You are on page 1of 46

Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan.

Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang daan. Nawa’y


tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya. At
buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga
nagawang pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa. Gabayan
Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw. Bigyang
lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay.
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap. Para sa
ikauunlad ng aming sarili at pamayanan. At para sa ikararangal
ng aming Paaralan at ng bansang Pilipinas. Amen
✓ Dumalo sa klase sa tamang oras
✓ Panatilihing nakabukas ang inyong video
✓ Ilagay sa mute ang inyong audio habang nagtatalakay at
✓ i-unmute ito kapag naatasang sumagot
✓ Gamitin ang chat box kung may mga katanungan
✓ Lumahok sa talakayan at mga gawain
✓ Iwasan ang pagkain habang nagkaklase
✓ Iwasan ang paggamit ng “gadgets” na hindi nakalaan sa
✓ pag-aaral
✓ Panatilihin ang respeto sa bawat isa sa lahat ng pagkakataon
YUNIT 1
MGA PANGUNAHUNG KONSEPTO NG
EKONOMIKS
ARALIN 1: Kahulugan ng Ekonomiks

➢ Kahulugan ng Ekonomiks
➢ Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks
➢ Ang Ekonomiks bilang Isang Agham at
Kaugnayan nito sa Ibang Agham
➢ Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
➢ Naipaliliwanag kung bakit itinuturing na agham
panlipunan ang Ekonomiks
➢ Naipaghahambing ang iba’t ibang pananaw sa pag-aaral
ng Ekonomiks.
➢ Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga iskolar sa
paglinang ng pangunahing kaisipan sa Ekonomiks
GAWAIN #5: KAILAN NAGSIMULA?
Bisitahin muli ang mga piling link upang matuklasan kung paano nabuo o
ipinanganak ang kaisipang Ekonomiks.

https://www.youtube.com/watch?v=cILLJM_cVY8
https://www.youtube.com/watch?v=0tWVp7FZAlg

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagsimula ang pag-aaral ng Ekonomiks?
2. Sino-sino ang mga pangunahing pilosopo at iskolar na nagpausbong ng kaisipan ng
Ekonomiks?
3. Ano-ano ang mga pangunahing kaisipan ang nabuo sa paglipas ng panahon na siyang
dahilan ng pag-usbong ng Ekonomiks?
4. Ano ang pangunahing dahilan upang ang mga kaisipang ito ay umusbong?
5. Paano ang mga kaisipang ito nakatulong upang magig produktibo ang pamumuhay ng
tao?
PAGLAGANAP NG KAISIPAN NG EKONOMIKS
➢Unang nakilala bilang political economy na sentral na
paksa ng mga pilosopo at may iba’t ibang kaisipan ang
lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa politika
at ekonomiks
➢ Nagbigay –daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista
ukol sa ekonomiks.
Ekonomista–nag-aaral batay sa pagpili at pagpapasya ng
mga tao sa lipunan, at ang epekto nito sa buong
ekonomiya.
➢Nahiwalay sa kaisipan ng political economy
dahil pinagtuunan ng pansin ng ekonomiks ang
mga gawain ng tao na may kinalaman sa
pangkabuhay at paraan ng pamumuhay
➢ Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang
mga bagay na nakakaapekto sa ekonomiyang
pamumuhay ng mga tao sa buong bansa.
Magkaibang Paniniwala ng mga Sinaunang
Pilosopo at Grupo ng mga Ekonomista

XENOPHON PLATO ARISTOLE

Mabuting Espesyalisasyon Pribadong


pamamahala at division of labor pagmamay-ari
at pamumuno (The Republic) (Topics and Rhretoric)
(Oiconomicus)
MERCANTILIST

Paglikom na yaman sa paggamit ng


likas na yaman

FRANCOIS QUESNAY at PHYSIOCRATS

pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng


wasto sa mga yamang likas
Tableu Economique– nagpapakita ng paikot na
daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya
ADAM SMITH
“Ama ng Makabagong Ekonomiks”

➢ Doktrinang Laissez- faire (Let Alone


Policy) hindi dapat nakikialam ang
pamahalaan sa pagpapatakbo ng
ekonomiya ng mga pribadong sektor, dapat
pinagtutuunang pansin ang pananatili ng
kapayapaan at kaayusan ng bansa
➢ Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga
gawain sa produksyon ayon sa kapasidad
at kakayahan sa paggawa
➢ May akda ng aklat na “An Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of
Nations”
DAVID RICARDO
➢ Law of Diminishing Marginal Returns– ang
patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay
nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa
mga ito
➢ Law of Comparative Advantage– prinsipyo na
nagsasaad na higit na kapaki-pakinabang sa isang
bansa na lumikha ng mga produkto na higit na
mura ang gastos sa paggawa (production cost)
kaysa sa ibang bansa
THOMAS ROBERT MALTHUS
➢ Binigyang pansin ang mga epekto ng
mabilis na paglaki ng populasyon.
➢ Malthusian Theory– ang populasyon ay
mas mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng
pagkain na nagdudulot ng labis na
kagutuman sa bansa
JOHN MAYNARD KEYNES
“Father of Modern Theory of Employment”

➢ Ang pamahalaan ay mas malaking papel na


ginagam-panan sa pananatili ng balanseng
ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos
ng pamahalaan.
➢ May akda ng aklat “General Theory of
Employment, Interest, and Money”
KARL MARX
“Ama ng Komunismo”

➢ Naniniwala sa pagkakaroon ng
pagkakapantay ng tao sa lipunan
➢ Naniniwala na ang dapat na magmay-ari ng
mga salik ng produksyon at gumawa ng
desisyon ukol sa produksyon at
distribusyon ng yaman ng bansa.
➢ Isinulong na ang rebolusyon ng mga
proletariat ang magpapatalsik sa mga
kapitalista
➢ May akda ng aklat “Das Kapital” (aral ng
komunismo)
➢ Kasamang may akda ni Friedrich Engels
“Communist Manifesto”
Mga Kaisipang Nalilinang sa Pag-aaral ng Ekonomik:

a. pampulitika
b. pangkabuhayan
c. pangmoralidad
GAWAIN #6: SCIENTIST KA BA?
Panoorin ang mga susunod na video tungkol sa scientific method. I-klik
ang mga sumusunod na link.
1. https://www.youtube.com/watch?v=wlb7tLJy5AI video on
scientific method song
2. https://www.youtube.com/watch?v=BVfI1wat2y8 ito ay
naglalaman ng The scientific Method: Steps, Terms and
Examples
Mula sa video, gawan ng cycle graphic organizer ang mga
hakbang sa siyentipikong pamamaraan.
Sa cycle na ito, masasabi mo bang ang Ekonomiks ay isang
agham? Paano?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga hakbang ng siyentipikong pamamaraan?
2. Ano ang mangyayari kapag kulang ang hakbang?
3. Ano ang mangyayari kapag nagkamali sa isa sa mga hakbang?
4. Ano ang kaibahan ngEekonomiks sa iba pang mga agham?
5. Paano ang siyentipikong pamamaraan nakatutulong sa iyong
matalinong pagpapasiya?
6. Ano ang wastong pag-uugali ang dapat taglayin kapag
nahaharap sa isang suliranin?
Ang Ekonomiks Bilang Agham:

Isinasagawa ang Siyentipikong


Pamamaraan upang suriin ang mga
suliranin at kaganapan na may kaugnayan
at epekto sa ekonomiya.
(polusyon, korapsyon, trapiko)
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Siyentipikong Pamamaraan (Scientific Method)

I. Pagtukoy ng Suliranin
II. Pagbibigay ng Hypothesis
III.Pangangalap ng mga Datos at Impormasyon
IV.Pagsusuri ng Datos at Impormasyon
V. Pagbibigay Kongklusyon at Rekomendasyon
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

KASAYSAYAN
AGHAM
SOSYOLOHIYA
PAMPULITIKA

MATEMATIKA ETIKA

EKONOMIKS

PISIKA HEOGRAPIYA

NATURAL
KEMISTRI
SCIENCE
BIYOLOHIYA
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Agham Pampulitika– sistematikong pag-aaral ng buhay


pulitikal
➢ Ang mga political scientists ay sinisikap sagutin ang
mga katanungang tulad ng ano ang dahilan ng
pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan, kaninong
kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan
Kasaysayan- nagawang pagpupunyagi upang labanan ang
kasalukuyang sitwasyon na ginawa ng tao sa iba’t ibang
panahon
➢ Ang ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay dahil ang
gagawing desisyon ngayon sa pamumuhay ay ibabatay
sa nakaraan. Ang kasaysayan ay bahagi ng anumang
pangyayari ng ekonomiya
Hal. panahon ng pananakop
Sosyolohiya- pag-aaral ng pinagmulan at estraktura ng
lipunan
➢ Ang kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi,
paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay
nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay ng tao.
Hal. estado ng lalaki at babae bilang mag-asawa
Etika- may kinalaman sa moralidad at pagawa ng tama o
mali sa buhay.
➢ Ang disiplina at wastong moralidad ng tao ay
mahalagang elemento na kaylangang taglayin ng
mamamayan bilang kabalikat ng pamahalaan sa
wastong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya
Hal. kaasalan ng Tao
Heograpiya- tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang
pisikal ng bansa, klima, pinagkukunang yaman, at iba
pang aspetong pisikal ng tao
Hal. kalamidad
Natural Sciences- pag-unawa sa mga kaganapan sa
ating kapaligiran
➢ Ang mga nagaganap na pagbabago sa ating
kapaligiran at maging sa kalikasan ay nakakaapekto
sa kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na
pinagtutuunan ng ekonomiks
Pisika- pag-aaral ng mga bagay, enerhiya at
mga teknolohiya na ginagamit upang mapaunlad ang
enerhiya
➢ Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa pisika dahil
lahat ng pagbabago at pagpapaunlad sa mga
bagay at enerhiya ay nakaaapekto sa paggawa at
supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao
Kemistri- may kinalaman sa pag-aaral ng
iba't ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng
mga bagay
➢ Ang uri ng kemikal na ginagamit sa
mga patanim bilang pataba at pamatay peste ay
bahagi ng gastusin sa produksiyon. Sa pagbibigay ng
presyo ng mga produkto ay binabase sa gastusin,
kaya dito makikita ang ugnayan ng kemistri at
ekonomiks.
Biyolohiya- pag-aaral sa mga bagay na may buhay
➢ Ito ay may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao,
hayop, at halaman ay kailangan sa ekonomiya.
Matematika- pag-aaral ng teorya ng numero, tsart,
graph, at pagbuo ng matemathical formula o
mathematical equations
➢ Sa tulong tsart, graph, at equations ay madaling
mauunawaan ang mga ekono-nimiyang kaganapan
tulad ng pagtaas ng presyo, paglaki ng produksyon,
tamang pagbabadyet at iba pa.
Pagpili at Pagdedesisyon
Ang tao na nakapili ng isang bagay na bibilhin o
gagawin ay tanda na siya ay nakagawa ng
pagdedesisyon.
MGA URI NG PAGPILI:
Individual Choice- pagawa ng pagpili at
pasya ng indibidwal upang matugunan
ang kanyang pangangailangan dahil sa
limitadong pinagkukunang yaman
Social Choice- pagpapasyang ginagawa
ng pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan ng lipunan.
Economic Choice- may kinalaman sa
desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng
limitadong pinagkukunang yaman.
➢ Ang ating ginawang pagpili at
pagpapasya ukol sa ating gustong
makamit ay may katumbas na
Opportunity Cost at Benefit.
Opportunity Cost- isinasakripisyong bagay upang gamitin sa
kasalukuyang paggagamitan nito.
Benefit- may kinalaman sa pakinabang
na natamo sa nagawang pagpili
Trade Off- pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng mga
bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay
upang makamit ang ibang bagay.
Marginalism- tumutukoy sa karagdagang benepisyo
(benefits) at kabawasan sa sakripisyo (cost) sa
gagawing desisyon
Incentives- tumutugon ang tao batay sa
gantimpalang makukuha o parusang matatamo

You might also like