You are on page 1of 10

Kabanata I

“ Ang Suliranin at Saligan nito “

PANIMULA

Sa panahon ngayon, marami pa rin ang naguguluhan sa bagong sistema ng edukasyon dahil
sa ipinatupad ng pamahalaan ang K+12 Curriculum sa ilalim ng batas na Republic Act No. 10533.
Taong 2013 nang pasimulan ang mandatory kindergarten sa bansa sa ilalim ng K-12 program ng
Department of Education (DepED). Sa Repulic Act No. 10533 o mas kilala sa tawag na K+12 Law
ay pormal nang pinairal sa bansa. Ang K+12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang dalawang (2) taon sa dating
10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na
taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante, ngayon
ay may karagdagang nang dalawang (2) taon sa Senior High. Sa ilalim ng K+12, bago
makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang dalawang (2) taon pagkatapos ng
apat (4) na taon sa hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school ang karagdagang
dalawang (2) taon. Ang apat (4) na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag na junior high
school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa labindalawang (12) taon ng Basic
Education sa ilalim ng Kto12. Gaya ng ipinahayag ni Pangulong Aquino, malaki ang maitutulong
nito sa mga kabataang mag-aaral. Sa pagsasabatas ng K+12, hindi lang tayo nagdaragdag ng
dalawang taon para sa higit pang pagsasanay ng ating mga mag-aaral; tinitiyak din nating talagang
nabibigyang-lakas ang susunod na henerasyon na makiambag sa pagpapalago ng ating ekonomiya
at lipunan. Mulat tayo sa mga kakulangan ng kinalakihan nating 10-year basic education cycle.
Bukod sa lugi ang ating mga mag-aaral sa bilang ng taon para lubusang maunawaan ang kanilang
mga leksyon, puwersado pa silang makipagkompitensya sa mga graduate mula sa ibang bansa na
‘di hamak na mas matagal at mas malalim ang naging pagsasanay.

Mula sa pag-aaral nina Nual at Elogario (wp), kapansipansin ang mga


nakapagtapos sa mga paaralang nagpapatupad nito na kadalasang nakakakuha ng mas marami at
mas magandang opurtunidad, hindi lang dito sa bansa kung hindi maging sa abroad dahil ang k+12
ay ang kinikilalang International education standard na sinusunod ng halos lahat ng mga bansa.
At dahil kasisimula pa lamang itong ipatupad sa Pilipinas, nangangahulugan lamang na napag-

Page | 1
iwanan na ang kalidad ng ating edukasyon ngunit patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang
matugunan ang kritikal na kalagayan ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Dahil sa makabagong
mundo ngayon, naging mahirap na sa mga estudyante kung ano nga ba ang unang hakbang ang
kanilang gagawin para sa kanilang buhay sa senior high, lalo na sa landas na gusto nilang marating
at ang makabagong kurikulum na bago sa ating mga Pilipino na siyang lalo pang nagpahirap dito.
Ang pagkakaroon ng sariling desisyon ng mga kabataan ay nakalilito lalo na sa pagpili ng kursong
gusto nilang kunin pagdating sa kolehiyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga
estudyante ang kursong gusto nilang kunin pagdating sa kolehiyo kaya’t sila ay nahihirapan sa
kung anong strand naman ang pipiliin nila pagdating nila ng Senior High.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang salik na nakaaapekto sa pagpili ng strand ng


mga mag-aaral ng Metropolitan Medical Center – College of Arts, Science, & Technology Taong
2019. Nais ding malaman ng pag-aaral na ito na kung talaga bang direktang naaapektuhan ang
academic performance ng isang mag-aaral sa kaniyang pagpili ng strand na gusto niyang tahakin
pagdating sa Senior High.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL

Ipinapakita ng mga sumusunod kung papaano nga ba nagkaroon ng edukasyon sa Pilipinas


at kung kanino ba talaga ito nagsimula, gayundin ang unti-unting inobasyon o pagbabago sa
larangan ng akademiya.

Sinaunang Pilipino

Ang malawak na kaalaman ng mga unang Pilipino ay hango sa edukasyong di-pormal. Di-
pormal sapagkat walang istruktura ng pormal na edukasyon na meron ngayon. Walang paaralang
pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong
bumasa at sumulat sa mga sinaunang Pilipino.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang edukasyon ang ating mga
ninuno. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang
kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat,
magbilang at manampalataya. Hindi lamang mga araling pang-akademiko ang itinutiro sa kanila.

Page | 2
Ang mga lalaki ay tinuturuang maging mandirigma, mangangaso, mangingisda at
magsasaka . Tinuturuan din sila ng mga kaalamang nauukol sa pagmimina, paggawa ng sasakyang-
dagat, at pagiging platero.

Ang mga babae nama’y sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto, pananahi,
paghahabi, at paghahayupan. Paghahanda ito sa kanilang pagiging maybahay at mabuting asawa
sa hinaharap.

Mayroon ding sinaunang alpabeto ang mga Pilipino. Baybayin ang tawag dito na binubuo
na labimpitong (17) titik, tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Sa pagsulat naman ay
simple lamang ang kanilang ginagamit gaya ng dulo ng kutsilyo at matutulis na bakal na tinatawag
na sipol. Katas ng halaman ang kanilang ginagamit na tinta at sa mga dahon, balat ng
punongkahoy, at biyas ng kawayan sila sumusulat.

Panahon ng Kastila

Ang unang naging guro noong nasakop tayo ng Kastila ay ang mga misyonerong pari o
Prayle. Ang mga Kastila din ang unang nagpatayo ng mga pristihiyosong mga unibersidad sa
Pilipinas. Unang naitayo ang Colegio de Manila noong 1589 ngayon ay Colegio de San Ignacio
sinundan ito ng Colegio de San Ildefonso noong 1595 at Colegio de San Jose nooong 1601. Ang
edukasyon na kanilang ibinigay ay nagging isang makapangyarihang paraan sa pagpalaganap ng
Katolisismo.

Ang mga Pilipino ay lumaki sa paniniwala na ang edukasyon ang magpapaasenso sa buhay
ng isang tao ngunit ang edukasyon ay nagbunga lamang sa di pagkakapantay-pantay ng tao lalo na
sa kababaihan. Ang mga mayayamang Pilipino lamang ang may pagkakataon upang makapasok
sa isang pristihiyosong paaralan, mas binibigyan ng karapatan at opurtunidad ang mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan. Ang mga kababaihan ay binibigyan lamang ng edukasyong bokasyonal
na may layunin upang sila ay mabigyang kaalaman sa pagkilos sa loob ng tahanan at isang pamilya.
Ang mga kababaihan ay hindi tinatanggap sa mga paaralang nakatataas dahil sa paniniwalang nasa
bahay lamang ang mga kababaihan.

Ang Edukasyon sa Pilipinas ay hindi bukas sa lahat ng mga Pilipino. Ang pamahalaan ng
mga Espanyol ay talagang walang intensyon ng pagsasanay ng ating mga natives o katutubo kung
hindi para lamang sa pagsasarili. Sa panahong ito, ang ilang mga paaralan ay eksklusibong itinatag
para sa mga tao na pag-aari sa itaas na panlipunan at pang-ekonomiyang klase ng lipunan. Ang

Page | 3
sistema ng edukasyon ay kontrolado ng mga Prayle sa pamamagitan ng ibat’t ibang relihiyon
order. Ang paghahanda, pagpaplano, kontrol, pangangasiwa ng programang circular, at mga
punong tampok kung saan puro panrelihiyon.

Ang unang pagtuturo ay nangyari sa Cebu noong taong 1565. Noong panahon ng Kastila
lubos na pinalaganap ang Katolisismo. Pilit na ipinasaulo sa mga mag-aaral ang mga dasal na
kinainisan ng marami.

Panahon ng mga Amerikano

Layunin ng mga Amerikano na palaganapin ang demokrasya, ituro ang wikang Ingles, at
ikalat ang kulturang Amerikano. Dito pinayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap
na mga Pilipino. Nagkaroon din ng mga pribado at publikong paaralan na hindi pag-aari ng
simbahan. Thomasites ang tawag sa mga unang guro na ipinadala sa Pilipinas. 600 na Thomasites
ang dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong SS Thomas.

Panahon ng Hapon

Layunin nila ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, pagtuturo ng Edukasyong


Bokasyonal at Elementarya, pagpapalaganap ng Niponggo, pagtataguyod ng pagmamahal sa
paggawa. Tanging ang Military Order No. 2 ang naging kontribusyon nila sa edukasyon kung saan
nilikha ang Commisssion of Education Health and Public Wellfare, kung saan layunin nitong
supilin ang usaping kaunlarin at mga pagtataguyod ng salitang Niponggo. Mas naging pokus nila
ang pamamahala at pagsakop sa ating bansa kaya ito lamang ang ambag nila sa ating edukasyon.

Kasalukuyang Panahon

Sa kasalukuyang panahon, mayroong 10 grade basis education ang bansa. Binubuo ito ng
Kindergarten, elementarya na may anim (6) na taon (grade 1 - grade 6), sekondarya na may apat
(4) na taon (1st year - 4th year) at kolehiyo na nakadepende sa kurso kung gaano kahaba ang
guguguling panahon sa pag-aaral. Ngunit ang ganitong sistema ay hindi na akma sa inilunsad ng
bagong programang pang-edukasyon ng bansa sa mundo. Dahil sa lumalawak na implementasyon
ng K+12 kurikulum , noong 2012, isinabatas ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang
pagpapaimplementa ng ganitong sistema ng edukasyon sa buong bansa. Sa ilalim ng kurikulum na
ito ay nadagdagan ng dalawang taon ang dating 10 grade basis education system. Ang bagong
kurikulum na ito ay nagsisimula sa Kindergarten, na kinakailangang pasukan ng lahat ng mga
mag-aaral, na dati’y kahit hindi naman. Ang obligasyong pumasok sa Kindergarten ay nakaayok

Page | 4
sa batas Kindergarten Act of 2012, pagkatapos ay papasukan naman nila ang elementarya na
binubuo ng anim (6) na taon. Kasunod nito ang high school o sekondarya na binubuo ng apat (4)
na taon, mula grade 7 hanggang grade 10. Tinatawag na junior high ang mga estudyanteng nag-
aral sa sekondarya. Susundan naman nito ng panibagong dagdag na dalawang taon, grade 11
hanggang grade 12. Tinatawag naman sa Senior High ang mga mag aaral na pumapasok sa antas
o lebel na ito. Sa antas ng grade 11 at grade 12, mayroong pamimiliian ng track o academic strands
na maaring kuhanin ng mga estudyante, kabilang rito ang Accountancy, Business and Managent
(ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering and
Mathematics (STEM), General Academic Strands (GAS), Tourism Strand at Technical,
Vocational, and Livelihood (TVL). Ang bagong sistemang ito ng edukasyon ay may layuning
patatagin ang kahandaan ng mga estudyante sa iba’t ibang larangan pang-akademiya at gawaing
teknikal at bokasyonal. Pinahaba ang panahon ng pag-aaral upang mas mahubog ang kakayahan
ng mga mag-aaral at upang mas maging handa sila sa mas mataas na antas ng edukasyon. Sa
kurikulum na ito, handa at maari na ring kumuha ng trabaho ang mga matatapos na grade 12. Sa
pangkalahatan, layunin ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng lakas-paggawa sa
Pilipinas maging ng tumaas na pangangailangan ng ibang bansa sa ating mga manggagawa at
propesyonal. Isang dahilan ito kung bakit ipinatupad ng gobyerno ang bagong programang K+12.

BALANGKAS TEORITIKAL

Mula sa teorya ng Pragmatism on Education ni Dewey (1899), mas nagiging kapaki-


pakinabang kung may praktikal na kasanayan. Ang teoryang ito ni Dewey ay nahahati sa apat na
konsepto. Una. ang edukasyon ay buhay. Ikalawa, ang edukasyon ay pag unlad. Ikatlo, ang
edukasyon ay isang sosyal na proseso at Ikaapat, ang edukasyon ay nahuhubog mula sa karanasan
ng isang tao. Ang teoryang ito ni Dewey ang pinakakilalang pilosopiya at basehan ng konsepto ng
edukasyon sa Pilipinas. Sinabi ng isang Propesor sa Edukasyon at Dean ng Graduate School of
Siliman University na si Herman C. Gregorio at dating DECS superior na si Cornelia M. Gregorio
na ang edukasyon sa bansa ay walang duda na nakabase sa teorya ni Dewey na Pragmatism. Isang
katunayan niyan ay ang paglulunsad ng bansa sa programang K+12. Sa kurikulum na ito, maagang
sinasanay ang mga kabataan sa larangang nais nilang kuhanin sa hinaharap. Sa bagong sistemang
ito, tinuturuan ang mga estudyante na maging mahusay sa pamamagitan ng praktikal na

Page | 5
pamamaraan. Ipinahiwatig din ni Dewey ang pinakamabisang paraan upang magkaroon ng
karunungan ang isang magaaral. Para sa kaniya, ang edukasyon ay hindi lamang pangangabisado
ng mga aralin sa klase. Mas matututo ang mga magaaral kung sasanayin ang kanilang isip nang
magisip kritikal na mag-analisa ng mga problema at bigyan ito ng solusyon sa pinakamabisa at
praktikal na pamamaraan.

Ayon sa paliwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni


Bandura (1977), maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto tulad ng
pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga
ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi nangangahulugang magbubunga ito ng
pagbabago sa kilos. Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David
Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Kaugnay ito sa pag-aaral sapagkat

Mula sa Teorya ng Pagkatutong Pangkaranasan o Theory of Learning Experience ni Kolb


(1974), ang mga nasa edad o adults ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang
mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa
angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teoryang
Konstruktibismo. Akma ito sa pag-aaral sapagkat habang tumatagal ang taon ng pag-aaral ay mas
nagkakaroon ng karanasan ang mga mag-aaral na nagiging sanhi upang sila ay mas matuto pa.

Ayon naman sa Teorya ng pagkatutong konstruktibismo o Theory of Learning


Constructivism ni Vygotsky (1978), sinasabi ng teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao
at gumagawa ng kabuluhan o meaning batay sa kanyang mga karanasan. May kaugnayan ito sa
pag-aaral sapagkat katulad lamang ng teoryang ginawa ni Kolb ay mas nagiging epektibo ang pag-
aaral kung mas marami itong karanasan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pananaliksik na ito ay sasagutin ang sumusunod na katanungan:

1.) Itatala ang demograpikong propayl ng mga respondente batay sa:

1.1.Kasarian

Page | 6
1.2.Edad
1.3.Strand

2.) Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng strand ng mga respondente?

3.) Ano-ano ang nagiging epekto ng pagpili ng strand sa mga respondente sa kanilang
academic performance?

4.) Ano-ano ang mga strand na kadalasang napipili ng mga mag-aaral para sa senior high
school?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na may paksang “ Salik na nakaapekto sa pagpili ng strand ng


mga mag-aaral ng Metropolitan Medical Center – College of Arts, Science, & Technology Taong
2019” ay nakatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral ng Senior High sa Paaralang MMC-CAST

Nakapaglalaan ito ng sapat na kaalaman sa mga estudyanteng may kinalaman sa bagong


sistemang ito upang sa ganoon ay magkaroon sila ng ideya kung gaano kahalaga ang desisyon na
kanilang gagawin sa pagpili ng strand sapagkat ito’y makaaapekto sa kanilang academic
performance, Dahil rin sa pananaliksik na ito ay naging pamilyar sila sa konsepto ng K+12
Curriculum at nalaman ang kahandaan na kinakailangan sa pagpasok dito.

Sa mga Magulang

Nalaman ng mga magulang ang ilang tulong na maaring makuha ng kanilang mga anak sa
programang k+12 lalo na sa larangan ng Akademiya. Nakapaghanda rin sila ng mga kinakailangan
para sa pagpasok ng kanilang anak sa bagong sistema. Nalaman na may epekto ang kanilang
impluwensiya sa pagpili ng strand ng kanilang anak, gayundin sa academic performance nito.

Sa mga Mambabasa

Page | 7
Nagkaroon ng kaalaman ang mga mambabasa kung paano nagbago at nahubog ang sistema
ng edukasyon sa bansa. Nalaman din nila ang ilang aspeto ng bagong sistema ng K+12 Curriculum.
Napaghandaan din ng mga estudyanteng mambabasa na papasok sa bagong kurikulum ang mga
kinakailangan na paghahanda.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Salik na nakaapekto sa pagpili ng strand ng


mga mag-aaral ng Metropolitan Medical Center – College of Arts, Science, & Technology Taong
2019” ay sasaklawin ang ideya, opinion at pananaw ng mga mag-aaral ng G-11 Senior High sa
paaralang Metropolitan Medical Center – College of Arts, Science, & Technology. Ang mga
pananaw na kakalapin ay mula lamang sa mga mag-aaral ng MMC-CAST Grade 11 Senior High.
Kakalapin din ng pananaliksik na ito ang ilang aspeto na nakaaapekto sa pagpasok ng mga
estudyante sa lahat ng track ng Senior High.

Sasaklawin din ng pananaliksik na ito ang ilang impormasyon mula sa piling mga guro na
nagtuturo sa mga Senior High School.

Ang mga detalyadong impormasyong makakalap ay patungkol lamang sa bagong K+12


Curriculum at hindi lalagpas pa sa ibang antas ng edukasyon. Ang mga estudyanteng
pagkukuhanan ng impormasyon ay mula lamang sa paaralang Metropoltan Medical Center –
College of Arts, Science, & Technology at hindi lalabas pa mula sa ibang unibersidad o paaralan.

Ang teoryang pagbabasehan ng pag-aaral na ito ay mula lamang sa konsepto ni John


Dewey, Bandura, Kolb, at Vygotsky. Hindi na lalagpas pa sa ibang uri ng pilosopiya, pag-aaral at
teorya.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

10 GRADE BASIS EDUCATION - ito ay sistema ng edukasyon na binubuo ng sampung


taon kabilang ang anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school. Sa
ilalim nito, hindi inoobliga ang mga mag-aaral na pumasok sa kindergarten bago maging
elementarya.

Page | 8
ABM – Accountacy, Business, and Management. Ang strand na ito ay kinuha para sa mga mag-
aaral na may layuning kumuha ng pagnenegosyo, akawntansi, o pamamahala sa kolehiyo.

Academic Performance - tumutukoy sa kung paano haharapin ng mga mag-aaral ang kanilang
pag-aaral at kung paano nila nakayanan o nakamit ang iba't ibang mga gawain na ibinigay sa
kanila ng kanilang mga guro.

Collegio – Ito ang tawag sa paaralan para sa mga kalalakihan noong panahon ng mga Kastila.

DECS - Department of Education, Culture and Sports. Ito ang dating katawagan sa kasalukuyang
DepEd ng bansa na siyang may hawak sa pangkalahatang sistema ng edukasyon sa buong
Pilipinas.

DepEd – Department of Education. Ito ang isang ahensiya ng gobyerno na siyang may hawak sa
sistema, pamamalakad at mga batas pang-edukasyon sa Pilipinas.

HE – Home Economics. Ang strand na ito ay dinisensyo para sa mga mag-aaral na may layuning
kumuha ng kursong may kinalaman sa pagluluto, at pagse-serve pagdating sa kolehiyo. Ang mga
mag-aaral na nakatapos ng strand na ito ay makakatanggap ng National Certification II at maaari
ng makapag-apply sa trabaho. Sila ay maaaring magpatuloy sa pagkuha ng NC III, NC IV, TM, or
NTTC.

HUMSS – Humanities, and Social Science. Ang strand na ito ay dinisensyo para sa mga mag-aaral
na may layuning kumuha ng pamamahayag, sining ng komunikasyon, sining ng liberal,
edukasyon, at iba pang agham panlipunan sa kolehiyo.

ICT - Information and Communication Technology. Ang mga mag-aaral na nakatapos ng strand
na ito ay makakatanggap ng National Certification II at maaari ng makapag-apply sa trabaho. Sila
ay maaaring magpatuloy sa pagkuha ng NC III, NC IV, TM, or NTTC.

Page | 9
Illustrado – Nangangahulugang “isang taong nakabatid ng kalinawan at kalinawagan”. Ito ay
tumutukoy sa mga taong nakakaangat sa lipunan noong panahon ng mga Kastila dahil sila yung
mga nakapag-aral at may taglay na karunungan.
K+12 Curriculum – Ito ang bagong sistema ng edukasyon na binubuo ng kindergarten, na
obligadong pasukan ng mga mag-aaral, anim (6) na taon ng elementarya, apat (4) na taon sa
junior high school, at dagdag dalawang (2) taon ng senior high school.

Kurikulum/Curriculum – Ito ay tumutukoy sa kabuuang tuon o layunin na dapat isakatuparan


ng bawat paaralan upang maabot ang mga tiyak na tunguhin sa pagtuturo.

Senior High School – Ito ang bagong dagdag na sistema sa edukasyon na binubuo ng grade 11
hanggang grade 12.

STEM – Science, Technology, Engineering, and Mathematics. Ang strand na ito ay dinisenyo
para sa mga mag-aaral na may layuning kumuha ng natural na siyensya, inhinyero, arkitekto,
matimatika o medisina sa kolehiyo.

Track – Tinatawag ding academic strand, tumutukoy ito sa larangan na nais kuhanin ng mga
senior high school. Katumbas ito ng salitang kurso na kinukuha naman sa kolehiyo.

Tourism - Ang strand na ito ay dinisenyo para sa mga mag-aaral na may layuning kumuha ng
kursong panghimpapawid sa kolehiyo.

Thomasites – Tumutukoy ito sa mga gurong Amerikano na ipinadala sa Pilipinas upang turuan
ang mga Pilipino.

Page | 10

You might also like