You are on page 1of 46

Gawain Blg.

1
Paksa Kasaysayan ng Ekonomiks/ Kahukugan ng Ekonomiks
Layunin Nauunawaan ang kasaysayan ng ekonomiks
Naibibigay ang kahulugan ng ekonomiks
Batayang Aklat Pagbabago IV
May – Akda Consuelo M. Imperial et al. p. 3-4

EKONOMIKS
 Kaisipang Pangkabuhaan na nagsimula kay Aristotle at nagpatuloy sa mga aral ng mga
medieval scholastics.
 Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na oikos ibig sabihin ay
tahanan at nomos na nangangahulugang pamamahala.
 Ang pagsasagawa ng mga gawaing pantahanan ay nagbibigay daan sa paglaganap ng
gawaing pangkabuhayan na siyang pangunahing konsepto ng ekonomiks.
 Ang ekonomiks ay bantog noon bilang political economy. Noong 17-18 siglo lamang
nabigyang kaukulang atensyon ang pag-aaral ng ekonomiks at naglitawan ang iba’t –
ibang teorya, ideya, mga pananaw na nauukol sa mga gawain ng tao sa lipunan.

Ang ekonomiks ay isang agham na pag-aaral sa kilos at pagsisikap ng tao at paraan sa paggamit ng
limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

Mula sa nabanggit na depinisyon napapaloob ang mga mahalagang aspeto nito:

 Agham Panlipunan – pag-aaral kung paano nakikisalamuha ang tao sa kanyang kapwa tao at
pangkat ng mga tao sa lipunan.
 Pagsisikap ng Tao – ang mga tao ay may kanya-kanyang gawain at tungkulin sa lipunan
upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
 Limitadong Yaman – ito ay sanhi ng pagkakaroon ng kompetisyon sa lahat ng bagay na
siyang nagbubunga ng kakapusan.
 Walang Katapusang Pangangailangan – Isang katotohanan na ang tao ay walang kasiyahan.
Ang paghahangad ng maraming bagay ay walang katapusan.

PAGSASANAY

1. Anu – ano ang dalawang salitang Griyego na pinagmulan ng salitang ekonomiks at ano
ang kahulugtan nito?
2. Ano ang pangunahing konsepto ng ekonomiks?
3. Ibigay ang apat na mahahalagang aspeto ng ekonomiks.
4. Bakit patuloy ang pagsisikap ng tao?
5. Sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay, paano mo mapapatunayan na walang katapusan ang
iyong mga pangangailangan?
Gawain Blg. 2
Paksa Mga Kaisipan Ukol sa Ekonomiks
Layunin Natutukoy ang mga Ekonomista at Kanilang Kaisipan Ukol sa
Ekonomiks
Sanggunian Pagbabago IV pp. 4-6
May –Akda Consuelo M. Imperial et al.

Mga Kaisipan Ukol sa Ekonomiks :

 Francois Quesnay at ang pangkat na tinatawag na “Physiocrats”


 naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan ( Rule of Nature) sa pag-unlad ng
ekonomiya.
 Kailangang ayusin ng tao ang paggamit ng likas na yaman upang lubusang
mapakinabangan ang mga ito.
 Merkantilista
 naniniwala sa kapangyarihan ng mahalagang metal tulad ng ginto at pilak
upang mapaunlad at maisulong ng ekonomiya.
 Ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak ay nagbibigay daan sa
pagyaman ng bansa.
 Classicist
 galing sa classical school sa pamumuno ni Adam Smith na tinaguriang “Ama
ng Ekonomiks”.
 Nagpahayag ng doktrinang “ laissez faire o let alone policy “ na nagsasaad na
ang pamahalaan ay di dapat pinapakikialaman ang tao sa pagpapaunlad ng
mga industriya ng bansa.
 David recardo
 kilala sa “ Batas ng Lumiliit na Kapakinabang o Law of Diminishing Marginal Return
“ibig sabihin- ang sunod-sunod na paggamit ng isang salik ng produksyon, habang
hindi nagbabago ang ibang salik ay magpapataas ng dami ng ginagawang produkto,
ngunit ang karagdagang dami ay lumiliit.
 Thomas Robert Malthus
 Batay sa Malthusian theory ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa
suplay ng pagkain na maaaring magbunga ng pagkagutom ng maraming tao.
 Neoclassicist
 Kinabibilangan ni John maynard Keynes na naniniwala sa batas ng panustos
at pangangailangan.
 Ayon kay Keynes, ang pamahalaan ay may malaking papel na ginampanan
upang mapanatili ang balanse ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasaayos
ng demand, suplay at presyo sa pamilihan.
 Karl Marx- Ama ng komunismo.
 Ayon sa kanya makatarungan na ang pamahalaan ang humawak at
kumontrol ng mga industriya at yaman ng bansa upang maging pantay ang
katayuan ng tao sa lipunan.

PAGSASANAY
1. Sino o aling pangkat ang naniniwala sa sumusunod :
A. Naniniwala sila sa kahalagahan ng kalikasan.
B. Ang ginto ay simbolo ng kayamanan.
C. Walang pangingialam ng pamahalaan.
D. Doktrinang laissez faire
E. Ang pamahalaan ang kumukontrol sa mga industriya ng bansa.
F. Ang paglaki ng populasyon ay mas mabilis kaysa suplay ng pagkain.
G. Naniniwala sa Batas ng panustos at pangangailangan.

2. Aling pananaw ng ekonomista ang iyong sinasang-ayon? Bakit? (3 sentences)

Gawain Blg. 3
Paksa Ekonomiks Bilang Agham
Layunin Naipaliliwanag ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan
Sanggunian Pagbabago IV pp 11
May-Akda Consuelo M. Imperial et al.

Ekonomiks Bilang Agham

 Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na ang sentro ng pag-aaral ay ang mga gawaing
pangkabuhayan ng tao.

 Bilang isang agham, isinasagawa sa pag-aaral ng ekonomiks ang isang siyentipikong


pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning may kaugnayan at epekto sa isang ekonomiya.

 Upang maunawaan ang ating paligid, kailangang lumikom at magsuri ng mga datos na
magbibigay ng paliwanag sa pag-uugnay ng mga bahagi ng kapaligiran.

 Gumagamit ng economic model o theory bilang representasyon ng tunay na pangyayari


sa daigdig upang maunawaan, maipaliwanag at mahulaan (predict) ang mga economic
phenomenon sa tunay na pangyayari.

PAGSASANAY

1. Ano ang agham panlipunan sa salitang ingles?


2. Bakit itinuturing na agham panlipunan ang ekonomiks?
3. Paano isinasagawa ang pag-aaral ng ekonomiks?
Gawain Blg. 4
Paksa Ekonomiks Bilang Agham
Layunin Natutukoy ang mga siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks
Sanggunian Ekonomiks IV p. 13-16
May-Akda Evelina M. Viloria, et.al

 Ang ekonomiks bilang agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pag-


aaral.

May mga iba,t-ibang hakbang na sinusunod sa pagsasagawa ng siyentipikong pamamaraan :

 Pag-aaral ng suliranin sa pamamagitan ng pagmamasid


- ang pagtukoy ng suliranin na susuriin ay magiging gabay ng mga mananaliksik sa
kanilang pag-aaral.
 Ang pagbibigay ng hypothesis/ pagbuo ng teorya o haka-haka
- Ang hypotesis ay pansamantalang kasagutan sa inilahad na suliranin. Ang teorya
naman ay isang paliwanag kung nakit ganito o gaanong pangyayari.
 Pangangalap ng mahalagang datos at impormasyon
- Ang mga datos at impormasyon ang pangunahing suporta sa pag-aaral at
pagsasaliksik ng mga mahalagang elemento na may kaugnayan sa suliranin.
 Pagsubok sa teorya o haka-haka
 Pagbuo ng Konklusyon
 Paglalapat ng Konklusyon

PAGSASANAY

Gumawa ng comic strip na magpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod sa mga siyentipikong


pamamaraan.
Gawain Blg. 5
Paksa Mga Yugto ng Kabuhayan
Layunin Nasusuri ang mga katangian ng mga yugto ng kabuhayan
Sanggunian Pagbabago IV pp. 22-24
May-Akda Consuelo M. Imperial et. Al

Mga Yugto ng Kabuhayan

Nahahati sa lima ang yugto ng kabuhayang pag-unlad ;

 Yugto ng Pangangaso at Pangingisda


- Ang tao ay umaasa sa kalikasan para sa kanyang mga pangangailangan.
- Pamilya ang sentro ng gawaing pangkabuhayan.
- Tinatawag din itong direct appropriation stage.
 Yugto ng Pagpapastol
- Natutunan ang paggamit ng apoy, nagsimula ang pagpapaamo at pag-aalaga ng
hayop.
- Ang mga tao ay naging nomadic o lagalag sa paghahanap ng lupang mapapastulan.
- Natutunan din nila ang kalakalang barter.
 Yugto ng Pagtatanim
- Sa tulong ng hayop,binungkal ang lupa at nagtanim ang mga tao.
- Mayroon na silang permanenteng tahanan.
- Natutunan nila ang paggamit ng salapi sa kalakalan.
 Yugto ng Pagyari o Paggawa sa Kamay –
- Gumawa ang tao ng mga bagay-bagay o produkto sa tulong ng simpleng kagamitan.
- Mayroon silang paghati-hati ng gawain batay sa espesyalisasyon.
- Sumibol ang guild o unyon ng mga manggagawa.
- Umunlad ang industriyang pantahanan at umusbong ang komersyo at negosyo.
 Yugto ng Industriya
- Tinawag din ito na panahon ng uling at bakal dahil ito ang simula ng unang
industruyalisasyon sa kabuhayan ng tao.
- Ginagamit ang makinarya at napabilis ang produksiyon at binibigyang diin ang
espesyalisasyon.

PAGSASANAY

1. Bakit tinatawag na nomadic ang mga tao sa yugto ng pagpapastol?


2. Paano umunlad ang ekonomiya sa yugto ng pagyari at yugto ng industriya?
3. Pumili ng isa sa mga yugtong pangkabuhayan at iguhit ang mga gawain ng tao na
maglalarawan sa yugtong ito.
Gawain Blg. 6
Paksa Ekonomiya ng Pilipinas sa Bago Dumating at Pagdating
ng mga Kastila.
Layunin Naihahambing ang ekonomiya ng Pilipinas bago dumating at ng
dumating ang mga Kastila.
Sanggunian Pagbabagon IV pp. 27-29
May-Akda Consuelo M. Imperial et. Al

 Bago Dumating Ang Mga Kastila :


- Ang pamayanan ay pinamunuan ng isang datu. May sarili na silang kultura at
kabuhayan ang mga tao.
- Mapayapa at puno ng tiwala at respeto sa isa’t-isa ang pamumuhay.
- Mayroong pag-aari ng lupa ngunit walang titulo.
- Nakikipagkalakalan sila sa mga Tsino, Malay at Indian.

 Panahon ng Kastila
 Umiral ang encomienda, ito ay isang sukat ng lupain na ipinamahala ng mga sundalong
Kastila bilang kabayaran sa kanyang matapat na paglilingkod. Tinawag na encomiendero
ang taong nakatanggap ng ecomienda.
 Economic Society of Friends in the Philippines – itinatag ni Jose Basco y Vargas, kung
saan may hangarin na paunlarin ang antas ng agrikultura ng bansa.
 Monopolyo ng Tabako – ang layunin ay pataasin ang kita ng pamahalaan. Tinatawag na
monopolyo sapagkat ang lahat na inaaning tabako ay sa pamahalaan lamang ipinagbili.
 Kalakalang Galyon – isang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Mexico. Ang mga
produkto mula sa silangan ay dinala sa Mexico at pagbalik nito ay lulan ang pilak at mga
produkto mula sa Amerika.

PAGSASANAY

1. Ihambing ang kalagayan ng ating ekonomiya bago dumating ang mga Kastila at sa panahon
ng Kastila.

Ekonomiya ng
Pilpinas
Bago Dumating Nang Dumating
ang mga ang mga
Kastila Kastila

______________________ _____________________
______________________ _____________________
______________________ _____________________
______________________ _____________________

2. Bakit itinatag ang kalakalang tabako bilang monopolyo?


3. Ibigay ang positibo at negatibong epekto ng kalakalang galyon?
Gawain Blg . 7
Paksa Ekonomiya Ng Pilipinas sa Panahon ng mga Amerikano
Layunin Nailalarawan ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano
Sanggunian Pagbabago IV pp. 29 – 30
May-Akda Consuelo M. Imperial et al.

Ipinatupad ng mga Amerikano ang Homestead at sistemang Torrens upang maibalik at


maipagkaloob ang sariling lupa ng mga Pilipino na kinakamkam ng mga Kastila. Ngunit, maraming lupain
ang napasakamay ng mga korporasyon sa pinag-aari ng mga Amerikano.

Mga Programa :
1. Pagpapaunlad sa Agrikultura
 Pinakilala ang anim na propukto : bigas, niyog, palay, mais, abaka, at asukal.
 Itinatag ang kawanihan ng agrikultura noong 1902
 Gumawa ng irrigasyon, sinugpo ang peste ng pananim, nagtayo ng modelong
sakahan.
 Itinuro ang makabagong paraan ng pananim.
1. Pagsulong ng Industriya
 Pinalawak ang pagmimina, pagtuturo at pangingisda
 Binibigyang pansin ang industriyang pantahanan
2. Malayang Kalakalan
 Ito ay ang pagpapalitan ng kalakal na walang hadlang tulad ng kota at taripa.
Ang taripa ay buwis sa ipinataw sa mga inaangkat na produkto. Ang kota ay
limitasyon sa dami ng iniluluwas o aangkating kalakal.

Mga Batas Pangkalahatan :


 Batas taripa nina Payne at Aldrich ng 1913. Malayang naipasok ang produktong
Amerikano sa Pilipinas na walang taripa at kota, samantalang may kota ang mga
produkto ng Pilipinas na ipasok sa Amerika
 Batas Taripa nina Underwood at Simmons ng 1913. Pabor pa rin ito sa mga
Amerikano sapagkat hindi kasama sa listahan na pwedeng ikalakal nang malaya
ang mga produkto ng Pilipinas na gumamitng higit ng 20% ng dayuhang sangkap.

PAGSASANAY

1) Ano ang programa ng mga Amerikano ukol sa lupa?


2) Anong mga industriyang pantahanan ang binigyang halaga ng mga Amerikano?
3) Ano ang kaibahan ng kota at taripa?
4) Paano nakalamang ang mga Amerikano ayon sa Batas Pangkalakalan?
Gawain Blg. 8
Paksa Ang Ekonomiya ng Pilipinas sa Panahon ng Republika
Layunin Nasusuri ang mga programang pangkabuhayan ng mga nagdaang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Sanggunian Pagbabagob IV pp. 34-36
May-Akda Consuelo M. Imperial et al.

a) Manuel Roxas ( 1946-1968) – “Panahon ng Rehabilitasyon”.


Bell Trade Act at War Damage Act,- ang mga batas na ito ay nagkakaloob ng tulong
pinansiyal at material upang masimulan ang rahabilitasyon ng bansa.

b) Elpidio Quirino (1948-1953)


Pinairal ang patakarang panghalili sa inangkat. Hangarin nito na malutas ang
suliranin sa deposit sa kalakalan sa pamamagitan ng pagkontrol ng inangkat.

c) Ramon Magsaysay ( 1954-1957)


Programa niya ang Land Reform Act.
National Resettlement and Rehabilitation Act –isinagawa upang mabigyan ng
lupain ang mga magsasaka,
Farmer Cooperative and Marketing Association (FACOMA) – itinatag upang
maorganisa ang mga magsasaka.

d) Carlos P. Garcia (1957-1961)


Inilunsad ni Pangulong Garcia ang Pilipino Muna – layunin nito na tuluyang maging
malaya ang ekonomiya sa control at pamamahala ng mga dayuhan. Tinaguyod din
niya ang Retail Nationalization Trade Act.

e) Diosdado M. Macapagal (1961-1965)


Dekontrol ang tawag sa patakarang pangkabuhayan. Nilagdaan niya ang
Agricultural Land Reform Code. Itinatag din ang Land Bank of the Philippines.

f) Ferdinand Marcos (1966-1986)


Naglunsad ng Reporma sa Lupa batay sa atas ng Pangulo # 2 at # 27. Pinairal niya
ang Batas Militar.Hindi nagging maganda ang ekonomiya, lumaki ang dayuhang
utang at nagkaroon ng krisis sa ekonomiya.

g) Corazon C. Aquino (1986-1992)


Nanumbalik ang demokrasya ng bansa.
Privatation ang sentro ng kanyang programa.
Pinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Refom Program batay sa Batas
Republika 6657.
Pinairal niya ang Value Added Tax ( VAT).

h) Fedil V.Ramos (1992-1998)


Nais niyang matamo ang Industriyalisasyon ng bansa.
Naglunsad ng Medium term Philippine Development Plan na tinatawag sa
pamamagitan na Philippines 2000, na ang layunin ay maiangat ang ekonomiya sa
pamamagitan ng Global Compitiveness at People Empowerment.
Pinairal niya ang Expanded Value Added Tax (EVAT)

PAGSASANAY
1. Paano nilutas ni Pangulong Roxas ang suliranin sa rehabilitasyon?
2. Bakit mahalaga ang programang pangkabuhayan ng mga pangulo ng
bansa?
4. Sinong pangulo ang sa tingin mo ay tunay na nagtaguyod sa pagpapalago ng ekonomiya ng
bansa? Pangatwiranan ang sagot. (5sentences)

Gawain Blg. 9
Paksa Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas(Likas na Yaman)
Layunin Nauuri ang mga likas na yaman sa Pilipinas
Sanggunian Ekonomiks IV pages 44-50
May -akda Evelina M. Viloria et.al

Pinagkukunang-yaman- mga bagay na ginagamit sa produksyon at makatugon sa pangangailangan


ng tao at bansa.

Likas na Yaman

Yamang Lupa
Pinagkalooban ang Pilipinas ng 30,000,000 ektarya ng lupain na binubuo ng mga bundok, gubat,
burol, talampas, at malawak na kapatagan at lambak. Malaking bahagi ng mga inaani sa mga lupain
ang tinatawag na aning pangkomersyal tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kaybok, bulak at
iba pa. Ito ang mga produktong tradisyunal o likas na iniluluwas sa ibang bansa at pinagkikitaan ng
dolyar ng Pilipinas.

Yamang-gubat
Sa mga pinagkukunag-yaman ng bansa ang gubat ang may pinakamalaking sukat.
Pinakamalaking bahagi ng kagubatan sa Pilipinas ang matatagpuan sa Rehiyon IV.
Maraming nakukuhang tabla, langis, aromatiko mula sa punong dipterocarp , troso, plywood,
venner at resin na ginagamit bilang hilaw na sangkap sa ibat-ibang gawaing pangkabuhayan.
Nagbibigay ng malaking kita sa ibang bansa ang mga punungkahoy sa kagubatan.

Yamang- tubig
 Ang ating yamang-tubig ay higit na malawak kaysa ating yamang-lupa. Ito ay tinatayang
may 1,666,300 kilometro kwadrado ang lawak.
 Ang ating karagatan, dagat at ilog ang pinagkukunan ng ibat-ibang pagkain tulad ng isda,
talaba, hipon, alimasag at marami pang iba na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan.

Yamang-mineral
 Ayon sa pananaliksik, may 22.3 milyong ektarya ng lupang minahan sa Pilipinas na
bumubuo ng 74 bahagdan ng kabuuan ng lupa ng bansa.
 May tatlong uri ang mineral: metal, di- metal at panggatong.

Yamang- enerhiya
 Ang paggatong na mineral ay kumakatawan sa yamang-enerhiya ng bansa.
 Ang langis at gas ay kabilang sa pinagkukunang-enerhiya ng bansa. Ang lakas-
geothermal ay isa sa enerhiya na nakapag-ambag sa operasyon ng mga industriya.
 Ito ay init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Mayroon din tayong elektriko buhat sa
yamang-tubig na nagsusuplay sa elektrisidad.

PAGSASANAY
1. Sa isang guhit ipakita kung paano mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
2. Punan ang chart.

Uri ng Yaman Paglalarawan Mga Halimbawa


(3 bawat uri)
1.

2.

Gawain Blg. 10
Paksa Yamang Tao
Layunin Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng polulasyon sa Pilipinas
Sanggunian Ekonomiks IV pages 54-57
May -akda Evelina M. Viloria et. al

Apat na katangian ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas


 kabuuang dami ng tao
 kakapalan
 edad
 proporsyon ng lalaki sa bababe.

Sa mga rehiyon sa Pilipinas, pinakamalaki ang konsentrasyon ng populasyon sa Timog


Katagalugan at sa Kalakhang Maynila.

Ang kakapalan ay nagpapahiwatig sa hindi pantay na distribusyon ng mga tao sa rehiyon,


lalawigan at lungsod ng bansa. Isang mabigat na suliranin ang mabilis na pagdami ng populasyon sa lugar
na masikip ngunit hindi ito gaanong mabigat na suliranin sa isang lugar na maluwag at malawak.

Batay sa edad, itinuturing na bata ang populasyon ng Pilipinas. Ang bilang ng mga batang wala
pang 15 taong gulang ang bumubuo sa 37.6% ng populasyon.

PAGSASANAY

1. Ano ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas?


2. Bakit itinuturing na bata ang populasyon ng Pilipinas batay sa edad?
3. Ano ang implikasyon ng hindi pantay na distribusyon ng populasyon?
Gawain Blg. 11
Paksa Balangkas ng Populasyon sa Pilipinas
Layunin Nasusuri ang katangian ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas
Sanggunian Ekonomiks IV pages 54-55
May -akda Evelina M. Viloria et. al.

Populasyon – mga taong nakatira sa isang bayan o pamayanan

 Isa ang kabuuang dami ng tao sa katangian ng populasyon. Dapat ding malaman kung saang
lugar sa Pilipinas ang pinakamatao.

 Ang kakapalan ( population density ) ay naglalarawan ng dami ng tao ng isang lugar.


Luzon 58.77 bahagdan
Visayas 20.93 bahagdan
Mindanao 20.3 bahagdan

 Istruktura ng edad

Masasabing bata ang populasyon ng isang bansa kung binubuo ng may 15 edad pababa ang
karamihan nito.

Proporsyon ng edad:

lalaki sa babae sa populasyon ay 50.17 at 49.83 bahagdan – 100.7 sa bawat 100 babae. Sa kabuuan
48.91 bahagdan ang hindi nag- aasawa, 3.4 bahagdan ang balo at 36 bahagdan ang hiwalay.

PAGSASANAY

1. Ano ang mga katangian ng balangkas ng populasyonng Pilipinas?


2. Ano ang pinakaangkop na ipinahihiwatig ng datos sa kakapalan ng tao?
3. Paano masasabing bata ang populasyon ng isang bansa?
4. Para sa iyo, bakit mahalagang malaman ang proporsyon ng lalaki sa babae ng populasyon?
Gawain Blg. 12
Paksa Kakapusan Isang Suliraning Panlipunan
Layunin Naipaliliwanag ang kahulugan ng batas ng kakapusan
Naipaliliwanag ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan
Sanggunian Pagbabago IV, p. 86-92
Ekonomiks IV, p.71-75
May-akda Consuelo M. Imperial, et.al
Evelina M. Viloria, et.al

Ang BATAS NG KAKAPUSAN


- Nagsasaad na wala tayong sapat na kita o kayamanan upang matugunan ang lahat ng ating
pangangailangan. Dahil sa katotohanang ito, napipilitan ang tao na gumawa ng kapasyahan
kung anong mga produkto ang gagawin, paano ito gagawin at para kanino.

 Kakapusan din ang nag-uutos upang gamitin ang matalinong pagpasya sa pagpili ng
bibilhin o gagamiting produkto o serbisyo upang makamtan ang pinakamalaking
kapakinabangan sa pinakamababang halaga.

 Dahil sa kakapusan, kailangan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mahusay na


pamamahala ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Pagkakaiba ng Kakapusan sa Kakulangan


Kakapusan – tumutukoy sa katotohanang limitado ang pinagkukunang yaman
Kakulangan – tumutukoy lamang sa panandaliang kawalan o hindi kasapatan sa pangangailangan.

PAGSASANAY
A.
1. Isalin sa wikang Ingles at bisaya ang mga salitang kakapusan at kakulangan
2. Bakit binibigyang pansin ang tamang paggamit ng pinagkukunang-yaman?
3. Sa tatlong pangungusap, ipaliwanag kung bakit nagiging suliraning panlipunan ang kakapusan?

B. Sabihin kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng kakapusan o kakulangan.


1. Naubos ang suplay ng softdrinks sa canteen dahil marami ang bumili dala ng init ng panahon
kaya mabenta ang ganitong pampalamig.
2. Umaangkat ng langis ang Pilipinas sa ibang bansa.
3. Sinalanta ng bagyo ang mga pananim na gulay at palay kaya kaunti lang ang suplay sa mga
palengke.
Gawain Blg. 13
Paksa Kakapusan: Isang Suliraning Panlipunan
Mga Dahilan at Epekto ng Kakapusan
Layunin Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang suliraning panlipunan.
Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng kakapusan
Sanggunian Pagbabago IV, p. 86-92
Ekonomiks IV p. 73-75
May -akda Consuelo M. Imperial, et.al
Evelina M. Viloria, et.al

Nababahala ang lahat ng tao sa mundo sa suliraning kakapusan nang magsimula ang krisis sa
enerhiya. Lubhang naapektuhan ang produksyon ng maraming bansa.

Mga indikasyon na may kakapusan sa isang bansa:

1. Kapag mataas ang presyo ng pangunahing pangangailangan ng bigas,asukal, arina,


langis at iba pang pangunahing pagkain.
2. Kapag may mahabang pila sa tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.
3. Kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom.
4. Kapag pilit na umaangkat sa ibang bansa ang pamahalaan kahit na naghihirap ito.

Mga Dahilan ng Kakapusan

 Pagka-ubos ng likas na yaman


 Mabilis na paglaki ng populasyon
 Maaksayang paggamit ng mga likas na yaman
 Pagkasira ng likas na yaman dulot ng mga kalamidad

Mga Bunga ng kakapusan

 kahirapan
 Sakit at malnutrisyon
 Mababang antas ng edukasyon
 Pagtaas ng antas ng kriminalidad
 Pagbaba ng moralidad ng tao

 Dahil sa kakapusan, nagiging suliranin sa produksyon kung ano ang gagawing produkto o
serbisyo, para kanino at paano aabot sa konsyumer ang mga ito.

PAGSASANAY

1. Nararanasan ba nang ating bansa ang mga palatandaan o indikasyon ng kakapusan na nabanggit
sa itaas? Magbanggit ng sitwasyon bilang patunayan.
2. Sino ang higit na naaapektohan sa suliranin ng kakapusan? Bakit?
3. Gumawa ng isang grapikong paglalarawan sa mga dahilan at epekto ng kakapusan.
Halimbawa: Guguhit ka ng kahoy, ang mga sanga o ugat ang sanhi at ang mga dahon o bunga
ang epekto. Isusulat ang bawat dahilan at epekto sa bawat bahagi ng iyong iginuhit na
simbolo o grapiko.

Gawain Blg. 14
Paksa Alokasyon/Kahalagahan ng Paggamit ng Tamang Desisyon
Layunin Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa ng tamang desisyon
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 104-106
May -akda Evelina M. Viloria, et al

Ang alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman sa iba’t


ibang gamit upang sagutin ang mga pangunahing katanungan ng isang lipunan sa suliranin ng
kakapusan.

Kailangan ang paggawa ng tamang desisyon o pagpapasya upang matugunan ng tao ang
kanyang pangangailangan. Kinakailangan niyang mag-isip ng paraan upang malaman ang maari niyang
gawin kung kapos ang kanyang pinagkukunan.

 Dapat na tumugon sa apat na batayang katanungan ang lahat ng sistemang pangkabuhayan,


mula sa makaluma hanggang sa makabago.

1. Anong serbisyo at produkto ang dapat gawin?


Ang katanungang ito ay nagpapahiwatig sa mga prodyuser kung anong mga produkto at serbisyo
ang nararapat gawin at gaano karami ito.
2. Paano gagawin ang produkto at serbisyo?
Sumasaklaw ang katanungang ito sa pagpili ng mga makina at manggagawa.
3. Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo?
Dapat magdesisyon ang bansa kung paano ipamamahagi ang kita ng pamahalaan sa mga
mamamayan.
4. Kailan dapat gawin ang produkto at serbisyo?
Dapat magpasya ang bansa kung kailan ito gagamitin. Para ba ito sa kasalukuyan o gagawing
puhunan para sa kinabukasan?

Anumang desisyong pang-ekonomiya ang gagawin, dapat na pag-aralang mabuti, hindi lamang
dahil sa kapos ang mga pinagkukunang yaman, kundi upang mabigyang-kasiyahan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

PAGSASANAY

Punan ang hiningi ng talahanayan. Ano ang kaugnayan ng tamang pagdedesisyon sa


apat na batayang katanungan.
Apat na batayang katanungan Kaugnayan ng tamang
pagdedesisyon sa mga batayang
katanungan
1. Anong produkto at serbisyo ang
dapat gawin?
2. Paano gagawin ang produkto at
serbisyo?
3. Para kanino ang gagawing
produkto at serbisyo?

4. Kailan dapat gawin ang produkto


at serbisyo?

Gawain Blg. 15
Paksa Pagsisimula ng Sistemang Pangkabuhayan
Layunin Natatalakay ang pagsisimula ng sistemang pangkabuhayan
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 109
May -akda Evelina M. Viloria, et al

Sistemang Pangkabuhayan

- Tumutukoy sa mga institusyong sumisibol bunga ng organisadong pamamaraan ng paggawa


ng lipunan upang matugunan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.
- Ang pangkabuhayang gawain ay nagsisimula sa pamilya, pamayanan at sa huli, sa antas na
pambansa.
- Nagkaroon ng sistemang pangkabuhayan dahil sama-sama nilang nilulutas ang suliranin
kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan sa gitna ng pagiging
limitado nito.

 Karaniwang may kinalaman sa tatlong pangunahing katangian ang pagkakaiba ng mga sistemang
pang-ekonomiya:
1. Antas ng pag-aaring publiko o pribado sa mga salik ng produksyon.
2. Saan nakatuon ang pagpaplano.
3. Laki ng publiko o pribadong paggawa ng desisyon.

 Makikita ang sistemang pangkabuhayan sa mga gawi, kaugalian, pamantayan,patakaran, batas


at pagpapahalagang kaugnay sa mga gawaing may kinalaman sa paggamit ng pinagkukunan-
yaman.

PAGSASANAY

1. Ano ang ibig sabihin ng sistemang pangkabuhayan?


2. Gumuhit ng larawan ng isang pamayanan kung saan makikita at maiintindihan ang
sistemang pangkabuhayan na sinusunod ng lipunan.
Gawain Blg. 16
Paksa Mga Pwersa na Bumubuo sa Sistemang Pangkabuhayan
Layunin Naipaliliwanag ang mga pwersang bumubuo sa sistemang pangkabuhayan
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 110-111
May -akda Evelina M. Viloria, et al

Iba-ibang sistemang pangkabuhayan ang umiiral sa isang bansa. Nakasalalay ang uri ng sistema
sa mga pwersang pangkabuhayan tulad ng:

1. Ang kasaysayang pangkultura na pinagmulan ng paniniwala,mithiin at pagpapahalaga.


- Nasasalamin sa kasaysayan ang simula ng anumang nararating ng lipunan o bansa.
2. Ang yamang likas pati na ang klima.
- Ang uri ng mga produktong ginagawa ay naayon sa uri ng yamang likas ng bansa.
- Halimbawa sa Pilipinas ang niyog, pinya, buko at iba pa kaya’t nakagagawa tayo ng mga de-
latang produkto mula sa mga ito.
3. Ang mga pilosopiya at pananaw na pinili at pinaniwalaan ng mga tao.
- Halimbawa, ang pangunahing pilosopiya ng mga Amerikano sa paggawa ay ang dangal sa
trabaho. Para sa kanila, anumang uri ng trabaho ay dapat ikarangal.
4. Ang mga nakaraan at kasalukuyang teorya na naging daan upang maisakatuparan ang kanilang
mga layunin.
- Nang buuin ni Adam Smit ang teoryang laissez faire, napatunayang sa panahong yaon na
hindi kailangan ang pamahalaan upang maisagawa ang takbo ng ekonomiya. Iba naman ang
teorya ni John Maynard Keynes. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng patakaran ng
pamahalaan sa kita, pamumuhunan at iba pa, maisasaayos ang takbo ng ekonomiya at
mapatatag ang presyo.
5. Ang mga pagsubok at pagkakamali ng mga tao sa paghahangad nila sa buhay.
- Sa personal na lebel , lahat ng tao ay dumaranas ng pagsubok at nakagagawa ng
pagkakamali. Ganyan din ang bansa, may mga pagkakamali sa larangan ng patakarang
pangkabuhayan.

PAGSASANAY

1. Sagutin ang tanong na nakapaloob sa organizer.


Anu-ano ang mga
pwersang bumubuo sa
sistemang pangkabuhayan?

1. 2. 3. 4. 5.

2. Pumili ng isa sa mga pwersang pangkabuhayan na nakasulat sa itaas at ipaliwanag ang iyong
naintindihan tungkol dito, gamit ang iyong sariling pananalita. Maaring magbanggit ng halimbawa
upang mas maintindihan. (5 sentences)
Gawain Blg. 17
Paksa Mga Uri ng Sistemang Pangkabuhayan (Tradisyunal na Sistema)
Layunin Natatalakay ang mekanismo ng tradisyunal na sistemang pangkabuhayan
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 111
May -akda Evelina M. Viloria, et al

Tradiyunal na Sistemang Pangkabuhayan

- Ang lipunang may makalumang sistema ay makagagawa ng alokasyon ng mga


pinagkukunang yaman batay sa mga kaugalian at gawi na impluwensya ng sinaunang
pamamaraan ng tao.
- Ginagawa at makikita parin ang sistemang ito sa mga makalumang pamayanan. Kadalasan
ito ay makikita sa mga liblib na pook.
- Ang uri ng yamang-likas na nakapaligid ang siyang batayan kung anong produkto ang
gagawin. Samakatwid, limitado lamang ito sa pangangailangan ng pamilya at pamayanan.
- Nakikita ang sistemang ito sa rural na pook na walang sistema ng komunikasyon at sistema
ng palitan.
- Ang ganitong kalagayan ay humahantong sa kawalan ng kaunlaran bagkus nakapako lamang
sa makalumang pamamaraan.

PAGSASANAY
1. Magbigay ng salitang may kasingkahulugan sa salitang tradisyunal.
2. May mga pamayanan pa ba sa inyong bayan na gumagawa at kakakikitaan pa ng
tradisyunal na sistema ng kabuhayan? Magbanggit ng isang halimbawa at ilarawan ang
kanilang ginagawa na naangkop sa tradisyunal na pamamaraan.
Gawain Blg. 18
Paksa Mga Katangian ng Iba’t- ibang Sistemang Pangkabuhayan
Layunin Naihahambing ang mga katangian,pamamaraan at mekanismo ng alokasyon sa ilalim ng
iba’t- ibang sistemang pang-ekonomiya.
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 115-119
May -akda: Evelina M. Viloria, et al

MGA KATANGIAN NG SISTEMANG PANGKABUHAYAN


Uri ng Batayan ng Pag-aaring Saan Nakatuon ang Laki ng Publiko at
Sistemang Publiko o Pribado sa mga Pagpaplano Pribadong Paggawa ng
Pangkabuhaya Salik ng Produksyon Desisyon
n
1. -Malawak ang antas ng -Isinaalang-alang ang - Ang indibidwal ang
Pampamilihang pribadong pag-aari kalayaang pumili ng bawat pumipili ng
Ekonomiya kumpara sa publikong pag- indibidwal. Halimbawa ng mangangasiwa ng
(KAPITALISMO) aari na nakatuon sa mga ganitong sistema ang pamahalaan na siyang
kagamitan at serbisyong Pilipinas at USA. gagawa ng mga batas at
makatutulong sa mga magpapatupad nito.
mamamayan.

2. Pinag-utos na -Malawak ang pag-aaring -Ang prayoridad ay - Ang paggawa ng


Ekonomiya publiko kaysa pribadong nakatuon sa pagpapatatag desisyon ay sa
(KOMUNISMO) pag-aari. Ang paggawa ay ng seguridad at military pamamagitan ng partido,
sumusunod sa planong bago ang ekonomiya. ang pribadong
ginagawa ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pagpapasya ay may
sistema-North Korea at kinalaman lamang sa mga
Cuba bagay na personal.

3. Pinaghalong - Ang pribado at publikong - Nakatuon ang - Malawak ang publikong


Ekonomiya pag-aari ay parehong pagpaplano sa Estado pagpapasya. Ang
(SOSYALISMO) makikita. Ang pangunahing subalit isinaaalang-alang pribadong sector ay
industriya ay pagmamay- din ang kapakanan ng sumusunod sa
ari ng pamahalaan. indibidwal. Halimbawa ng pagpapasya ng
ganitong sistema- pamahalaan.
Singapore at China.

PAGSASANAY
1. Anong sistemang pangkabuhayan ang sinusunod ng mga sumusunod na bansa?
United States _____________________
China _____________________
North Korea _____________________
Philippines _____________________
2. Sa iyong palagay, aling sistemang pang-ekonomiya ang pinakainam? Bakit?
Gawain Blg. 19
Paksa Kagustuhan at Pangangailangan
Layunin Nakikilala ang kaibahan ng kagustuhan at pangangailangan
Sanggunian EkonomiksIV, p. 79 - 80
May-akda Evelina M. Viloria et. al.

 Likas sa tao ang pagkakaroon ng mga pangangailangan upang mabuhay. Hindi nakukuntent ang
tao sa isang simpleng buhay, kaya naghahangad pa ito ng ibang bagay upang maagkaroon siya
ng kasiyahan sa buhay.

Pangangailangan
 Tumutukoy sa mga bagay na dapat na mayroon ang tao upang siya ay mabuhay.
Halimbawa:
Pagkain, damit, tirahan

Kagustuhan
 Ang mga bagay na nakatutulong sa tao upang mapagaan ang kanyang buhay.
 Kadalasan maaaring hindi makuha ang mga kagustuhan at ito ay ginusto lamang ang mga ito
dahil nakapagdudulot ng kasiyahan.
Halimbawa:
Maraming damit
Alahas
Mamahaling gamit

PAGSASANAY

1. Iayos sa talahayan ang sumusunod na aytem kung ito ba ay pangangailangan o kagustuhan.

Computer sapatos bahay pagmamahal


Cellphone medyas kanin pantalong levis
Gamot t-shirt isda telebisyon
PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
2. Bakit mahalagang matugunan ang pangangailangan?
3. Bakit hindi maiiwasan ang mga kagustuhan?
4. Sa iyong sariling pananalita, ibigay ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan.

Gawain Blg. 20
Paksa Teorya ng Baitang ng Pangangailangan
Layunin Nasusuri ang teorya ng pangangailangan
Sanggunian Pagbabago, p. 97-99
EkonomiksIV, p. 80-84
May-akda Consuelo M. Imperial et. al.
Evelina M. Viloria et. al.

 Ang pagtugon sa pangangailangan ng tao ang nagtatakda ng kung anong mga produkto at
serbisyo ang gagawin.
 Abraham Harold Maslow – ang sikologo na nagsabing maaaring ilagay sa mga baitang ang
pangangailangan ng tao kung saan may pangunahin o pisyolohikal at sekondarya. Batay ang mga
baitang na ito sa pananaw kung paano mapataas ang pagkatao sa isang lipunan.
 Pangunhing pangangailangan – may kinalaman sa likas na mekanismo ng katawan ng tao upang
mabuhay . Ito ang dapat munang tugunan ng husto bago sumibol ang iba pang pangangailangan.
Ito ang pagkain, damit at tirahan.
 Sekondaryang pangangailangan – tumutukoy sa mas mataas na antas na pangangailangan kung
saan hindi ito matutugunan kung hindi matutugunan ang pisyolohikal na pangangailangan.

5. maipatupad
ang kaganapang
pagkatao

4. mabigyan ng atensyon, Sekondaryang pangangailangan


at pagkalinga ng ibang tao

3. makisalamuha, makisapi,
at magmahal

2. pangkaligtasan/ seguridad
Pangunahing
1. Pisyolohikal pangangailangan

Mga baitang ng pangangailangan

PAGSASANAY
1. Sabihin kung anong uri ng pangangailangan ang bawat pahayag. Isulat ang bilang na
nagrerepresenta ng uri ayon sa mga bilang na nasa baitang ng pangangailangan.
a. damit ______
b. kaayusan sa lipunan ______
c. katiwasayan sa barangay na tnitirahan ______
d. paghanga sa isang kaklase ______
e. pag-aaruga ng magulang ______
f. pagnanais na maging isang doktor ______
g. paghahanap ng kaibigan ______

2. Ano ang mangyayari sa tao kapag hindi nya matugunan ang kanyang mga pangangailangan sa
buhay? Ipaliwanag. ( 5 sentences)

Gawain Blg. 21
Paksa Uri ng Pagkonsumo
Layunin Naiisa-isa ang mga uri ng pagkonsumo
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et. al. Pahina: 107-108

Ang pagkonsumo o consumption ay tumutukoy sa pagbili, paggamit ng mga produkto, at


serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at magtamo ng kasiyahan. Ito ay mahalaga sa
ekonomiya ng bansa sapagkat dito nakasalalay ang pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pang-
ekonomiya.

MGA URI NG PAGKONSUMO


1. Tuwiran o direkta
 Nagaganap kapag sa ating pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo ay nagtatamo kaagad
tayo ng kasiyahan at kapakinabangan.
 Halimbawa: Bumili ang isang mag-aaral ng mineral water dahil siya ay nauuhaw.
2. Produktibo
 Ang pagbili ng mga produkto upang gamitin sa paglikha pa ng ibang produkto.
 Halimbawa : Ang pagbili ng intermediate goods tulad ng tela upang makagawa ng bestida.
3. Maaksaya
 Ang paggamit na hindi tumutugon sa mga pangangailangan at sa halip, tumutugon lamang sa
hilig o sa kagustuhan ng tao.
 Halimbawa: Ang pabayang paggamit ng tubig na hinahayaang tumulo mula sa gripo.
4. Mapanganib
 Ang pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao.
 Halimbawa: Ang paggamit ng pinagbabawal ng gamot na magiging dahilan upang masira ang
kanyang kaisipan at pagkatao.

PAGSASANAY
1. Ano sa salitang Ingles ang pagkonsumo?
2. Punan ang hinihingi sa loob ng bawat kahon.
Mga Uri ng Pagkonsumo Sariling Halimbawa ng mga Uri ng Pagkonsumo
1. Tuwirang Pagkonsumo 1.
2. Produktibong Pagkonsumo 2.
3. Maaksayang Pagkonsumo 3.
4. Mapanganib na Pagkonsumo 4.

3. Sa iyong palagay, ano ang iyong magiging kinabukasan kung ikaw ay gumagawa ng mapanganib na
pagkonsumo? Ipahayag ang sagot sa pamamagitan ng isang guhit.
Gawain Blg. 22
Paksa Mga Salik na Nakaiimpluwenya sa Pagkonsumo
Layunin Nasusuri ang mga salik na nakaiimpluwenysa sa ating pagkonsumo
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et. al. Pahina: 108-109

Bagaman halos magkakatulad ang pangunahing pangangailangan ng tao, iba-iba ang


pamamaraan ng pagkonsumo.
Kung hangarin ng tao na matamo ang kasiyahan, magiging makatwiran ang bawat isa sa pagbili
at paggamit ng produkto at serbisyo.
Ang mga sumusunod ang mga bagay na nakakaapekto sa desisyon ng mamimili.
1. Kita
 Ang kita ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto at
serbisyo.
2. Okasyon
 Ang pagbibigay ng regalo ay ginagawa ng tao kapag may okasyon na magaganap tulad ng
kaarawan at araw ng pagtatapos.
3. Pag-aanunsyo
 Ito ang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto.
 May iba’t ibang paraan upang ipakita ang pag-aanunsyo ng produkto.
4. Presyo
 Ito ang salik na maglilimita o makadaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
 Ang pag-alam sa presyo o halaga na katumbas ng produkto at serbisyo ay mahalaga upang
mabatid kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto.

5. Pagpapahalaga ng Tao
 Ang ugali ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pagkonsumo.
 Halimbawa: Ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga
bagay bago ito bilhin.
6. Panahon
 Nagbabago o nag-iiba ang kinukunsumong produkto sa bawat kalagayan ng panahon.
 Halimbawa: Mas tinatangkilik ang pagbili ng kapote at payong sa panahon ng tag-ulan.
7. Panggagaya
 Ang paghahangad ng tao na makabili ng produkto na ginagamit ng kapatid, kaibigan o maging
kapitbahay ang siyang dahilan kung bakit ang pagkonsumo ng tao ay nagbabago.

PAGSASANAY

1. Ang ____________ ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto at


serbisyo.

2. Magbigay ng mga halimbawa batay sa iyong mga karanasan na nagpapakita ng mga salik ng
pagkonsumo na nakasulat sa loob ng kahon.
Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pagkonsumo Halimbawa
a. Okasyon a.
b. Pag-aanunsyo b.
c. Presyo c.
d. Pagpapahalaga ng Tao d.
e. Panahon e.
f. Panggagaya f.

3. Bilang isang matalinong mamimili, alin sa mga salik ang dapat bigyan ng kahalagahan upang maiwasan
ang pagkasira ng iyong badyet? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang tatlong (3) pangungusap

Gawain Blg. 23
Paksa Ang Kulturang Pilipino at Pagkonsumo
Layunin Natutukoy ang mga aspeto ng kulturang Pilipino at kaugnayan ng mga ito sa
pagkonsumo
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et. al. Pahina: 92-95

May mga aspeto ng kulturang Pilipino na nakaapekto sa pagkonsumo.


Dahil sa pagkakasakop sa Pilipinas ng mga dayuhan, nagkaroon ang mga Pilipino ng
kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa ng mga dayuhan o colonial
mentality.
pagkakaroon ng mahigpit na bigkis ng pamilyang Pilipino.
 Iba’t ibang gawain ang ipinapakita ng mga mag-anak upang ipadama sa bawat kasapi ang
pagmamahal at pakikiisa.
Halimbawa: Ang pagtutungo ng mag-anak sa mga parke o resort at ang pagpunta sa mall
upang manood ng sine.
Ang epekto ng kapaligiran sa nalinang na kultura ay nagdudulot ng pagkakaiba ng
pagpapahalaga ng konsyumer sa kanyang panlasa, at pagpili sa mga bagay at serbsiyong
kanyang gagamitin.
Halimbawa: Higit na mataas ang konsumo ng tinapay, isda, karne at gulay sa mga taga
lungsod. Sa mga taganayon naman, higit na mataas ang konsumo ng bigas at mais.
Dahil sa pagiging mahusay makisama ng mga Pilipino, nais nilang bumili sa mga taong
pinagkakatiwalaan nila o ang konsepto ng “suki’’
Halimbawa: Maaaring walang balak ang isang mamimili na bumili ng karne subalit nang
madaanan ang kanyang suki sa palengke, nahikayat din siyang bumili.
Tuwing araw ng pasahod, may mga mangagawang halos walang naiuuwi sa pamilya. Ang
dahilan, hindi sila marunong magbadyet ng kita. Tinatawag silang “isang araw na
milyonaryo.”
Nakikita rin ang diwa ng rehiyonalismo sa mga konsyumer at prodyuser. Ikinakabit ng
mga prodyuser ang lalawigan o bayan kung saan ginawa ang isang kalakal at ang
paggawa ng kalakal na ito ang nagiging espesyalisasyon ng naturang pook.
Halimbawa: Ang calamay ng Bohol; ang otap ng Cebu; at ang mangga ng Guimaras
Ang pagkamalinis at pagkamaayos sa katawan ay isa din katangian ng mga Pilipino, lalo na
sa mga kabataan.
Halimbawa: Maliban sa paliligo at pagbibihis, ang mga Pilipino ay gumagamit na iba’t
ibang produkto tulad ng sabon, dodorant at iba pang gamit na pampaganada.
Kahanga-hanga ang mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon. Dahil sa
hangaring makatapos ng pag-aaral ang mga anak, naaapektuhan ang estilo ng pamumuhay
ng pamilya.
Ang amor propio kaya’t kahit walang kakayahang bumili, makapagmalaki lamang siya sa
kanyang kapitbahay o sa mga kakilala, siya ay mangungutang.
Malakas din ang loob ng mga Pilipino na makipagsapalara kaya karaniwang sinasambit ang
“baka sakali” o “bahala na.”
Halimbawa: Maraming Pilipino ang nagiging biktima ng illegal recruiter. Gumugugol sila ng
malaking halaga sa pagnananis na makapagtrabaho sa ibang bansa.
PAGSASANAY
1. Ano ang mas nakasanayang kainin ng mga Pilipino? bigas o tinapay
2. Ibigay ang mabuti at masamang epekto sa mga sumusunod na kaugalian.
KAUGALIAN MABUTING EPEKTO MASAMANG EPEKTO
1. Pagkakaroon ng suking tindera 1. 1.
2. “Isang araw na 2. 2.
milyonaryo”(one day millionaire)
3. Amor Propio (Love of Oneself) 3. 3.
3. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa iyong pagkonsumo at badyet kung mahilig ka sa pagsambit
ng “baka sakali?”

Gawain Blg. 24
Paksa Pamantayan sa Pamimili
Mga Karapatan ng Mga Mamimili
Layunin Napatutunayan ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan
sa pamimili
Naipagtatanggol ang mga Karapatan Bilang Mamimili
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et. al. Pahina: 96-99

 Upang matamo ng mamimili ang higit na kasiyahan sa pamamagitan ng pagbili ng


pinakamahusay na mga produkto sa pinakamababang halaga, sundin ang sumusunod na mga
pamantayan sa pamimili.

1. Isaayos at itala ang bibilhin ayon sa kahalagahan.Unahin ang mga pangunahing


pangangailangan.
2. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin.
3. Iwasang bumili ng gamit na hindi kailangan dahil lamang mayroon ang kapitbahay.
4. Iwasan ang pagbili ng gamit na second hand at wala sa kondisyon sapagkat kung minsan, higit na
magastos ang pagkukumpuni at pagpapagawa nito.
5. Lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo o halaga ng nais bilhing produkto.
6. Magtanung-tanong ng halaga o presyo sa iba’t ibang tindahan upang makapagtipid at mapipili
ang mahusay na uri.
7. Isipin ang kapakinabangan ng isang bagay o gamit.
8. Piliin ang wastong panahon ng pagbili.
9. Piliin kung saan mahusay mamili at magpasya kung ano ang bibilhin, mahalaga ring malaman
kung kalian at saan mamimili.

Ang mga karapatan ng mga mamimili ay ang mga sumusunod.

1. Karapatan sa kaligtasan o proteksyon laban sa mga produkto na nakasasama sa buhay at


kalusugan.
2. Karapatan sa kaalaman bilang proteksyon sa mga panloloko, gayundin upang makatulong sa
paggawa ng matalinong pasya.
3. Karapatang mamili.
4. Karapatang mapakinggan o mapangalagaan ang kanilang kapakanan lalo na sa paggawa ng
mga patakaran ng pamahalaan.
5. Karapatan sa pagtanggap ng kabayaran sa mga panloloko sa mga produktong binili o sa
serbisyong ginampanan.
6. Karapatan sa kalayaan at pagkapantay-pantay.

PAGSASANAY
1. Ano ang dapat unahin sa pagbili?
2. Ibigay ang mga dahilan kung bakit dapat sundin ang mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Dahilan
1. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin 1.
2. Iwasan ang pagbili ng second 2.
3. Piliin ang wastong panahon sa pagbili 3.
3. Ano ang karapatan na dapat ipaglaban batay sa mga sumusunod na sitwasyon?
SITWASYON KARAPATAN
1. Pinilit ka ng isang tindera na bilhin ang kanyang 1.
paninda.
2. Ang produkto ay hindi nilagyan ng expiry date. 2.
4. Bilang isang matalinong mamimili, paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili kung ikaw ay
tinakbuhan ng isang plastic surgeon matapos ang pagsagawa ng maling proseso sa pagretoke ng
iyong mukha?

Gawain Blg. 25
Paksa Mga Suliranin ng mga Mamimili
Layunin Natutukoy at Nabibigyan ng Solusyon ang mga Suliranin ng mga Mamimili
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et. al. Pahina: 98-99

Maraming tanong ang pumapasok sa isipan ng isang mamimili. Mura ba o mahal ang nabili?
Katumbas ba ng halaga ng salaping ibinayad ang halaga ng pinamili? Nasiyahan ba siya s kanyang binili?
Marami pang mga suliranin ang makakaharap kapag nasa pamilihan.
Kabilang sa mga suliranin ang mga sumusunod:
1. Pagkalito sa Dami ng Paninda  Nahihirapan ang konsyumer na pumili ng
gamit na natutugma sa partikular na
pangangailangan?
 Masuhay ba ang ganitong uri o hindi?
2. Kakulangan sa Pamantayan  Mahirap makabili ng bagay na ayon sa
hinahanap sapagakat kung minsan,
nagkakaroon ng kunting pagkakaiba sa
kulay, sukat, uri at hugis.
 Kalimitan sa mga pagawaan ay kulang sa
pamantayan.
3. Pandaraya  Isang uri ng pandaraya ay ang panloloko ng
ahensya sa trabaho na mangangako ng
trabaho sa ibang bansa at pagkatapos
makuha ang pera ng aplikante, bigla na
lamang isasara ang ahenysa.
 Mayroon ding nanloloko sa mga nagbibili ng
pekeng securities o investment.
 Panloloko sa pamilihan tulad ng timbangan,
sa sukat at sa uri ng produkto.
 Panlolokong adulterasyon tulad ng
pagdaragdag ng tubig sa suka at gatas na
sariwa ng gata ng niyog.
4. Pagbili ng Cash o Hulugan  Nagbibigay ang negosyante ng credit (mula
sa salitang Latin na crediere na ang ibig
sabihin ay “naniniwala”) ng gamit o
produkto na babayaran sa takdanga
panahon o nagpapahiram ng pera sa mga
taong pinagkatiwalaan.
 Upang makatamo ng mahusay na credit
rating, kailangan ang karangalan,
kakayahang magbayad at puhunan.
 Karangalan ang matapat na pagbabayad ng
utang sa takdang panahon.
PAGSASANAY
1. Ano ang salitang Latin na pinanggalingan ng salitang credit?
2. Batay sa mga nabanggit na suliranin, alin sa mga sumusunod ang karaniwang nararanasan ng mga
mamimili sa inyong pamayanan?
3. Magbigay ng isang solusyon na tingin mo ay makakatulong sa mga mamimili sa bawat suliranin na
nakasulat sa kahon.
1. Pagkalito sa Dami ng Paninda
2. Kakulangan sa Pamantayan
3. Pandaraya
4. Pagbili ng Cash o Hulugan

4. Alin samga sumusunod na suliranin ang dapat na bigyan ng agarang solusyon ng pamahalaan? Bakit?
Gumamit lamang ng tatlo (3) hanggang sa limang (5) pangungusap.

Gawain Blg. 26
Paksa Mga Ahensya ng Pamahalaan na Tumutulong sa Mamimili
Layunin Naiisa-isa ang mga ahensya ng pamahalaan ng tumutulong sa mamimili
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et. al. Pahina: 99-100

Pangunahing layunin ng pamahalaan ang itaguyod at pangalagaan ang mga karapatan ng mga
mamimili. Ang sumusunod ang ilan s mga ahensya ng pamahalaan na inilunsad upang tumulong sa mga
mamamayan.
Mga Ahensya ng Pamahalaan Tungkulin
 Pangunahing ahensyang nagpapatupad ng
mga batas na may kinalaman sa kalakalan at
industriya.
 Nagsasagawa ito ng pagsisiyasat ng mga
bahay-kalakal upang tiyaking sumusunod
ang mga ito sa mga itinakda ng batas.
1. Department of Trade and Industry (DTI)
 Nagpalabas din ito ng listahan ng mga
presyo ng mga pangunahing produkto na
dapat pagbatayan ng mga nagtitinda sa
presyo ng kanilang mga paninda.
 Pinarurusahan din ang nagpapataw ng higit
na mataas na presyo.
 Pinangalagaan ang kalusugan ng publiko sa
pamamagitan ng pagtiyak na ipinoproseso
sa malinis at maayos na pamamaraan ang
mga pagkaing itinitinda; bago, mabisa at
ligtas ang mga gamot; walang panganib at
2. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
inihahanda mula sa mga tamang produkto
ang mga gamit na pampaganda; at
nagtataglay ng tamang impormasyon
tungkol sa katangian at nilalaman ng
produkto.
 Nagbibigay ng mga pamantayan na dapat
3. Bureau of Product Standards (BPS) sundin ng mga kompanya at pabrikang
gumagawa ng iba’t ibang uri ng produkto.

PAGSASANAY
1. Ano ang buong pangalan ng DTI?
2. Magbigay ng isang tungkulin ng mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa mga mamimili.
a. DTI → ______________________________________________
b. BFAD →_____________________________________________
c. BPS → _______________________________________________
3. Isulat ang ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa mga sumusunod na sitwasyon. Magbigay
ng isang dahilan kung bakit sa tingin ninyo ay ito ang ahensya na dapat mangasiwa sa sitwasyon.
SITWASYON AHENSYA DAHILAN
1. Pagbili ng pekeng gamot na
dahilan ng pagkakasakit.
2. Pagtaas ng presyo ng mga
bilihin dahil sa bagyo.
3. Nakabili ng Christmas lights na
dahilan ng muntik na pagkasunog
ng bahay.
4. Pumili ng isa sa mga ahensya ng pamahalaan na nabanggit at magbigay ng isang paraan paano
ka makakatulong dito?

Gawain Blg. 27
Paksa Mga Batas na Nagbibigay-Proteksyon sa mga Mamimili
Layunin Nabibigyang-halaga ang pagiging mabisa ng mga batas ukol sa proteksyon ng mamimili.
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et. al. Pahina: 100-101

May mga batas din na nagtatakda ng mga pananagutan ng mga gumagawa at nagtitinda ng mga kalakal.
PANGALAN NG BATAS NILALAMAN NG BATAS
Itinatakada ang pagpaparusa sa panloloko sa
anunsyo, sa maling tatak, maling etiketa na
1. Batas Blg. 3340
ginagawa ng mga nag-aangkat ng produkto, mga
gumagawa ng produkto at nag-aanunsyo.
Ipinag-uutos nito ang paglalagay ng presyo sa lahat
2. Batas Blg. 71 ng produktong ipinagbibili nang tingi upang
mapabilis ang transaksyon ng nagbibili at bumibili.
May pananagutan ang nagtitinda sa mga sinasabi
3. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil tungkol sa isang kalakal upang hikayatin ang mga
mamimili.
Dapat na may tatak ng garantiya ang isang kalakal
4. Artikulo 1547 ng Kodigo Sibil upang matiyak na wala itong depekto at
pananagutan ng gumawa kung mayroon man.
Ang tao o kompanyang gumawa o nagproseso ng
pagkain, inumin, kagamitan sa katawan o katulad
na produkto ang may pananagutan sa pagkamatay,
5. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil
pagkalason, pagkakasakit at pagtatamo ng
kapinsalaan dahil sa pagkain, pag-inom at paggamit
ng mga nabanggit na kalakal o produkto.
Pagpaparusa sa mga gumagawa o nagtitinda ng
mga kalakal na ginto tulad ng hikaw na nagsasabi
6. Artikulo 187 ng Binagong Kodigo Penal
ng maling kilatis ng gintong ginamit sa pagawa
nito.
Dapat magparehistro ang mga kompanyang
7. Batas Republika 1556 gumagawa at nagtitinda ng mga pagkain ng manok,
baboy, bakat at isda.
May parusa sa pagbibili ng mga ipinagbabawal na
8. Batas Republika 4729
gamot nang walang reseta ng doctor.

PAGSASANAY
1. Ano sa salitang Ingles ang batas?
2. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga batas upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili?
Bakit?
3. Ano ang batas na sumasaklaw batay sa mga sumusunod na sitwasyon?
SITWASYON BATAS
1. Nakabili ka ng isang blouse na akala mo ay 1.
imported dahil etiketa na nakalagay nito ngunit
nalaman mo nap eke pala ito.
2. Gumagawa ng pagkain ng baboy ang iyong 2.
pamilya. Subalit hindi ito nakarehistro dahil
magastos ang proseso.

4. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari sa ating mga mamimili kung wala tayong batas na
nagbibigay-proteskyon sa atin?

Gawain Blg. 28
Paksa Kahulugan ng Produksyon
Layunin Nabibigyang- kahulugan ang produksyon.
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 126-127
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

PRODUKSYON - isang katawagan sa ekonomiks na tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo


upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.

 May Apat na pangunahing pangangailangan bago makalikha ng isang produkto o serbisyo,ang


mga ito ay tinatawag na Salik ng Produksyon
1. Lupa
2. Lakas-paggawa
3. Puhunan
4. Kakayahan ng entreprenyor o tagapamahala
Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya.

 Dumaraan ang paggawa ng isang produkto sa iba’t ibang proseso o yugto.


 Dahil sa bisa ng espesyalisasyon, may mga bahay-kalakal na tagagawa ng mga hilaw na materyal,
at meron naman na tagagawa ng sekundaryang produkto.
 May angkop na proseso, kagamitan at panahon ang bawat anyo ng produksyon upang magawa
ang isang produkto.

May anim na anyo ng produksyon.

1. Elementary Utility (natural utility) – hindi na kailangan pang dumaan sa kahit na anong
prosesong gawa ng tao. Isa itong produkto na kaagad pakinabangan ng tao tulad ng prutas
at gulay.
2. Form Utility – ito naman ang mga bagay na nagmumula sa natural utility subalit hindi sapat
ang kasiyahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sumailalim sa isang proseso upang
mabago ang anyo. Halimbawa nito ang trosong nagiging kasangkapan, butil ng palay na
ginagawang arina.
3. Time Utility – Mga produktong ginagawa sa angkop na panahon. Halimbawa ang pagtitinda
mga napapanahong pag-kain tulad ng halu-halo, samantalang lugaw naman kung tag-ulan.
4. Service Utility – Ito ay anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao. Ito ay
binabayarang serbisyo, halimbawa ang serbisyo ng abogado, ng gwardya at iba pa.
5. Possession o Ownership Utility – hindi na kailangang baguhin pa ang produkto subalit
kailangang ipagbili sa taong higit na nakikinabang. Halimbawa – alahas.
6. Place Utility – mga produktong tataas ang kapakinabangan at halaga kapag inililipat sa ibang
lugar. Halimbawa- ang prutas galing sa davao ay tataas ang utility kapag ito ay iniluwas sa
Japan. Ang bigas sa gitnang Luzon kapag dinala sa Maynila ay tataas ang halaga.

 Batay sa mga uri na nabanggit,iniaayon ng mga tao ang kanilang mga gawaing pangkabuhayan.
PAGSASANAY

1. Ano ang produksyon?


2. Bakit mahalaga ang produksyon?
3. Maglista ng tig tatlong halimbawa sa bawat anyo ng produksyon. Huwag kopyahin ang mga
halimbawang naibigay na.
4. Sa inyong lugar alin sa mga anyo ng produksyon ang napapansin ninyo na ginagawa ng mga
tao?

Gawain Blg. 29
Paksa Lupa Bilang Salik ng Produksyon
Layunin Naipaliliwanag ang gamit ng lupa bilang salik ng produksyon
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 129-130
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

Lupa Bilang Salik ng Produksyon

 Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.
Halimbawa nito ang matatabang lupang pinagtataniman, ang mga lupang patulan, lupa sa
lungsod at iba pa.
 Bahagi rin ng lupa ang mga palaisdaan noong latian pa ito.
 Nasasama rin sa kabuuan ng pakahulugan ng lupa ang kagubatan at minahan.
 Itinuturing ang lupa na isa sa mga kapaki-pakinabang na yamang maaaring dagdagan o
mabawasan.
 Kung minsan lumalaki o lumiliit ang lupa sa pamamagitan ng pagtambak ng lupa sa latian, ang
paghahango ng lupa sa dagat na tinatawag na reclamation area.
 Maaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay, pagtatayuan
ng mga tanggapan, paggawaan, paaralan at iba pa.
 Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa.

May dalawang anyo ang upa sa lupa


1. Upang pangkomersyal tulad ng upa sa bahay, upa sa palengke o upa sa opisina
2. Rentang pang-ekonomiya – ang upa sa lupang walang binago, walang gusali,
patubig, pilapil at iba pa.

 Rent Control Law ( Batas Pambansa Blg. 877)


- Ang batas na pumipigil sa pagtaas ng upa sa lupa.
- Ang patakaran sa buwanang upa at sukdulang dagdag ang isa sa mahalagang isinasaad sa
batas na ito.

PAGSASANAY

1. Bakit ang lupa ay itinuturing na isa sa mga salik ng produksyon?


2. Anu-ano ang gamit ng lupa bilang salik ng produksyon?
3. Bakit mahalaga ang lupa?
4. Gumuhit ng isang larawan na magpapakita ng pakinabang na makukuha mula sa lupa.
Gawain Blg. 30
Paksa Lakas-paggawa Bilang Salik ng Produksyon
Layunin Natatalakay ang lakas-paggawa bilang salik ng produksyon
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 130-131
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

Lakas-paggawa

 Pinakamahalagang salik ng produksyon


 Maituturing na lakas-paggawa ang lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-
pakinabang na bagay.

 Ang lakas-paggawa ay binubuo ng mga taong nasa edad na 15 taon pataas na may
kakayahang magtrabaho, may hanapbuhay man o wala. May sapat na lakas, kasanayan at
kakayahan ang mga taong ito upang makibahagi sa mga produktibong gawain ng isang
ekonomiya.

Dalawang Uri ng Paggawa

 Batay sa uri ng paggawang kinakailangan sa trabaho – walang kasanayan, may kaunting


kasaayan, may kasanayan, klerikal at propesyonal
 Batay sa anyo ng gawain – pangkaisipan o pisikal.

PAGSASANAY

1. Bakit itinuring ang lakas-paggawa na pinakamahalagang salik ng produksyon?


2. Matatawag din bang lakas-paggawa ang pag-iisip ng isang tao? Bakit?
3. Ano ang dalawang uri ng paggawa? Alin sa mga ito ang higit na kailangan ng ating bansa? Bakit?
Gawain Blg. 31
Paksa Sahod ng Manggagawa
Layunin Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sahod ng manggagawa
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 131-132
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

SAHOD
- Kabayaran ng mga manggagawa sa mga serbisyo o paglikha ng produktong makatutugon sa
pangangailangan ng tao.

 Tumatanggap ang karamihan sa mga manggagawa ng sahod na maaaring arawan, lingguhan o


buwanan.
 May sahod na batay sa haba ng oras ng paggawa.
 Mayroon namang batay sa bilang ng natapos na trabaho.
 Sahod naman ng mga salesman ang komisyon at batay ito sa dami ng produktong naipagbili.
 Ibinibigay ang bonus sa mga tagapamahala at kawani sa pagtulong sa kompanyang kumita ng
malaking tubo. Karaniwan itong ibinibigay sa pagtatapos ng taon.

Batayan ng Pasahod

1. Teoryang Pantawid-buhay – Ibinabatay sa halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng


manggagawa ang ibinabayad sa kanila.
2. Teoryang Batay sa Pondong Nalikom – May bahagi sa kita ang iba’t-ibang salik ng
produksyon.Upang madagdagan ang sahod ng manggagawa kailangang magtipid ng
malaking halaga ng kapital o liitan ang suplay ng manggagawa.
3. Teorya Batay sa Lumiliit na Kapakinabangan ( Law of Diminishing Returns) – Ipinahihiwatig
nito na kung iisang salik lang ng produksyon ang dinadagdagan at ang iba ay hindi, ang
itataas ng bilang ng produkto ay hindi kapantay sa itinaas sa gastos sa sahod.

Minimum na Sahod
 Ito ay itinatakda para sa manggagawang agrikultural at industriyal. Nakaatang sa mga Regional
Wage Board ang pagpapasya sa pagtaas ng sahog ng mga kawani.

Pagbabayad ng Sahod
 Kailangang bayaran ng tseke o cash ang kawani at hindi kung anu-anong bagay. Labag sa batas
ang pagbabayad ng coupon, ticket o chit.
 Kailangang ibigay ang saho tuwing ika-15 araw o tuwing katapusan ng buwan.

PAGSASANAY

1. Ano ang pinagbabatayan ng laki ng sahod ng isang manggagawa?


2. Ano ang mga teorya na nagpapaliwanag tungkol sa pasahod?
3. Bakit kinakailangang magtakda ng minimum na sahod para sa mga manggagawa ang
pamahalaan?
4. Kung sakaling ikaw ay magtatrabaho na, paano mo pahahalagahan ang iyong sahod na
matatanggap? (5 sentences)

Gawain Blg. 32
Paksa Pangangalaga sa Lakas-paggawa
Layunin Natatalakay ang kahalagahan ng pangangalaga sa lakas-paggawa o labor force
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 132
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

 Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga manggagawa sa ekonomiya. Upang makatulong sila
nang lubos sa produksyon, kailangang pangalagaan ang kanilang kapakanan.

 Artikulo II, Seksyon 18 ng Saligang Batas


- Nagsasaad na naninindigan ang ang Estado na isang pangunahing pwersang
pangkabuhayan ng lipunan ang paggawa.
- Nararapat na pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang
kanilang kapakanan.

Ang Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas

- Ang kalipunan ng lahat ng mga batas –panlipunan at pangmanggagawa sa bansa.


- Napapaloob sa kodigo ang sumusunod na mga probisyon:
1. Pagtanggap ng mga bagong kawani at paglagay sa angkop na kalagayan.
2. Kalagayan sa kompanya
3. Kalusugan,kaligtasan at kapakanang panlipunan
4. Pag-uugnayan ng kawani at nililingkuran
5. Pagwawakas ng trabaho at pagreretiro
- Pinangangalagaan ng kodigo ang mga mamamasukan laban sa hindi makatarungang pagtanggal
sa kanila sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga probisyong kailangang sundin tungkol sa
pagwawakas ng trabaho.

PAGSASANAY

1. Anong mga batas ang nangangalaga sa kapakanan ng lakas-paggawa?


2. Bakit kailangang pangalagaan ang kapakanan ng lakas-paggawa?
3. Sa iyong palagay, ipinatutupad ba ang batas na nangangalaga sa kapakanan ng lakas-paggawa?
Patunayan.
Gawain Blg. 33
Paksa Pagwawakas ng Trabaho at Pagbibitiw sa Trabaho
Layunin Natutukoy ang mga dahilan ng pagwawakas at pagbibitiw sa trabaho
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 133
May-akda Evelina M. Viloria et.al

Pagwawakas ng Trabaho ( Termination)

- May mga pagkakataong may mga mamamasukang bigla na lamang tinatanggal sa kanilang
pinaglilingkuran.
- Upang mapangalagaan sila sa ganitong sitwasyon, itinatakda ng batas na maaari lamang
tanggalin sa trabaho ang manggagawa kung nakagawa siya ng alinman sa sumusunod:
1. Tuwirang hindi pagsunod o maling kaasalan
2. Palagiang pagpapabaya sa gawain o tungkulin
3. Panlilinlanng,pandaraya o panloloko
4. Pagkakasa o paggawa ng masama sa pinaglilingkuran o sa kasapi ng pamilya nito

Pagbibitiw sa Trabaho (Resignation)

- Kapag magbibitiw sa tungkulin ang isang kawani, kailangan niyang magbigay ng sulat ng
pagbibitiw sa kanyang pinaglilingkuran 30 araw bago siya magbitiw.
- Maaari siyang isakdal sa hindi pagsunod dito.
- Pinahihintulutan lamang ang pagbibitiw na hindi na kailangan ang paunawa sa pinaglilingkuran
ayon sa sumusunod na mga dahilan:
a. Pag-insulto ng nakatataas na empleyado
b. Pagbubuhat ng kamay o hindi makataong pagtrato ng tagapamahal
c. Paggawa ng krimen o kasalanang mabigat ng tagapamahala sa empleyado o sa kasapi
ng kanyang pamilya

PAGSASANAY

1. Magbigay ng isang dahilan ng pagkatanggal sa serbisyo.


2. Kaninong manggagaling ang desisyong pagtatanggal sa trabaho?
3. Kanino manggagaling ang desisyon sa pagbibitiw sa trabaho?
4. Magbigay ng isang maaaring maging epekto sa pagkatanggal ng isang kawani sa trabaho?
Gawain Blg. 34
Paksa Uri ng Hanapbuhay
Layunin Napaghahambing ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 132 - 133
May-akda Evelina M. Viloria et.al

 Mahalagang malaman ng kawani ang uri ng kanyang hanapbuhay upang mapangalagaan niya
ang sarili laban sa hindi makatarungang pagkatiwalag sa kanyang pinaglilingkuran.

Mga Uri ng Hanapbuhay/Kalagayan sa Pinapasukan

1. Pansamantala o Paanahon ng Pagsubok (Probationary) – Sa unang anim na buwan ng


pamamasukan kapag mahusay ang ipinapakitang trabaho sa kompanya, maaaring maging
palagian o permanente ang pagtatrabaho.

2. Palagian (Regular/Permanent) – kapag nakabuo ang namamasukan ng anim na buwan na


paglilingkod nang buong husay.

3. Kontraktwal – kung ang kinuhang mamasukan ang kawani sa isang tiyak na proyekto.
Magwawakas ang trabaho pagkatapos ng proyekto.

4. Pamanahon – kapag kinuha ang isang tao na magsilbi sa partikular na panahon ng taon.
Halimbawa nito ang pag-upa ng mga asendero sa mga sakada o tagatanim ng tubo sa Negros
at Tarlac tuwing panahon ng pagtatanim at pag-ani.

5. Hindi pirmihan o casual – kapag kinuha siya ng kompanya kung kinakailangan lamang o kung
malakas ang negosyo.

PAGSASANAY
1. Punan ang hinihingi ng talahanayan.

Uri ng Hanapbuhay Paglalarawan/katangian Halimbawa

Kinukuha kung kinakailangan


1.________________ lamang. 2.____________________________
3._________________________
2.Kontraktwal Kinukuha ang taong magsilbi sa 4._____________________________
partikular na panahon ng taon.
5._________________ 7.________________________ 6._____________________________
9.________________________
Palagian 8._____________________________

Pansamantala 10.____________________________

2. Aling uri ng hanapbuhay ang gusto mong mapasukan balang araw? Bakit?

Gawain Blg. 35
Paksa Kalagayan sa Paggawa
Layunin Nasusuri ang kalagayan sa paggawa ng mga kawani
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 133 - 134
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

Nakasalalay ang paggawa ng bawat kawani sa sumusunod:


1. Oras ng Paggawa
- Walong (8) oras lamang sa isang araw
- Binabayaran ng overtime pay kapag lumabis sa walong oras ang pagtatrabaho.
- Hindi dapat bababa sa 25% ng kanyang sahod ang overtime pay.
- Binibigyan din ng isang (1) oras na pamamahinga (break).
- Binibigyan ng night differential pay kapag nagsisilbi sa gabi (10% ng kanyang regular na
sahod).

2. Lingguhang Pahinga
- Binibigyan ng 24 oras o isang araw na pahinga o rest day matapos ang anim na araw na
pagtatrabaho.
- Kung nagtatrabaho siya sa araw ng pamamahinga, bibigyan siya ng karagdagang
kabayaran na hindi bababa sa 30% ng kanyang regular na sahod.

3. Araw ng Pangilin, Pista at Bakasyon


- Hindi kailangang magtrabho ang kawani sa mga tanging araw ng pangilin.
- Kung sakaling aatasan na magtrabaho sa nasabing araw ng pangilin babayaran siya ng
doble sa regular na kita niya.
- Kung tanging pista opisyal na ipinahayag ng pangulo, babayaran siya ng hindi bababa sa
30% na karagdagan sa kanyang regular na kita.
- Kung tatama ang pista opisyal sa araw ng kanyang pamamahinga, bibigyan siya ng hindi
bababa sa 50% ng kanyang regular na sahod.

PAGSASANAY

1. Ilang oras ang igugugol ng bawat kawani sa pagtatrabaho sa isang araw?


2. Ano ang matatanggap ng manggagawa sa pagtatrabaho ng labis na oras sa inaasahan?
3. Kailan pwedeng hindi magtrabaho ang mga kawani?
4. Naipapatupad ba ng husto ang mga nabanggit na pribelihiyo sa mga manggagawa? Patunayan.
(5 sentences)
Gawain Blg. 36
Paksa Pag-eempleyo ng mga Kabataan at Kababaihan
Layunin Naipaliliwanag ang mga pribilehiyo ng mga manggagawang kabataan at kababaihan
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 134 - 135
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

Pag-eempleyo ng mga Kabataan


 Maaaring mamasukan anng mga kabataan 15 taon at pataas.
 Sa gulang na ito kailangang sila ay nasa pangangalaga ng kanilang magulang at hindi naka-aabala
sa kanilang pag-aaral.
 Hindi maaring mamasukan sa mapanganib na trabaho ang mga kabataan na wala pang 18 taong
gulang.
 Ito ay ayon sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse and
Exploitation and Discrimination.

Pag-eempleyo ng Kababaihan
 Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kawaning babae, ipinagbabawal silang
magtrabaho sa gabi sa mga pagawaang industriyal, komersyal at agrikultural.
 Maaaring magtrabaho ang mga babae sa gabi kung taglay nila ang kakayahang kailangan at kung
kanyang kapamilya ang may-ari ng pagawaan.
 Kabilang din sa mga pribilehiyong ibinibigay sa mga babae ang:
- pagkakaroon ng nakahiwalay na palikuran sa lalaki,
- sentrong pinag-iiwanan ng mga sanggol (nursery),
- pagliban a trabaho nang 60 araw dahil sa panganganak kapag normal ang panganganak
at 78 araw kapag caesarian section.

PAGSASANAY

1. Sa anong edad maaaaring mamasukan ang mga kabataan?


2. Anong batas ang nagbibigay proteksyon sa mga manggagawang kabataan?
3. Anu-ano ang mga pribilehiyo ang natatanggap ng mga babaeng manggagawa?
4. Sang-ayon ba kayo sa opinyon na hindi magiging produktibong manggagawa ang mga
kababaihan dahil maraming sitwasyon at kondisyon sa kanyang pisikal na mekanismo na
magiging sagabal sa kanyang pagtatrabaho? Pangatwiranan.
Gawain Blg. 37
Paksa Pag-uugnayan ng Kawani at Pinaglilingkuran
Layunin Nabibigyang halaga ang magandang ugnayan ng kawani at pinaglilingkuran
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 135
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

Pag-uugnayan ng Kawani at Pinaglilingkuran

 Mahalaga ang pag-uugnayan ng kawani at pinaglilingkuran upang matamo ang maayos na


operasyon ng trabaho sa pagawaan o kompanya.
 Kahit na ang layunin ng may-ari ng kompanya ang tumubo, dapat isaalang-alang ang karapatan
nila ng naaayon sa batas.
 Nararapat na mahalin ng mga manggagawa ang kanilang trabaho upang tumaas ang
produksyon.
 Sa pamamagitan ng batas sa paggawa ng Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas, nais ng Estado na
maitaguyod ang pagkakasundo ng mga manggagawa at ng tagapamahala sa pamamagitan ng
sumusunod:
- Paglalapat ng kasunduang samahan para sa paglutas ng alitang paggawa
- Kalayaang magtatag ng samahan ng manggagawa
- Mabilis at makatarungang paglutas ng alitang paggawa
- Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga manggagawa
- Pagsisiskap tungkol sa kapayapang pang-industriya

PAGSASANAYA

1. Ano ang nagpapasiguro na maitaguyod ng mga kawani at pinaglilingkuran ang magandang


pag-uugnayan?
2. Bakit mahalaga ang magandang ugnayan ng kawani at namamahala?
3. Gumuhit ng isang sitwasyong magpapakita ng magandang ugnayan ng kawani at
pinaglilingkuran sa trabaho.
Gawain Blg. 38
Paksa Samahan at Unyon ng mga Manggagawa
Layunin Naipaliliwanag ang karapatan ng manggagawa ng makapagtatag ng unyon
Sanggunian Ekonomiks IV, p. 135 - 137
May-akda Evelina M. Viloria et.al.

 Pinanagutan ng Kodigo ng Paggawa ang karapatan ng mang-gagawa na magtatag ng samahan o


unyon ng manggagawa.
 Dapat na naaayon sa batas at nakarehistro sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo ang samahan
ng mga manggagawa

Collective Bargaining Agreement (CBA)


- Ang paraang ginagamit ng manggagawa upang matamo ang kanilang kahilingan.
- May malaking pagkakataon ang mga manggagawang makuha ang kahilingan kung magkakaisa
sila.
Welga
- Ito ang pansamantalang paghinto sa trabaho ng nakararaming manggagawa sa kompanya bunga
ng isang alitang industriyal.
- Ginagawa ng mga manggagawa kapag hindi nagkasundo ang tagapamahala at manggagawa.
- Maaaring magwelga ang samahan matapos ang pagsang-ayon ng hindi bababa sa dalawang
katlo (2/3) ng kabuuang kasapi nito.
Lockout
- Ito ang pansamantalang pagtigil ng trabaho sa kagustuhan ng tagapamahala bunga ng alitang
industriyal.
- Ginagawa ito ng tagapamahala kung sa akala nila ay hindi makatarungan ang hinihiling ng mga
manggagawa.

 Kapag napasama sa alitan ang mahahalagang industriya at kompanyaa at nadamay ang


pambnsang kapakanan, kailangang makiaalam ang Kagawaran ng Paggawa (DOLE) o ipapasa sa
National Labor Relations Commission (NLRC) upang sapilitan silang pagkasunduin.

PAGSASANAY

1. Sabihin kung ang ipinapahiwatig ba ng pahayag ay CBA, Welga o Lockout. Ilagay ang tsek (√) sa
tapat ng tamang sagot.
CBA Welga Lockout
1. Pinaparating ng mga manggagawa ang kanilang hinaing.
2. Pansamantalang pagpapatigil ng trabaho ng tagapamahala.
3. Maingay na paraan ng pagpaparating ng hinaing ng mga kawani.
4. Ginagamit ng tagapamahala kung hindi makatarungang ang
hiling ng manggagawa.
5. Nagagawa kung 2/3 ng kasapi ang sumang-ayon.

2. Ano ang papel na gigampanan ng pamahalaan sa alitang mamamagitan sa mga kawani at


pinaglilingkuran?

3. Sa iyong palagay, lubusan bang matutugunan ang mga hinaing ng mga kawani kung ito ay idadaan
nila sa welga? Ipaliwanag.

Gawain Blg. 39
Paksa Dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho
Layunin Nailalahad ang mga dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho
Sanggunian Ekonomiks IV Pahina:138-139
May-akda Evelina M. Villoria,et al

Mga dahilan ng kawalan ng trabaho

1. Pagpapalit ng paggawa – May pagkakataon na mawawalan ng gana o hindi na nasiyahan


sa kanyang trabaho ang kawani kaya nagpapasyang iwanan ang trabaho upang lumipat sa
ibang kompanya.
3. Dahilang Teknolohikal – Natatanggal sa trabaho ang ilan dahil sa paggamit ng bagong makina o
bagong pamamaraang mekanikal sa isang pagawaan o industriya.
4. Pag-ikot ng Negosyo – May mga panahon na humihina ang negosyo, bumababa ang demand sa
produkto kaya nagtatanggal ng mga manggagawa.

Mga epekto ng kawalan ng trabaho

1. Epekto sa ekonomiya – Kapag hindi nakapagbigay ang ekonomiya ng hanapbuhay para sa mga
taong may kakayahan at nais maghanapbuhay, nawawala ang pagkakataong makagawa ng
produkto.
2. Panlipunang epekto – Ang taong walang trabaho maaaring mapabilang sa mga taong lumalabag
sa batas upang kumita. Nakaaapekto sa lipunan at pamilya ang taong walang hanap-buhay.

PAGSASANAY

1. Gumawa ng iyong talaan ng mga dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho.

Mga dahilan ng kawalan ng trabaho Mga epekto ng kawalan ng trabaho


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
2. Gumuhit ng isang lipunan na naglalarawan sa suliranin sa kawalan ng trabaho at ang epekto nito sa
lipunan.

Gawain Blg. 40
Paksa Ang Kapital Bilang Salik ng Produksyon
Layunin Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kapital bilang salik ng produksyon
Sanggunian Ekonomiks IV Pahina 139-140
May-akda Evelina M. Villoria,et al

KAPITAL O PUHUNAN

May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan.


Nagiging maunlad ang mga industriyang pinaglalaanan ng malaking pondo.
Hindi lamang sa anyong salapi ang puhunan. Maaari ring maging puhunan ang mga produktong
gawa na ginagamit sa pagsisimula ng negosyo .

Maaaring uriin ang puhunan sa sumusunod:

1. Fixed Capital Goods


- Tulad ng pagawaan, makinarya at kagamitan.

2. Circulating Capital Goods


- Mga produkto na ginagamit upang makagawa ng iba pang produkto.

3. Produktong specialized Capital Goods


- Natatanging puhunan na magagamit lamang sa isang bukod-tanging layunin at hindi
maaaring gamitin sa ibang dahilan.

PAGSASANAY

1. Tukuyin kung anong uri ng kapital ang sumusunod:


Makinarya ___________________
Tabla ginagamit sa paggawa ng pinto ___________________
Makinang pantahi ___________________
Makinilya ___________________
Paggawaan ___________________
2. Gaano kahalaga ang puhunan sa produksyon? Ipaliwanag.

Gawain Blg. 41
Paksa Isahang Pagmamay-ari
Layunin Nailalarawan ang isahang pagmamay-ari bilang samahang pangnegosyo.
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et al Pahina : 296-299

. Ang paghahangad na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang humihikayat sa tao na


magtayo ng sariling negosyo. Ang mga samahang pangnegosyo ay may iba’t-ibang uri.
Isa sa uri nito ang :
 Isahang Pagmamay-ari (Sole Proprietorship)
- Isang samahang pangnegosyo na iisang tao ang namamahala at nagmamay-ari ng puhunan.
- Siya ang responsable sa operasyon at pagpapatakbo ng negosyo.
- Madalas na ginagampanan niya ang apat na salik ng produksyon- siya ang nag mamay-ari ng
lupa, ang puhunan na ginagamit ay galing sa sariling ipon, siya na rin ang manggagawa at
tumatayong entreprenyur, ang pinaka ulo ng negosyo, nakikipagsapalaran ng kanyang salapi
at may sapat ng kasanayan at lakas ng loob para mamahala ng negosyo.
- Ito ang pinakamatanda at pinakapangkaraniwang uri ng samahang pangnegosyo.

Nasa talaan ang ilan sa mga kabutihan at di-kabutihan ng isahang pagmamay-ari.

Kabutihan Di-Kabutihan
1. Napupunta sa may-ari ang lahat ng 1. Maliit ang puhunan kaya mahirap palaguin.
tubo.
2. Lahat ng obligasyon sa negosyo ay
2. Madali itong itatag kaysa ibang pananagutan ng isang tao lamang.
negosyo.
3. Ang pagkalugi ng negosyo ay magbubunga
ng pagkakasara ng negosyo.
3. Isang tao ang magpapasya sa negosyo
at hindi kailangan ang pagsang-ayon ng
ibang tao.

PAGSASANAY :
1. Ano ang isahang pagmamay-ari bilang samahang pangnegosyo?Magbigay ng mga halimbawa
nito.
2. Anu-ano ang mga tungkuling ginagampanan ng may-ari ng negosyo ng isahan lamang ang
nagmamay-ari?
3. Maliban sa mga nakasulat sa talaan. Magbigay pa ng mga kabutihan at di-kabutihan ng isahang
pagmamay-ari.

Gawain Blg. 42
Paksa Sosyohan
Layunin Nailalarawan ang sosyohang uri ng samahang pangnegosyo.
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et al Pahina : 297

Maliban sa isahang pagmamay-ari, isa pang uri ng samahang pangnegosyo ay ang sosyohan.

 Sosyohan (Partnership)
- Samahan ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo na maglalagay ng salapi at ari-
arian para sa pagtatayo ng isang negosyo.
- Ang lahat ng kasosyo ay may pananagutan sa pamamahala at pagpapatakbo ng negosyo.
- Ito ay may legal nakatauhan, may layunin na ayon sa batas, at may isang kasunduan na
maaring nakasulat o usapan.

May dalawang uri ang sosyohan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Limitado – Ang pananagutan ng isang kasosyo ay may limitasyon o may takdang halaga. Anuman
ang kanyang iniambag sa negosyo ay iyon lamang ang malulugi sa kanya.

2. Pangkalahatan – Lahat ng obligasyon at pagkakautang ng negosyo ay pananagutan ng bawat


kasosyo.

Nasa talaan ang ilan sa mga kabutihan at di-kabutihan ng sosyohan.


Kabutihan Di-Kabutihan
1. Ang puhunan ay mas malaki dahil 1. Lumiliit ang tubong nakukuha sa negosyo dahil
galing sa dalawa o higit pang tao. paghahati-hatian ito ng magkasosyo.
2. Mas madaling palawakin an gnegosyo. 2. May pagkakataon na hindi magkakaunawaan ang
3. May katulong at karamay sa magkakasosyo sa pagpapalakad ng negosyo dahil sa
pagpapalakad ng negosyo. magkasalungat na mga ideya.

PAGSASANAY
1. Ilarawan ang samahang pangnegosyo na sosyohan. Magbigay ng halimbawa dito.
2. Bakit sinasabing may legal nakatauhan ang samahan sa sosyohan?
3. Kung ikaw ay papasok sa sosyohang uri ng samahang pangnegosyo, anong mga bagay ang dapat
mong isaalang-alang bago ka makipagkasosyo dito? Bakit?

Gawain Blg. 43
Paksa Korporasyon
Layunin Nailalahad ang kahalagahan ng korporasyon sa ekonomiya ng isang bansa
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et al Pahina : 297-298

Kung naghahangad ang isang negosyante na magpalaki ng negosyo, maaari siyang magdagdag
ng kapital nang hindi kumukuha ng kasosyo. Maari siyang magtatag ng korporasyon bilang isa ring
samahang pangnegosyo.
 Korporasyon (Corporation)
- Isang samahan na ang may-ari ay binubuo ng maraming indibidwal na tinatawag na
stockholders na nagkasundo na magbigay ng parte sa puhunan o share of stocks.
- Ang mga stockholders ang nagmamay-ari ng negosyo at sila rin ang bumuboto ng mga
kasapi ng board of directors,mas maraming share of stocks na pag-aari, mas malaki ang
pagkakataon na maging lider ng korporasyon.
- Ang mga patakaran ng samahan ay batay sa pinagkakasunduan ng board of directors.
- Ang katauhan ng korporasyon ay walang kaugnayan sa pagkatao ng mga may-ari, hindi na
personal angrelasyon ng mga may-ari at mga manggagawa.
- Ang mga may-ari ay tumatanggap ng dibidendo bilang tubong kanilang parte sa
korporasyon.

Ang korporasyon ay maaaring :


Closed Corporation –ang stocks ay hindi ipinagbibili sa publiko bagkus sa ilang piling tao lamang
Open Corporation –ang stocks ay bukas sa lahat ng gustong maging stock holders.
Ang mga korporasyon ay palagiang nakikipag-ugnayan sa Securities and Exchange
Commission (SEC).

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kabutihan at di-kabutihan ng korporasyon.


Kabutihan Di-Kabutihan
1.Higit na makalilikom ng malaking 1. Nasakamay ng iilang tao lamang ang
puhunan at malaki rin ang tubo kapangyarihan ng korporasyon.
2.Higit na mahaba ang buhay kaysa ibang 2. Mga bayad na opisyal ang mamamahala sa
samahang pangnegosyo. korporasyon na pawang walang interes sa
3. Kung may namatay na kasapi, hindi kapakanan ng korporasyon.
apektado ang pamamalakad ng negosyo
PAGSASANAY
1. Ano ang korporasyon? Magbigay ng mga halimbawa nito.
2. Ano ang kahalagahan nito sa ekonomiya ng isang bansa?
3. Paano magiging kasapi ng korporasyon ang isang indibidwal?

Gawain Blg. 44
Paksa Kooperatiba
Layunin Nasusuri ang kahalagahan ng mga kooperatiba sa pamayanan.
Sanggunian Pagbabago IV
May-akda Consuelo M. Imperial, et al Pahina : 299

Mayroon pang ibang uri ng samahang pangnegosyo. Ito ang kooperatiba (Cooperative)
nainilalarawan bilang :
 Samahan na binubuo ng mga kasapi na kabahagi sa puhunan at tubo.
 Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili ng mga produkto at serbisyo sa
mga kasapi sa pinakamababang halaga.
 Prayoridad ng samahan ang maglingkod kay sa tumubo.
 Ang bawat kasapi ay katumbas ng isang boto sa pagpili ng board of directors kahit gaano
kalaki ang kanyang parte sa samahan.

May iba’tibang uri ng kooperatiba ayon sa gawain, layunin at serbisyong ibibigay. Ilan sa
mga ito ay ang :

 Credit
 Consumer
 Producers
 Marketing
 Service
Multipurpose
Agricultural
 Non-Agricultural
Cooperative Bank
Federation
Union

Mga Kabutihan ng Kooperatiba Mga Di-Kabutihan ng Kooperatiba


1. Kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at 1. Maliit ang tubo na natatanggap ng mga
pamamalakad ng samahan. kasapi sa saping-puhunang ipinasok sa
kooperatiba.
2. Hinahati-hati nang pantay-pantay sa mga
kasapi ang kapakinabangan ng samahan. 2. Kulang sa capital dahil maliit lamang ang
saping-puhunan na inilalagay rito.

PAGSASANAY

1. Ano ang kooperatiba? Magbigay ng mga halimbawa nito?


2. Ano ang pinakamalaking tulong na naibibigay ng kooperatiba sa mga kasapi nito?
3. Bilang kabahagi sa pagtatatag at pamamalakad ng samahan, ano ang pweding
maitulong ng mga kasapi sa pagpapalago nito?

Gawain Blg. 45
Paksa Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon
Layunin Nasusuri ang kahalagahan ng kakayahang entreprenyur sa pamayanan.
Sanggunian Ekonomiks IV
May-akda Evelina M. Viloria, et.al Pahina : 149-150

Entreprenyur
- ang tawag sa taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga naunang
salik ng produksyon upang mabuo ang isang produkto na maaaring makatugon sa
pangangailangan ng tao.
- Mahalaga ang kakayahan ng entreprenyur sa ekonomiya.
- Nakakatulong ito sa pag-ikot ng puhunan sa bansa.
- May higit na malaking tungkuling ginagampanan at panganib sa sinusuong ang
tagapamahala.

Mga Katangian ng Entreprenyur

1. Pambihirang Kakayahan – mapanlikha, makatarungan, may matalas na kaisipan sa pagpapasya


at kakayahan sa pangangasiwa.
2. Kakakayahang makipagsapalaran at pambihirang talino sa pagnenegosyo – may lakas loob na
humarap sa walang katiyakang negosyo, mahusay makipagsapalaran, may malawak at
panghinaharap na pananaw.

PAGSASANAY
1. Ibigay ang mga katangian ng isang entreprenyur. Idagdag sa listahan ang iba pang
katangian na dapat taglayin ng isang entreprenyur.
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
2. Sa iyong pananaw taglay mo ba ang mga katangiang ito? Ipaliwanag.
3. Gumuhit ng isang simbolikong representasyon na maglalarawan ng isang mahusay na
entreprenyur.

You might also like