ST.
ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon
Araling Panlipunan 10
Quarter 4 – Modyul 1
Pangalan:
Taon at Pangkat:10-WISDOM
Petsa:
Nilalaman
Modyul 1: Ang Isyu sa Access sa Quality Education at Iba Pang Suliranin sa Sistema ng Edukasyon sa
Pilipinas: Mga Hamon at Panukalang Solusyon
Layunin/Objectives
1. Nasusuri ang sistema at ang mga suliraning kinakaharap ng sector ng edukasyon sa bansa bilang isyu ng
social inequality.
2. Naipapaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga suliranin tulad ng (educational equality at
educational inequality)
3. Nakapagtatala at nakapagbibigay ng panukalang solusyon sa mga suliranin sa edukasyon
Panimula at Pagganyak/Hook
Panalangin
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo. Amen
Ama namin……
Lunsaran/Engage
Magandang araw Grade 10! Maligayang pagbabalik sa ating talakayan sa Araling Panlipunan sa
linggong ito!. Sa pagsisimula ng ating Quarter 4 ay ating tatalakayin ang “Ang Isyu sa Access sa Quality
Education at Iba Pang Suliranin sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas: Mga Hamon at Panukalang
Solusyon.
Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 254-275 at tunghayan ang aralin sa linggong ito.
Mga Uri ng Edukasyon
Formal – ito ay karaniwang isinasagawa sa loob ng paaralan na kung saan ang isang tao ay maaaring maturuan
ng isang propesyonal o ekspertong guro ng mga batayan (basic), akademiko (academic), o pangkalakalan
(trade) na kasanayan alinsunod sa isang hierarchically structured na sistema.
Nonpormal – ito ay karaniwang itinuturing na alternatibo o kahanay (parallel) ng pormal na edukasyon at hindi
sumusunod sa estruktura at hirarkikal na sistema. Sa ngayon higit na kilala ang nonformal o impormal na
edukasyon sa katwagang “Alternative Learning System” (ALS). Nagsisilbi ang ALS sa mga kabataang
dropouts sa elementarya at sekundarya na higit na matanda kaysa sa normal na edad ng kanyang
kinabibilangang grade level, mga nakatatanda (adults) na walang trabaho na hindi nakpagtapos ng pag-aaral,
1
katutubong mamamayan (indigenous people), may kapansanan kasama ang mga mentally challenged at mga
bilanggo.
Katangian ng Pormal na Edukasyon sa Pilipinas
Ang sistema ng pormal na edukasyon ay may katangian na hierarchically structured at chronologically
graded. Sa katangian ng hierarchically structured nahahati sa apat na pangunahing yugto ang buong siklo ng
edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa. Kabilang dito ay ang yugto ng Kindergarten, elementarya Grade 1 to 6,
sekundarya Grade 7 to 12, at ang tertiary o Higher Education.
Ayon sa Seksiyon 4 ng Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013, ang sapilitang
Batayang Edukasyon sa Pilipinas ay binubuo ng hindi bababa sa labintatlong taong pag-aaral. Kabilang dito ang
isang taong kindergarten na itinakda sa pagkakapatibay ng Kindergarten Act of 2012, at anim (6) na taong
elementarya. Matapos ang elementarya ang mag-aaral ay aakyat na sa sekundarya na nahahati naman sa apat (4)
na taong Junior High School JHS at dalawang (2) Senior High School.
Matapos ang Senior High School aakyat ang mga mag-aaral sa pangunahing yugto ng pormal na pag-
aaral sa antas ng kolehiyo o tertiary. Tinatawag ding Higher Education ang kolehiyo at ang lahat ng pormal na
edukasyon matapos ang antas ng sekundarya (post-secondary). Karaniwang tumatagal ng 4 na taon hanggang
walong taon (tulad ng batas (abogasya) at medisina) ang isang kursong pag-aaral sa kolehiyo. Matapos mag-aral
ng kolehiyo ay maaari ng magtrabaho o magpatuloy ng pag-aaral sa post-graduate (masteral at doctoral
degree). Layunin ng masteral at doctoral ang higit pang pagpapakadalubhasa o espesyalisasyon sa napiling
propesyon at promosyon o pagtaas ng posisyon o ranggo sa trabaho.
Samantala sa mga mag-aaral na walang sapat o kakayahang pinansiyal at naghahangad na kaagad
makapaghanapbuhay matapos ang edukasyong sekundarya, sila ay maaaring pumasok sa mga paaralang
bokasyonal at teknikal na itinuturing na non formal education. Kabilang sa mga kursong bokasyonal at teknikal
ay ang carpentry, welding, tailoring o dressmaking, cookery, food and beverage service, housekeeping, bread
and pastry production, computer systems servicing, at bookkeeping.
Upang umakyat sa susunod na grado o antas, ang bawat mag-aaral ay kailangang makakuha ng
pasadong marka o grado. Tinatawag ang katangiang ito ng sistema ng edukasyon sa chronological graded.
Kailangang ulitin ng sinomang mag-aaral ang buong antas o bumagsak na asignatura upang makaangat sa
susunod na grado. Karaniwang tumatagal ang pag-aaral ng 10 buwan o one academic year. Karaniwang ang
School Year ay nagsisimula ng Hunyo at nagtatapos ng Marso hanggang Abril. Sa panahon ngayon na may
pandemya (COVID 19) ang mag-aaral ay nagkaroon ng 8 buwan sa isang academic year na nagsimula ng
huling lingo ng Agosto at inaasahang matatapos sa huling linggo ng Abril. Walang face-to face classes at naka
home-based learning (modular or online learning). Sa bawat akademikong taon hinahati ang durasyon ng mga
mag-aaral sa apat (4) na markahan o grading periods. Ang average ng lahat ng grado sa apat na markahan ang
nagiging sukatan ng kanyang pag-angat sa susunod na grade level.
Mga Uri at Klasipikasyon ng mga Paaralan sa Pilipinas
Nahahati o nauuri ang mga paaralan sa Pilipinas bilang pampubliko at pribado. Direktang
pinangangasiwaan at pinopondohan ng pamahalaan ang mga pampublikong paaralan. Samantala, ang mga
pribadong paaralan ay pagmamay-ari, pinapangasiwaan, at pinopondohan ng pribadong sector. Ayon sa
Artikulo XIV Seksiyon 4 (1) ng 1987 Saligang Batas, kinikilala ng Estado ang mga gampaning komplimentaryo
ng mga institusyong publiko at pribado sa sistemang pang-edukasyon at dapat itong tumupad ng makatwirang
superbisyon at regulasyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
Ang Mataas na Bilang ng mga OSCY at Dropout Rate sa Iba’t Ibang Antas ng Pag-aaral Bilang
Indikasyon ng Suliranin sa Kawalan ng Accessibility sa Edukasyon
Mula sa datos ng 2017, ang 3.6 milyong OCSY (Out of School Children and Youth) ay bumubuo sa 9%
ng tinatayang 39.2 milyong Pilipino na nasa pagitan ng edad 6 hanggang 24 na taong gulang. Batay sa edad at
posibleng antas na pang-edukasyon, sa kabuoang 3.6 milyong OCSY noong 2017, ang pinakamarami ay ang
nasa pagitan ng 16 hanggang 24 taong gulang o mga Senior High School at kolehiyo. 11.2% ang nasa pagitan
ng 12 hanggang 15 taong gulang o maaaring dropouts sa sekundarya at 5.7% ang nasa pagitan ng 6 hanggang
11 taong gulang o mga dropouts sa elementarya. Ang napakamahal na edukasyon sa kolehiyo. Na hindi libre
kompara sa elementarya at sekundarya ang tinutukoy na pangunahing dahilan sa napakataas na bahagdan ng
OCSY na nasa pagitan ng edad mula 16 hanggang 24 taong gulang.
Mga Sanhi ng Pagtigil sa Pagpasok sa Paaralan ng Mga OCSY Batay sa APIS
Batay sa sarbey ng Philippine Statistics Authority bilang bahagi ng taonang Annual Poverty Indicators
Survey (APIS), hindi nagbabago ang mga sanhi o dahilan ng tinukoy ng mga kabataang OCSY sa kanilang
pagtigil ng pagpasok sa mga paaralan. Noong 2017, kabilang sa tatlong dahilan ay ang;
1. pag-aasawa o usaping pampamiya (37%)
2. pagkawala ng personal na interes (24.7%)
2
3. mataas na halaga ng edukasyon o suliranin sa pananalapi (17.9%)
Ayon mismo kay Kalihim Leonor Briones ng Departamento ng Edukasyon, ang napakataas na bahagdan ng
teenage pregnancy ang pangunahing tagapag-ambag sa pangunguna ng pag-aasawa at usaping pampamilya
bilang dahilan sa pagtigil ng pagpasok sa paaralan sa OCSY lalo na sa mga babae. Ayon sa Population
Commission (PopCom), 24 sanggol kada oras ang ipinapanganak ng mga inang teenagers at humigit-kumulang
200,000 ng mga Pilipinang teenagers ang nabubuntis kada taon, na kung saan ang karamihan sa kanila ay nasa
pagitan ng edad 15 hanggang 19 na taong gulang.
Para sa karagdagang impormasyon buksan mo ang iyong aklat sa pahina 276- 291 at tunghayan ang Iba’t
Ibang Suliraninn na kinakaharap ng Edukasyon (Education Accessibility, Social Inequality,
Marginalization at Kahirapan, Educational Inequality at Isyu sa Komersiyalisasyon sa antas ng Kolehiyo
at Higher Education)
Gawain/Activity
Gawain 1
Isulat kung anong Seksyon sa Saligang Batas na may Kaugnayan sa Edukasyon ang mga katanungan sa
ibaba.
____________1. Ang bawat mamamayan ay may karapatang pumili ng propesyon o kurso ng pag-aaral, salig sa
karampatan, makatwiran at ekwitableng mga kinakailangan sa pagpasok at mga
pangangailangang akademiko.
____________2. Dapat mag-ukol ngp prayoriti ang Estado sa edukasyon, siyensiya at teknolohiya, mga sining,
kultura at isports upang mapabulas (foster) ang pagkamakabayan at nasyonalismo.
____________3. Kinikilala ng estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin
ang pamilya bilang isang saligang institusyong panlipunan.
____________4. Kinikilala ng estado ang mga gampaning komplimentaryo ng mga institusyong publiko at
pribado sa sistemang pang-edukasyon at dapat itong tumupad ng makatwirang superbisyon at
regulasyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
____________5. Kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng bansa (nation-
building) at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral,
espirituwal, at sosyal.
Gawain 2
Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at malungkot na mukha naman
kung hindi.
_____1. Batay sa kasarian nangunguna ang kalalakihan na may edad 12-15 taong gulang sa OCSY.
_____2. Nahahati o nauuri ang paaralan sa Pilipinas bilang pampubliko pampribado, at bokasyonal.
_____3. Binibigyang-kahulugan ang social equality bilang ang sitwasyon o estado ng pangyayari na kung saan
ang lahat ng tao sa isang lipunan o pangkat ay may magkaparehong istatus sa ilang aspekto gaya ng
pantay na karapatan sa ilalim ng batas.
_____4. Dapat mag-ukol ang Estado ng pinakamataas na prayoriti sa pagbabadyet sa edukasyon at seguruhin na
magaganyak at mapamamalagi ng pagtuturo.
_____5. Ang laki ng gastusin sa edukasyon sa kolehiyo ay nakadepende sa papasukang paaralan, kurso at
sistema.
Gawain 1
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sumusunod na termino.
1. Formal at Nonformal___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. CHED at TESDA_____________________________________________________________________
3
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Educational Equality at Educational Inequality ______________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Pagninilay/Reflection
Bakit mahalagang mabigyang solusyon ang suliranin sa limitado o hindi pantay na access sa kalidad na
edukasyon sa pagkakamit ng panlipunang pagkakapantay sa edukasyon tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng
buhay at kaayusang panlipunan, at pag-unlad ng bansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Paglalapat/Transfer
Magtala ng limang (5) sa palagay mo ay malaking suliranin sa Edukasyon at magbigay ng mga panukalang
solusyon sa 5 suliranin na iyong isinulat. Isulat ito sa isang malinis na papel.
(Paalaala: Ugaliin ang pagsasagot sa transfer, dahil ito ang magsisilbing performance task mo)
Sanggunian/References: Padayon (Phoenix Publishing House), pahina 254-291
Magaling Grade 10!
Nagampanan mo ang iyong
tungkulin sa modyul na ito!
Magkita-kita muli tayosa
susunod na modyul!
Ama. Maraming salamat po sa araw-
araw na biyaya na ibinibigay mo sa
aming pamilya. Maraming salamat din
po na patuloy mo kaming ginagabayan
at sa bawat araw. Patawarin mo po
nawa kami sa aming mga pagkakasala.
Patuloy mo po kaming gabayan at
ilayo sa lahat ng uri ng kapahamakan.
Amen.
Lagda ng magulang