You are on page 1of 27

EPEKTO NG K-12 KURIKULUM SA NAKAGAWIANG PAG AARAL NG MGA MAG

AARAL SA BINANGONAN CATHOLIC COLLEGE TALIM CAMPUS

Ang Pananaliksik Na Ito Ay Isinumiti Kay

MRS. PATRICIA M. CAPUA

Antinero, Jaylie D.

Año, Isaiah C.

Cerrado, Ma. Isabel A.

Deciar, Gillan Paulo A.

Mallari, Adriane Carl B.

Marco, Jessieric B.

Sapnay, Hannah Jean N.

Solas, Jhoanna Marie V.

Venadas, Jayphe A.
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

PANIMULA

Ang edukasyon ay isang instrumento na nagbibigay daan upang mapalago ang kakayahan

at karunungan ng isang tao, ito ay nagsisilbing sandata upang wakasan ang kahirapan. Ito rin ay

isang sistema ng pag iipon ng kaalaman sa iba’t ibang bagay na inaasahang makabubuti sa

pagkatao ng indibidwal.

Ang K-12 program ng gobyerno ng pilipinas ay tumutukoy sa pag kakaroon ng

mandatory o required na kindergarten at karagdagang dalawang taon sa dating 10 years Basic

education cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high

school (kabuuang sampung taon) ay maaari ng makapag kolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim

ng K-12, bago makapag kolehiyo kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang dalawang taon

pag katapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o

junior college ang karagdagang dalawang taon. Ang apat na taon na high school sa lumang

sistema ay tinatawag namang junior high school. Sa kabuuan grade one to twelve ang opisyal na

tawag sa labing dalawang basic education sa ilalim ng K-12.

Kailangan mag dagdag ng dalawang taon sa Basic education sapagkat mababa ang

kalidad ng edukasyon sa pilipinas at sapamamagitan ng K-12 ay mapatatas ang kalidad ng

edukasyon sa bansa. Sa buong South East Asia, ang pilipinas nalang ang may 10 year Basic

education cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa basic educayion cycle).
Apat na taon na ang lumipas mula ng ipinatupad ang K-12 kurikulum sa Pilipinas at

samutsaring isyu parin ang patuloy na umuusbong mula sa iba’t ibang boses ng tao. Ito ay

sumasakop sa labing dalawang taong pag aaral na isinabatas ng Republic No. 10533, na kilala sa

titulong ‘’Enhance Basic Education Act of 2013’’, na isinabatas ni dating Pangulong Aquino

noong taong 2013. Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag aaral ang mga Pilipino na gaya sa

ibang bansa na kung saan may matibay na kompetensya at kakayahan sa trabaho na

pinanghahawakan.

Ngunit kailan lamang ay naging usap usapan ang pagkakaroon ng bridging program sa

kolehiyo. Ang bridging program sa para sa mga mag aaral na kumuha ng strand na hindi ayon sa

kanilang kukuning kurso sa kolehiyo. Ito ay sumalungat sa CHED memorandum order no. 105

series of 2017 ‘’Policy on Admission of Senior High School Graduates to the Higher Education

Institution,’’ kung saan nakatala rito na ang lahat ng mag aaral na nasa baiting ika-12 ay

maaaring kumuha ng ano mang kurso sa kolehiyo ano pa mang kinuhang strand.

DESTINASYON NG PAG AARAL

Ang Binangonan Catholic College Talim Campus ay isang pinakamataas na paaralan

ditto sa Talim, at ito ay binubuo ng Grade 11 at 12 o Senior High School. Itinayo ito noong year

2018, na naglalayon na bigyan ng oportsunidad ang mga tagaTalim at para buksan ang isip ng

mga kabataan ukol sa Catholic School.

Vision Statement. Binangonan Catholic College Talim Campus is a family searches for truth to

integrally transform communities for service to God and country.

Mission Statement. With the patronage of St. Ursula, we commit ourselves to be the servant
leaders of a reputable Catholic educational institution through creative Christ-centered programs

and services that will enhance the holistic development of empowered communities.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod ay makatutulong sa pag aaral na ito upang maging matagumpay ang

paghahanap ng mga datos o impormasyon na makakatulong sa lahat.

1. Ano-ano ang personal na datos ng mga respondents?

a. Edad

b. Kasarian

c. Buwanang kita ng pamilya

d. Pwesto sa pamilya

2. Anu-ano ang epekto sa mga mag aaral ng pagkakaroon ng K-12?

HAYPOTESIS

Walang kabuluhang pagkakaiba sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng K-12

sa mga mag aaral batay sa aspekto nito.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Isa sa layunin ng pananaliksik na ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na malaman

kung negatibo ba o positibo ang epekto nito sa kanila mental man o pisikal na aspeto .Kung ito

ba ay may magandang naidudulot o wala. Sa pananaliksik na ito makikita ang iba’t-ibang

saloobin at opinyon ng mga estudyante na nakaabot sa k-12 kurikulum.

Ang pananaliksik na ito ay inaasahang makatutulong at magiging kapakipakinabang sa

mga sumusunod.
PARA SA MGA MAG AARAL. Nais naming ipaalam sa mga mag aaral na ang K-12 ay

makakatulong sa kanila upang makapag handa sa pag pasok sa kolehiyo. Makakatulong din ito

upang mas malinang at mas mag karoon pa sila ng sapat na kaalaman.

PARA SA MGA MAGULANG. Nais naming mag karoon ang mga magulang ng kaisipan na

hindi dagdag gastos ang pag kakaroon ng K-12 bagkus ay mas makakatulong pa ito sa kanilang

mga anak upang mas mahubog pa ng husto ang kanilang mga kakayahan at kaalam sa kanilang

pag aaral.

PARA SA MGA GURO. Nais naming ipaalam ang maaaring epekto ng K-12 sa mga mag aaral

at upang mag karoon ng panibagong perspektibo sa mga pamamaraan ng pagtuturo para

maihanda ang mga mag aaral.

PARA SA PAARALAN. Makakatulong ito sa pag popromote ng kalidad ng pag aaral ng K-12

sa naturang paaralan.

PARA SA MGA FUTURE RESEARCHER. Makatutulong ito sa kanila sa pagsasagawa ng

kanilang pananaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba’t ibang epekto ng K-12 kurikulum

sa nakagawiang sistema sa pag aaral ng mga mag-aaral ng Binangonan Catholic College Talim

Campus.

Ang pag aaral na ito ay ginawa at sinuri ng 2019 at inaasahang matatapos sa itinakdang

panahon.
TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa ilang konsepto na makikita sa “ Theories of Learning

“ ng UNESCO , isang organisasyong tumatalakay sa Edukasyonal ,Siyentipikal,at Kultural na

aspeto ng isang lipunan o bansa. Sa “Theories of Learning ay matatagpuan ang ibat-ibang teorya

na maaring maiugnay sa pangkasalukuyang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas na k-12. Ang

ilang teorya na maaaring maiuugnay rito ay ang mga sumusunod:

Ayon sa teoryang Experiential learning ni Carl Rogers isinasaad dito na ang ugat sa

pagkatuto ay ang karanasan. Kung saan ang pagkatuto ay hindi maibabahagi ng direkta kung

hindi ipagsasalin lang ito sa taong tinuturuan o sa nag-aaral.

Ayon naman sa Situated Learning theory and community of practice ni Jean Laveat

Etienne Wenger ang pag-aaral na kumikilala sa paraan ng pagkatuto sa komunidad o grupo ng

mga tao na nag-aaral at nagsasanay sa isang tiyak na saklaw n g pag-aaral.

At ayon sa teoryang Socio Constructivism ang pag-aaral at pagkatuto ng mag-aaral ay

nakasentro sa “Social Interaction “ ng isang tao.

Ang mga teoryang ito ang naging basehan ng pag-aaral dahil ang k-12 bilang isang

programang o sistemang pang-edukasyon ay nakasentro sa pagkatuto ng estudyante sa paraang

pagtutuklas kung saan ang mga estudyante dapat ang tutuklas sa pinag-aaralan at ang mga guro

ay gagabay lamang rito.

Ang mga basehang teoryang ito ay gagamitin upang maging gabay sa pagtukoy ng epekto

ng panibagong sistemang pang-edukasyon at kung Paano ito magbabago tungkol sa sosyal,

interaksyunal, at kultural na aspeto ng ating lipunan.


KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Input Proseso Kinalabasan

 Edad  Natukoy na ang


 Pagbibigay ng
talatantungan mga salik na
 Kasarian
sa mga nakakaapekto
 Buwanang kita kalahok.
sa
 Pagkolekta ng
ng pamilya mga pagkakaroon
talatanungan ng K-12
Ano-anong salik ang sa mga
Kurikulum sa
kalahok.
makakaapekto sa mga na kagawiang
pag-aaral ng
mag aaral sa
 Presentasyon, mga mag-aaral
pagkakaroon ng K-12? pagsusuri, at
sa Binangonan
interpretasyon
ng mga salik. Catholic
College Talim
 Paglalagom, Campus.
Anu-ano ang epekto ng
konklusyon at
mga salik na ito sa rekomenda -
syon.
mga mag aaral?

Fidbak

Pigura 1

Batayang konseptwal na nagpapakita ng mga epekto ng K-12 kurikulum sa nakagawiang pag

aaral ng mga mag aaral sa Binangonan Catholic College Talim Campus.


DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Basic Education: ay tumutukoy sa buong hanay ng mga pang edukasyon na gawin na

nagaganap sa iba’t ibang mga setting (pormal, hindi pormal at impormal) na naglalayong

matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pag aaral.

Kurikulum: ay ang mga kursong inaalok sa pamamagitan ng isang institusyong pang

edukasyon.

Edukasyon: ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag aaral ng isang kasanayan at saka ilang bagay

na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim ang pagbahagi ng kaalaman , mabuting

paghusga at karunungan.

K-12. binubuo ng labing dalawang taon na pag aaral.

CHED. Commission of Higher Education.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay Ornstein (1990) ‘an effective teacher possesses the quality of classroom

Management ,a gradual process of competitive and efficient learning until reaching the goal and

a quality trime that can assure the student a quality learning’

Kinakailangaan ng mga guro ang ibat-ibang paraan ng pagtuturo sa klase. Ang mabisang

guro ay nagtataglay ng mahusay na pangangasiwa sa klase . Dapat alam nila ang gusto ng

estudyante. Kinakailangan sa mga guro ang may malinaw at sistematikong pamamaraan ng

pagtuturo para mas madaling maintindihan nito ng mga estudyante.Sisimulan nila ang kanilang

pagtuturo sa maaliit na hakbang, pagbibigay ng mabisang paliwanag bago pumunta sa susunod

na hakbang. Ang pagbibigay ng mga Gawain sa estudyante ay kinakailangang naaayon sa paksa

ng pinag aralan para Makita na ang mga estudyante ay nauukol ng sapat na oras para sa mga

kaalamang Gawain.

Ayon kay Matre (2015) The Adrene of 21st Century created a lot of possibilities for

teachers to conduct reading strategies using various methods including the use of information

technology. The multimedia and internet, having offered easy-access to information in veins

forms can be provided multimodal strategies that are hard to manipulate for the non-centers of

the 21st century yet the present generation are at how with it. The different kinds of multi modal

strategies include digital story telling ,power,point and reading online


Ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa mga guro para makagawa ng

ibat-ibang stratehiya sa kanilang pagtuturo. Importanteng maging epektibo ang kanilang

pagtuturo para mas madaling maintindihan ng mga estudyante ang kanilang pinag-aralan.

Halimbawa ng kanilang binigyang pansin saa pagtuturo ay ang pagsagawa ng estratehiya sa

pagbabasa. Sa tulong ng internet ay mas napapadaling mahatid sa mga estudyante ang mga

impormasyon na kailangan nilang malaman .Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga

‘multimodal strategies’ sa mga guro at estudyante para mas mapagaan ang pag-aaralan.Ang mga

halimbawa ng mga ito ay ang ;powerpoint’ na kung saan ginagamit ito sa pag presenta ng mga

kinakailangang pag-aralan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng powerpoint ,aktuwal na

makikita ng mga mag-aaral ang nais iparating ng mga guro sa tulong ng pag-presenta ng mga

larawan o datos na may kaugnayan sa kanilang paksa . ‘Reading Online’ ay may malaking tulong

rin sa mga estudyante dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon sila ng kaunting ideya sa

kanilang pag-aaralan bago ito talakayin ng guro sa kanilang klase.

Ayon naman kay Cruickshank (2009) ‘There are two dominated styles of teaching: Direct

and Indirect. Direct reffered as an expository teaching occurs whenteachers dominate by

presenting information to students giving students direction and using criticism. Indirect is used

by teachers who prefer to draw things out from the students’

Sinabi dito ng awtor na may dalawang klase ng pagtuturo ang direkto at indirektong

klase ng pagtuturo. Ang direktang pagtuturo ay may mga ekspositoring estratehiya ng pagtuturo

at mas gusto at nangingibabaw ang paglalahat ng mga impormasyon sa mga estudyante para sa

paggamit ng mga direksyon at kritisismo. Ilan sa mga halimbawa ng direktong pagtuturo ay ang

pagiging ‘teacher centered at teacher controlled’ nito. Gumagamit ng mga nakabalangkas at

nangangailangan ng mga materyales pangkaalaman. Binabantayan at minomonitor ang mga


estudyante kung may progreso ba ang mga estudyante tungo sa layunin nito at nagbibigay

komento at nagbibigay katugunan sa anuman ang narating o nagawa ng mga estudyante. Ang

indirektong pagtuturo naman ay ang pag papairal ng mga sari-saring uri ng pagkatuto ng mga

estudyante o kumbaga ‘out-of-the-box’. Malaya at demokratikong pagtuturo para sa mga

estudyante sa uri nito. Isa sa mga halimbawa nito ay ang paggamit ng mas marami at iba’t-ibang

materyales sa pag aaral. Tinuturuan ang mga estudyante kung tapusin ang isang Gawain at may

tagapayo na handing tumulong kung may nangangailangan ng tulong.

Sa kabuuan napagtanto ng mga mananaliksik na ang estado ng mga Senior High School

Students sa panahong ito ay naayon sa kung ano ang nangyayari sa sistema ng eduklasyon sa

bagong kurrikulum ngayon. Mas naggng masinsinan ang mga guro sa pagtuturo gaya ng

nailathala ni Cruickshank tungkol sa mga uri ng pagtuturo .

LOKAL NA LITERATURA

(Bayang Pilipinas, 2011) kasalukuyan ng ipipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang

programa nitong kung tawagin ay K12. Ito ay nagdaragdag ng taon Basic Education ng bansa. Sa

programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag kinder bilang unang

hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na

ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior

High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/

Vocational course o isport at iba pang pagpipilian. Ang programang ito ay naglalayong mapataas

ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya

ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng

ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan di umano ay maari ng
makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos. Sa mga pampublikong

paaralan pa lamang ay masyado ng siksikan sa mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador

ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang

dami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila. Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga

malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante namaraming oras ang ginugugol sa

paglalakad ng ialng milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil

tumatawid pa sila sa ilog at peligro ang inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha.

Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para lang

makapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina hina ang loob ay napipilitan nalang

silang tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng

mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong guro ay may

kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon taon rin ay

matagal ng pinagpasa pasahan ng ilang nagdaang administrasyon. Sa pagpapasimula ng

pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa

edukasyon sa bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman

naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang

pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang sulirani. Kumpletuhin ang mga kulang na silid

paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga

guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo. Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang

bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag aaral upang tumaas ang kalidad ng edukasyon.

Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya naming

matutunan ng mga Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang

katunayan ditto ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay
suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag aaral ng mga bata ng kanilang magulang.

May mga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan?

Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayonng sistema pa nga lang ay marami na

ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre ang pag

aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos parin ang mga magulang sa mga pang araw

araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang

taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit

high school lang ang natapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa

kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho. Karamihan ditto ay mga nagsipagtapos ng nursing.

Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang edukasyon ng Pilipinas.

Halimbawa nito ay ang malawakang pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar.

Nandiyan na ang teknolohiya ng internet. Maaaring sa halip na araw araw na pasakit sa pagpasok

sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan

ng pag gawa ng mga educational channel na papanoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa

aktwal na panahon. Marami pang alternatibong paraan ang naghihintay na linangin para

makatulong sa pag angat ng edukasyon ng pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa. Ang K-12

ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang

malinaw na direksyon at hindi napapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang

problemang ito sa pamamagitan ngisang solusyonng sa huli ay magiging dagdag pa pala sa

suliranin. Sa pagbubbukas ng pang akademikonng taon 2012-2013, hindi na lamang taon-taong

problema sa edukasyon ang sasalubong sa mga mag aaral, guro, at mamayan, kundi ang
implementasyon ng Universal kindergarten o K-12 na naglalayon na dagdagan ang mga taon sa

elementarya at hayskul.

Ayon kay Pasion (2012) Ang K-12 ang programa ng administrasyong Aquino na

naglalayong solusyonan daw ang matagal ng problema sa edukasyon. Pero umani ito ng batikos.

Base sa programa, magiging mandatory ang kindergarten, magkakaroon ng anim na taon sa

elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at

dalawang taon sa senior high school (11 hanggang 12). Subalit ayon sa Kabataan Party-list,

hindi sasagot sa bumababang kalidad ng edukasyon, sa paglobo ng bilang ng mga out of school

youth, maging ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa, ang hakbang sa pagdagdag ng taon

sa batayang edukasyon.

Ayon kay Larry boy (2014) NGAYON ma-uulat sa sambayanang president Aquino.

Ididitalye niya sa kaniyang ika limang SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Isa

sa maaaring ireport niya ay ang tungkol sa K-12 program. Ngayong taon inumpisahan ng pormal

ang K-12 at marami ang nagsasabing na dapat ituloy-tuloy ito at paglaanan pa ng pondo sapagkat

nakikita ang magandang kahihinatnan ng mga kabataan. May magandang makakamtan sa

programang ito. Hindi naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Atonio Trillanes IV na dapat

suspendihin ang K-12. Ayon sa senador, dapat suspendihin ang programa sapagkat maraming

problemang kinakaharap. Hindi raw ito uubra sapagkat hindi handa ang pamahalaan sa

programang ito. Unahin daw muna ang mga pangunahing problema sa sektor ng edukasyon bago

itong k-12. Ilan sa mga binanggit ni trillanes ay ang problema sa kakapusan ng mga classroom,

nagkaroon daw sya ng konsultasyon sa mga nagpanukala ng K-12 program at nakita niyang

walang kahandaan dito ng kasalukuyang pamahalaan. Kaya ang suhestiyon nya ay suspendihin

habang maaga pa ang programa at pagtutuunan muna ang mga problema ng Education Sector.
Malaking problema rin aniya ang kahaharaping retrenchment ng 85,000 college professors at

employees sa 2016 kapag hindi sinuspindi ang K-12. Bakit ngayon lang nagsalita si Trillanes?

Kung kailan nakaporma na at naikasa na saka naman siya sasansalain ang K-12. Kung talagang

may pagmamalasakit ang senador sa sector ng edukasyon, dapat noon pa siya nagpanukala na

resolbahin ang kakulangan sa classrooms at guro. Dapat noon pa siya nagpakita nang pagtutol

dito. Sa ilalim ng K-12 ang mga estudyante ay nararapat dumaan sa kindergarten, anim na taon

sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school.

Magkakaroon ng kasanayan ang mga estudyante sa sistemang ito. Handang-handa na sila.

Huwag ipagpaliban ang programang ito.


KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang descriptive

quantitative na pananaliksik. Nais unawain ng pag aaral na ito ang mga epekto ng K12

kurikulum sa mga mag aaral sa Binangonan Catholic College Talim Campus.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga piniling kalahok sa pag aaral na ito ay ang mga piling mag aaral ng Binangonan

Catholic College Talim Campus.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga kalahok na maging tagapagsagot sa talatanungan at

pinakasentro ng pag aaral na ito. Ang kanilang sagot ay malaking tulong sap ag aaral na ito dahil

sila ang higit na nakadarama ng mga epekto ng pagkakaroon ng K12 kurikulum.

Pagpapatunay ng Instrumento

Para mapatunayan ang instrumento na ginamit, ibibigay ito sa mga tagapayo o Guro na

naggagabay sa paggawa ng pananaliksik, para maiwasan ang mga malalabong pahayag.

Magbibigay sila ng mga komento, rekomendasyon at fedbak para mas mapaganda ang

instrumento na ginamit.

Paraan ng Pagaaral

Gantt Chart na aktibidad ang gagamitin na pamamaraan sa aming pagaaral-pagkatapos na

masuri at mapatunayan ang aming talatanungan, hihingin naming ang permiso ng mga kalahok
para makapaggawa ng pananaliksik.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik ay

naghanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri

ang epekto ng K12 kurikulum sa mga mag-aaral.

Ang nilalaman ng talatanungan ay una (I) ang personal na datos na kung saan nakasaad

dito ang edad,kasarian,buwanang kita ng pamilya at pwesto sa pamilya ng mga kalahok.

Ikalawa (II) ay ang mgga salik at epekto ng K12 sa mga mag aaral. Lalagyan lamang ng tsek ang

antas ng kanilang pag sang-ayon/hindi pag sang-ayon sa bawat pahayag na nakatala sa

talatanungan. Ang antas ng pag sang-ayon/hindi pag sang-ayon ay nakabatay sa bawat sukatan at

berbal na interpretasyon. SA kapag lubos ang pag sang-ayon 4.20-5.00 ang sukat o (5), A kapag

sang-ayon 3.40-4.19 ang sukat o (4), N kapag walang kinikilingan 2.60-3.39 ang sukat o (3), D

kapag hindi sang-ayon 1.80-2.59 ang sukat (2), at SD kung lubos ang hindi pag sang-ayon 1.00-

1.79 o (1).

Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang unang hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay sinimulang gumawa ng mga

katanungan kaugnay sa napiling paksa. Gumawa ng sulat upang magsimulang mangalap ng

datos. At pag tatally at pagkuha ng pursyento ng mga nakalap na datos. Upang masuri ang mga

datos sa pag aaral na ito mataas at kompleks na istatistikal ang ginamit na pamamaraan. Bilang o

dami lamang ng mga pumili sa bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mga mananaliksik.
Naging madali sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa pormulang ginamit sa

pagkuha ng porsyento.

P=f/n x 100

Kung saan ang.

P- porsyento

f- dalas (frequency)

n- kabuuang bilang ng mga kalahok

100 %- lagging bilang o porsyento


KABANATA IV

RESULTA AT DISKUSYON

Pinagsama-sama at sinuring mabuti ang mga datos na nakalap sa isinagawang sarbey

tungkol sa epekto ng K12 sa mga mag-aaral. Ang mga datos at impormasyon nakalap ay inisa-isa

at binigyan ng nararapat na porsyento. Natuklasan sap ag aaral na ito ang mga sumusunod na

datos at impormasyon.

Ang mga sumusunod na talahanayan ay ang mga talahanayan ng mga propayl ng mga

kalahok.

TALAHANAYAN 1

Talahanayan ng mga sagot ayon sa edad

Edad Bilang Porsyento Ranggo

16-17 19 95% 1

18-19 1 5% 2

20 pataas 0 0% 0

Kabuuan 20 100%

Ipinapakita rito ang porsyento ng mga kalahok pag dating sa edad. 19 o may siyamnapu’t

limang porsyento (95%) ay nabibilang sa edad na 16-17, sumunod naman dito ay 1 o limang

porsyento (5%) na nabibilang sa edad na 18-19 at pang huli ay 20 pataas na edad.


Talahanayan 2

Talahanayan ng mga sagot ayon sa kasarian

Kasarian Bilang Porsyento Ranggo

Babae 14 70% 1

Lalaki 6 30% 2

Kabuuan 20 100%

Ang nasa itaas na talahanayan ay nagpapakita ng porsyento ng mga kalahok batay sa

Kasarian. 14 sa kanila ay babae na may pitongpung porsyento (70) at ang lalaki naman ay 6 na

may tatlongpung porsyento (30%).

TALAHANAYAN 3

Talahanayan ng mga sagot ayon sa buwanang kita ng pamilya

Buwanang kita ng Bilang Porsyento Raggo

pamilya

1,000-5,000 7 35% 2

6,000-10,000 10 50% 1

11,000-19,000 1 5% 4

20,000 pataas 2 10% 3

Kabuuan 20 100%
Sa talahanayan 3, ipinapakita ang porsyento ng mga kalahok sa kanilang Buwanang kita

ng pamilya. 10 o limang porsyento (50%) ng mga kalahok ay nabibilang sa pamilya na may

buwanag kita na 6,000-10,000, sunod naman ay 7 o tatlongpu’t limang porsyento (35%) ng mga

kalahok na nagkakaroon ng 1,000-5,000 na Buwanang kita. Aat ang pangatlo ay 20,000 pataas

na Buwanang kita na may 2 o sampung porsyento (10%) at ang pang huli ay 1 o limang

porsyento (5%) ng mga kalahok na 11,000-19,000 na Buwanang kita ng pamilya.

TALAHANAYAN 4

Talahanayan ng mga sagot ayon sa pwesto sa pamilya

Pwesto sa pamilya Bilang Porsyento Ranggo

Panganay 6 30% 2

Gitna 8 40% 1

Bunso 6 30% 2

Kabuuan 20 100%

Sa talahanayan 4 ipinapakita ang datos ng mga kalahok pag dating sa pwesto s apamilya.

Ang una sa ranggo ay ang Gitna na may 8 o apatnapung porsyento (40%), ang pangalawa naman

sa ranggo ay Panganay na may 6 o tatlongpung porsyento (30%) at Bunso na may 6 o

tatlongpung porsyento (30%) din.


Ang mga sumusunod na talahanayan ay ang mga salik at epekto ng K12 sa mga mag

aaral, sa pamilya, sa paaralan at pinagkukunan ng impormasyon.

TALAHANAYAN 5

Mga salik at epekto ng K12 sa mga mag aaral

Tanong Weighted Berbal na Ranggo

Mean interpretasyon

1. Ito ay nagpapataas o nakadaragdag sa kanilang 4.35 SA 5

kahusayan o karunungan.

2. Dahil dito magiging handa sila sa pagtungtong sa 4.75 SA 1

kolehiyo.

3. Nadadagdagan ang kanilang karanasan sa 4.65 SA 2

paaralan at napapahusay ang kanilang mga

abilidad sa iba’t ibang larangan.

4. Dahil ditto hindi sila malilito o maguguluhan sa 4.40 SA 4

pagpili ng kukuhaing kurso pagdating ng kolehiyo.

5. Napapalago nito ang kahusayan ng isang mag 4.60 SA 3

aaral sa iba’t ibang larangan.

Kabuuan 4.55 SA

Sa talahanayan 5, ipinapakita ang computed weighted mean sa mga epekto ng K-12 sa

nakagawiang pag aaral na may respeto sa mga mag aaral. Ang average weighted mean ay may

kabuuan na 4.55 na ang berbal na interpretasyon ay SA. Sa lahat ng mga pahayag ang
nangunguna sa ranggo ay “Dahil dito magiging handa sila sa pagtungtong sa kolehiyo” na may

weighted mean na 4.75. Ang ikatlong pahayag ay “Nadadagdagan ang kanilang karanasan sa

paaralan at napapahusay ang kanilang mga abilidad sa iba’t ibang larangan “ na nagkaroon ng

weighted mean na 4.65 na panggalawa sa ranggo. Ang ikalimang pahayag ay “. Napapalago nito

ang kahusayan ng isang mag aaral sa iba’t ibang larangan” na nagkakaroon ng weighted mean na

4.60. Ang sumunod ay “Dahil ditto hindi sila malilito o maguguluhan sa pagpili ng kukuhaing

kurso pagdating ng kolehiyo”na may weighted mean na 4.40. At ang huli ay ang ika-unang

pahayag na “Ito ay nagpapataas o nakadaragdag sa kanilang kahusayan o karunungan”.Lahat ng

katanungan ay nagkaroon ng interpretasyon na SA.

TALAHANAYAN 6

Mga salik at epekto ng K-12 sa Pamilya

Tanong Weighted Berbal na Ranggo

Mean interpretasyon

1. Dahil dito nadaragdagan ang kanilang problema 3.70 A 3

ukol sa pinansyal.

2. Tinuturuan at ginagabayan sila ng kanilang mga 4.40 SA 2

magulang ukol sa pag-aaral.

3. Nagkakaroon sila ng pagnanais na magpursigi sa 4.45 SA 1

pag-aaral dahil sa pagsuporta ng pamilya.


4. Tinuturuan at ginagabayan sila ng kanilang mga 4.40 SA 2

magulang ukol sa pag-aaral.

5. Dahil sa dalawang taon na dagdag na ito sa 3.20 A 4

hayskul ninanais na lamang ng pamilya nila na

wag na magpatuloy sa pag-aaral.

Kabuuan 4.03 A

Ayon sa ipinakita na talahanayan na may pag respeto sa pamilya. Ang unang ranggo ay

ang ikatlong pahayag na “Nagkakaroon sila ng pagnanais na magpursigi sa pag-aaral dahil sa

pagsuporta ng pamilya” na may weighted mean na 4.45 at interpretasyon na SA , na sinusundan

naman ng pahayag na “Tinuturuan at ginagabayan sila ng kanilang mga magulang ukol sa pag-

aaral at Tinuturuan at ginagabayan sila ng kanilang mga magulang ukol sa pag-aaral”na may

weighted mean na 4.40 . Kasunod naman nito ang pahayag na “Dahil dito nadaragdagan ang

kanilang problema ukol sa pinansyal” na nagkaroon ng weighted mean na 3.70 at may

interpretasyon na A na iak tatlo sa ranggo. At ang ika apat sa ranggo ay “ Dahil sa dalawang taon

na dagdag na ito sa hayskul ninanais na lamang ng pamilya nila na wag na magpatuloy sa pag-

aaral” na may weighted mean na 3.20 at interpreetasyon na A. Ang average weighted mean na

may kabuuan na 4.03 at may interpretasyon na A.


TALAHANAYAN 7

Mga salik at epekto ng K12 sa Paaralan.

Tanong Weighted Berbal na Ranggo

mean interpretasyon

1. Nakakaapekto ang kakulangan ng mga libro sa 4.00 SA 2

pag-aaral ng mga mag-aaral

2. Dahil sa kakulangan ng pasilidad naapektuhan 4.10 A 1

nito ang kanilang pag aaral

3. Naaapektuhan ang pag aaral ng mga studyante 3.70 A 3

dahil sa kakulangan sa mga guro

4. Dahil sa kakulangan sa mga gamit ng mag 3.45 A 5

aaral naapektuhan nito ang kanilang pag aaral.

(notebook,papel,ballpen,at iba pa)

5. Nakakaapekto ang kakulangan ng mga 3.60 A 4

kagamitan sap ag aaral.

Ayon sa ipinapakita ng talahanayan na may pag respeto sa paaralan. Ang unang ranggo

ay ang pahayag “ Dahil sa kakulangan ng pasilidad naapektuhan nito ang kanilang pag aaral” na

may weighted mean na 4.10, sumunod ditto ay ang pahayag “Nakakaapekto ang kakulangan ng

mga libro sa pag-aaral ng mga mag-aaral” na may weighted mean na 4.00. Ang ikatlong ranggo

ay ang pahayag “ Nakakaapekto ang kakulangan ng mga libro sa pag-aaral ng mga mag-aaral’ na

nagkaroon ng weighted mean na 3.70 ,kasunod naman nito ang ika apat na ranggo na
“Nakakaapekto ang kakulangan ng mga kagamitan sa pag aaral” na may weighted mean na 3.60

at ang panghuli ay ang ikaapat na pahayag “Dahil sa kakulangan sa mga gamit ng mag aaral

naapektuhan nito ang kanilang pag aaral. (notebook,papel,ballpen,at iba pa) na may weighted

mean na 3.45 . Sa kabuuan nito ang average weighted mean ay 3.77 at lahat ng katanungan ay

nagkaroon ng interpretasyon na A .
KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay ang lagom, naging konklusyon at rekomendasyon ng

mga mananaliksik.

PAGLALAGOM

Base sa pagsusuri at interpretasyon ng mga datos, ang mga sumusunod na sinaliksik ay

nailagom.

1. Ang Propayl ng mga Mag aaral – Kalahok

Mas marami ang babae kaysa sa lalaki sa mga kalahok na binigyan ng

talatanungan sa Senior High School ng Grade 11 sa Binangonan Catholoic College Talim

Campus, at halos lahat sila ay nabibilang sa 16-17 na taong gulang. Ang karamihan ay

nabibilang sa may kayang Buwanang kita ang pamilya, at halos lahat sa kanila ay nasa

pang gitna ang pwesto sa pamilya.

2. Ang mga epekto ng K-12 sa nakagawiang pagaaral ng mga magaaral

Ang epekto ng K-12 sa nakagawiang pagaaral ng mga magaaral sa BCCTC ay

mayroong resulta na positibong epekto, ibig sabihin na ang mga aspeto katulad ng

magaaral, pamilya, at kakulangan ay nakakaapekto sa nakagawiang pagaaral nila.

KONKLUSYON

You might also like