You are on page 1of 26

ANG EBOLUSYON NG TAO

PAG-UNLAD NG
KULTURAL NOONG
UNANG PANAHON
Ang pagbabago ay nangyayari hindi lamang sa hitsura
at pisikal na katangian kundi gayundin sa paraan ng
pamumuhay. Ang arkeolohiya at antropolhiya ay
patuloy na nagsasaliksik upang malaman kung paano
namuhay ang mga sinaunang mamamayan.
Gumagamit sila ng mga paraan ng pagtaya sa
panahon kung kalian naganap ang mga pangyayari.
May tatlong magkakaibang panahon na natukoy sa
pag-unlad ng kultura nong sinaunang panahon. Ang
panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at Panahong
Metal. Noong una, nakibagay ang tao sa kapaligiran.
Nang lumaon, taglay ang kakayahang mag-isip,
nakagawa siya ng mga paraan upang mapamahalaan
ang kapaligiran, makabuo ng mga sistema at
teknolohiya, at matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
PANAHONG PALEOLITIKO (LUMANG BATO)
• Ang mga natagpuang kagamitang sa panahon
ito ay tinatayang ginamit 600,000 hanggang
700,000 taon na ang nakalipas. Sa panahong
ito, ang mga tao ay na ngalap lamang ng mga
pagkain buhat sa kapaligiran.
• Sila ay nangaso at ang pagkain nila ay hilaw.
PANAHONG PALEOLITIKO (LUMANG BATO)
• Nang lumaaon natuklasan nila
ang apoy.
• Natutunan nilang magluto ng
pagkain.Nagbago ang kanilang
pamumuhay matapos
matuklasan ang apoy.
PANAHONG PALEOLITIKO (LUMANG BATO)
• Sa malamig na lugar, ginamit
ito upang magbigay init sa
kanilang tirahan. Nagbigay
liwanag ito sa gabi at nagamit
din upang itaboy ang mga
hayop sa ilang.
PANAHONG PALEOLITIKO (LUMANG BATO)
• Totoong nanirahan sa mga
kuweba at tagong lugar ang
mga unang tao. Gayunpaman,
nakatagpo rin ng mga tirahang
gawa sa buto ng hayop at mga
sanga ng dahon ng puno.
PANAHONG PALEOLITIKO (LUMANG BATO)
• Habang tumatagal, dumami ang mga tao.
Nagsimula ang paggamit ng mga buto sa
paggawa ng mga kagamitan. May
natagpuan ding halimbawa ng sining na
may dalawang uri. Ang sining sa mga
dingding ay mga bas relief, ukit, guhit gamit
ang daliri at disenyo sa mga dingding ng
kuweba at bato.
PANAHONG NEOLITIKO
( PANAHON NG BAGONG BATO)
• Ang pagbabago sa klima ng digdig ay
nagbunsod ng mga pagbabago sa paraan
ng pamumuhay. Maraming hayop at
halaman ang nangawala. Kailangang
makibagay ang tao sa mga pagbabago sa
kapaligiran. Noong mga 8000 BCE ( Before
Common Era) nagsimula ang Panahong
Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato.
PANAHONG NEOLITIKO
( PANAHON NG BAGONG BATO)
• Natutong magtanim at mag-alaga ng mga
hayop ang mga tao. Sa pamamagitan ng
dalawang ito, kinaya nang pakainin ang
mas malaking populasyon.
• Nabuo ang mga komunidad. Dahil hindi na
kailangan gumala upang maghanap ng
pagkain, ang mga tao ay palagian nang
nanirahan sa isang lugar.
PANAHONG NEOLITIKO
( PANAHON NG BAGONG BATO)
• Nagtayo sila ng mga tahanang malapit
sa kanilang taniman at ibang
pinagkukunan ng ikakabuhay. Maliban
doon, nakapag-ani rin sila ng mga
produkto na labis sa kanilang pang-araw-
araw na pangangailangan na kanilang
ipinalit sa ibang produkto o ipinagbili.
Dito nagsimula ang kalakalan.
PANAHONG NEOLITIKO
( PANAHON NG BAGONG BATO)
• Yari pa rin sa bato ang mga kagamitan
sa panahong ito ngunit higit na
matutulis, maliliit, at makikinis na ang
pagkakagawa sa mga ito.
• Sa simula ay mga simpleng pamayanan
lamang ang mga nabuo. Sa katagalan
ay nagkaroon na ng mas malalaking
komunidad.
PANAHONG NEOLITIKO
( PANAHON NG BAGONG BATO)

• Sa mga arkitekturang natagpuan ng


mga arkeologoly, mayron nang mga
komunidad na may mga tanggulan
na napaligiran ng pader at tubig
kagaya ng mga natagpuan sa Sumer
at Lambak ng Indus.
ANG PANAHONG METAL
• Natulasan ang mga metal 3500 taon na ang nakalilipas.
Ang Panahong Metal ay binubuo ng tatlong bahagi.
• Ang Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronze, at Panahon ng
Bakal.
• Sa panahon ng Tanso gumamit ang mga tao ng mga
kagamitang tanso at bato.
ANG PANAHONG METAL
• Nang matuklasan ang sistema ng paghahalo ng mga metal
(metallurgy) sa Fertile Cresent, nagsimula ang Panahon ng
Bronze. Ang Bronze ay pinaghalong tanso at tin. Ito ay
mas matigas kaysa tanso kaya nagging mas matibay ang
mga kagamitan.
ANG PANAHONG METAL
• Ang mga tunawan at ang paraan ng paghuhulma ng
Kulturang Quija at ang mga natagpuang edbidensiya sa
lugar ng Gansu sa China ay nagpatunay ng paggamit ng
bronze sa China.
ANG PANAHONG METAL
• Maraming deposito ng tanso at tin sa Anyang, ang sentro
ng dinastiyang Shang. Nakaipon ang Dinastiyang Shang ng
mga kagamitang yari sa bronze tulad ng potter’s wheel na
gamit sa paggawa ng banga, kutsilyo, panggapas, palakol,
at mga lalagyan ng pagkain at alak.
ANG PANAHONG METAL
• Ang isa pang kilalang gawa sa panahong ito ay ang Dong
Son drums at drum burials kung saang pares-pares ang
mga drum at nagtataglay ng mga diseny. Ang mga drum
burial ay isinasagawa ng mayayaman.
• Sa panahong din ito nagsimula ang pagsulat. Ang
pagsulat ay nagsimula sa pagtatala ng mga transaksiyon sa
kalakalan. Dito rin nagsimula ang kasaysayang nakasulat.

You might also like