You are on page 1of 16

PAGSUSURI SA ARALING PANLIPUNAN IKA-9 BAITANG

EKONOMIKS UNANG MARKAHAN

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

EKONOMIKS

Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan. Ito ay ang pag-aaral sa kung paano ginagamit ng tao ang limitadong
likas na yaman at yamang tao ng isang bansa upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Ang salitang ito ay
hango sa sa salitang Griyego na oikonomia na nangangahulugang “pangangasiwa ng sambahayan”. Ang agham ng pag-aaral
ng ekonomiya ay nagsimula sa sistema ng pangangasiwa ng isang ina o maybahay sa kaniyang sambahayan. Hindi nagtagal,
lumawak at lumalim ang naging pagtingin sa pag-aaral ng pangangasiwa ng iba’t ibang pinagkukunang yaman. Nagkaroon ng
bagong hubog ang ekonomiks bilang isang mahalagang sangay ng agham panlipunan.

 Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagsisimula sa suliranin ng walang katapusang pagtugon sa pangangailangan ng mga
tao habang limitado lamang ang likas na yaman at yamang tao ng bansa.
 Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may limitadong kayamananmateryal man o lakas-paggawa. Sa kabilang banda, ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao ay hindi mauubos o matatapos kailanman.

Halimbawa: Kahit pa sa kasalukuyan ay mayaman ang isang bansa sa langis, patuloy na kakailanganin ng tao ang langis
para sa iba’t ibang pang-araw-araw na gawain kaya patuloy itong miminahin. Samakatuwid, sa patuloy na paggamit ng langis
(at dahil ang langis ay isang yamang hindi agad napapalitan), darating ang panahon na magiging limitado ang dami nito
hanggang sa tuluyan nang maubos.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks ay matutukoy ang mga paraan na maaaring gawin upang magamit nang maayos
ang langis at patuloy itong mapakinabangan.

HISTORY OF ECONOMICS

15th Century – so this is the time where the Europeans are running out of spices, and so they opened up trade routes
to other parts of the world to continue satisfying their wants. Oops, there’s another problem, everyone, meet our old-
time friend, overpopulation, and guess what, he’s been around here 4,000 years ago and he’s still alive and well. Well,
that’s exciting isn’t it? Oops our demands just went up, we need more supplies. But how are we going to do that? Hey,
why not take the spices by force from other countries instead? Oh shit, that’s a great idea, and so begins the age of
commerce.

16th Century – okay, so someone took the whole “take their spices by force” seriously and now we’re in the age of
exploration, where our European friends become so desperate that they just start raping the whole world of spices.
Also because of too much exploring, they accidentally spread their religion and capitalism. Oops, a bunch of Spaniards
just landed in Mactan, I wonder what are they going to do? Knock knock, it’s the commercial revolution and we demand
more silk and spices or else we’ll start a war. And also this is the time that if you’re a Jew, you’re just going to have a
bad time. Oh shit, here comes the black death, and our production just went down to almost nothing.

17th Century – nothing really happened here, just a bunch of economic policies and stuff. This is where capitalism
starts to be on steroids.

18th Century – now here comes the good shit. Knock knock, it’s the industrial revolution and we just launched
productivity and employment rate off the roofs. We also introduced new inventions like the steam engine and the
spinning mule. Oops, people are starting to wonder if one day, all of the world’s resources will be depleted because of
our unlimited satisfaction of human wants and needs, and also a bunch of scholars are studying the interaction of man to
environment and vice versa, so that’s good. Also they decided to mix in math and science to economics, so welcome to
economics on crack my friends. Also, a guy named Adam Smith is now the father of economics.
19th Century – so this is where economics truly began. They decided that economics would now be a discipline and
should be studied in order to control our resources, because of a guy named scarcity or shortage of stuff. Also, a guy
named Karl Marx and Friedrich Engels came up with Marxism, but let’s just see where that goes. Oh wait, Japan starts its
own industrial revolution, so I guess Anime is nearing. Alfred Marshall just wrote his book The Priniciples of Economics
and just tells us the issues of economics and that’s all. Gregorio Sancianco y Goson is the first economist of the
Philippines, by the way.

20th Century – okay, here is where shit gets real. World War 1 broke out and Europe is in a heck of a problem. Both
production and demand are rising so I guess this is the end of the world. Oops, Germany just lost and everything’s back
to normal. Damn son, that’s a lot of damage. Germany has to pay France almost everything, so that’s bad. Oops, an
Austrian wannabe-painter named Adolf Hitler just formed the Nazi Party and I guess they’re having a party at Himmler’s
place. Also, Hitler’s mad because Germany is broke, so he starts World War 2. So Europe is plunged into chaos again,
and guess what the United States is doing? That’s right, they’re selling arms to both sides, so that’s a big scam and profit,
I’d say. Oops, the Soviets marched into Berlin and Hitler committed suicide because he’s a faggot. So I guess that’s the
end of it. Oh wait, what about Japan, what should we do with it? Just bomb it with 2 extinction balls. Oops the cold war
broke out, let’s meet the sponsors. Oh it’s the two global superpowers, the Soviet Union and the United States. They’re
having a debate on which government system is good and which one is an evil virus of Satan. But they decided to just
keep it cool and spy on each other instead. Oops, the Soviet Union collapsed because of lack on income.

ANG EKONOMIKS SA IYONG BUHAY

Mahalaga na maunawaan mo kung paano magagamit ang ekonomiks sa iyong buhay. Kailangan mong matutuhan kung
paano pamahalaan ang iyong mga pag-aari upang mapakinabangan mo ito nang mas matagal.

Halimbawa: Dapat mong matutuhan kung paano gagastusin nang tama ang iyong baon upang magkasya ito sa iyong mga
gastusin sa buong maghapon. Kung hindi tama ang paghawak mo nito, maaaari itong maubos kaagad sa pagbili ng mga
bagay na hindi mo naman kailangan.

MGA SULIRANING PANG-EKONOMIYA NG BANSA

Ang bansang Pilipinas ay kasalukuyang humaharap sa iba't ibang suliraning pang-ekonomiya. Ang mga suliraning ito ay may
epekto sa iyong pamumuhay, lalo na sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Ito ang dahilan kaya
mahalaga ang ekonomikspara higit mong maunawaan kung paano mabibigyang solusyon ang mga suliraning kinakaharap
mo at ng bansa. Sa kasulukuyan, humaharap ang bansa sa iba't ibang suliranin tulad ng:

 Mabagal na paglago ng ekonomiya.


 Mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
 Kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan.
 Kakulangan ng trabahong mapapasukan.
 Kakulangan ng perang pantustos sa mga gastusin at pangangailangan ng bansa.

Maaaring maisip na ang mga suliraning ito ay walang direktang epekto sa isang mag-aaral na tulad mo, ngunit pag-isipan at
pag-aralan mong mabuti ang mga suliraning ito. Hindi ba talaga nakaaapekto ang mga ito sa iyo at sa iyong pamilya?

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Sa tulong ng mga konsepto at kaalaman sa ekonomiks ay maaari kang makatulong sa paglutas ng mga suliranin ng bansa.
Kung alam mo ang wastong pangangasiwa ng iyong mga gamit at iba pang pinagkukunan, tiyak na makagagawa ka ng
paraan upang mapagkasya ang limitado mong pinagkukunan.

Gayundin, marami pang maiaambag ang ekonomiks sa iyo at sa bansa tulad ng sumusunod:

 Maunawaan ang totoong dahilan ng mga suliraning pang-ekonomiya na kinahaharap ng bansa.


 Makapagbigay ng matalinong opinyon tungkol sa maaaring maging solusyon sa mga suliranin ng bansa.
 Magkaroon ng matalinong pagdedesisyon sa pagbabadyet, paghahanap ng trabaho, at pagbili ng mga pangunahing
bilihin.
 Maging matalino sa pagsusuri ng mga pangyayari sa bansa, lalo na kung may kaugnayan ito sa kabuhayan.
 Maging matalino sa pangangasiwa ng sariling pamamahay, kagamitan, at mga pinagkukunang-yaman.
 Maunawaan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

MAHAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS

Upang higit mong maunawaan ang mga suliraing kinahaharap ng bansa at kung paano makatutulong ang ekonomiks sa
paglutas ng mga ito, dapat na malaman mo ang mahahalagang konsepto sa ekonomiks.

1.) Dalawang Sangay ng Ekonomiks:


 Makroekonomiks - pag-aaral ng pangkalahatang lagay o daloy ng ekonomiya at kung paano nag-uugnayan ang
mga indibidwal na bahagi nito
 Maykroekonomiks - pag-aaral ng mga indibidwal na bahagi ng ekonomiya tulad ng sambahayan at mga negosyo

2.) Tatlong Batayang Proseso ng Ekonomiya


 Produksyon - paglikha o paggawa ng isang produkto sa pamamagitan ng isang proseso
 Distribusyon - paghahati ng kita at yamang pambansa; paghahati ng halaga ng produksiyon
 Pagkonsumo - paggamit o pagbili ng produkto at serbisyo

3.) Iba Pang Konsepto ng Ekonomiks


 Prodyuser - indibidwal o kumpanyang gumagawa ng produkto o nagbibigay ng serbisyo
 Konsumer - indibidwal o kumpanyang bumibili ng produkto o serbisyo
 Kalakalan - pagbili at pagbebente ng mga produkto at serbisyo
 Demand - dami ng gusto at kayang bilhin ng mga tao
 Suplay - dami ng produktong ginagawa ng isang prodyuser
 Implasyon - paglalabas ng labis na salapi

MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG-YAMAN

Republic Act 7586 – Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ang batas na ito ay
kumikilala sa kiritikal na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkakaiba-
iba (Natural Biological and Physical Diversities) sa kapaligiran.

Republic Act 7942 – Kilala rin bilang Philippine Mining Act of 1995. Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng
yamang mineral na matatagpuan sa mga lupaing pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang
ekonomiko ng Pilipinas bilang pag-aari ng Estado.

Republic Act 8749 – Kilala rin bilang Philippine Clear Air Act of 1999. Itinataguyod ng Estado ang isang patakaran
upang makamit ang balance sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan.

Republic Act 9003 – Kilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang mga kinauukulan upang
makolekta at mapagbukod-bukod (segregate) ang mga solid waste sa bawat barangay.

Republic Act 9147 – Kilala rin bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ang batas na ito ay
naglalaan para sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tirahan.

Presidential Decree 1067 – Kilala rin bilang Water Code of the Philippines. Pangunahing layunin ng batas na maitatag
ang batayan sa konserbasyon ng tubig.

Batas Pambansa 7638 – Kilala rin bilang Department of Energy Act of 1992. Upang masiguro na patuloy at sapat ang
suplay ng enerhiya at makatugon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa, itinatag ang Department of Energy o DOE.
Ang ekonomiks ay pag-aaral sa wastong pangangasiwa ng mga pinagkukunang yaman. Sa pamamagitan nito ay mapag
aaralan kung paano mapagkakasya ang mga likas na yaman at yamang tao upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng mga tao.

KAKAPUSAN

Kinikilala sa ekonomiks ang limitasyon ng mga likas na yaman at yamang tao. Ang patuloy na paggamit ng mga likas na
yaman at yamang tao ay magreresulta sa pag-unti o tuluyang pagkaubos ng mga ito. Ang magiging pangunahing epekto ng
pagkaubos ng mga likas na yaman ay ang pagkawala ng mga hilaw na materyales para sa paggawa ng iba't ibang mga
produkto. Tataas ang presyo ng mga bilihin at magiging mahirap sa mga pangkaraniwang mamamayan na tugunan ang
kanilang mga pangangailangan. Upang maiwasan ito, mahalagang matutuhan at maunawaan ang mga konsepto sa
ekonomiks. Magagamit ang mga konsepto sa ekonomiks upang mapangasiwaan nang maayos ang mga pinagkukunang
yaman ng bansa. Makatutulong at makapag-aambag ka rin sa pag-iisip ng mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kakapusan sa bansa.

DALAWANG URI NG KAKAPUSAN

Mayroong dalawang uri ng kakapusan, ang kakapusan (scarcity) at ang kakulangan (shortage).

Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitadong dami ng pinagkukunang-yaman para sa paggawa ng


produkto na hindi sapat upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng mga tao. Tumutukoy ito sa
permanenteng pagkaubos ng pinagkukunang yaman ng isang bansa. Ang kakapusan ay maaaring permanente (kakapusan
o scarcity) o pansamantala (kakulangan o shortage) lamang.

Halimbawa: Kakapusan sa Bigas Ang nararanasang kakapusan sa bigas sa kasalukuyan ay dulot ng pagliit ng dami ng
inaaning palay ng mga magsasaka. Ito ay dulot na rin ng unti-unting pagkaubos ng lupang sakahan na pinagtataniman ng
palay. Marami sa mga lupang ito ay ginagamit na upang pagtaniman ng mga gulay o puno, o kaya naman ay tinatambakan ng
lupa para gawing kalsada o subdivision. Bunga nito, kaunti na ang suplay ng bigas sa Pilipinas kaya nangangailangan na rin
ang bansa na mag-angkat ng bigas mula sa mga katabing bansa sa Timog-silangang Asya.

Ang kakulangan naman ay sa pagkakaroon ng limitadong dami ng pinagkukunang-yaman para sa paggawa ng produkto na
hindi sapat para matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga tao. Nangyayari ito kung mas mataas ang demand o
pangangailangan ng mga tao para sa isang produkto. Tumutukoy rin ang kakulangan sa pansamantala o panandaliang
pagkaubos ng pinagkukunang yaman ng isang bansa. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng pagtatago ng mga produkto
o hoarding para mapataas ang halaga nito sa pamilihan.

Halimbawa: Kakulangan sa Bigas Mayroong mga negosyante na nagtatago ng sako-sakong bigas sa


malalaking warehouse para palabasin na kulang na ang suplay. Dahil patuloy na kailangan ng tao ng bigas bilang pagkain,
tataas demand para dito kaya mabilis din na tataas ang presyo ng bigas sa pamilihan.

BATAS NG KAKAPUSAN

Ayon sa sa Batas ng Kakapusan, wala nang sapat na likas na yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
Kung gayon, dapat matutuhan ng tao na pangasiwaan nang maayos ang limitado niyang likas na yaman upang hindi ito
tuluyang maubos.

MGA PALATANDAAAN NG PAGKAKAROON NG KAKAPUSAN

May mga palatandaan upang madaling matukoy ang pagkakaroon ng kakapusan. Kung lahat ng mga palatandaang ito ay
nararanasan ng isang bansa, tiyak na nakararanas ng kakapusan ang bansang ito. Sa kabilang banda, kung isa o dalawang
palatandaan lamang ang nararanasan ng isang bansa, maaaring nakararanas lamang ito ng kakulangan.
1.) Tumataas ang Presyo ng mga Pangunahing Bilihin

 Tumataas ang presyo ng isang produkto kapag kaunti lamang ang suplay o dami nito na maaaring ipagbili sa
pamilihan.
 Karaniwang tumataas ang presyo ng pagkain, lalo na kung hindi napapanahon ang produkto.
 Kung ang presyo ng iba pang pagkain tulad ng bigas, asukal, kape, karne, isda, gulay, at prutas ay pare-parehong
tumaas, tiyak na palatandaan ito na nakararanas ng kakapusan ang isang bansa.
 Maaaring kasabay ng pagtaas ng presyo ng pagkain ang pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing pangangailangan
tulad ng damit at tirahan. Kapag nangyari ito, magiging mahirap na para sa mga tao na tugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
 Marami ang nahihirapang bumili ng pagkain kaya marami ang nagkakasakit sa gutom at kawalan ng sustansiya sa
katawan.

2.) Wala nang Mabiling Produkto sa Pamilihan


 Isa ring palatandaan ng pagdanas ng kakapusan ng isang bansa ang patuloy na pagtaas ng demand o pangangailangan
ng mga tao para sa isa o higit pang produkto na hindi matutugunan sa lalong madaling panahon.
 Ilan sa mga tanda ng kakapusan ang sumusunod:
o Mahaba ang pila sa mga tindahan para makabili ng kailangang produkto.
o May perang pambili ang mga tao ngunit wala naman silang mabiling produkto.

3.) Nag-aangkat na ng Produkto mula sa Ibang Bansa

 Ang pag-aangkat ay ang pagbili ng produkto mula sa ibang bansa na may sapat na suplay ng kailangang produkto.
 Kung wala nang sapat na suplay ng kailangang produkto, walang ibang paraan para magkaroon nito kung hindi
mag-angkat mula sa ibang bansa.
 Madalas na ang pag-aangkat ng produkto ay nangangailangan ng malaking halaga. Dahil dito, maaaring tumaas ang
presyo ng produkto kapag ipinagbili na ito sa lokal na pamilihan.

Alam mo na kung ano ang kakapusan at mga palatandaan nito. Natutuhan mo na rin na ang kakapusan ay may kaugnayan
sa pamumuhay ng mga mamamayan ng isang bansa. Kung gayon, dapat mo rin malaman kung paano malalabanan o
mapipigilan ang pagkakaroon ng kakapusan.

MGA DAHILAN NG KAKAPUSAN

Mayroong iba't ibang dahilan kaya nararanasan ang kakapusan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

 Paglaki ng Populasyon
 Pabago-bagong Panahon o Climate Change
 Pagkakaroon ng Kalamidad
 Labis na paggamit ng mga likas na yaman.
 Polusyon
 Pagkasira ng Kalikasan

MGA EPEKTO NG KAKAPUSAN

Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, may mas malalaking problema na naidudulot ang kakapusan. Ilan
sa mga ito ang sumusunod:

 Kahirapan
 Sakit
 Sakuna
 Gutom
 Kaguluhan
MGA PARAAN PARA MALABANAN ANG KAKAPUSAN

Sa kabila ng maraming pagkakataon na nakararanas ng kakapusan, may iba't ibang paraan para malabanan o mabawasan
ang hindi magagandang epekto nito.

1.) Magkaroon ng tamang alokasyon ng likas na yaman.

 Ang alokasyon ay isang paraan sa wastong pamamahagi ng mga likas na yaman.


 Dapat na alam ng mga namamahagi ng likas na yaman kung anong produkto at serbisyo ang dapat gawin, paano
ito gagawin, para kanino ang gagawing produkto, at kailan dapat gagawin ang produkto o serbisyo.
 Kung makagagawa ng tamang alokasyon ng mga likas na yaman ay walang maaaksaya at malaki ang matitipid sa
pinagkukunang yaman.

2.) Kontrolin ang paglaki ng populasyon.

 Habang lumalaki ang populasyon ay tumataas din ang dami ng produktong kakailanganin para matugunan ang
pangangailangan ng lahat ng mamamayan.
 Kung gayon, mas marami rin ang likas na yamang kailangang gamitin sa paggawa ng produkto. Kung makokontrol
ang paglaki ng populasyon, makokontrol din ng pamahalaan ang dami ng gagamiting likas na yaman sa paggawa ng
kailangang produkto.

3.) Panglagaan ang mga likas na yaman ng bansa.

 Ang lahat ng pangangailangan ng isang basa ay kinukuha mula sa mga likas na yaman nito.
 Kung mapangangalagaan ang mga likas na yaman, tiyak na maakikinabangan ang mga ito sa mas mahabang panahon.
 Ang pang-aabuso o labis na paggamit ng mga likas na yaman ay tiyak na sisira at uubos dito.

4.) Maging handa sa pagbabago ng panahon.

 Ang pagbabago-bago ng panahon at pagkakaroon ng mga kalamidad ay nagdudulot ng pagkasira sa mga likas na
yaman ng bansa kaya ito unti-unting nauubos.
 Dapat na maging handa ang pamahalaan at mga mamamayan sa pagdating ng mga sakuna at sa pagbabago ng
panahon upang mapangalagaan ang mga likas na yaman at hindi ito mawasak nang tuluyan.

5.) Maging matipid sa paggamit ng mga likas na yaman.

 Ang pinakamabisang paraan para labanan ang kakapusan ay ang pagiging matipid at maingat sa paggamit ng mga
likas na yaman ng bansa.

Ang bawat tao ay may pangangailangan at kagustuhan. Ito ay mga bagay na kinokonsumo o ginagamit natin sa araw-araw,
ngunit hindi lahat ng bagay ay kailangan natin para mabuhay. Ang iba ay gusto lang nating makamit para sa sariling
kaligayahan.

MGA PANGANGAILANGAN NG TAO

Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay. Dapat makamit ng bawat tao ang mga bagay na
ito. Halimbawa, bawat tao ay nangangailangan ng pagkain, damit, at tirahan. Ang kawalan o hindi paggamit ng mga
pangangailangan ay maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang tao.

Pagkain - Kailangan ng tao ng pagkain upang mabuhay. Ang pagkain ay dapat maging sapat at masustansiya upang maging
malakas at malusog ang katawan. Sa pagkain nakukuha ang enerhiya para makakilos at makagawa ng iba't ibang gawain.
Ang kakulangan o kawalan ng pagkain ay maaaring magdudulot ng malnutrisyon o pagkakasakit.
Tirahan - Ang tirahan ay lugar kung saan magiging ligtas ang tao mula sa matinding sikat ng araw o malakas na ulan.Dapat
na maging matatag at matibay ang isang tirahan. Dapat din na komportableng nakagagalaw sa loob ang mga taong nakatira
dito. Ang kawalan ng maayos na tirahan ay maaaring magdulot ng pagkakasakit.

Damit - Ang damit ay isa ring pangangailangan ng tao. Ito ay nagbibigay ng proteksiyon sa tao mula sa lamig o init ng
panahon at ng paligid. May angkop na damit para sa bawat panahon at okasyon.

MGA KAGUSTUHAN NG TAO

Ang kagustuhan ay nagbibigay ng kasiyahan sa tao. Ito ay mga bagay na gustong makamit ng mga tao dahil
nakapagbibigay ito ng kasiyahan o magandang pakiramdam. Gayunman, hindi ito kailangan sa pang-araw-araw na buhay.
Patuloy na mabubuhay ang tao kahit wala ang mga bagay na ito.

Halimbawa: Ang sasakyan, computer, at cellphone ay ilan lamang sa halimbawa ng mga kagustuhan. Bagama't malaki ang
naitutulong ng mga bagay na ito sa pagpapadali sa buhay ng tao, hindi ito kailangan upang manatiling buhay ang tao.

PAGKAKAIBA NG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay samantalang ang kagustuhan ay mga bagay na
gustong makamit ng tao para sa personal niyang kasiyahan. Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan ngunit
magkakaibang kagustuhan. Ang mga kagustuhan ng tao ay maaaring maging bunga ng labis na pagkakaroon ng kaniyang
mga pangangailangan.

Mga Halimbawa: Pangangailangan ng tao ang damit, ngunit ang pagbili ng mamahaling damit na hindi naman kailangan ay
isa nang kagustuhan. Ang pagbili o pagkonsumo ng mamahalin at maraming pagkain. Kahit pa kailangan ng tao ang pagkain
para mabuhay, ang labis na pagkain na higit pa sa kailangan ng katawan ay isa nang kagustuhan. Sa halip na bumili o
magpagawa ng simple at komportableng tirahan, nagpagawa ng isang mala-palasyong tahanan ang isang pamilya kahit apat
lamang sila na titira roon. Ang ganitong kalabisan ay isa nang halimbawa ng kagustuhan.

Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay may malaking epekto sa suliranin ng kakapusan. May mga pagkakataon
na nagkakaroon ng kakapusan at kakulangan dahil sa paglaki ng bilang ng mga pangangailangan o kagustuhan ng tao.

KAUGNAYAN NG PANGANGAILANGAN SA SULIRANIN NG KAKAPUSAN

Bawat tao ay may mga pangangailangan. Dahil sa malaking


populasyon ng bansa, malaki rin ang bilang ng mga
pangangailangan na dapat matugunan. Dapat maging matalino
ang mga tao sa paggamit ng limitadong likas na yaman upang
matugunan ang pangangailangan ng lahat. Ang suliranin ng
kakapusan ay dapat maging gabay upang maging matalino ang
tao sa pagtugon sa kaniyang mga pangangailangan. Dahil
limitado lamang ang pinagkukunang yaman at mga likas na
yaman, dapat maging maingat ang tao sa paggamit ng mga
pinagkukunang yaman. Hindi dapat kumuha ang tao nang labis
sa kaniyang pangangailangan. Ang tao ay nagnanais din na
magkamit o magkaroon ng kaniyang mga kagustuhan. Ito ay
ninanais ng tao upang maging masaya o makadama ng pag-
unlad sa buhay. Ang labis na pagkamit sa kagustuhan ay may
kaugnayan din sa suliranin ng kakapusan. Dahil limitado ang
pinagkukunang yaman at mga likas na yaman, dapat na maging
mapanuri at matalino ang tao sa pagpili ng kagustuhang dapat
makamtan. Ang labis na pagkamit ng anumang kagustuhan ng
tao ay maaaring makapagpalala sa suliranin ng kakapusan.
HIRARKIYA NG PANGANGAILANGAN

May iba't ibang teorya tungkol sa pangangailangan ng tao. Isa sa mga kilalang teorya ay iminungkahi ng Amerikanong
sikolohista na si Abraham Harold Maslow. Ayon kay Maslow, ang mga pangangailangan ng tao ay may antas o
hirarkiya. May limang antas sa hirarkiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni Maslow. Habang natutugunan ang mga
batayang pangangailangan ng tao ay tumataas o nadaragdagan pa ang kaniyang pangangailangan.

Ang pangangailangang pisyolohikal ay mga bagay na kailangan ng katawan ng tao para mabuhay. Ito ay itinuturing na
mga biyolohikal na kailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, at pahinga. Ito ang pinakamababang antas sa hirarkiya ng
pangangailangan.

Ang pangangailangang pangkaligtasan ay mga bagay na makatitiyak sa kaligtasan at katiyakan ng tao sa kaniyang
buhay tulad ng hanapbuhay at seguridad. Ito ang pangalawang antas sa hirarkiya ng pangangailangan.

Ang pangangailangang makibahagi, makisama, o magmahal ay mga sitwasyon o pangyayari kung saan ang isang
tao ay nagiging bahagi ng isang pamilya, barkada, organisasyon, o kumpanya. Ito ang pangatlong antas sa hirarkiya ng
pangangailangan.

Ang pangangailangang mapahalagahan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng paggalang sa sarili at pagkakaroon ng


respeto mula sa ibang tao. Ito ang pang-apat na antas sa hirarkiya ng pangangailangan.

Ang pangangailangang maging ganap ang pagkatao ay makakamtan lamang kung natukoy at nagamit na ang lahat
ng potensiyal ng tao. Mangyayari lamang ito kapag nakamit na ng tao ang lahat ng kaniyang mga pangangailangan. Ito ang
pinakamataas na antas sa hirarkiya ng pangangailangan.

Bawat tao ay may mga pangangailangan. Ito ay mga bagay na dapat niyang makamit o maranasan upang mabuhay.
Gayunpaman, ang mga pangangailangang ito ay nagbabago batay sa iba't ibang salik.

1.) Gulang at Kasarian

 Magkakaiba ang pangangailangan ng tao batay sa kanilang gulang o edad.


o Ang mga bata ay nangangailangan ng gatas at mga bitamina upang lumakas, sumigla, at bumilis ang paglaki.
o Ang mga teenager naman ay nangangailangan ng mga makabagong kagamitan na makatutulong sa kanilang
pag-aaral.
o Ang mga matatanda ay nangangailangan ng mga gamot at iba pang bitamina para manatiling malakas at
makaiwas sa iba't ibang sakit.
 Magkakaiba rin ang pangangailangan ng tao batay sa kanilang kasarian.
o Ang mga babae ay may ibang pangangailangan kaysa mga lalaki.
o Halimbawa, karaniwang mga bagay na magagamit sa pangangalaga ng katawan, lalo na sa panahon ng
buwanang dalaw, ang kailangan ng mga babae.
o Ang mga lalaki naman ay karaniwang nangangailangan ng mga bagay na makatutulong sa kaniyang trabaho
tulad ng sasakyan.

2.) Edukasyon at Panlasa

 Ang edukasyon o ang antas ng edukasyong narating ng isang tao ay may epekto rin sa kaniyang mga
pangangailangan.
o Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng mga gamit sa paaralan.
o Ang mga hindi naman nag-aaral ay nangangailangan ng mga bagay na magagamit nila sa kanilang
pinagkakaabalahang hanapbuhay.
o Sa bawat pagtaas ng antas ng pag-aaral ay nagbabago rin ang mga pangangailangan ng isang mag-aaral.
o Halimbawa, ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay mangangailangan na ng calculator, periodic table of
elements, at graphing paper.
o Ang mga mag-aaral sa elementarya ay karaniwang nangangailangan lamang ng papel, lapis, at kwaderno.
 Ang panlasa sa pagkain o estilo ng pananamit ay may epekto rin sa mga pangangailangan ng tao.
o May ibang tao na mahilig sa isang estilo ng pananamit na hindi masyadong gusto ng iba.
o May ilan din na mayroon lamang partikular na pagkaing nais kainin..

3.) Kita at Hanapbuhay

 Nakaiimpluwensiya rin sa pangangailangan ng tao ang halaga ng kaniyang kita.


o Ang mga tao na may malalaking kita ay nagkakaroon ng mas maraming pangangailangan.
o Sa kabilang banda, ang mga taong may maliliit na kita ay inuunang tugunan ang kanilang mga batayang
pangangailangan.
 Ang hanapbuhay ng isang tao ay nakaiimpluwensiya rin sa kaniyang mga pangangailangan.
o Halimbawa, ang isang guro ay nangangailangan ng chalk, lesson plan, at pisara para makapagturo sa
kaniyang mga mag-aaral.
o Sa kabilang banda, ang isang inhinyero ay nangangailangan ng helmet at iba pang kagamitan para sa
kaniyang trabaho.

Tulad ng mga pangangailangan, nagkakaiba rin ang mga kagustuhan ng tao. Ito ay bunga ng iba't ibang salik na
nakaiimpluwensiya rito.

ALOKASYON

Ang alokasyon ay isang paraan ng wastong pamamahagi o distribusyon ng mga likas na yaman ng bansa. Dapat na alam
ng mga namamahagi ng likas na yaman kung anong produkto at serbisyo ang dapat gawin, paano ito gagawin, para kanino
ang gagawing produkto, at kailan dapat gagawin ang produkto o serbisyo. Kung makagagawa ng tamang alokasyon ng mga
likas na yaman ay walang maaaksaya sa pinagkukunang yaman.

KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN

Malaki ang kaugnayan ng alokasyon sa suliranin ng kakapusan. Ang alokasyon ay isang paraan upang mabigyang solusyon
ang suliranin ng kakapusan. Ang wasto at matalinong alokasyon ay mainam na pananggalang ng bansa laban sa suliranin ng
kakapusan.

LIMANG SULIRANIN NG ALOKASYON

May limang suliranin na dapat tugunan ng alokasyon upang matugunan ang suliranin sa kakapusan. Tatlo sa mga suliraning
ito ay tungkol sa suliranin sa produksyon o wastong paggamit ng mga likas na yaman sa paggawa ng produkto.Dalawa
naman sa mga suliraning tutugunan ng alokasyon ay tungkol sa distribusyon o wastong pamamahagi ng mga likas na
yaman at produkto. Kapag nabigyan ng tamang solusyon ang mga suliraning ito ay tiyak din na mabibigyang solusyon ang
suliranin sa kakapusan.

Suliranin sa Produksyon - Mayroong iba't ibang suliranin sa produksyon ng mga kalakal o produktong ipagbibili sa mga
konsumer. Gayunpaman, may mga paraan para matugunan ang mga suliraning ito.

 Ano ang gagawain? - Dapat na matukoy ang uri ng produktong kailangan ng mga tao sa kanilang pang- araw-
araw na pamumuhay. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang paggawa ng mga produktong hindi naman masyadong
kailangan. Sa tulong nito ay maiiwasang maaksaya ang mga likas na yaman pati na rin ang puhunan na gagastusin sa
paggawa ng mga hindi kailangang produkto.
 Paano ito gagawain? - Dapat matukoy kung anong proseso ang gagamitin sa paggawa ng mga kailangang
produkto. Dapat isaalang-ala ang mga sangkap o hilaw na materyales na gagamitin sa paggawa ng mga produkto.
Alamin kung saan makukuha ang mga sangkap na ito. Makatutulong din kung malalaman ang mga kinakailangang
kasangkapan o makinarya sa paggawa ng produkto. Makatitipid sa paggamit ng mga likas na yaman o mga
pinagkukunang yaman kung agad na matutukoy ang proseso at mga kailangang sangkap sa paggawa.
 Gaano karami ang gagawain? - Dapat na malaman kung sapat ba ang dami ng mga likas na yamang mayroon
ang bansa upang magamit sa paggawa ng kailangang produkto. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung
makagagawa ng sapat na dami ng produkto para matugunan ang pangangailangan ng lahat ng mamamayan. Kung
hindi naman sapat ang sangkap, kailangang makagawa ng paraan upang makapag-angkat ng produkto o magamit
nang wasto ang limitadong likas na yaman.

Suliranin sa Distribusyon - Kahit pa nagawa na ang produkto, mayroon pa ring suliranin sa distribuyon nito sa mga
pamilihan. Sa kabila nito, mayroon maaaring gawin bilang solusyon.

 Para kanino ang gagawain? - Mahalagang malaman kung para kanino ang mga produktong gagawain o kung
sino ang makikinabang sa produkto. Sa paglikha ng produkto, kailangang isaalang-alang ang bilang, kasarian, at
edad ng mga taong kokonsumo o gagamit nito. Kinakailangan na ang mga tatanggap nito ay magkaroon ng lubos
na kapakinabangan sa produkto.
 Paano ipamamahagi ang produkto? - Dapat malaman kung sa anong paraan makararating sa mas maraming
nangangailangan ang isang produkto. Maiiwasan ang pagkakaroon ng kakapusan kung ang kailangang produkto ay
makakamit at mapakikinabangan ng mas maraming tao.

IMPLUWENSIYA NG ALOKASYON SA MGA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN NG TAO

Dahil limitado ang mga likas na yaman at pinagkukunang yaman ng bansa, dapat lamang na maging wasto at matalino ang
bansa sa paggawa ng alokasyon ng mga ito. Ang isang bansa ay dapat maging maingat sa paggamit ng mga likas na yaman
nito sa paggawa ng mga produkto upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mamamayan. Dapat ay mas
binibigyang pansin ang paggamit ng mga likas na yaman sa paggawa ng mga produktong kailangan ng tao. Limitado lamang
ang mga likas na yamang inilalaan upang magamit na sangkap sa paggawa ng mga produktong maituturing na kagustuhan
lamang ng tao. Nararapat lamang na ilimita ang paggamit ng likas na yaman sa paggawa ng mga bagay na kagustuhan
lamang upang hindi maubos ito.

IMPLUWENSIYA NG MGA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN SA ALOKASYON

Mahalagang malaman ng mga negosyante at kumpanya ang mga produktong itinuturing na pangangailangan at kagustuhan
ng mga mamamayan ng bansa. Ito ang kanilang magiging batayan sa uri at dami ng produktong kanilang gagawin at
ipagbibili sa mga pamilihan sa bansa. Maraming produkto ang tutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Kaugnay nito, mas kaunti ang mga produktong ginagawa na maituturing na kagustuhan lamang ng tao.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang paraan kung saan pinamamahalaan ang produksyon o paggawa ng produkto,
distribusyon o pamamahagi ng produkto, at pagkonsumo o ang paggamit ng produkto. Mayroon itong sariling paraan o
mekanismo kung paano umiikot ang produkto sa pagitan ng mga sektor ng lipunan. Layunin nitong maiwasan ang labis na
paggawa ng mga produkto o magkaroon ng kakulangan sa nagawang produkto. May iba't ibang uri ng sistemang pang-
ekonomiya. Ito ay batay sa kung sino ang gumagawa ng desisyon sa paggawa ng produkto at kung paano ginagawa ang
nasabing desisyon.

Ang tradisyunal na ekonomiya ay nakabatay sa mga paniniwala, tradisyon, at kultura ng mga tao sa lipunan. Ang mga
produktong nililikha sa lipunang ito ay batay lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain,
damit, at tirahan.

Ang pampamilihang ekonomiya ay nakabatay naman sa takbo ng malayang pamilihan. Sa sistemang ito, ang mga
produktong ginagawa at serbisyong ibinibigay ay batay sa kung ano ang tinatangkilik ng mga mamimili sa pamilihan. Bawat
kalahok sa ekonomiyang ito ay kumikilos alinsunod sa kaniyang sariling interes. Sa sistemang ito, lahat ay may kakayahang
magdesisyon sa paggawa ng alokasyon ng mga likas na yaman at hindi nakikialam ang pamahalaan sa anumang kompetisyon
sa pamilihan.

Sa kontroladong ekonomiya, ang alokasyon ay kinokontrol at binibigyang regulasyon ng pamahalaan. Ang pamahalaan
ay may ganap na kapangyarihan na gamitin at ilaan ang mga likas na yaman at pinagkukunang yaman ng bansa tulad ng lupa,
lakas-paggawa, at puhunan para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa sistemang ito, kontrolado ng pamahalaan ang
ekonomiya dahil ito ang nagmamay-ari ng lahat ng salik ng produksiyonsangkap, lakas-paggawa, at puhunan. Hindi
pinahihintulutan ang pribadong pagmamay-ari at lahat ng mamamayan ay pantay-pantay.

Ang pinaghalong ekonomiya ay pinagsamang pampamilihang ekonomiya at kontroladong ekonomiya. Sa sistemang ito,
hinahayaan ng pamahalaan ang malayang pagkilos ng pamilihan, ngunit maaari itong magtakda ng mga patakaran at
regulasyon para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga produkto at serbisyo, at tiyakin ang kaligtasan ng mga
mamimili.

Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Dito nakasalalay ang uri at dami ng produktong dapat gawin at ipagbili sa pamilihan. Pinalalaki o
pinaliliit nito ang produksyon ng mga produkto at serbisyo depende sa bilis at dami ng pagkonsumo ng tao.

MGA BATAS SA PAGKONSUMO

Batas ng Imitasyon (Law of Imitation) – Ang mga tao ay nagtatamo ng higit na kasiyahan sa pagkonsumo ng
produkto at serbisyo kapag ginaya lang sa iba.

Batas ng Pagkakaiba-iba (Law of Variety) – Nagtatamo ng higit na kasiyahan ang tao kapag iba-iba ang ginagamit na
produkto at serbisyo.

Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko (Law of Economic Order) – Ang pagpapasya na bigyan muna ng prayoridad
ang mga pangunahing pangangailangan kaysa sa kagustuhan o luho lamang.

Batas ng Pagkabagay-bagay (Law of Harmony) – Higit na nasisiyahan ang tao na kumokonsumo ng mga
magkakakomplimentaryong produkto kaysa sa pagkonsumo ng isang produkto lamang.

Batas ng Bumababang Kasiyahan (Law of Diminishing Utility) – Ang kabuuang kasiyan ng tao ay tumataas sa
bawat pagkonsumo ng produckto ngunit kapag ito ay magkakasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan ay paliit nang paliit.
Ito rin ang pagkasawa sa isang bagay.

MGA URI NG PAGKONSUMO

May iba't ibang uri ng pagkonsumo. Maaari itong maging tuwiran, produktibo, maaksaya, mapanganib, o lantad.

Tuwiran o Direktang Pagkonsumo - Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay agad na tumugon sa
pangangailangan o ang kinuhang serbisyo ay agad na nagbigay kasiyahan sa tao.
Halimbawa: pagbili ng pagkain upang maibsan ang gutom

Produktibong Pagkonsumo - Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay ginamit na sangkap para gumawa ng isa
pang produkto.
Halimbawa: pagbili ng kahoy para gawing mesa at upuan

Maaksayang Pagkonsumo - Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay hindi naman kailangan o nakapagbibigay
kasiyahan ngunit ang pagkonsumo ay impluwensiya lamang ng isang salik ng pagkonsumo.
Halimbawa: pagbili ng bagong bag dahil may sale sa mall

Mapanganib na Pagkonsumo - Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay nagdudulot ng sakit, pinsala, o
kapahamakan sa tao.
Halimbawa: pagbili at pagkonsumo ng sigarilyo kahit ito ang pangunahing sanhi ng kanser sa baga
Lantad na Pagkonsumo - Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay upang ipakita na may kakayahan ang isang tao
na bumili nito.
Halimbawa: pagbili ng bagong LED TV dahil bumili ang kapitbahay nito.

MGA SALIK NG PAGKONSUMO

May iba't ibang salik na nakaiimpluwensiya sa uri, dami, at panahon ng pagkonsumo ng tao ng mga produkto at serbisyo.

Kita - Ang taong may malaking kita ay nakapaglalaan ng malaking halaga para sa pagkonsumo ng kaniyang mga
pangangailangan at kagustuhan. Ang taong may maliit na kita ay may limitadong halaga na mailalaan sa pagkonsumo ng
kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan.

Panahon - Isinasaalang-alang ng tao ang kasalukuyang panahon sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.
Halimbawa: Pagbili ng jacket kung taglamig o pagbili ng kamiseta kapag tag-init

Okasyon - Nagkakaroon ng malaking pagkonsumo ng ilang partikular na produkto o serbisyo sa isang tiyak na okasyon.
Ilan sa halimbawa ng mga okasyong ito ay ng Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Patay, o pasukan sa paaralan.

Patalastas - Ito ay isang paraan ng panghihikayat sa mga tao na bumili o magkonsumo ng isang produkto o serbisyo. May
iba't ibang uri nito:

 Bandwagon - pagpapakita na marami na ang gumagamit ng produkto para ipakitang "subok" na ang ganda, lasa,
bisa, o epekto nito
 Testimonial - paggamit ng mga sikat o kilalang tao para iendorso at patotohanan ang magandang kalidad ng
produkto o serbisyo
 Brand - paglalarawan ng magagandang katangian o nilalaman ng isang produkto o serbisyo

Presyo - Ang mga produkto o serbisyo na may mababa o abot-kayang halaga ay karaniwang mas tinatangkilik kaysa
parehong produkto o serbisyo na may kamahalan ang presyo.
Halimbawa: pagpili ng tao sa brand ng sabong panlaba na mas mura ang halaga

Panggagaya - Madalas na bumibili o kumukonsumo ang tao ng isang produkto o serbisyo na nakita na niya mula sa isang
kapamilya, kapitbahay, o kakilala. Mas malaki ang tyansa na bilihin ang produkto na nakikitang ginagamit ng isang kapamilya,
kapitbahay, o kakilala.

Pagpapahalaga sa Tao - Ang pagkonsumo ng tao ay batay din sa kaniyang mga paniniwala o nakagawian tulad ng pagbili
ng mahahabang bestida dahil may konserbatibong pagpapahalaga sa sarili.
Halimbawa: pagbili ng damit na nakabatay lamang sa maaaring isuot sa loob ng simbahan o opisina

MAMIMILI

Ang mamimili ay taong bumibili at kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan at kagustuhan. Bawat mamimili ay dapat magtamasa ng kaniyang mga karapatan. Gayundin, dapat niyang
gampanan ang kaniyang mga tungkulin.

MGA KARAPATAN NG MAMIMILI

Ang mga karapatan ng mamimili ay nangangalaga sa kaligtasan at kabutihan ng mga mamimili laban sa pandaraya at
mapanakit na produkto o serbisyo.

Karapatan sa tamang impormasyon - Bilang mamimili, karapatan mong magkaroon ng sapat at wastong
impormasyon tungkol sa produktong bibilhin o serbisyong kukunin. Ipinagbabawal ang mga mapanlinlang na patalastas at
pagbibili ng mga pekeng produkto.
Karapatan sa pagpili - Bawat mamimili ay malayang makapipili ng produktong gusto niyang bilhin o serbisyong nais
niyang kunin. Walang sinumang makapipilit sa kaniyang tumangkilik ng produkto o serbisyong hindi makapagbibigay sa
kaniya ng kasiyahan.

Karapatan na maging ligtas sa anumang sakit o pinsala - Dapat malaman ng mga mamimili kung may sakit na
pumipinsala sa mga produktong mabibili sa pamilihan upang maiwasan nila ito. Ang red tide, cyanide poisoning, foot and
mouth disease, at bird flu ay ilan lamang sa mga sakit na maaaring makuha sa mga sariwang produkto gaya ng isda o karne.

Karapatan na makamit ang mga pangunahing pangangailangan - Dapat matiyak ng pamahalaan na ang mga
pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan o mamimili ay may sapat na dami o suplay at nasa tamang presyo na
abot-kayang mabibili ng mga mamimili.

Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran - Dapat matiyak ang kalinisan ng mga pamilihan kung saan mabibili
ang mga produkto. Kailangang masiguro na hindi ito magdudulot ng anumang sakit sa mga mamimili nito.

Karapatang magkaroon ng edukasyon - Dapat mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga mamimili tungkol sa pagpili
ng tama at ligtas na produkto at serbisyo. Ang wastong kaalaman sa pagiging isang matalinong mamimili ay makatutulong
upang hindi madaya o malinlang ng mga pekeng produkto.

Karapatang magtatag ng organisasyon - Karapatan din ng mga mamimili na magtatag o maging kasapi ng samahang
magtataguyod sa mga karapatan ng mamimili. Ang mga organisasyong ito ang mangangalaga sa mga mamimili at magbibigay
sa kanila ng proteksiyon laban sa mga mapagsamantalang negosyante o kumpanya.

MGA TUNGKULIN NG MAMIMILI

Kung may karapatan ang mga mamimili, mayroon din silang mga tungkulin na dapat gampanan.

Bayaran ang biniling kalakal - Tungkulin ng bawat mamimili na bayaran ang mga produktong binili o serbisyong
kinuha ayon sa napagkasunduang halaga nito.
Paghingi ng resibo - Ang mga mamimili ay dapat humingi ng resibo sa bawat produktong binili o serbisyong kaniyang
kinuha. Ang resibo ang magsisilbi niyang katunayan sa kaniyang mga produktong binili o serbisyong kinuha.
Pagtangkilik sa gawang Pilipino - Tungkulin ng bawat Pilipino na tangkilikin ang mga produkto at serbisyong gawa sa
Pilipinas. Ang pagbili ng mga lokal na produkto ay makatutulong sa mga negosyanteng Pilipino at sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.
Pagiging mulat at mapagmasid sa kapabayaan ng mga prodyuser - Lahat ng mamimili ay dapat na maging mulat,
alerto, at mapagmasid sa maaaring maging kapabayaan ng mga negosyante at kumpanyang gumagawa ng produkto o
nagbibigay ng serbisyo. Ang anumang pandaraya o kapabayaan ay dapat iulat sa pamahalaan upang maparusahan. Ang
bawat pandaraya o panlilinlang na ginawa ng isang negosyante o kumpanya para maipagbili ang kanilang produkto o
serbisyo ay dapat iulat sa pamahalaan. Sa tulong ng pagsusumbong ng mamimili ay magiging madali sa pamahalaan na
mapangalagaan at maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili.
Pangangalaga sa kalikasan - Tungkulin din ng mga mamimili na makibahagi sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan
laban sa pang-aabuso at labis na paggamit. Sa kalikasan nakukuha ang mga likas na yamang ginagamit na sangkap sa
paggawa ng mga produkto.

PRODUKSYON

Ang produksyon ay paglikha o paggawa ng produkto o serbisyong tutugon sa pangangailangan o kagustuhan ng tao. Ito
ang pinakamahalagang proseso sa ekonomiya. Kailangan ng mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng iba't ibang produkto
o serbisyo.
PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (PPF)

Ang Production Possibility Frontier o PPF ay isang tsart kung saan ipinapakita nito ang kakayahan ng produksyon ng
isang ekonomiya batay sa mga yaman na mayroon sila.

Isang halimbawa nito ay ang kakayahan ng bansa na gumawa ng wheat at cotton. Makikita sa tsart na ang point A kung saan
maaring makagawa ang bansa ng 200 na wheat at 300 na cotton. At ang isa pang point B kung saan maaring makagawa ng
160 na wheat at 400 na cotton. Ito lamang ay possible kapag ang bansa ay episyente at ginagamit lahat ng maaring
kayamanan at kakayahan.

Ang mga points na nasa linya ng kurba ay episyente at magagawa, ang mga points na nasa loob ng kurba ay hindi episyente
ngunit magagawa, at ang mga points na nasal abas ng kurba ay hindi episyente at hindi magagawa.

Ang tinatawag na trade-off o opportunity cost ay ang pagsakripisyo ng kayamanan, kakayahan at oras sa isang bagay
upang magawa pa ang isa pang bagay. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang mga estudyante na isinasakripisyo ang oras
para sa pag-aaral upang maglaro lamang.

MGA ANYO NG PRODUKSIYON

Elementary Utility - Ang produkto ay maaaring gamitin o pakinabangan agad. Hindi na kailangan dumaan sa anumang
proseso ang produkto para mapakinabangan Tinatawag din itong natural utility.

Form Utility - Ang hilaw na sangkap ay kailangang dumadaan sa isang proseso upang gawing isang produkto o magamit sa
pagbibigay serbisyo. Halimabawa nito ang paggawa ng mga kasangkapan mula sa kahoy.

Time Utility - Ang produktong ginagawa ay angkop sa panahon. Halimbawa nito ang halo-halo kapag tag-init at puto-
bumbong kapag Pasko.

Service Utility - Ang produkto ay ang pagbibigay ng serbisyo (talino, kaalaman, galing, o kakayahan) sa ibang tao.
Halimbawa nito ang pagkonsulta sa abogabo o doktor.

Possession o Ownership Utility - Ang produkto ay mananatili sa orihinal nitong anyo at ang pag-aari o ang pangangalaga
rito ang maaaring ipagbili. Halimbawa nito ang ng alahas, sasakyan, o bahay.

Place Utility - Ang produktong ginawa sa isang lugar ay ipinagbibili sa ibang lugar kung saan mayroon itong mas mataas
na halaga. Halimbawa nito ang mga gulay sa Baguio na iniluluwas sa Maynila upang ipagbili sa mas mataas na halaga.
MGA SALIK NG PRODUKSYON

Lupa - Pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap na gagamitin sa produksiyon. Maaaring gamitin sa pagsasaka, pabahay, at
pagtayuan ng pabrika. Napagkukunan din ng kita sa pamamagitan ng pagpapaupa rito at paniningil ng renta.

Lakas-paggawa - Binubuo ng mga taong nasa 18 hanggang 64 na taong gulang at may kaalaman at kakayahang makapag-
ambag sa paggawa ng isang produkto o serbisyo. Gawaing pisikal o mental ng tao sa produksyon na binabayaran ng sahod
o suweldo. Tulad ng ginagawa ng mga doktor, guro, karpintero, at labandera. Ito rin ang pinakamahalagang salik ng
produksyon

Kapital o Puhunan - Pera, sangkap, kasangkapan, o kagamitang kailangan sa paggawa ng isang produkto o serbisyo.
Ginagamit para makapagsimula ng produksyon o paunlarin pa ang produksyon. May iba't ibang uri:

 Istrukturang Pangnegosyo
 Imprastruktura
 Istrukturang Residensiyal
 Kagamitang Matibay

Entreprenyur - Taong nagtatag ng negosyo na may layuning gumawa ng produkto o magbigay ng serbisyo sa mga
mamamayan. Maaaring tagapamahala, innovator, risk bearer, at think tank ng negosyo. Nagdedesisyon tungkol sa negosyo,
mga produktong gagawin, kukuning manggagawa, at pagpapaunlad ng produksyon. Tagapag-ugnay ng tatlong salik ng
produksyon. May iba't ibang katangian:

 Malakas ang loob at hindi natatakot makipagsapalaran.


 Matalino
 Malikhain
 Walang Kinikilingan sa Pagpapasiya
 May Kakayahan sa Pangangasiwa
 Masipag
 Matiyaga

NEGOSYO

Tinatawag na negosyo ang anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning magkaroon ng kita o tubo. May tatlong
uri ng organisasyon ng negosyoisahang pagmamay-ari (sole proprietorship), sosyohan (partnership), at korporasyon
(corporation).

Ang isahang pagmamay-ari (sole proprietorship) ay organisasyon ng negosyo kung saan iisang tao lamang ang
nagmamay-ari at namamahala sa negosyo. Sa organisasyong ito, lahat ng kita ay mapakikinabangan at lugi ng negosyo ay
dapat tanggapin ng nag-iisang may-ari lamang. Ang maliit na negosyo tulad ng tindahan ay isang halimbawa nito. Tinatawag
na sole proprietor ang may-ari ng ganitong negosyo. Maraming kabutihang dulot ang ganitong uri ng negosyo.

 Madaling itayo ang negosyo kapag isa lamang ang nagdedesisyon sa lahat.
 Ang kita ng negosyo ay direkta ring napupunta sa may-ari nang walang kahati.

Sa kabilang banda, mabagal ang pag-unlad ng mga negosyong may ganitong uri ng organisasyon.

 Limitado ang puhunan ng negosyo kaya hindi madaling paunlarin ito.


 Maaari din na limitado lamang ang kaalaman ng may-ari sa pagnenegosyo kaya may posibilidad na malugi ito.

Ang sosyohan ay organisasyon ng negosyo kung saan dalawa o higit pang tao ang nagmamay-ari ng negosyo.

 Sa organisasyong ito, lahat ng kasosyo ay may bahagi ng kita at may pananagutan sa lugi o pagkakautang ng
negosyo.
 Tinatawag na partners ang mga may-ari ng ganitong negosyo.

May dalawang uri ng sosyohangeneral partners at limited partners.

 Sa general partners, ang magkakasosyo ay may pantay-pantay na kakayahang mamahala sa negosyo at managot
sa anumang pagkakautang o pagkalugi ng negosyo.
 Samantala, ang mga kasosyo naman sa limited partnership ay maaaring namuhunan lamang ngunit hindi
kabahagi sa pamamahala ng negosyo.

Sa negosyong sosyohan ay mas malaki ang puhunang nagagamit. Mas mapamamahalaan nang maayos ang negosyo dahil
mas marami ang nagdedesisyon at nagtutulong-tulong para mapaunlad ito. Gayunpaman, malaki ang posibilidad na
magkaroon ng alitan sa pagitan ng magkakasosyo lalo na kung hindi sila magkasundo sa pagdedesisyon. Dagdag pa rito,
mataas ang pananagutang legal ng negosyo lalo na sa mga pagkakautang.

Ang korporasyon ay organisasyon ng negosyo kung saan marami ang nagmamay-ari ng negosyo. Ang pagmamay-ari at
pamamahala ng negosyo ay nasa iba't ibang tao, batay sa laki ng bahagdan ng pag-aari nito sa negosyo. Bawat namuhunan
sa korporasyon ay tinatawag na stockholder. Maaaring kumuha ang kumpanya ng sariling tagapangasiwa na kakatawan sa
paggawa ng desisyon sa korporasyon. Bawat korporasyon ay inirerehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Malaki ang puhunang nalilikom ng korporasyon mula sa mga stockholder kaya mabilis at madaling napapalaki ang negosyo.
Dahil nakarehistro bilang isang legal na organisasyon, madali rin na nakauutang sa bangko ang mga korporasyon. Sa kabila
nito, mabagal ang pagdedesisyon sa korporasyon dahil maraming tao ang nakikbahagi sa operasyon ng negosyo.

You might also like