin sa pag-aaral na ito ang

mga negatibong at positibong epekto ng K-12 program partikular sa mga suliraning kinahaharap

ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral.

II. Kaligirang Kasaysayan

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mabuti at hindi mabuting epekto ng K-12 sa mga

mag-aaral sa Sumulong College Arts and Science na nasa Senior High School. Ayon sa

AKOAYPILIPINO noong May 4, 2012, ang K to12 o ang grades 11 at 12 ay ang programang
ipinapatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong tulungan ang

ating mga kabataan ng Pilipinas na pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa

buong Asya, kung hindi sa buong mundo.

Ang karagdagang grades 11 at 12 ay nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral

pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng

kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para

sa kolehiyo mismo.

III. Paglalahad Ng Suliranin

May ilang problema ang natalakay na mananaliksik sa pagsagawa ng pananaliksik

ngunit ang pangunahing problema nito ay ng pagalam kung ano ang mga epekto ng

programang K-12 sa mga estudyante ng Senior High lalo pa’t nagsisimula palang ang

transisyon ng panibagong sistemang ito.

Ang ilan pang suliranin na nakita at natalakay ng mga mananaliksik s pagsagawa ng

pag-aaral ay ang mga sumusunod.

1. Ano ang mga suliranin ang kasalukuyang hinaharap ng programang K-12?

2. Ano ang mga pagkukulang ng programa na dapat bigyan pansin o pagtuunan?

3. Ano-ano ang mga paraan na maaring isagawa upang masolusyunan ang mga

pagkukulang ng programa?

4. Sa paanong paraan ito nakaapekto sa higit na pagpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-

aaral?

5. Ano ang Programang k-12?


IV. Layunin Sa Pag-Aaral

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral ay upang “

Matukoy ang epekto ng pag tra-transisyon ng panibagong sistema ng edukasyon sa mga

estudyante ng Sumulong College Arts and Science. Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik

ay ang mga sumusunod .

1. Malaman ang opinyon ng mga estudyante ukol sa paksang tinatalakay.

2. Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng programang ito sa pag-aaral.

3. Mabigyan pansin ang pagkukulang ng programang ito at ng mabiyan ng solusyon.

4. Maitimbang ang mga mabubuti at masasamang epekto ng programa sa panahon ng

pagsisimula ng pagbabago nito.

5. Matukoy rin ang mga suliraning at problema na kinahaharap ng guro at paaralan sa

pagpapatupad ng bago sistema ng edukasyon.

V. Kahalagahan ng Pag-aaral

Naininiwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na isinasagawa ay makalalaganap

ng impormasyon na maaring makatulong sa mga taong nasasaklawan ng pag-aaral nito.

Hangad ng mga mananaliksik na maibatid ang parehong Mabuti at Masamang epekto ng

programang K-12 at ng matukoy kung ano ang mga hakbang na dapat maisagawa upang

maipagbuti ito. Hinahangad din nila na makatulong itong pananaliksik na magamit ito upang

makatulong sa tama at wastong paraan sa pagsaayos sa kasalaukuyang panibagong sistema

na edukasyon na K-12.

Ang mga tiyak na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sang sumusunod.

1. Maipabatid ang parehong mabuti at masamang epekto ng programang ito sa mga

estudyante.

2. Mabigyan pansin ang kasalukuyang suliranin at ng magawan ito ng paraan.


3. Makapagbigay ng ilang solusyon na maaring maisagawa at ng lalong maipagbuti ang

programang ito.

VI. Batayang Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa ilang konsepto na makikita sa : “Theories of

Learning” ng UNESCO , isang organisasayong tumatalakay sa Edukasyunal, Siyentipikal, at

Kultural na aspeto na isang lipunan o bansa.

Sa “Theories of Learning” ay matatagpuan ang iba’t-ibang teorya na maaring maiugnay

sa pangkasalukuyang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas na K-12. Ang ilang teorya na

maaring maiuugnay rito ay ang mga sumusunod:

Ayon sa Teoryang Experiential learning ni Carl Rogers isinasaad dito na ang ugat sa pagkatuto

ay ang karansan.Kung saan ang pagkatuto ay hindi maibabahagi ng direkta kundi ipagsasalin

lang ito sa taong tinuturuan o sa nag-aaral

Ayon naman sa Situated learning theory and community of practice ni  Jean Laveat Etienne

Wenger ang pag-aaral na kumikilala sa paraan ng pagkatuto sa komunidad o grupo ng mga tao

na nag-aaral at nagsasanay sa isang tiyak na saklaw ng pag-aaral.

At ayon sa teoryang Socio-constructivism ang pag-aaral at pagkatuto ng mag-aaral ay

nakasentro sa “Social Interaction” ng isang tao.

Ang mga teoryang ito ang naging basehan ng pag-aaral dahil ang K-12 bilang isang

programang o sistemang pang-edukasyon ay nakasentro sa pagkatuto ng estudyante sa

paraang pagtutuklas kung saan ang mga estudyante dapat ang tutuklas sa pinag-aaralan at ang

mga guro ay gagabay lamang rito.


Ang Konseptong ito ay maituturing makabago sa paraang umaangkop ito sa modernong

paraan ng pag-aaral ngunit dahil ito ay makabago ay may iba’t-ibang yugto ito ng

pagtratransisyon.

Ang mga basehang teoryang ito ay gagamitin upang maging gabay sa pagtukoy ng

epekto ng panibagong sistemang pang-edukasyon at kung paano ito magbabago ptungkol sa

sosyal,interaksyunal at kultural na aspeto ng ating lipunan..

VII. Batayang Konseptwal

INPUT PROSESO OUTPUT

Ano ang epekto Pagsagawa ng Ang inaasahang


ng programang Sarbey kalalabasan ng
K-12 sa mga Pagsangguni sa pag-aaral ay ang
estudyante? mga nakaraang masagot ang mga
Sa kasalukuyan Pag-aaral nailahad na
maayos ba ang Pagkuha ng suliranin at
pagtransisyon ng impormasyon sa mabigyang sapat
K-12 curriculum? Internet at iba't- na datos ang
Paano ba ibang uri ng Isinagawang pag-
naiaangkop ng media . aaral upang
estudyante ang magbigyan
sarili sa kalinawan ang
pagtransisyon sa mga opinyon ng
panibagong mga mag-aaral
kurikulum? ukol sa mga
epekto ng K-12

Figure 1.1

VIII. Saklaw At Delimitasyon

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumasaklaw ng ilang mga

indibidwal na siyang magiging taga-tugon sa sarbey kwestyuner, sa pamamagitan ng purposive

sampling. Kumuha ang mga mananaliksik ng 30 respondente mula sa mga mag-aaral na nasa

ika-labing-isang ai ika- labing-dalawang baitang ng Sumulong College Arts and Science.


Ang mga respondent ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral ng iba’t ibang Strands

ng Sumulong College Arts and Science.

Pinili ang mga ito upang makilahok sa pagtutugon sa sarbey kwestyuner dahil sila ay

may kinalaman sa nasabing pananaliksik.

IX. Kahulugan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sap ag-aaral

 K-12 program – isang panibagong programang pang-edukasyon na ipinatupad ng Dep-

Ed at ng pamahalaan na siyang nagbibigay ng karagdagang dalawang taon sa pagaaral

sa haiskul.

 Senior High School – Ang karagdagang dalawang taon na naidagdag sa programang K-

12.

 Sistema ng Edukasyon- ito ang tumutukoy sa sistema ng pagpapatakbo at pamamahala

sa edukasyon ng isang particular na lugar.

 Theories of Learning – mga teorya na kaakibat sap ag-aaral at pagkatuto ng mga tao

particular na sa mga estudyante.


KABANATA 2

Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay nag lalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may

kinalaman sa ginawang pag-aaral. Nag bibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ng mga

literatura at pag-aaral na inalakip sa pananaliksik na ang mga motibo ay madagdagan ang

kaalaman ng mga mambabasa,lalo na ang mga kasama sa bahagi ng kahalagahan sa pag-

aaral. Mayroon din mga bahagi na makapag bigay -ambag sa napapanahong mga isyu

partikular sa larangang ng edukasyon.

Lokal na Pag-aaral

Kasalukuyan ng ipinatutupad ng pamahalang Aquino ang programa nitong kung

tatawagin ay k-12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa

programang ito, ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder

bilang unang hakbang sa pag papatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong

dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na senior High

School. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaring mamili ang isang

estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Techinical/Vocational course o isport at iba

pang pagpipilian. Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng


edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang may

pinakamahabang bilang ng taon sa Basic Education. ( Bayang Pilipinas,2011)

Ayon kay Pasion(2012) ang programa ng administasyon Aquino na nag lalayong

solusyunan daw ang matagal nang problema sa Edukasyon pero umani ito ng batikos.

Base sa programa, magiging mandatory ang kinder-garten, mag kakaroon ng anim na

taon sa Elementary( grade 1 hanggang grade 6), apat na taon sa junior high school

(grade 7 hanggang grade 10) at dalawang taon ng senior highschool (grade 11 at 12)

subalit ayon sa kabataan partylist hindi ito ang sagot sa bumabang kalidad ng

edukasyon sa paglobo ng bilang ng mga out of school youth, maging ang problema sa

kawalan ng trabaho sa bansa ang hakbang sa pagdagdag ng taon sa batayang

edukasyon.

Ayon sa DepEd taong (2011), napatupad na rin ang matagal na ring pinaplanong

pagbabago sa programang pang-edukasyon ng DepEd sa pilipinas na tinatawag na k-12

Prgram. Gamit ang programa ng mga kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong

learning scheme na ito ay ang K-12 Basic Education Program. Maraming miyembro ng

Akademiya, mga estudyante at mga magulang ang unang tumatanggi sa pagbabago ito

kahit noon pa lamang iminumumungkahi ito. Para sa mga magulang at mga estudyante,

dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng isang bata sa eskwelahan.

Para sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki at napakalalim ng

kakailanganing reporma at pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng k-12

program. Sa kabila ng mga pagputol at pag-aagamagam,naituloy rin ang mahalagang

pagbabago ito sa Philippines Education.


Lokal na Literatura

Ayon kay Briones(2018) may 28 na porsiyento ng mga nagtapos na kabilang sa

Technical Vocational Strand ay natanggap kaagad sa trabaho dahil sa Work

Immersion or On the Job Training na kinakailangan sa SHS. At sa ilalim ng k-12

mas mabibigyan ng opsiyal at oportunidad ang mga estudyante upang

mapaunlad ang kanilang edukasyon at kalidad ng pamumuhay.

Ayon kay Malaluan(2018) batay sa pinakahuling survey, ipinapakita na napababa

ng SHS EDUCATION ang porsiyentonng drop out sa High school. Dahil dati ay

bago magtapos sa 4th year high school ay may 50 porsiyento pero ngaun at 93

porsiyento ng Senior High School graduates ay ipinagpatulog na nila ang

pagkolehiyo. At kailangan patagin ng DepEd ang pakikipag-tulungan nito sa mga

komunidad at sa pribadong sektor upang maitugma ito sa kailangang

manggagawa ng mga kompanya.

Ayon kay Trillanes (2014) mas makakabuti para sa atinf bansa kung hindi muna

ipapatupad ang k-12 program hanggang hindi pa nasosolusyunan ang mga

problema sa sistema na ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-

aralan at kagamitan ng mga estudyante at ang kakulangan sa mga guro at ang

kanilang sahod.
Ayon sa Deped(2017) solusyon daw ang k-12 sa bumababang marka ng mga

mag-aaral sa elementarya at sekondarya. Pero sa katunayan hindi solusyon ang

karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayan edukasyon .

Ayon sa mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science

Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas malaki,

tulad ng South Korea at Singapore ang nakakuha ng pinakamataas na marka.

Dayuhang Pag-aaral

Ayon kay NUSP(2012) umani ng batikos ang panukala ng administrasyong

Aquino hinihingil sa karagdagang taon sa batayan at sekundaryang edukasyon

dahil sa mga kakulangan sa sektor at sa kadahilang di handa sa pagsuongnng

ganitong uri ng reporma sa kasalukuyang estado nito.

Ayon kay Luistro(2011),ang dalawang taon ng senior high school ay hindi katulad

ng tersiyaryo edukasyon. Ipinaliwanag niya na ang programang k-12 ay

pinapayagan ang higit pa sa mga estudyante na sumapi sa tersiyaryong

edukasyon. “ Kung sa senior high school graduates ay hindi kaagad irerehistro

sa kolehiyo pagkatapos niya sa sekondarya ngunit maaring pumili ng trabaho

para sa ilang taon upang makapag ipon ng sapat na pera para sa kanyang pag-

aaral sa kolehiyo.

Ayon kay Balana(2013) sa kanyang pananaliksik na ang isa sa mga

pinakamahalaga at pangunahing mahahalagang hakbang ay paglaag ng isang


naangkop na trabaho ay ang pagkakaroon ng isang nakaplanong pagpipilian sa

landas sa karera sa pagkuha sa isang degree. Dapat magplano muna ang isang

mag-aaral sa kung anong kurso na gagawin habang nagpapatuloy o magpatuloy

sa kanyang pag aaral bago pumasom sa antas ng tersiyaryo. Maraming mga

bagay na dapat isaalang-alang bago dumating ang isang indibidwal sa isang

konklusyon sa kung ano landas na gagawin. Pangunahing ang kung ano ang

hinaharap na nais niyang makuha para sakanyang sarili. Ang kanyang mga

espesyal na kasananayan at kaalaman sa stock na nakuha sa kanilang

pangalawang antas ng edukasyon. Ipinaliwang ng ating pangulo ng UP na kahit

ang nagnungunang Unibersidad ng ating bansa ay nagpupumilit parang makiag

kumpentensya sa mga institusyong pang-edukasyon sa ating mga kalapit na

bansa. Ang edukasyon sa karera ay nakakatulong sa isang mag-aaral na

gumawa ng mga kaalamang desisyon sa pagbuo ng isang karera. Halip na

tumuon sa mga paksang pang-akademiko ,natuto ng isang mag-aaral ang mga

tool ng isang trabaho sa pamamagitan ng pagsasanay sa hands-on.


Dayuhang Literatura

Ayon kay Tan(2011) sa kanyang pagsulat itinuro niya ang mga mahahalagang

detalye tungkol sa K-12 Program, tinalakay niya ang pagkakasunod-sunod ng apat na

phase ng K-12 na sinisimulan sa layunin kung saan ay maipatupad na ang Universal

Kindergarten na inaalok na simula noong School Year 2011-2012 at para sa pag unlad

ng programa. Ang pangalawang phase ay naglalayong isulong ang pagpapatupad ng

pangunahing batas sa edukasyon ito ay ang pagpapatupad ng bagong kurikulum para

sa Grade 1-6 at 7-10 na tinatawag na Senior High School. Ang pangatlong phase ay

layunin kung saan ay naipatupas na ang k-12 Program na hudyat ng pagtatapos at

paglipat sa bagong sistema ng edukasyon at ang pang apat na phase ay ang pag

kumpleto ng reporma na naglalayong kompletohin ang pagpapatupad ng K-12

education system.

Ayon kay Solivian(2011) mas maraming pansin ang dapat ibigay sa pagbuo ng mga

kakayahang ng mga mag-aaral na gumaan nang madaling gamitin upang mag apply na

nauna nilang natutunan sa pagsasagot sa di-karaniwang gawain at ito naman ay may

mga implikasyon para sa kurikulum. Samantala ang pangangasiwa at paggamit ng mga

tagubilin ay nagbibigay ng access na kapaki-pakinabang at mapaghamong pag-aaral sa

isang paraan ng isaalang-alang ang mga pangangailangan at adhikain ng isang

malawak ba hanay ng mga mag-aaral.


Ayon kay Conchada at Tiongco (2015) Para sa mga bansang tulad ng Pilipinas,upang

makaya ang globalisasyon ang pambansang sistema ng edukasyon tulad ng DepEd at

CHED ay kailangan muling paghamon ng pandaigdigang lipunan.

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri tungkol sa Mabuti at Di-

mabuting Epekto ng K-12 sa Senior High School sa Sumulong College Arts and

Science matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik

na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan

(survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na

angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.

LOKAL NA PANANALIKSIK
Ginawa ang pananaliksik at pagsagot ng survey ay sa loob ng Sumulong College

Arts and Science Antipolo Campus na matatagpuan sa building M.L Queszon

Est.Antipolo City na binubuo ng tatlongpong estudyante(30) ng Senior High School.

MGA RESPONDENTE

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Sumulong

College of Arts and Science. Ginamit ng mananaliksik ang random sampling na

pamamaraan upang magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos. Hahanap

at pipili ang mga mananaliksik ng 30 mag-aaral ng Sumulong Collede of Arts and

Science.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng mga

talatanungan. Personal na ipapamigayaat papasagutan ng mga mananaliksik ang

kwestyoner sa mga napiling respondente.

TRITMENT NG DATOS

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente

na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay

magsisilbing kasagutan sa mga katanungan inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay

ikokompara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos na makakalap ay

isasalarawan gamit ang bar grap at upang maayos at organisadong mailahad ang
resulta. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng porsyentong tugon sa bawat

tanong ay

Porseyento= Bilang ng Tugon__________ x 100


Kabuung bilang ng Respondente

You might also like