You are on page 1of 4

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Heograpiya at
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Quarter 4 - Module 2

Pangalan:
Taon at Pangkat: 8-HOPE
Petsa:

Nilalaman
Modyul 2: Rebolusyong Industriyal, Kapitalismo at ang Pangalawang Yugto ng
Kolonyalismo

Layunin/Objectives
1. Nasusuri ang mahahalagang pangayayri na naganap noong mga Panahon ng Industriyal
2. Naipaliliwanag ang mga Rebolusyong Industriyal
3. Nakaguguhit ng mahahalagang inbensyon sa Panahong Industriyal

Panimula at Pagganyak/Hook
Panalangin
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo. Amen

Ama namin……
Lunsaran/Engage
Magandang araw Grade 8! Maligayang pagbabalik sa ating talakayan sa Araling Panlipunan. Sa
nagdaang linggo ay ating tinalakay ang “Panahon ng Pagtuklas, Merkantilismo, at ang Unang Yugto ng
Imperyalismo, ngayon naman ay ating tatalakayin ang Rebolusyong Industriyal, Kapitalismo at ang
Pangalawang Yugto ng Kolonyalismo.

Ang Rebolusyong Industriyal ay ang panahon simula 1750s hanggang 1840s kung saan ang paraan sa
produksiyon ng kalakal ay lumipat mula sa mga kagamitang pangkamay (hand tools) patungo sa mga
komplikadong makina, at mula sa lakas ng tao at hayop (human and animal power) patungo sa mga
komplikadong makina, at mula sa lakas ng makina (power of machines) particular ang “steam power”. Noong
1700s at kalahati ng 1800s, naging malaking bahagi (key part) ng ekonomiya ng bansa sa kanluran at hilagang
bahagi ng Europe at United States ang industriyalisasyon. Ang industriyalisasyon ay ang proseso ng pagbuo ng
mga industriya para sa maramihang paglikha ng kalakal sa pamamagitan ng lakas ng makina.
1
Naging napakabilis ng teknolohiya kabilang na sa pagbabagong ito ang sumusunod:
1. Paglipat mula sa mga bagay na gawang-kamay (handmade goods) patungo sa mga bagay na gawang-
makina (machine made goods),
2. Paglipat ng produksiyon mula sa mga tahanan patungo sa mga pabrika, o ang mula sa “domestic
system” patungo sa factory system.
3. Paglipat mula sa produksiyon ng kakaunting dami sa produksiyon na paparanuhan (mass production), at
4. Ang pagtaas ng pagggamit ng siyensya at bagong anyo ng enerhiya gaya ng “steam power” upang
mapabilis ang produksiyon at pagtugon sa pangangailangan ng tao. Ang paggamit ng siyensya sa
paraang ito ay tinatawag na teknolohiya.

Mga Kagamitan sa Rebolusyong Industriyal

Mga Pagbabago Bunga ng Rebolusyong Industriyal (pahina 433-436)


Nangangahulugan ang rebolusyon ng isang pagkilos o pag-iisip na may layuning magkamit ng
malaliman, malawakan, at pangmatagalang pagababago sa iba’t ibang aspekto ng lipunan-politikal, ekonomik,
kultural, sosyal, intelektuwal, teknolohikal at iba pa.
Kagyat na pagbabago na nagging bunga ng Rebolusyong Industriyal ang napakalaking pag-angat ng
kahalagahan ng pangangalakal at komersiyo dahil sa higit n amabilis at pangmaramihang produksiyon ng mga
kalakal. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan at paglago ng kabuhayan, bumuti ang kalidad ng buhay at humaba ang
buhay ng maraming tao. Nagbunga ang Rebolusyong Industriyal ng paglobo ng populasyon ng Europe lalo na
ang mga sentrong urban.
Pinatidi ng Rebolusyong Industriyal ang urbanisasyon, o ang migrasyon ng mga tao mula sa mga
pamayanang rural patungo sa mga sentrong pang-urban at siyudad. Sa nakalipas na ilang siglo, karamihan sa
mga mamamayan ng Europe ay naninirahan sa sa mga pamayanang rural. Ang pagbabagong ito ay sanhi ng
“factory system” kung saan ang pagyayari ng mga kalakal ay nakasentro lamang sa isang lokasyon.
Nagbigay-daan ang Rebolusyong Industriyal sap ag-angat ng kapitalismo bilang dominanteng sistemang
pang-ekonomiya hindi lang sa Europe kundi sa buong mundo. Umusbong sa panahong ito bilang saligan ng
mga patakaran ng karamihan sa mga bansang industriyalisado ang “laissez-faire economics” ni Adam Smith. Sa
kanyang aklat na Wealth of Nations (1776), isinulong ni Smith ang katwirang ang “kalayaang pang-ekonomiko
(economic liberty) ay gumagarantiya sa pagsulong ng ekonomiya (economic progress). Ayon kay Smith, hindi
manghimasok sa daloy ng pangangalakal at pagnenegosyo ang pamahalaan. Sa halip, dapat hayaan ang
“invisible hand” o ang “law af supply and demand” na magtakda ng presyo ng kalakal at serbisyo, at sa daloy
ng pangangalakal.
Sinuportahan ng iba pang ekonomistang British gay ani Thomas Malthus (na nagsulong ng “theory of
comparative advantage”) ang mga ideyang pang-ekonomiya ni Smith. Ang kanilang mga ideyang ang bumuo sa
mahalagang ideya ng laissez-faire capitalism. Ang capitalism (kapitalismo) ay sistemang pang-ekonomiya na
nagsulong na ang mga “factors of production” ay dapat pribadong pagmamay-ari ng at ang pera ay dapat
ipinupuhunan sa iba’t ibang negosyo upang makamal ng kita. Isinusulong din nito ang malayang pagnenegosyo
(free tenterprise) at malayang pangangalakal (free trade) sa pagitan ng mga bansa at mamamayan sa daigdig.

Ang Rebolusyong Industriyal at ang Pagsibol ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo o Bagong


Imperyalismo (pahina 438-443)

Ang bagong imperyalismo ay itinuturing na isang imperyalismong pag-aangkin sa (acquisitive


imperialism) ng mga pautang (loans), pag-arkila (lease), sphere of influence, protektado at, kung kinakailangan
lamang ng aneksasyon. Binibigyang kahulugan ng historyador na si William Langer ang bagong imperyalismo
bilang “ang paghahati-hati ng mga bansang Kanluranin (kasama na rin ang Japan) ng pinakamalaking bahagi ng
mundo.”
Masasabing ang bagong imperyalismo ay resulta ng Ikalawang Rebolusyong Industriyal. Sa Unang
Rebolusyong Industriyal mula sa 1750 hanggang sa 1840s ang bansang England lamang ang nagging seryoso sa

2
industriyalisasyon na nagbigay-daan sa pagpapalawag nito bunga ng pangangailanagn ng hilaw na materyales
(raw materials) sa kanyang mga industriya.
Ang Epekto sa Pilipinas ng Rebolusyong Industriyal at Bagong Imperyalismo (pahina 443-446)

Sa pagpasok ng Pilipinas sa kapitalismo, tatlong mahahalagang patakaran ang ipinatupad. Unang-una sa


mga patakarang ito ang pagpapahinto ng Kalakalang Galleon noong 1815 na simbolo ng pag-iral ng
merkantilismo sa Pilipinas. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdig na pangangalakal ay nagbigay-daan sa
matinding pangangailangan sa mga pananim na panluwas o export crops. Kabilang sa mga produktong ito ang
tubo o asukal, abaka, kape, niyog, kopra, tabako, at indigo. Matindi ang pangangailangan ng mga bansang
industriyal sa kanluran sa mga naturang produkto sapagkat ang mga ito ang nagsisilbing hilaw na materyales sa
kanilang industriya.
Sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, nagsimulang makontol ng ibang bansa lalo na
ng England bilang pangunahing “trading partner” ng Pilipinas. Isa sa mabuting epekto sa pagpasok ng Pilipinas
sa pandaigdigang kalakalan ang malaking pag-unlad sa imprastruktura at teknolohiya lalo na sa Maynila ng
elektrisidad, telepono, telegrapo, at maging ng tren sa transportasyon. Nagbukas ng maraming merchant house,
nadagdagan ang mga bangko, at nabuksan ang serbisyo ng koreo sa pagitan ng Maynila at mga probinsya.

(Paalala: Ugaliin ang pagbabasa ng aklat, upang mas malawak na kaalaman ang iyong
makuha)

Gawain/Activity
Gawain 1
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:

1. Laissez-Faire ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Labor union ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Steam engine ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Adam Smith ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Rebolusyong Industriyal
________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 2
Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano-anong mga pangunahing pagbabago ang dinala ng Rebolusyong Industriyal sa Pilipinas?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Paano nakaimpluwensiya ang pag-unlad ng teknolohiya sa pagpasok ng daigdig sa Rebolusyong
Industriyal?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Ano ang positibo at negatibong epekto ng Rebolusyong Industriyal sa mga mamamayan at bansang
apektado ng malawakang industriyalisasyon?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3
Pagninilay/Reflection
Sumasang-ayon ka ba o di sumasang-ayon sa pahayag na ang steam engine ang pinakamahalagang imbensiyon
ng Rebolusyong Industriyal? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Paglalapat/Transfer
Gumuhit (poster) ng dalawang inbensiyon/kagamitan (teknolohiya) na nalikha noong
Panahong Industriyal.
Halimbawa: Steam Engine
Iguhit ito sa isang malinis na papel o bondpaper

Sanggunian: Padayon (Phoenix Publishing House) pahina 429-446

Magaling Grade 8!
Nagampanan mo ang iyong
tungkulin sa modyul na ito!
Magkita-kita muli tayo sa
susunod na modyul!

Ama. Maraming salamat po sa araw-


araw na biyaya na ibinibigay mo sa
aming pamilya. Maraming salamat din
po na patuloy mo kaming ginagabayan
at sa bawat araw. Patawarin mo po
nawa kami sa aming mga pagkakasala.
Patuloy mo po kaming gabayan at
ilayo sa lahat ng uri ng kapahamakan.
Amen.

Lagda ng magulang

You might also like