You are on page 1of 74

ANG EDUKASYON

SA PILIPINAS
• Tunay na ang edukasyon
ay mahalagang
instrumento upang
mapalaya ang sarili sa
anumang kawalan ng
katarungan, panlipunan,
ekonomik, at politikal.
• Ito ang paraang
magdadala ng pagbabago
sa iba’t ibang antas ng
buhay ng tao.
• Sa pagkamit nito,
mapapaunlad ng mag-aaral
ang kakayahang kognitibo,
apektibo, at saykomotor na
huhubog sa kanya upang
maging mamamayang
taglay ang kinakailangan
upang mabuhay.
• Sa pagdaan ng panahon,
nagbago ang layunin ng
edukasyon bilang tugon
sa nagbabagong lipunan.
• Naging masmadali ang
ugnayan ng mga tao
dahil sa pagbabago sa
teknolohiya.
• Ang inter-aksiyon ay
mas bukas at ito ang
dahilan kung bakit mas
kapana-panabik ang
prseso ng pag-aaral at
pagkatuto.
• Mas lumawak ang
ugnayan sa iba’t ibang
antas.
• Nagbukas ito ng pintuan
para sa mga pananaw at
karanasang kakaiba sa
mga karanasan noong
nagdaang dekada.
• Ngunit ang edukasyon,
maganda man ang
layunin ay
nananatiling pangarap
para sa marming
Pilipino.
• Sa artikulo XIV Seksiyon 1
ng Saligang Batas ng 1987
nakasaak na “dapat
itaguyod ng estado ang
karapatan ng lahat ng
mga mamamayan na
mahusay sa lahat ng antas
at dapat magsagawa ng
angkop na hakbang upang
matamo ng lahat ang
ganoong edukasyon.”
• Maraming mag-aaral sa
mga pamayanang rural
ang patuloy sa
paghahanapbuhay tulad
ng kanilang mga
magulang upang
magkaroon ng kailangang
pagkain.
• Ang ganitong kalagayan
ay nangyayari din sa
mga pamayanang urban
gaya ng Metro Manila,
Cebu, at Davao.
• Ang layunin ng edukasyong
malinang ang mga kasanayan
para sa ika-21 siglo sa ilalim ng
programang K to 12 ay
malaking hamon dahil sa
kahirapan at iba pang problema
kagaya ng mababang bilang ng
mga gurong nakapasa sa
licensure exam, pondo ng
pamahalaan para sa edukasyon,
suweldo ng mga guro, at
pagsasanay napropesyunal.
ANG SISTEMA NG
EDUKASYON SA PILIPINAS

• Ang edukasyon sa Pilipinas ay


nagbago mula sa pagsasanay sa
mga gawaing bokasyonal
hanggang sa edukasyong
pormal.
• Nagamit ito bilang elemento ng
pag-unlad ng lipunang Pilipino.
BAGO DUMATING ANG
MGA ESPANYOL

• Bago dumating ang mga


Espanyol, ang edukasyon
ng Pilipino ay impormal
at hindi organisado.
• Ginagawa ang pagsasanay
sa mga tahanan.
• Karaniwan, ang magulang
ang nagtuturo sa
pamamagitan ng mga
salita at gawain.
• Ang tradisyong pasalita
ay ipinamana sa sumunod
na mga henerasyon sa
pamamamgitan ng tula,
awit, at sayaw.
PANAHON NG MGA
ESPANYOL
• Noong panahon ng mga
Espanyol, ang mga
eksklusibong paaralan ay
para lamang sa mga anak ng
mga espanyol samantalang
ang kabataang Pilipino ay
pumasok sa mga paaralan ng
parokya at binigyan ng
aralin sa relihiyon.
• Layunin ng edukasyon na
ituro ang Kristiyanismo.
• Karaniwang mga
relihiyosong pari ang
nagturo ng doktrina ng
Kristiyanismo, mga awit,
tugtugin at dasal.
• Tinuruan silang
mangumpisal at
magkomunyon.
• Ang pagbasa, pagsulat, at
aritmetika ay itinuro sa
mas matalinong mag-aaral
at natutunan din nila ang
wikang Espanyol.
• Nang ipalabas ang
Educational Decree ng
1863, iniatas ang
pagpasok sa paaralan ng
mga batang may edad na
7 hanggang 12 sa
pamamahala ng
pamahalaang lokal.
• Ang pagtuturo sa mataas
na paaralan ay
isinasagawa ng Colegio de
San Juan de Letran,
Ateneo Municipal de
Manila, at mga
seminaryo.
• Ang edukasyon sa
kolehiyo ay ginagawa sa
Unibersidad de Santo
Tomas na nagbukas ng
mga kursong batas, batas
sa sibil, batas kanon,
pilosopiya, at panulat,
medisina, parmasyutika,
pisika, at siyensiyang
kemikal.
PANAHON NG MGA
AMERIKANO
• Ang edukasyon sa
panahon ng Amerikano ay
agad na binuksan para sa
lahat.
• Matapos ang Digmaang
Espanyol at Amerikano,
nagtalaga ng mga sa bawat
paaralan.
• Noong una ay mga
sundalong Amerikano ang
nagsilbing guro sa bawat
paaralan.
• Noong Enero 20, 1899,
binuo ang Schurmann
Commision at ito ay
nagpatupad ng sistemang
edukasyong pampubliko.
• Ingles ang ginamit na
wikang panturo.
• Nagpadala rin ang
pamahalaan ng mga
tunay na gurong
Amerikano sa Pilipinas.
• Noong Enero 21, 1901,
ang Act No. 74 ang
naging daan sa pagbuo ng
sentralisadong sistema
ng paaralang pampubliko
• Dahil dito itinatag ang
Department of Public
Instruction.
• Binuksan ang Philippine
Normal School (1901) at
ang University of the
Philippines (1908).
• Layunin ng edukasyon
ang pagsanay sa mga
Pilipino sa demokratikong
paraan ng pamumuhay,
pagkamamamayan,
moralidad, edukasyong
bokasyonal, at
paghahanda para sa
pagsasarili ng
pamahalaan.
PANAHON NG
KOMONWELT
• Sa paggawa ng
Kumbensiyong
Konstitusyonal ng
Saligang Batas ng 1935,
naitalaga ang bagog
sistema ng edukasyon.
• Isinasaad dito ang
pamahalaan ay magtatag
at mangangasiwa ng isang
kompleto at sapat na
sistema ng edukasyong
pampubliko at magbibigay
ng libreng pagtuturo sa
primarya at pagsasanay sa
pagkamamamayan sa mga
nakatatandang
mamamayan.
• Nagsimula ang pag-aaral
sa edad na pito para sa
elementarya. Pitong taon
ang kailangan sa
elementarya at apat na
taon sa mataas na
paaralan.
• Karaniwang apat na taon
ang kurso sa kolehiyo.
LAYUNIN NG EDUKASYON
1. Pagkuha ng kaalaman
2. Pagpapaunlad ng
kasanayan
3. Paghubog ng ugali at
pagpapahalaga
4. Pakikipag-ugnayan sa iba
5. Paghahanda para sa
buhay
BADYET NG EDUKASYON
• Ang edukasyon ang
pundasyon ng matatag
na estado.
• Ang puhunang tao ng
isang bansa ay
nakabatay sa produkto
ng maayos at de-kalidad
na edukasyon.
• Bilang umuunlad na
bansa, kailangang
pagbutihin ng Pilipinas
ang sistema ng
edukasyon upang
makamit ang positibong
pagbabagong mgadadala
sa bansa sa pag-unlad.
• Sinisigurado ng
Saligang Batas ng 1987
ang proteksiyon at
pagsusulong ng
karapatan ng mga
mamamayan sa de-
kalidad na edukasyon
sa lahat ng antas.
• Dagdag pa,
sinasabing isasagawa
ng bansa ang angkop
na hakbang upang
maipaabot ito sa
lahat.
• Sa badyet ng 2019 na
PHP 3.662 trilyon,
inilaan ng pamahalaan
ang may kabuoang PHP
528,784,300 bilyon
para sa Kagawaran
Edukasyon upang
matugunan ang mga
pangangailangan nito.
MGA ISYU AT HAMON
IMPLEMENTASYON NG
K TO 12 PROGRAM

• Ang K to 12 Program ay isang


programa sa basic education sa
loon ng labintatlong (13) taon.
• Sa K to 12 Program, ang
bata ay papasok sa
paaralan sa edadna lima
(5) sakindergarten.
• Sa Edad na anim (6)
papasok siya sa
elementarya na anim na
taon, at sa junior high
school na apat (4) na
taon.
• Sa edad na 16 papasok ang
mag-aaral sa programa ng
Senior High School.
• Layunin ng K to 12
program na ihanay ang
kurikulum ng edukasyon
sa Pilipinas sa ibang bansa
upang makahabol sa antas
ng edukasyon sa daigdig.
• Ipinag-utos ng
Enhanced Basic
Education Act ng
2013 ang K to 12
Program sa lahat ng
pampubliko at
pribadong paaralan
sa buong bansa.
• Ipinag-utos ng
Enhanced Basic
Education Act ng
2013 ang K to 12
Program sa lahat ng
pampubliko at
pribadong paaralan
sa buong bansa.
• Nagsimula ang
implementasyon nito sa
universal kindergarten
noong taong 2011-2012.
• Samantalang ang
bagong kurikulum ng
grade 1 at 2 ay
nagsimula noong taong
2012-2013.
• Ang Senior High
School ay sinimulan
sa taong –aralan
2016-2017.
• Ang unang pangkat sa
ilalim ng K to 12
Program ay nagtapos
sa taong-aralan 2017-
2018.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM
1. Palakasin ang
edukasyon ng mga
nakababata sa
pamamagitan ng
universal
kindergarten.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM
2. Gawaing
makabuluhan ang
kurikulum
sapamamagitan ng
pagpapayaman nito.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM

3. Tiyakin ang buo at


tuloy-tuloy na pag-aaral
sa pamamagitan ng
spiral progression.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM

4. Sanayin ang
kakayahan sa paggamit
ng kinagisnang wika at
iba pang wika.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM

5. Pagbutihan ang
kinabukasan sa Senior
High School.
MAHAHALAGANG
KATANGIAN NG
K to 12 PROGRAM

6. Alagaan ang mga


batang Pilipino upang
umunlad nang buo sa
pamamagitan ng
kolehiyo at kahandaang
magtrabaho.
ANG SENIOR HIGH
SCHOOL
• Ang Senior High School ang
huling dalawang taon ng K to 12
Program.
• Mayroon itong walong asignatura
(subject) na bahagi ng core
curriculum na kapareho ng
general education program sa
kolehiyo.
• Ang walong aralin ay
ang wika, matematika,
siyensiya,
komunikasyon,
pilosopiya, humanities,
siyensiyang panlipunan,
at edukasyong
pangkatawan at
pangkalusugan.
• Sa Senior High School,
ang mga mag-aaral ay
pipili ng track.
• Ang akademiko,
technical-vocational-
livelihood,isports, at
sining at disenyo.
• Ang mga track na ito
ay nakatuon sa
paraang magagamit ng
mag-aaral ang kanyang
mga kasanayan at
interes para sa
trabaho sa hinaharap.
• Para sa mga kukuha ng
technical-vocational-
livelihood track may apat
na pagpipiliang (strands)
1. Agri-fishery
2. Home Economics
3. Information and
Communication
Technology (ICT)
4. Industrial Arts
• Sa strands na ito nabibigyan
ng pagkakataong makapag-
trabaho ang mag-aaral
matapos ang K to 12 Program.
• Maaari na siyang humingi ng
sertipikasyon mula sa TESD,
ang Certificate of Competency
(COC) at ang National
Certificates (NC) na tutulong
upang mas madali siyang
makakuha ng trabaho.
• Ang academic track ay
may apat na strands.
1. Humanities and Social
Sciences (HUMSS)
2. Accountancy, business
and management (AMB)
3. Science, technology,
engineering, and
mathematics (STEM)
4. General academics (GAS)
• Ang huling dalawang track
ay ang sports and design.
• Sa pagpili ng track na ito
at strand, kailangang
kumuha ang mag-aaral ng
pagsusulit kagaya ng
aptitude test, career
assessment, at
carreroccupational
inventory test.
• Sa tulong ng mga ito,
makikita ng mag-aaral
ang kanyang kalakasan,
kasanayan, kakayahan,
at interes upang
makagawa siya ng
matalinong pagpili.
• Layunin ng Senior High
School na linangin sa
mag-aaral ang kasanayan
at kakayahanparasa
kolehiyo.
• Palakasin din nito ang
interes at damdamin para
sa propesyong nais sa
hinaharap.
ANG K TO 12 PROGRAM
AT ANG KALIDAD NG
EDUKASYON

• Ipinaliwanag sa madla
ang 10-point Agenda ni
Pangulong Benigno
Aquino III noong 2010.
• Sa kabuoan, sinabi
niyang ang mga
problema ng Pilipinas
ay malulunasan kapag
naisaayos ang
edukasyon.
• Sa salitang edukasyon,
tinukoy niya ang K to 12
Program.
• Ang karagdagang
dalawang taon sa ilalim
ng K to 12 Program ang
maghahanay ng
edukasyon sa ibang
bahagi ng daigdig.
• Sa K to 12 Program,
makakasabay ang edukasyon
ng bansa sa edukasyon sa
ibang bansa sa pamamagitan
ng kurikulum na kapareho
ng sa ibang bansa.
• Matutugunan din nito ang
regional qualification
framework at mas magiging
madali ang pagtratrabaho sa
ibang bansa sa rehiyon.
• Sa K to 12 Program,
makakasabay ang edukasyon
ng bansa sa edukasyon sa
ibang bansa sa pamamagitan
ng kurikulum na kapareho
ng sa ibang bansa.
• Matutugunan din nito ang
regional qualification
framework at mas magiging
madali ang pagtratrabaho sa
ibang bansa sa rehiyon.
ANG
PROPESYONALISASYON
NG PAGTUTURO
• Ang pagtuturo ay isa sa mga
pinakapopular na kurso sa
kolehiyo at unibersidad ang
may nakakadismayang resulta
sa Licensure Examination for
Teacher (LET).
• Marami ang hindi
umaabot sa antas ng
national test-taker
passing rate at
karamihan sa mga
Teacher Education
Institute (TEI) na ito ang
nasa katimugang bahagi
g bansa partikular sa
Mindanao.
• Sa LET simula noong 2015,
sa elementarya at s
sekundarya mkikita na
mababa ang porsiyento ng
mga pumasa.
• Bagama’t may taon, lalo na
sa sekundarya, na ito ay
may pagtaas maituturing
pa rin na ito ay may
kababaan sa kabuoan.
• Batay rin sa datos ng
Professional
Regulation
Commision (PRC)
halos kalahati ng
mga pumasa ay mga
umulit na sa pagkuha
ng pagsusulit.
• Ang mga resulta ng
nakaraang apat na
taon ay halimbawa
kung paano dapat
ayusin ang edukasyon
lalong-lalo na ang
pagsasanay ng mga
guro.
• Noong 1994, upang
maiangat ang kalidad
ng mga guro, nilagdaan
ang batas na R.A 7836.
• Layunin ng batas na
pagtibayin ang
pangangasiwa at
pagmamasid sa
pagtuturo sa Pilipinas.
• Iniaatas ng RA 7836 ang
pagkuha ng mga nakatapos
ng bachelor’s degree ng
pagsusulit para sa mga guro
at pangangasiwasamga TEI.
• Maraming paaralan at
kolehiyo ang nagpapatuloy
ng programa ng pagtuturo
kahit hindi pumapasa ang
kanilang mga produkto sa
eksamen.

You might also like