You are on page 1of 66

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 1

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ang magtatalakay sa pangkalahatang paksa ng

pananaliksik. Dito rin inilahad ang mga suliranin na bibigyang kasagutan sa mga

susunod na kabanata ng pananaliksik, ang layunin ng pag-aaral, at kahalagahan nito

sa mga respondente, guro, mamamayan at sa hinaharap. Matatalakay rin sa

kabanatang ito ang saklaw at hangganan ng pag-aaral.

Panimula

Ang K-12 ay isang programang ipinatupad ng pamahalan at ng kagawaran

ng edukasyon na may layunin na tulungan ang mga kabataan at ang pantayan ang

sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.

Taong 2011, naipatupad na rin ang matagal na ring pinaplanong pagbabago sa

programang pang-Edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas na

tinatawag na K to 12 Program, pormal itong itinalaga noong 2013. Ang K-12 ay

ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral

pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy

ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging

handa para sa kolehiyo. Mula sa 10 taong basic na edukasyon—6 na taon sa

elementarya at 4 na taon para sa high school—mula taong 1945 hanggang 2011,

ang implementasyon ng programang K–12 ng DepEd at kasunod na ratipikasyon


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 2

ng Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013,

naging 13 taon na ang basic education ngayon. Isang taon ang para sa kindergarten,

6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school at 2 taon para

sa senior high school, para sa mga mag-aaral mula edad na 5 hanggang 17 taong

gulang. Nitong 2017 lamang naisapatupad ang implementasyon ng Grade 12. Ayon

sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa

programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito

ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t

ibang larangan ng espesiyalisasyon tulad na lang ng animation. Ang pag-aaral sa

kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng sapat na

panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga

konsepto at kakayahan na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at

unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Rasyunal

Napili ng mga mananaliksik ang paksa na ito sapagkat ang programang K-

12 ay usaping panlahat na kailangang bigyan pansin ng bawat indibidwal upang

buksan ang ating mga isipan, upang makita ang positibo at negatibo nitong nagawa

sa mga mag-aaral, magulang, guro at iba pa. Ninanais ng mga mananaliksik na

malaman ang pananaw o opinyon ng mga nasa unang taon ng kolehiyo ngayong

taong 2018 sapagkat sila ang may karanasan at sila rin ang naging unang batch na

nakapagtapos ng antas 12. Bilang isang mag-aaral nararapat na maging bukas tayo
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 3

sa ganitong uri ng usapin sapagkat ang isyu sa makabagong sistema ng edukasyon

ay tila napapanahon parin. Ang usaping ding ito ay para sa kinabukasan ng mga

kasalukuyang nag-aaral kaya nararapat na mabusising pag-aralan. Madami paring

tanong sa kaisipan ng bawat isa patungkol sa K-12 kagaya na lamang ng

kung ano nga ba ang naitulong nito sa mga mag-aaral, kung ito ba ay naging

epektibo sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral, kung ito ba ay naging isang

solusyon o naging isa lamang problema, at marami pang katanungan. Ang mga

mananaliksik ay may layunin na masagot ang mga katanungan na ito.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung paano

nakatulong o nakabahala ang K-12 kurikulum sa bawat isa. Isa rin sa mga layunin

ng mga mananaliksik ang makatulong sa mga guro at magulang sapagkat sila rin

ay apektado sa ganitong uri ng isyu. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong rin

sa lipunan sapagkat ang pananaw ng mga mag-aaral ay malaking tulong sa

posibleng paglutas sa suliranin na mayroon ang sistema ng edukasyon ngayon.

Kaligirang Pangkasaysayan

Noong 1946, bago pa man tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa mga

mananakop, nakabase ang sistema ng edukasyon ng bansa sa mga dayuhang ito,

tulad na lamang ng Espanya at Amerika. Nasa ilalim tayo ng kanilang pamamahala

sa loob ng mahigit tatlong daang taon. Ito ang dahilan kung bakit ang sistema ng

edukasyon maging sa kasalukuyan ay may bahid pa rin ng dayuhan. Ang


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 4

karaniwang itinuturo dati ay ang mga praktikal na gawain sa tahanan o pang-araw-

araw na pamumuhay. Itinuturo rin ang mga kwento sa lipunan, mga

sayaw at tugtugin, sining at literatura maging ang pamamaraan ng panggagamot at

ito ay ipinapasa sa mga susunod na henerasyon. Bago dumating ang mga dayuhan

ay may sistema na rin tayo ng pagsulat na tinatawag na baybayin at mga titik na

tinatawag namang alibata. Ang ganitong sistema ng edukasyon ay nanatili sa iba’t

ibang bahagi ng bansa hanggang sa pagsakop ng mga dayuhan.

Ang sistema ng edukasyon noong panahon ng kastila ay nagkaroon na ng

pormal na edukasyon ang Pilipinas sa karaniwan ay relihiyoso ang layunin ng

pagtuturo ng mga dayuhang ito. Sa kanila nagmula ang konsepto ng Kristiyanismo.

Magkabukod ng paaralang pinapasukan ang mga lalaki at babae noon.

Noong 1589, unang itinayo ang paaralang colegio na para sa mga kalalakihan.

Tinawag itong Universidad de San Ignacio. Beatrio naman ang tawag sa mga

paaralang para sa mga kababaihan. Layunin nito na maihanda ang mga babaeng

Pilipino para sa kumbyento at ang isa ay para sa mga gawaing sa tahanan.

Sa paglipas ng panahon, lumago ang bilang ng mga Pilipinong nakapag-

aaral dahilan sa mga pasilidad pang-edukasyon na ipinatayo ng mga Kastila sa

pamumuno ng mga Jeswita. Ilan sa mga nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral

ay ang ilang kilalang matatalinong Pilipino o tinatawag na mga Ilustrado kabilang


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 5

sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at

Antonio Luna.

Noong panahon naman ng mga Amerikano, tuluyang napasakamay ng mga

Amerikano ang bansa matapos matalo ang mga Kastila sa digmaang Amerika-

Espanya. Agarang nagpatayo ng pitong paaralang ang mga Amerikano na

naglalayong maghatid ng pagtuturong militar sa mga Pilipino. Sa kanila rin

nagsimula ang pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan.

Noong 1901-1902, nagkaroon ng kakapusan sa mga guro sa bansa, kung

kaya’t iniutos ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Commission Act no.74 na

magpadala sa bansa ng mahigit sa 1,000 guro mula sa Estados Unidos. Kilala ang

mga ito bilang Thomasites. Ang mga ito ay pinadala sa iba’t ibang bahagi ng bansa

upang maghatid ng edukasyon sa lahat ng mga Pilipino. Naitatag din ang Philippine

Normal School na naglalayong turuan ang mga Pilipino na maging kuwalipikadong

magturo.

Noong 1908, sa ilalim ng Batas Bilang 1870, naitatag ang Unibersidad ng

Pilipinas na kasalukuyang ating pambansang unibersidad. Nagsimula rin dito ang

pagkakaroon ng sekondarya na ang layunin ay maihanda ang mga Pilipino para sa

pagtatrabaho.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 6

Noong 1947, matapos ibigay ng mga Amerikano ang awtoridad sa Pilipinas,

pinalitan ni Pangulong Manuel Roxas ang pangalan ng dating tatag na

Department of Instruction bilang Department of Education (DepEd). Ang

ahensiyang ito ang humawak sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Noong 1972, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos,

muling pinalitan ang DepEd bilang Department of Education and Culture (DECS).

Layunin nito na ituro sa mga Pilipino ang disiplina, pagkamakabayan at

pagmamahal sa sariling kultura.

Sa ilalim ng Batas bilang 7722 o Higher Education Act of 1994, nahati ang

DECS sa tatlong ahensya: Commission on Higher Education (CHED), Technical

Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Education

(DepEd). Hawak ng DepEd ang kabuuang pamamalakad ng mga paaralan sa bansa.

Nasa ilalim naman ng CHED ang mga institusyon, unibersidad at kolehiyo.

Samantala, nasa pamumuno naman ng TEDSA ang mga paaralang nagtuturo ng

teknikal-bokasyonal na kurso.

Ang nakasanayang sistema ng edukasyon ng bansang Pilipinas ay ang 10

grade basis education. Binubuo ito ng Kindergarten, Elementarya na may anim na

taon (grade 1-grade 6), Sekondarya na may apat na taon (1st year-4th year) at

Kolehiyo na nakadepende sa kurso kung gaano kahaba ang guguguling panahon sa

pag-aaral. Ngunit ang ganitong sistema ay hindi na akma sa inilunsad na bagong


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 7

programang pang edukasyon ng maraming bansa sa mundo.

Dahil sa lumalawak na implementasyon ng K-12 kurikulum, noong 2012,

isinabatas ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang

pagpapaimplementa ng ganitong sistema ng edukasyon sa buong bansa.

Sa ilalim ng kurikulum na ito ay nadagdagan ng dalawang taon ang dating

10 grade basis education system. Ang bagong kurikulum na ito ay nagsisimula sa

Kindergarten, na kinakailangang pasukan ng lahat ng mga mag-aaral, na dati’y

kahit hindi naman. Ang obligasyong pumasok sa kindergarten ay nakaayon sa batas

na Kindergarten Act of 2012. Pagkatapos ay papasukan naman nila ang

elementarya na binubuo ng anim na taon. Kasunod nito ay ang High School o

Sekondarya na binubuo ng apat na taon, mula grade 7 hanggang grade 10.

Tinatawag na Junior High ang mga estudyanteng nag-aaral sa sekondarya.

Susundan naman ito ng panibagong dagdag na dalawang taon, grade 11 hanggang

grade 12. Tinatawag naman na Senior High ang mga mag-aaral na pumapasok sa

antas o lebel na ito. Sa antas na grade 11 at grade 12, mayroong pamimilian na mga

tract o academic strands na maaring kuhanin ng mga estudyante. Kabilang rito ang

Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences

(HUMSS), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at General

Academic Strands (GAS).


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 8

Ang bagong sistemang ito ng edukasyon ay may layuning patatagin ang

kahandaan ng mga estudyante sa iba’t ibang larangang pang-akademiya at gawaing

teknikal at bokasyonal. Pinahaba ang panahon ng pag-aaral upang mas mahubog

ang kakahayahan ng mga mag-aaral at upang mas maging handa sila sa mas mataas

na antas ng edukasyon. Sa pangkalahatan, layunin ng gobyerno na tugunan ang

pangangailangan ng lakas-paggawa sa Pilipinas maging ng tumataas na

pangangailan ng ibang bansa sa ating mga manggagawa at propesyonal. Isang

dahilan ito kung bakit ipinatupad ng gobyerno ang bagong programang K-12.

Pagpapahayag ng Suliranin

May mangilang-ngilang problema ang natalakay ng mga mananaliksik mula

sa paksa ng pananaliksik. Ang alin pang suliraning nakikita ng mga mananaliksik

ay ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga elemento na nakaaapekto sa pagbahagi ng pananaw ng mga

mag-aaral ng Unibersidad ng Caloocan North Campus ayon sa propayl ng

respondente:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Kurso

1.4 Paaralan kung saan nakapagtapos ng senior high


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 9

2. Ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo

patungkol sa programang K-12?

3. Bakit nakatulong o nakaperwisyo ang bagong kurikulum ng bansa?

4. Paano nakakaapekto ang bagong kurikulum sa mga mag-aaral ng Unibersidad

ng Caloocan North Campus?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na malaman ang pananaw ng mga

mag-aaral mula sa unang taon ng kolehiyo na may kursong BSIS, BSIT, BSCS, at

BSEMC sa Unibersidad ng Caloocan North Campus ukol sa programang K-12 at

mabatid ang mga maitutulong ng pananaliksik sa magulang, guro, sa mga mag-

aaral, at iba pa.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pananaw hinggil sa

programang K-12. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng Caloocan North Campus na nakapagtapos ng

Senior High School at may kursong BSIS, BSIT, BSCS, at BSEMC lamang. Ang

mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat

sila ang makapag-bibigay opinyon ukol sa pag-aaral na gagawin at dahil sila rin
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 10

ang labis na maapektuhan ukol sa nasabing usapin. Ang pag-aaral na ito ay hindi

tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondante o mag-aral sa buong

Unibersidad sa loob ng bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin ng

mga mag-aaral sa Unibersidad n g Caloocan North Campus. Ngunit anuman ang

magiging kalalabasan ng nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga saloobin ng

mga mag-aaral sa ibat-ibang Unibersidad sa ating bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag- aaral na ito ay mahalaga sa iba’t ibang tao sa lipunan dahil inaalam

nito ang pinakamabisang paraan upang mabigyan ng pansin ang bawat indibidwal

na buksan ang ating mga isipan, at sa gayon Makita ang positibo at negatibo nitong

nagawa sa mga mag- aaral. Ang makikinabang sa pag- aaral na ito ay mga

sumusunod:

Mga mag- aaral. Ang pag- aaral na ito ay makatutulong upang mas lalo

pang maunawaan at malaman ang kahalagahan ng ng K to 12 Program sa larangan

ng edukasyon at mabigyang pansin ito ng mga mag- aaral kung ito ba ay

makakatulong (advantages) o hindi makakatulong (disadvantages) sa mga mag-

aaral itong programma ng DepEd. Ang pananaliksik na ito ay nais lamang na

makuha ang anumang sa loobin at opinyon ng mag- aaral at makakatulong sa

kanilang edukasyon na kanilang tinatahak sa araw-araw na pamumuhay.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 11

Magulang/ Guardian. Ang pag- aaral na ito ay mahalaga sa ating mga

magulang o guardian upang maintindihan at maunawaan ang kahalagahan at mga

bagay na saklaw ng programang K to 12. Bagkus ang ating mga magulang ang

unang apektado ng programa ng edukasyon sapagkat sila ang nagpapa-aral, sa

paraang ito ay natutulungan natin ang ating mga magulang na ipagpatuloy at

pagsikapin ng mga kanilang anak na tapusin ang pag- aaral hanggang sa koliheyo.

Guro at Namamahala ng Paaralan. Para naman sa mga guro, malaking

tulong itong K to 12 Program sapagkat mahahasa at magagabayan pa lalo ng mga

guro ang kanilang mga istudyante, upang mahubog ang kaalaman, may kakayahan

at kasanayan sa larangan ng edukasyon ang bawat istudyante. At para sa mga Guro

naman ay mayroon silang Seminar upang may sapat na kaalaman sa pagtuturo at

masabayan ang daloy ng programming K to 12 na kanilang binabahagi at ginagamit

sa pagtuturo sa mga mag- aaral.

Para naman sa mga Namamahala ng Paaralan ay malaking tulong ang

Programa ng DepEd na K to 12 program upang ang mga studyante na nag- aaral sa

kanilang paaralan ay maging isang produkto at hinubog ng kaalaman at kasanayan

sa pag- aaral upang sa pagsalang nito sa koliheyo man o sa pagtatrabaho, ito ay

handa at may kakayahan at kaalaman.

At Iba pa na may Koneksyon sa Pananaliksik. Para naman sa mga tao na

sakop, konektado at saklaw ng pag- aaral na ito ay mahalaga rin na magkaroon ng


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 12

ideya o impormasyon at maki- alam ukol sa aming paksa at mabigyan ng linaw ang

katanungan tungkol sa Programang K to 12 ng DepEd, kahalagahan at pagpapatibay

na ang K to 12 Program sa ating bansa Malaki ang nagagawa hindi lamang para sa

mga mag- aaral kundi para na rin sa panghinaharap ng ating mahal

na bansa at tulong ng programang ito ay inihahanda tayo ng ating pamahalaan na

kaya nating itayo at ipagmalaki ang bandila ng Pilipinas at kayang maki-

pagsabayan sa ibang bansa, dahil may sapat na tayong kaalaman at kasanayan.

Batayang Teoretikal

Ayon sa aklat ni John Dewey na “School and Society”, isang kilalang

pilosopo noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, pinatunayan

niya ang isang katotohanan na may kinalaman sa edukasyon. Sa aklat na ito,

inilahad niya ang kaniyang teoryang “PRAGMATISM ON EDUCATION”. Ang

teoryang ito ni Dewey ay nagpatunay na ang karunungan ay mas nagiging epektibo

kung may praktikal na kasanayan. Ayon kay Dewey, mas matututo ang isang tao

kung ang paraan ng pagtuturo ay sa pamamagitan ng paghahahatid ng praktikal na

kasanayan. Ang teoryang ito ni Dewey ay nahahati sa apat na konsepto: Ang

edukasyon ay buhay, Ang edukasyon ay pag-unlad, Ang edukasyon ay isang sosyal

na proseso at ang edukasyon ay nahuhubog mula sa karanasan ng isang tao.

Ang teoryang ito ni Dewey ang pinakakilalang pilosopiya at basehan ng

konsepto ng edukasyon sa Pilipinas. Sinabi ng isang Propesor sa Edukasyon at


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 13

Dean ng Graduate School of Siliman University na si Herman C. Gregorio at dating

DECS superior na si Cornelia M. Gregorio na ang edukasyon sa bansa ay walang

duda na nakabase sa teorya ni Dewey na Pragmatism. Isang katunayan niyan ay

ang paglulunsad ng bansa sa programang K-12. Sa kurikulum na ito, maagang

sinasanay ang mga kabataan sa larangang nais nilang kuhanin sa hinaharap. Sa

bagong sistemang ito, tinuturuan ang mga estudyante na maging mahusay sa

pamamagitan ng praktikal na pamamaraan.

Ipinahiwatig din ni Dewey ang pinakaepektibong paraan upang magkaroon

ng kaalaman at kakayahan ang isang mag-aaral. Para sa kaniya, ang edukasyon ay

hindi lamang pangangabisado ng mga aralin sa klase. Mas matututo ang mga mag-

aaral kung sasanayin ang kanilang isip na mag-isip nang kritikal at mag-analisa ng

mga problema at bigyan ito ng solusyon sa pinakamabisa at praktikal na

pamamaraan.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 14

Batayang Konseptwal o Paradaym

Ang pag-aaral na ito ay batay sa konsepto na ang pagpapatupad ng isang

bagong programa sa edukasyon ay nangangailangan ng pagtatasa sa lawak nito

PINAGBATAYAN PAMAMARAAN KINALABASAN

Propayl ng Pragmatism on
respondente: Education Ang K-12
* Edad kurikulum ay
* Kasarian Ni: John Dewey magiging
* Kurso epektibo kung
* Paaralan kung Ang edukasyon ang layunin nito
saan ay buhay, Ang ay sanayin ang
nakapagtapos ng edukasyon ay mga mag-aaral na
senior high pag-unlad, ang mag-isip ng
edukasyon ay kritikal at mag-
Pananaw ng mga isang sosyal na analisa ng
mag-aaral proseso at ang problema sa
edukasyon ay praktikal na
Sakop ng nahuhubog mula pamamaraan
maapektuhan sa sa karanasan ng
panibagong isang tao. Ang karunungan
kurikulum: ay makakamit
*Magulang kung ito ay
*Mga estudyante mararanasan ng
*Guro isang mag-aaral

Tugon
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 15

Definisyon ng Terminolohiyang Ginamit

Ilustrado. Sila ay matatalino at sila ang ilan sa mga nagkaroon ng

pagkakataong makapag-aral sa panahon ng Kastila.

Junior High. Ang mga estudyanteng nag-aaral sa sekondarya (grade 7-

grade 10).

Kindergarten Act of 2012. Batas nagsasabi na ang mga kabataan ay may

obligasyong pumasok sa kindergarten.

K to 12 Program. Gaya ng nilinaw ni cruz (2010), ay tumutukoy sa pinaka-

kamakailan-lamang na ipinatupad na kurikulum ng pangunahing edukasyon na

nilagdaan sa isang batas ng dating pangulo Benigno Aquino III sa pamamagitan ng

republikang batas 10533. Ang mga estudyanteng Pilipino ay kinakailangang

sumailalim sa isang taon sa kindergarten, anim na taon sa primary school , apat na

taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school.

Mga diskarte sa pagtuturo. Ito ay nagpapahiwatig ng mga pagbabago sa

paggamit ng mga diskarte sa pagtuturo upang umangkop sa mga iniaatas ng bagong

kurikulum, k to 12.

Mga Isyu at Pag-aalala. karamihan sa mga item ay may mga ideya na


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 16

nagpapakita ng kahirapan ng mag-aaral para sa karagdagang pasanin sa mga

tuntunin ng oras at mga gastusin sa pananalapi na madadala para sa karagdagang

dalawang taon ng batayang edukasyon mula 10 hanggang 12 taon.

Mga pasilidad ng paaralan. Nagpapahiwatig ito ng mga gusali ng

paaralan, kasangkapan, kasama ang mga kagamitan at kagamitan sa kanila upang

makayanan ang mga pangangailangan ng K hanggang 12 Kurikulum Program.

Pagpapatupad ng Programang K-12. Sa pag-aaral na ito, inilahad ang

mga tuntunin na nalalapat lamang sa mga piling paaralan.

Senior High. Ang panibagong dagdag na dalawang taon (grade 11-grade 12).

Sistema ng Edukasyon. Ito ang pamamaraan ng pagpapaunlad ng

edukasyon na kung saan mayroon ang bawat bansa.

Tract. Tinatawag ding academic strand, tumutukoy ito sa larangan na nais

kuhanin ng mga mag-aaral sa Senior High School. Katumbas ito ng salitang kurso

na kinukuha naman sa kolehiyo.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 17

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay inilalahad ang ilang sipi sa tisis, aklat, internet,

dyornal, at iba pang mga sanggunian na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Dito rin inilagay ang mga pagpapatibay na impormasyon na susuporta sa mga

asampsyon at konklusyon na isinaad sa naunang kabanata.

Literaturang Lokal

Ayon kay Penarubia (2015), ang K-12 ay may layunin na baguhin ang

sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa kadalihanang sa buong asya tanging ang

Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon na basic education, kaya naman

ipinatupad ito ng pamahalaan at ng DepEd. Noong taong iyon 2012, maraming

nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa mga paghahanda, ngunit sa nakalipas

na buwan taong 2015, may iilang nagsasabi na kulang pa rin ang mga libro na akma

sa bagong kurikulum na gagamitin ng mga magaaral, bagamat inamin ng

Kagawaran ng Edukasyon, na naantala ang pagpapadala ng mga materyales na

kailanagan sa mga ibang pampublikong paaralan.

Isa sa mga katangian ng K-to-12 ang multi-media approach nito. Ibig

sabihin, kakailanganin ang mga kagamitan o gadgets gaya ng projector, computer,

at iba pang teknolohiya.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 18

Pero sa kalagayan na nananatiling kulang-kulang maging ang batayang mga

pangangailangan sa sektor ng edukasyon taun-taon, tila magiging dagdag na

problema ang K-to-12.

Ang mga naitalang kakulangan ng ACT noong pasukan 2015; nasa 112,942

na klasrum (59,671 ma klasrum ang nakabadyet ang hindi naipatayo ng DepEd

noong 2014), hindi bababa sa 23,928,335 na textbooks (12,775,823 ang dapat

naitapos na noong nakaraang taon), at 57, 167 guro. Gayundin, nasa 4,281 paaralan

ang walang suplay ng tubig (16,920 water supply project ang hindi nagawa ng

DepEd noong 2014) at nasa 10,514 ang walang serbisyon ng kuryente, ayon sa

ACT. Hindi rin umano natupad ang 34,935 na mga equipment sa siyensiya at

matematika at 10,383 ICT (information and communications technology) packages

noong 2014. Nasa 395 internet connectivity projects ang hindi rin naipatupad.

Ayon sa ACT, ilan lamang ang mga ito sa bigong matugunan ng DepEd

para sa implementasyon ng badyet na ibinigay noong 2014. Hindi lamang ito isyu

ng mismanagement, isa umano itong tahasang pagpapabaya sa responsabilidad ng

DepEd.

“Kung ang batayang mga pangangailangan na ito ay hindi pa rin

matugunan ng gobyerno, paano pa angpangangailangan para sa K-to-12? Paano

ang mga nasa malalayong lugar na walang kuryente o, sa malala, walang klasrum?
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 19

Hindi alamat ang mga nagkaklase sa ilalim ng puno sa Pilipinas. Reyalidad ito

hanggang ngayon,” ayon kay Joy Martinez, bise-presidente ng ACT.

Problema pa rin mula noong unang taon (2012) na ipinatupad ang K-to-12

ang modules na gagamitin dapat ng mga guro sa pagtuturo ng bagong kurikulum.

“Magmula pa lang sa Grade 7 ng K-to-12, kulang na kulang na ang materyales.

Darating ang materyales fourth grading na, ano ang mangyayari sa unang lessons

nila?” ani Solita Daz, guro mula sa Raja Soliman Science and Technology High

School.

Batay umano sa kurikulum na mayroon ang programa, makikita ang mga

kurso o subjects na nakatuon sa teknikal na mga kasanayan tulad ng kasanayan

sa welding, housekeeping, care giving, pagmamasahe, pananahi, at iba pa na

pagsasanay na nakatuon sa pagluwal ng semi-skilled na mga manggagawa.

Ayon kay Mabel Caboboy na isang guro sa Manuel Roxas High School sa

Quezon City, pag tinignan talaga ang nilalaman ng K-to-12, makikita natin ang

katangian ng colonial education para sa mga estudyante na nakapokus sa pagluwal

ng skilled labor lang.

Sa panahon na makakapagtapos ang isang mag-aaral sa senior high school,

inaasahan na nasa 18-taong gulang na ito – ang legal na edad para makapagtrabaho.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 20

Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng makakapagtapos

ng senior high school sa loob at labas ng bansa. Maagang mapakinabangan ng

estado ang kabataan para magtrabaho sa halip na gastusan ng gobyerno sa kolehiyo.

Ito ang isa sa malinaw na inamin mismo ng Department of Education

(DepEd) na “makatutulong” di umano na makapagtrabaho agad ang mga kabataan

pagkatapos nila ng senior high school.

Bago pa man naisabatas ang K-12 ay maraming mga Pilipino ang tumutol

dito sapagat ito daw umano ay gumugugol ng mahabang panahon ng pag-aaral sa

eskwelahan at dagdag gastos ng mga nagpapaaral bagaman mayroon ayuda ang

gobyerno bilang suporta sa estudyante. Ang K-12 Education Program ay

karagdagang taon sa pag-aaral ng elementarya at hayskul.

Sa kabilang banda marami rin sa mga Pilipino ang pabor sa nasabing

programa sapagkat sa kasalukuyan marami ang mga kabataan ang hindi nakakapag-

aral sa koliheyo dahil sa kahirapan at marami rin sa mga Pilipino ang walang

maayos na trabaho dahil hayskul lamang ang inabot. Ang dalawang taong dagdag

sa Hayskul ay may malaking tulong sa mga mag-aaral na wala nang kakayahan pa

na makapag aral ng koliheyo sapagkat maaari na itong makahanap ng trabaho o

makapagtrabaho.

Kung sisipatin ang tunay na adyenda ng K to 12 sa Pilipinas, madaling


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 21

mapapatunayan na palalawakin at palalalain lamang nito ang dependensiya ng

bansa sa mauunlad na bansa, sa pamamagitan ng pagpapanatili sa labor export

policy ng gobyerno. Punong-puno ng rebelasyon ang “Discussion Paper on the

Enhanced K+12 Basic Education Program” na inilabas ng Department of

Education (DepEd) noong Oktubre 5, 2010, gayundin ang 12-pahinang primer na

pinamagatang “The K to 12 Basic Education Program” (October 30, 2012) na

inihanda ng Presidential Communications Development and Strategic Planning

Office (PCDSPO) at nalathala sa online Official Gazette ng Republika ng Pilipinas,

at ang 73-pahinang “K TO 12 Toolkit: Reference Guide for Teacher Educators,

School Administrators, and Teachers (2012)” na inilabas ng Southeast Asian

Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation

and Technology (SEAMEO-INNOTECH) na may imprimatur ng Department of

Education sapagkat naglalaman ng introductory message ng Kalihim ng

Kagawaran ng Edukasyon, si Br. Armin Luistro, FSC.

Nilinaw sa “Discussion Paper” ng DepEd ang isa sa mga pangunahing

dahilan ng pagpapatupad ng K to 12 (sa kanila ang emphasis): “Ang ikli ng

edukasyong primarya ay isang disbentahe para sa milyon-milyong overseas

Filipino workers (OFWs), lalo na yaong mga propesyonal at mga nagnanais mag-

aral sa ibang bansa. Hindi awtomatikong kinikilalang propesyonal sa ibang bansa

ang mga nagtapos sa Pilipinas. Sa ilalim ng Washington Accord, 12-taong

edukasyong primarya ang kailangan para sa rekognisyon ng mga inhinyero. Sa

ilalim naman ng Bologna Accord, 12 taon din ng edukasyong primarya ang


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 22

kailangan para sa pagpasok sa unibersidad at para makapagtrabaho bilang

propesyonal sa mga bansang Europeo” Isa sa mga naging dahilan ng pagtutol ng

ilang mambabatas sa implementasyon ng K to 12 ay ang kawalan ng sapat na pondo

ng gobyerno para rito. Ayon kay Rep. Almario, mula 2013 hanggang 2017 ay

kailangan ng mga sumusunod para sa implementasyon ng layuning Education For

All (EFA) pa lamang na ni hindi pa nga naisasakatuparan ng Pilipinas: sa 2013 –

P334 billion; sa 2014 – P344 billion; sa 2015 – P360 billion; sa 2016 – P409 billion;

at sa 2017 – P434 billion.

Ayon sa libro na Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa

Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas ni San Juan,

ngayong malinaw na ang K to 12 ay hindi isang nasyonalistang programang pang-

edukasyon na nagsasaalang-alang sa pangangailangan ng bansa at ng mga

mamamayan, iminumungkahi ang agad na pagpapahinto ng implementasyon ng K

to 12 maliban sa implementasyon ng kindergarten at ng mga reporma sa kurikulum

sa Grades 7 to 10. Maaari ring ipagpatuloy ang mga reporma sa Grades 1 to 6 ngunit

dapat pansamantalang itigil muna ang MTB-MLE at sa halip ay ibalik ang

Filipinisadong kurikulum sa antas elementarya. Sa pangkalahatan, iminumungkahi

ang pagpapabuti ng kasalukuyang 11-year Basic Education cycle (Kindergarten,

Grades 1 to 6 at Grades 7 to 10) at karagdagang investment para sa mga state

colleges and universities (SUCs), at sa buong sektor ng edukasyon.

Walang saysay ang anumang dagdag pondo sa edukasyon kung hindi


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 23

isasailalim sa reoryentasyon ang sistemang pang-edukasyon at pang-ekonomiya ng

bansa. Bago-baguhin man ang mga asignatura, dapat bigyang-diin ang pagkikintal

o inkulkasyon ng nasyonalismo sa isip at puso ng mga Pilipino upang ang ating

mga mamamayan ay maging mga mamamayang gaya ng pinangarap nina Rizal,

Bonifacio, Jacinto at Constantino: mga mamamayang naglilingkod sa ikauunlad ng

sariling bayan. Samakatwid, dapat ibasura ang labor export policy at ang pagtrato

sa mga paaralan sa Pilipinas bilang tagamanupaktura lamang ng mga trabahador at

propesyonal na pang-eksport.

Literaturang Pandayuhan

Mahalaga ang edukasyon para sa mga Asyano. Sakatunayan, malaki ang

ibinibigay nilang diin sa edukasyon gawa ng kanilang pananalig na ito ang

pinakamabuting upang matamo ang kanilang paniniwala sa mga susunod na

henerasyon.

Itinuturing din nila itong isang uri ng seguridad at kasiguruhan ng

naghihintay na magandang kinabukasan hindi lang sa kanilang mga anak lang kundi

pati narin sa kanilang kundi pati narin sa kanilang bansa. Nagkakaiba-iba ang mga

patakarang pang-edukasyon sa iba’t-ibang bansa. Sanhi ito ng pagkakaiba-iba ng

prinsipyo, paniniwala at pananalig ng bawat bansa. Bukod pa rito ang mga bansa

ay may kani-kaniya ring adhikain tungo sa kani-kaniya ring adhikain tungo sa pag-

unlad.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 24

Lahat ng mga Asyanong bansa ay nagsasagawa ng iba’t ibang pagbabago

sa kani-kanilang kurikulum. May ilang mga bansa ag nagtatagumpay ngunit

marami rin nakakaranas ng sari-saring suliranin sa pagpapatupad ng kanilang

kurikulum. Karamihan sa mga bansang Asyano ay may isang opisyal na kurikulum

para sa kanilang bansa. Karaniwan ng suliranin sa pagpapatupad ng bagong

kurikulum ay kakulangan ng impormasyon ukol dito. Kadalasang ito ang nagiging

sagabal upang magtagumpay ang anumang ang bagong kurikulum na ipinakikilala.

Batid ng mga Asyano na malaki ang bahaging ginagampanan ng

edukasyon sa bilis o bagal ng kaunlaran ng rehiyon. Maraming bansang Asyano

ang patuloy na nagsasagawa ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon nila upang

makaagapay sa bilis ng modernisasyon at urbanisasyon. Sa kasalukuyan ang halos

lahat ng mga bansang ito ay nakatuon sa pagpapahusay ng kanilang agham at

teknolohiya. Hindi na sapat na marunong lang bumasa at sumulat ang mga mag-

aaral. Nililinang narin ngayon ang kakayahan ng mga mag-aaral na matutong

magmasid, sumuri at maging produktibong bahagi ng lipunan.

Ang tunay na susi sa pagiging matagumpay ng anumang programa sa

edukasyon ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng

pamahalaan, pamunuan ng paaralan, mga guro, mga magulang, at higit sa lahat ay

ang mga mag-aaral.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 25

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ni Pujante, ang edukasyon ay hindi lamang sa

pamamagitan ng pormal na paraan kung saan may isang tagapagturo at isang

pangkat ng tinuturuan. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng pangangabisado ng

mga araling itinuro ng isang guro at gagamitin sa panahon ng pagsusulit. Sa halip

pinatunayan ng pag-aaral ni Dewey na maari ring matuto o mas matututo pa nga

ang isang tao kung mararanasan niya ang isang gawain na maghahatid sa kaniya ng

karunungan.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Congressional Commission on

Education (EDCOM) noong 1991, ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay patuloy

na bumababa. Marami sa mga mag-aaral ang nabibigong umunlad sa larangan ng

akademiya matapos nilang pumasok sa paaralan. Marami ang hindi produktibo,

responsable at may sapat na kakayahan sa iba’t ibang larangan.

Karagdagan pa, maraming kolehiyo at unibersidad ang hindi nakalilikha ng

lakas-paggawa na kinakailangan ng bansa. Ang pag-aaral na iyan ay hindi

lamang noon kundi kapit pa rin sa ngayon. Isang katunayan ay ang pagiging

kabilang ng bansa sa tinatawag na third world country.

Layunin ng K-12 na sanayin nang mas maaga ang mga kabataan sa

larangang nais nilang kuhanin sa hinaharap. Sa kurikulum na ito, tinuturuan ang


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 26

mga kabataan na mas maging produktibo sa pamamagitan ng praktikal na

pagsasanay. Iyan ang dahilan kung bakit sa Senior High School pa lamang ay may

mga pamimilian ng tract o academic strand ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan

nito, maaari ng magtrabaho ang mga taong nakapagtapos sa Senior High School o

‘di kaya nama’y kung nais nilang magpatuloy sa pag-aaral, mas nagiging handa sila

sa pagpasok sa mas mataas na antas ng edukasyon o sa kolehiyo.

Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga

mag-aaral na di nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan, problema sa

pamilya, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas. May mga kabataan

na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng

kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa bawat

paaralan, Dahil nga sa malaking populasyon ng ating bansa nagkukulang ang mga

kagamitang ito tulad ng mga libro, kwaderno, bolpen maging silid-aralan o kaya’y

paaralan. Kung nagkukulangang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa

kakulangan ng pondo. Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na

nagiging dahilan ng maling pagkatuto nito. Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa

pagtuturo ng mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga estudyante

ngunit sapanahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang natuturo ng

mgaito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon

sa mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ng mga titser

na nais magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo nito.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 27

Ang programang K-12 ay isang mamahaling edukasyon, batay sa

kasalukuyang average ng matrikula, ang isang magulang ay nangangailangan ng

hindi bababa sa PhP20,000 upang pantustos sa matrikula pa lamang upang

makapag-enrol ang kanyang isang anak sa isang semestre. Maliban sa matrikula,

ang mga magulang at mag-aaral ay dapat maging handa sa mga dagdag na bayarin

sa miscellaneous at gastusin para sa libro, gamit sa eskuwela, uniporme, proyekto

sa paaralan at iba pa. Sa kasalukuyan, ang minimum na sahod ng mga manggagawa

sa National Capital Region ay nasa P426 kada araw. Hindi sapat kumpara sa P1,088

na kailangan ng isang pamilya upang mabuhay sa isang araw. “Sa ganitong

kasalukuyang kalagayan ng minimum na bsahod, ang isang pamilyang Pilipino ay

hindi dapat gumastos sa loob ng 46 na araw para lamang bayaran ang matrikula

ng isang anak sa isang semestre,” ani Palatino.

Dagdag pa ng grupo, maliban sa bayarin sa matrikula, iba’t ibang

kakatwang bayarin at maanomalyang bayarin sa miscellaneous ang ipinapataw ng

mga administrador ng pamantasan na walang limitasyon at regulasyon sa gobyerno.

“Maliban sa bayarin sa matrikula, malaki rin ang ginagastos ng mga mag-aaral sa

mga gastusing may kinalaman sa eskuwelahan tulad ng pagkain, dormitoryo,

transportasyon at iba pa. Kada semestre, tinatayang P4,000 ang kailangan para sa

libro at uniporme. Samantala, kada buwan, ang isang estudyante ay gumagastos ng

P5,000 para sa pagkain, transportasyon, at gamit sa eskwela sa minimum,” dagdag

ni Palatino. Item Amount Books At least 2,000 Uniform At least 2,000 Total P4,000

Ayon kay Palatino ang presyo ng mga batayang bilihin na ito ay maaari pang
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 28

magtaas sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Maliban sa mataas na bayarin

sa matrikula, ang mataas na halaga ng iba pang gastusin sa paaralan ay

nagpapahirap sa mga mag-aaral at magulang,

Dayuhang Pag-aaral

Ang Senior High na sistema ng edukasyon ay kumakatawan sa sapilitang

edukasyon na kinakailangan ng lahat ng mga bata sa Amerika. Kahit na ang isang

edukasyong Senior High ay maaaring makamtan mula sa alinman sa publiko o

pribadong institusyon, ang mga bata na naabot sa kompulsaryong edad (sakop mula

sa edad na 6-8, depende sa estado) ay kinakailangang pumasok sa paaralan. Ang

edukasyong ito sa Estados Unidos ay nagsimula higit sa 150 taon na ang nakaraan

nang itinatag ni Horace Mann ang isang malawakang sistema ng edukasyon sa

Massachusetts, kung saan ito ang naging unang estado na pumasa sa pagdalo sa

mga batas ng paaralan noong 1852.

Ayon sa pananaliksik ni Navarro (2013), pamilyar na ang karamihan sa

ngayon sa sistema ng edukasyon na tinatawag na K-12. Binubuo ito ng labing

tatlong grado, kindergarten hanggang ika-12 grado. Ang K-12 na sistema ng

edukasyon ay tumutukoy sa mga pampublikong sistema ng paaralan sa Estados

Unidos, Canada, UK, at ilang mga bahagi ng Europa. Mahirap tukuyin ang

pinagmulan ng edukasyon dahil noon pa man ay may kinamulatan nang edukasyon

ang ating mga katutubo.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 29

Ang kindergarten, na unang grado sa sistemang K-12, ay binuo bago ang

sapilitang edukasyon. Kahit na ito ay hindi sapilitan sa lahat ng mga estado, ang

mga bata ay kinakailangang magsimulang pumasok sa paaralan sa karamihan ng

mga estado sa edad na anim na taong gulang. Kung ang estudyante ay masyadong

bata para magsimula ng kindergarten siya ay inirerekomendang pumasok sa

kindergarten sa loob ng taong siya ay mag-aanim. Ang salitang “kindergarten” ay

nagmula sa Aleman at ang ibig sabihinay "anak o anak ng hardin." Ang konsepto

ng kindergarten ay mula sa mapanlikhang isip ni Friedrich Froebel, isang magaling

na guro sa pilosopiya. Naghanap si Froebel ng lugar na maaaring maging palaruan

ng mga bata upang matiyak na sila ay nagagabayan ng tama habang lumalaki. At

dito na niya naisip ang salitang “kindergarten”. Kahit na ang edukasyon ay

kinakailangan ng lahat ng mga bata sa Massachusetts noong panahong iyon at

marami pang ibang mga estado ang sumusunod dito, hindi lahat ng paaralan ay may

kindergarten. Hindi lahat ng paaralan ay inoobliga ang mga mag-aaral na makakuha

ng tiyak na marka upang manatili sa paaralan, bilang sapilitang edukasyon ito ay

inaaplika lamang sa mga bata edad pang-elementarya. Maraming mga bata ang

pinahihintulutang lumiban sa klase, lalo na ang mga anak ng mga magsasaka dahil

kailangan sila sa bahay para sa ani at paghahanda para sa taglamig.

Ang Education Act of 1918, o ang “Fisher Act”, ay gawa ng Parlyamentong

British na isinulat ni Herbert Fisher na nagpatupad ng pagbabago sa progresibong

edukasyon at nakatulong sa maraming aspeto ng sistemang edukasyon K-12 na

kinikilala natin sa ngayon. Dinagdagan ng Fisher act ang edad ng mga bata na
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 30

maaari nang iwanan ang pag-aaral. Ang batas na ito din ang nag-atas sa isang

komite na iulat na at gumawa ng mga rekomendasyon sa mga gumagawa ng

patakaran tungkol sa edukasyon. Sa Estados Unidos, hindi katulad ng Inglatera, ang

pampublikong edukasyon ay pamamahalaan ng bawat indibidwal na estado.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 31

KABANATA III

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-

aaral. Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawaang pag-

aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng mananaliksik, instrumentasyon, at

pangangalap ng datos pati ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik gumamit ng disenyong Kuwantitatibong

Deskriptibo. Ang deskriptibong pamamaraan ay ang paglalarawan ng espisipikong

katangian tulad ng anyo, hugis at kulay ng isang bagay, tao, hayop, lugar at

pangyayari. Sa pananaliksik na ito gumamit ng kwantitibong pamamaraan dahil

may istatistiko o bilang ang pinagkuhaan ng datos. Maraming uri ng deskriptibong

pananaliksik ngunit napili ng mga mananaliksik ang Deskriptibong Sarbey kung

saan nangangalap ng mga kuwantitatibong datos sa pamamagitan ng Sarbey, ito rin

ay isang paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makakuha ng

impormasyon na siyang gagamitin ng grupo sa pag-aaral tungkol sa pananaw ng

mga piling mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng Caloocan

ukol sa programang K-12.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 32

Respondente

Ang saklaw ng pag-aaral ay binubuo ng 180 na mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng Caloocan North Campus na nakapagtapos ng

Senior High at may kursong Bachelor of Science in Information System, Bachelor

of Science in Information Technology, Bachelor of Science in Computer Science,

at Bachelor of Science in Entertainment and Multimedia Computing.

Taktika sa Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Non-Probability Sampling kung

saan ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng

Caloocan North Campus ay napili para sa kahalagahan ng pag-aaral. Sa ilalim ng

non-probability, pinili ng mga mananaliksik ang Purposive Sampling Technique sa

pangangalap ng mga respondente na kung saan ang mga kalahok ay pinipili base sa

natatanging grupo na kanilang kinabibilangan. Kinakailangan na ang mga

respondente ay nasa unang taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng Caloocan North

Campus at nakapagtapos ng senior high school at higit sa lahat ay may kursong

BSIT, BSIS, BSEMC, at BSCS.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 33

Instrumento ng Pananaliksik

Kwestyuner/Talatanungan:

Ito ay isang pangunahing instrumento na ginagamit sa mga pananaliksik.

Ang kwestyuner/taalatanungan ay naglalaman ng mga katanungan na maaaring

pagkuhanan ng sagot at pananaw ng mga respondente patungkol sa programang K-

12.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa

pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay

agad isasagawa ang pagkuha ng mga bahagdan sa bawat sagot ng mga katanungan.

At susunod dito ang paggawa ng talahanayan na nakabase sa mga sagot ng mga

respondente.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay magtitipon ng mga haka-haka sa pamamagitan

ng obserbasyon at pananaliksik ng panitikan. Ang mga mananaliksik rin ay

magbabalangkas, magpapatunay at mangangasiwa ng instrumento sa pananaliksik.

Pagkatapos nito ay pag-aaralan at bibigyang-kahulugan ang mga datos.

Ang mga mananaliksik ay naghanda rin ng mga kwestyuner/talatanungan


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 34

na sasagutan ng mga respondente. Isinagawa ito noong Oktubre 2-8 2018.

Pagkatapos ito sagutan ng mga respondente, pag-aaralan ito at ililikom sa isang

talahanayan kung saan pagsasama-samahin ang mga magkakatulad na sagot. Ang

mga mananaliksik ay kukuhanin ang bahagdan o porsyento ng mga mga

magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa

kwestyuner/talatanungan. Masusing pag-aaralan at gagawan ng pagbubuod at

konklusyon ng mga mananaliksik ang mga magiging kasagutan ng

mga respondente. Sa pamamaraang ito ay makukuha ng mga mananaliksik ang

pananaw ng mga respondente ukol sa programang K-12.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Ginamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtitimbang at pagsukat ng

mga datos ay ang percentage technique sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang

Percentage Technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay

sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang

pangkalahatang bahagdan ng bilang ng mga magkakamukhang mga sagot sa isang

partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang: % = F/N x 100

Kung saan:

F = bilang ng sagot

% = bahagdan

N = bilang ng respondente
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 35

Ginamit din ang Weighted mean para sa pagsukat ng pananaw ng mga piling

mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo ukol sa programang K-12 na nanggaling

sa kanilang mga naging sagot sa talatanungan. Ang bawat kasagutan ay binubuo ng

mga pagpipilian na nagrerepresenta sa iba't ibang lebel ng pagsang-ayon.

Weighted Mean = ∑𝒙𝒇(𝒙) /𝒏

x = sukatan ng kasagutan

∑𝑓𝑥 = kabuuang bilang ng sumagot sa sukatan

n = bilang ng kabuuang respondente

Ginamit ang pormula sa pagkuha ng weighted mean kung saan minultiply

ang bilang ng mga sumagot sa value ng mga pagpipilian, Lubos na sumasang-ayon

(4) , Sumasang-ayon (3), Hindi sumasang-ayon (2), Lubos na hindi sumasang-ayon

(1). Matapos nito ay pinagsama sama ang mga naging resulta (∑𝑓𝑥) at dinivide sa

kabuuang bilang ng respondente.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 36

Berbal na Representasyon

Pasalitang Kahulugan Panukatan

Lubos na Sumasang-ayon 3.50-4.00

Sumasang-ayon 2.50-3.49

Hindi Sumasang-ayon 1.50-2.49

Lubos na Hindi Sumasang-ayon 0.00-1.49

Sa pagbuo ng talatanungan, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Likert

Scale, mula sa imbentor nito na isang sikologo na si Rensis Likert. Ang

talatanungan ay binubuo ng Lubos na Sumasang-ayon (4), Sumasang-ayon (3),

Hindi Sumasang-ayon (2), Lubos na Hindi Sumasang-ayon (1) bilang mga

pagpipilian. Sa pamamagitan nito, mas mapapalabas ng mga mananaliksik ang

sagot sa katanungan na makatutulong at kritikal sa pag-aaral.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 37

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng mga resulta mula sa talatanungan na

sinagutan ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo na may kursong BSIS,

BSIT, BSCS, at BSEMC sa Unibersidad ng Caloocan North Campus.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg.1

Edad ng mga Respondente

Edad Bilang Bahagdan

17-18 110 61.11%

19-20 66 36.67%

21 pataas 4 2.22%

Kabuuan 180 100%

Ang Talahanayang Blg. 1 ay naglalaman ng edad ng 180 respondente.

Sila ay may gulang mula 17 hanggang 21 pataas. Nakasaad din dito ang bilang at

bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinapakita na mas marami

ang mga respondenteng may edad na 17 hanggang 18 na may bilang na 110 at

bahagdan na 61.11%. Sumunod naman ang edad 19 hanggang 20, may bilang na
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 38

66 at bahagdan na 36.67%. Ang pinaka-kaunti naman ang edad 21 pataas may

bilang ito na 4 at bahagdan na 2.22%.

Talahanayan Blg. 2

Kasarian ng mga Respondente

Kasarian Bilang Bahagdan

Lalaki 128 71.11%

Babae 52 28.89%

Kabuuan 180 100%

Ang Talahanayan Blg. 2 ay naglalaman ng kasarian ng 180 respondente.

Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang

kasarian. Ipinapakita dito na mas marami ang respondenteng lalaki na may bilang

na 128 katao at bahagdan na 71.11%, kaysa sa bilang ng babae na 52 katao at

bahagdan na 28.89%.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 39

Talahanayan Blg. 3

Kurso ng mga Respondente

Kurso Bilang Bahagdan

BSIS 66 36.67%

BSIT 47 26.11%

BSCS 42 23.33%

BSEMC 25 13.89%

Kabuuan 180 100%

Ang Talahanayang Blg.3 ay naglalaman ng datos patungkol sa kung ano

ang kurso ng 180 respondente. Ipinapakita dito na marami ang mga respondenteng

kabilang sa pananaliksik na may kursong Bachelor of Science in Information

System, ito ay may bilang na 66 at bahagdan na 36.67%. Pangalawa naman ang

kursong Bachelor of Science in Information Technology na may bilang na 47 at

bahagdan na 26.11%. Pangatlo naman ang kursong Bachelor of Science in

Computer Science may bilang na 42 at bahagdan na 23.33%. Ang panghuli naman

ay ang kursong Bachelor of Science in Entertainment and Multimedia Computing

na may bilang na 25 at bahagdan na 13.89%.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 40

Talahanayan Blg. 4

Paaralan kung Saan Nakapagtapos ng Senior High

Paaralan Bilang Bahagdan

St. Clare College of Caloocan 26 14.44%

Our Lady of Fatima University 19 10.56%

AMA Computer College 18 10.00%

STI College 14 7.78%

St. Francis Technical Institute 13 7.22%

Cielito Zamora Senior High School 13 7.22%

Young Achievers School of Caloocan 10 5.56%

St. Augustine 10 5.56%

La Consolacion College of Novaliches 8 4.44%

Immaculada Concepcion College 8 4.44%

University of Caloocan City 7 3.89%

Colegio De Sta. Theresa De Avila 7 3.89%

Bestlink College of the Philippines 6 3.33%

Lady of Lourdes College 3 1.67%

Saint Dominic Savio College 2 1.11%

At iba pa 14 7.78%

KABUUAN 180 100%


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 41

Ang Talahanayan Blg. 4 naman ay naglalaman ng datos tungkol sa paaralan

kung saan nakapagtapos ng senior high ang mga respondente. Ipinapakita dito na

mas marami ang nakapagtapos sa St. Clare College of Caloocan, may bilang ito na

26 at bahagdan na 14.11%. Bukod dito, karamihan rin sa mga respondente ang

nakapagtapos sa Our Lady of Fatima University, AMA Computer College, STI

College, St. Francis Technical Institute, Cielito Zamora Senior High School, Young

Achievers School of Caloocan, St. Augustine, La Consolacion College of

Novaliches, Immaculada Concepcion College, University of Caloocan City,

Colegio De Sta. Theresa De Avila, at Bestlink College of the Philippines. Kaunti

lamang sa mga respondente ang nakapagtapos sa Lady of Lourdes College, Saint

Dominic Savio College, Mother of Divine Grace Academy, St. Therese of Rose

School, St. Vincent de Ferrer College, Rosary Hills International School, at iba pa.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 42

Mga Pananaw ng mga Mag-aaral Patungkol sa Programang K-12

Talahanayan Blg. 5 Unang Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Ang programang

K-12 ay naging

malaking tulong sa 45 86 41 8

paghubog ng aking

kaalaman at

kakayahan

BAHAGDAN 25% 47.78% 22.78% 4.44%

WEIGHTED

MEAN 2.93

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 5 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon na ang programang K-12 ay nakapaghubog ng kanilang kaalaman

at kakayahan bilang isang mag-aaral, may bahagdan ito na 47.78% at weighted

mean na 2.93.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 43

Talahanayan Blg.6 Ikalawang Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Lubos na pinag-

aralan at

pinaghandaan ang 24 62 60 34

pagpapatupad sa

bagong kurikulum.

BAHAGDAN 13.33% 34.44% 33.33% 18.89%

WEIGHTED

MEAN 2.42

PASALITANG HINDI SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 6 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon sa pangalawang pananaw na may bahagdan na 34.44%, ngunit

kung titignan ang kabuuan at weighted mean ay marami parin ang hindi sumasang-

ayon at lubos na hindi sumasang-ayon na ang programang K-12 ay lubos na pinag-

aralan at pinaghandaan.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 44

Talahanayan Blg. 7 Ikatatlong Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Ang programang

k-12 ay makakapag

palago at lawak ng 47 87 30 16

kalidad ng

edukasyon sa

Pilipinas.

BAHAGDAN 26.11% 48.33% 16.67% 8.89%

WEIGHTED

MEAN 2.92

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 7 na karamihan sa mga respondente ay

sumasang-ayon na ang programang K-12 ay makakapagpalago at lawak ng kalidad

ng edukasyon sa Pilipinas, may bahagdan ito na 48.33% at ang weighted mean ay

2.92.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 45

Talahanayan Blg. 8 Ikaapat na Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Ang programang

K-12 ay dagdag

gastusin at pahirap 34 73 60 13

lamang.

BAHAGDAN 18.89% 40.56% 33.33% 7.22%

WEIGHTED

MEAN 2.71

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 8 na karamihan sa mga respondente ay

sumasang-ayon na ang programang K-12 ay dagdag gastusin at pahirap lamang,

may bahagdan ito na 40.56% at weighted mean na 2.71.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 46

Talahanayan Blg. 9 Ikalimang Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Dapat lamang na

ipagpatuloy pa ang 44 77 47 12

programang K-12.

BAHAGDAN 24.44% 42.78% 26.11% 6.67%

WEIGHTED

MEAN 2.85

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 9 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon na nararapat lamang na ipagpatuloy ang programang K-12, may

bilang ito na 77 at may bahagdan ito na 42.78% at weighted mean na 2.85.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 47

Talahanayan Blg. 10 Ikaanim na Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Mas maganda

parin ang lumang 34 53 65 28

kurikulum

kumpara sa bagong

kurikulum.

BAHAGDAN 18.89% 29.44% 36.11% 15.56%

WEIGHTED

MEAN 2.52

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 10 na karamihan sa mga respondente ang

hindi sumasang-ayon na mas maganda ang lumang kurikulum kumpara sa bagong

kurikulum may bilang ito na 65 at bahagdan na 36.11%. Ngunit base sa weighted

mean na 2.52, ibig sabihin ay nangingibabaw parin ang pagsang-ayon ng mga mag-

aaral dito.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 48

Talahanayan Blg. 11 Ikapitong Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang- ayon Sumasang- Hindi

ayon ayon Sumasang-

ayon

Lahat ng aking

natutunan noong 37 80 38 25

senior high ay

nagagamit ko

ngayon sa kolehiyo.

BAHAGDAN 20.56% 44.44% 21.11% 13.89%

WEIGHTED

MEAN 2.71

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 11 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon na lahat ng kanilang natutunan noong senior high ay nagagamit nila

ngayon sa kolehiyo, may bilang ito na 80 at bahagdan na 44.44% at may weighted

mean na 2.71.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 49

Talahanayan Blg. 12 Ikawalong Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang ayon Sumasang- Hindi

-ayon ayon Sumasang-

ayon

Dahil sa bagong

kurikulum ay 35 55 64 26

naranasan ko ng

makapagtrabaho.

BAHAGDAN 19.44% 30.56% 35.56% 14.44%

WEIGHTED

MEAN 2.55

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 12 na karamihan sa mga respondente ang

hindi sumasang-ayon na ang bagong kurikulum ay naging daan upang maranasan

nilang makapagtrabaho, may bilang ito na 64 at bahagdan na 35.56%. Ngunit ayon

naman sa weighted mean na 2.55 ang kabuaan ng kasagutan ng mga respondente

ay sumasang-ayon.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 50

Talahanayan Blg. 13 Ikasiyam na Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang ayon Sumasang- Hindi

-ayon ayon Sumasang-

ayon

Gaano ka

sumasang-ayon ka 37 88 30 25

sa pagpapatupad ng

programang K-12?

BAHAGDAN 20.56% 48.89% 16.67% 13.88%

WEIGHTED

MEAN 2.76

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 13 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon sa programang K-12 may bilang ito na 88 at bahagdan na 48.89%

at weighted mean na 2.76.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 51

Talahanayan Blg. 14 Ikasampung Pananaw

Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na

Pananaw Sumasang ayon Sumasang- Hindi

-ayon ayon Sumasang-

ayon

Ang K-12 ay mag-

aangat sa atin sa 40 86 33 21

larangan ng

edukasyon at

ekonomiya ng

bansa.

BAHAGDAN 22.22% 47.78% 18.33% 11.67%

WEIGHTED

MEAN 2.81

PASALITANG SUMASANG-AYON

KAHULUGAN

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 14 na karamihan sa mga respondente ang

sumasang-ayon na ang programang K-12 ang mag-aangat sa atin sa larangan ng

edukasyon at ekonomiya ng bansa, may bilang ito na 80 at bahagdan na 47.78% at

weighted mean na 2.81.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 52

Bukod sa sampung pananaw na inilahad sa talatanungan na sinagot ng mga

respondente, mayroon silang kalayaan na maglahad pa ng kanilang sariling

pananaw o opinyon sa programang K-12. Ang kasagutan ng ilan sa mga

respondente ay ang mga sumusunod:

a. Ang programang K-12 ay mas lalo lamang pinahirapan ang mga mag-aaral dahil

pinahaba lamang nito ang kanilang pag-aaral imbis na sila ay makakapagtrabaho

na.

b. Naging mabilis ang pagpapatupad nito.

c. Hindi pinaghaandaan kaya nagkaroon ng kakulangan sa mga kagamitan.

d. Kailangan itong rebisahin para maging epektibo.

e. Hati ang aking opinyon patungkol sa K-12.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 53

Talahanayan Blg. 15 Distribusyon ng mga

Pagtugon at Weighted Mean Batay sa Lahat ng Pananaw

PANANAW 4 3 2 1 WEIGHTED PASALITANG

MEAN KAHULUGAN

1.Ang programang 45 86 41 8 2.93 Sumasang-ayon

K-12 ay naging

malaking tulong sa

paghubog ng aking

kaalaman at

kakayahan

2. Lubos na pinag- 24 62 60 34 2.42 Hindi

aralan at Sumasang-ayon

pinaghandaan ang

pagpapatupad sa

bagong kurikulum.

3. Ang programang 47 87 30 16 2.92 Sumasang-ayon

k-12 ay makakapag

palago at lawak ng

kalidad ng edukasyon

sa Pilipinas.

4. Ang programang 34 73 60 13 2.71 Sumasang-ayon

K-12 ay dagdag

gastusin at pahirap

lamang.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 54

5. Dapat lamang na 44 77 47 12 2.85 Sumasang-ayon

ipagpatuloy pa ang

programang K-12.

6. Mas maganda 34 53 75 28 2.52 Sumasang-ayon

parin ang lumang

kurikulum kumpara

sa bagong kurikulum.

7. Lahat ng aking 37 83 38 25 2.71 Sumasang-ayon

natutunan noong

senior high ay

nagagamit ko ngayon

sa kolehiyo.

8. Dahil sa bagong 35 55 64 26 2.55 Sumasang-ayon

kurikulum ay

naranasan ko ng

makapagtrabaho.

9. Gaano ka 37 88 30 25 2.76 Sumasang-ayon

sumasang-ayon ka sa

pagpapatupad ng

programang K-12?

10. Ang K-12 ay 44 86 33 21 2.81 Sumasang-ayon

mag-aangat sa atin sa

larangan ng
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 55

edukasyon at

ekonomiya ng bansa.

Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 15 ang kabuuang distribusyon ng mga pagtugon at

weighted mean sa mga pananaw ng mga mag-aaral. Ipinapakita na ang unang pananaw ang may

pinakamalaking bilang ng weighted mean na 2.93, sumunod ang ikatlong pananaw, ikalimang

pananaw, ikasampung pananaw, ikasiyam na pananaw, ikapitong pananaw, ikaapat na pananaw,

ikawalong pananaw, ikaanim na pananaw, at ang ikalawang pananaw naman ang pinakamababang

bilang ng weighted mean na 2.42.

Figyur 1 Distribusyon ng mga Pagtugon at

Weighted Mean Batay sa Lahat ng Pananaw

WEIGHTED MEAN

2.93 2.92 2.85


2.71 2.71 2.76 2.81
2.52 2.55
2.42

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Inilalarawan ng Figyur 1 ang kabuuang distribusyon ng mga pagtugon at

weighted mean sa mga pananaw ng mga mag-aaral. Ipinapakita na ang unang

pananaw ang may pinakamalaking bilang ng weighted mean na 2.93at ang

ikalawang pananaw naman ang pinakamababang bilang ng weighted mean na 2.42.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 56

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ang magtataklakay sa mga natuklasan sa pag- aaral na

ito na siyang sasagot sa mga suliranin ng pag- aaral, ipapahayag din ang mga

konklusyon na nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa pagsasagawa ng sarbey,

at mga mungkahi ng mga mananaliksik sa mga taong makikinabang sa pananaliksik

upang mas mapaunlad ang mga pamamaraan at kalakaran na may kaugnayan sa

paksa ng pananaliksik.

Lagom

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya naman nararapat na sila ay

pagtuunan ng pansin upang sila ay lubos na magabayan ng bawat isa. Ang pag-

aaral na ito ay maaaring magbigay daan upang bigyang kahalagahan ang edukasyon

na magpapaunlad sa kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral at pati narin ang

ekonomiya ng ating bansa. Ninanais ng mga mananaliksik na malaman ang

pananaw o opinyon ng mga nasa unang taon ng kolehiyo ngayong

taong 2018 sapagkat sila ang may karanasan at sila rin ang naging unang batch na

nakapagtapos ng Grade 12.

Ang pag-aaral na ito ay may paksang: Pananaw Ukol sa Programang K-12

ng mga Piling Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Unibersidad ng


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 57

Caloocan North Campus

Sinasagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga elemento na nakaaapekto sa pagbahagi ng pananaw ng mga

mag-aaral ng Unibersidad ng Caloocan North Campus ayon sa propayl ng

respondente:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Kurso

1.4 Paaralan kung saan nakapagtapos ng senior high

2. Ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo

patungkol sa programang K-12?

3. Bakit nakatulong o nakaperwisyo ang bagong kurikulum ng bansa?

4. Paano nakakaapekto ang bagong kurikulum sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng

Caloocan?
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 58

Deskriptibo ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito. Ginamit ang

pamamaraaang Likert sa pagtataya ng mga batayan ayon sa sumusunod na marka:

Pasalitang Kahulugan Panukatan

Lubos na Sumasang-ayon 3.50-4.00

Sumasang-ayon 2.50-3.49

Hindi Sumasang-ayon 1.50-2.49

Lubos na Hindi Sumasang-ayon 0.00-1.49

Ginamit ang percentage technique, at weighted mean upang masuri at

mabigyan ng interpretasyon ang mga datos na nagmula sa tugon ng mga

respondente sa talatanungan.

Mga Natuklasan

Batay sa mga nakalap na datos sa pag-aaral, natuklasan ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Talahanayan 1 na ang mga respondente

na nasa pagitan ng edad 17 -18 ay binubuo ng 61.11%. Pinapatunayan lamang na

malaking bahagdan ng mga respondente ay nakapagtapos na ng senior high at ayon

sa mga pag-aaral ito ang legal na edad para makapagtrabaho.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 59

2. Sa Talahanayan Blg. 4, natuklasan ng mga mananaliksik na ang paaralang St.

Clare College of Caloocan ay ang paaralan kung saan nakapagtapos ng senior high

ang karamihan sa mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa Unibersidad

ng Caloocan North Campus.

3. Sa Talahanayan Blg. 5, karamihan sa mga respondente ang sumang-ayon na ang

programang K-12 ay nakapaglago ng kanilang kaalaman at kakayahan.

4. Sa Talahanayan Blg. 6, marami ang hindi sumang-ayon na ang programang K-

12 ay lubos na pinag-aralan at pinaghandaan ng gobyerno. Ayon kay Penubria

(2015), taong 2012 maraming nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa

paghahanda.

5. Mula sa Talahanayan Blg. 7 pinatunayan nito na ang programang K-12 para sa

mga nasa unang taon ng kolehiyo ay makakatulong sa pagpapalago at lawak ng

kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

6. Pinatunayan ng Talahanayan Blg. 8 na ang programang K-12 para sa mga nasa

unang taon ng kolehiyo ay naging dagdag pahirap at gastusin lamang.

7. Ngunit kahit karamihan sa mga respondente ang nagsabi na ang programang K-


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 60

12 ay dagdag pahirap at gastusin lamang marami pa rin ang nagsabi na dapat

lamang ito ipagpatuloy ayon sa Talahanayan Blg. 9.

8. Makikita sa Talahanayan Blg. 10, para sa mga nasa unang taon ng kolehiyo o

respondente mas maganda ang lumang kurikulum kumpara sa bagong kurikulum.

9. Nagamit ng mga respondente ang kanilang natutunan sa senior high ngayon na

sila ay nasa kolehiyo na base sa Talahanayan Blg. 11.

10. Makikita sa Talahanayan Blg. 12 na ang mga respondente ay naranasan ng

makapag-trabaho dahil sa bagong kurikulum.

11. Karamihan sa mga respondente ang sumasang-ayon sa pagpapatupad ng

programang K-12 base sa Talahanayan Blg. 13.

12. Para sa mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo ng Unibersidad ng

Caloocan North Campus, ang programang K-12 ay lalo lamang pinahirapan ang

mga mag-aaral dahil pinahaba lamang nito ang kanilang pag-aaral imbis na sila ay

makakapagtrabaho na.
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 61

Konklusyon

1. Ang gobyerno ay nagkulang sa paghahanda sa pagpapatupad ng K-12 kurikulum

na nagresulta ng kakulangan sa mga kagamitan.

2. Ayon kay Dewey, mas matututo ang isang tao kung ang paraan ng pagtuturo ay

sa pamamagitan ng paghahahatid ng praktikal na kasanayan. Ang programang K-

12 ay malaking tulong sa paghubog ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral

sapagkat nagtuturo ito ng mga kakayahan na kakailanganin sa pagtatrabaho.

3. Ang programang K-12 ay nakatulong sa pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-

aaral na nakapagtapos ng senior high kung sa gayon ay natupad ang layunin nito

ngunit hindi para sa lahat ng mga mag-aaral.

4. Ayon sa sinagawang sarbey, karamihan ay pumabor sa programang K-12 at ayon

naman kay Nolasco (2016) marami rin sa mga Pilipino ang pabor sa nasabing

programa sapagkat sa kasalukuyan marami ang mga kabataan ang hindi nakakapag-

aral sa koliheyo dahil sa kahirapan at marami rin sa mga Pilipino ang walang

maayos na trabaho dahil hayskul lamang ang inabot.

5. Ang programang K-12 ay hindi lamang inihahanda ang mga mag-aaral na

makapagtrabaho sapagkat inihahanda rin sila sa kolehiyo. Ayon sa ginawang

sarbey, nagamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan noong senior high
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 62

ngayon na sila ay nasa kolehiyo na.

6. Pinapatunayan lamang ng pag-aaral na ito na hati ang pananaw ng mga mag-

aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa programang K-12, may mga positibo ngunit

mayroon ring mga negatibo.

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik

ay nagbibigay ng mga rekomendasyon.

1. Ang pag-aaral na ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral

upang panatilihin nilang mag aral ng mabuti para makamit ang magandang

edukasyon at magandang buhay. Para sa mga mag-aaral, huwag puro reklamo dahil

hindi ito ikauunlad ng iyong sarili at lalo na ng bansa.

2. Ang pag-aaral na ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga magulang

upang sila ay mamulat sa mga pananaw ng mga mag-aaral at upang magkaroon sila

ng kaalaman sa K-12 kurikulum. Para sa mga magulang, magkaroon ng sapat na

tutok at gabay sa mga anak para maging wasto at tama ang paglaki nila.

3. Ang pag-aaral na ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga opisyal ng

pamahalaan upang malaman nila ang mga pananaw ng mga mag-aaral na maaaring
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 63

makatulong sa pagtugon sa mga problemang pang-edukasyon. Malaki ang

maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil malalaman nila kung

ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mapag-aaralan din nila

ang pamamalakad ng edukasyon at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon na

kanilang gagawin. At lalong mapapaunlad din nila ang kanilang edukasyon. Para

sa mga opisyal ng pamahalaan partikular ang kagawaran ng edukasyon, maagap na

tugon ang kailangan para sa pangangailangan ng bawat mag-aaral sa ating lipunan.

4. Ang pag-aaral na ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga guro upang

malaman nila ang mga pananaw ng mga mag-aaral na maaaring

makatulong sa pagtugon sa mga problemang pang-edukasyon. Makakatulong ang

pananaliksik na ito sa mga guro upang madagdagan ang abilidad nila sa pagtuturo.

Para sa mga guro, tulungan at gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral

upang bigyan nilang kahalagahan ang edukasyon.

5. Para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong ito sa kanilang kaugnay na

pag-aaral at makadaragdag sa kanilang kaalaman sa pag-aaral nito.


UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 64

Mga Sanggunian

De Castro (2012), K to 12: Salamin ng Paghamon, Pagkasindak at Realidad

http://www.academia.edu/13090342/_K_to_12_Salamin_ng_Paghamon_Pagkasin

dak_at_Realidad_

Membrere (2013), Epekto ng K+12 sa mga Estudyante ng Quirino High School

http://www.academia.edu/19450310/Buong_Kabanata_2

Navarro (2013), Persipsyon ng mga Guro ng Our Lady of Fatima Basic Ed sa Pag-

papatupad ng K-12

https://www.slideshare.net/maryconnavarro8/persipsyon-ng-mga-guro-ng-our-

lady-of-fatima-basic-ed-sa-pag-papatupad-ng-k12-mga-kabanata

Pujante (2013) , K-12 at Sistemang Pang-Edukasyon

https://www.academia.edu/28991270/K_12_at_SISTEMANG_PANG_EDUKAS

YON

San Juan (2013), Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon:

Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas

https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/53503871/Kaisipang_Nasyo

nalista_at_Teoryang_Dependensiya_sa_Edukasyon.pdf
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 65

San Juan (2018), Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema

ng Edukasyon sa Pilipinas

https://www.researchgate.net/publication/323334865

Villar (2011), Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12 Program

https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines/

https://www.akoaypilipino.eu/gabay/k12-sa-pilipinas-ano-bakit-kailan-at-sino-

ang-apektado-nito/

https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines/

https://fairyqueenweb.wordpress.com/2017/07/04/ano-nga-ba-ang-dulot-ng-

programang-k-12/

http://napapanahongisyuk12.blogspot.com/2015/10/pagsusulong-ng-k-12-sa-

pilipinas.html

http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-

ang-edukasyon-sa-pilipinas/
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City Pahina | 66

https://ordannolasco.wordpress.com/2016/03/09/mabuting-epekto-ng-k-12-sa-

mga-kabataan/

https://www.scribd.com/doc/52968463/Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Asya

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-13-edukasyon-saasya-49600767

https://www.slideshare.net/joyieloo/pa-nanaliksik-1

https://www.academia.edu/28991270/K_12_at_SISTEMANG_PANG_EDUKAS

YON

https://www.scribd.com/doc/45602619/Problemang-Panlipunan-Mga-Problema-

Sa-Edukasyon-Sa-Bansang-Pilipinas-Pananaliksik

https://epektongseniorhighparasakabataan.wordpress.com/2016/10/19/epekto-ng-

senior-high-para-sa-mga-kabataan/

You might also like