You are on page 1of 14

EKONOMIKS

PARA SA KAUNLARAN
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

• Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang


Greek na "oikonomos" nanangangahulugang
"pamamahala sa sambahayan." Mula sa kahulugang
ito, mahihinuha na ang pamamahala sa sambahayan
ay may kaakibat na pagsasaalang-alang sa samo't
sa-ring pagpipilian kaugnay ng mga pa-ngangailangan
at kagustuhan ng mga kasapi ng sambahayan na
kailangang tugonan ngayon at sa hinaharap.
• Ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa kung paano pinipili ng
mga indibidwal at ng lipunan ang paggamit
sa mga kapos na pinagkukunang-yaman upang matugonan
ang mga alternatibong kagustuhan at pangangailangang
pawang walang hangganan.
• Mula sa depinisyongito, mahalagang maintindihan natin
ang tatlong konsepto: kakapusan; pangangailangan at
kagustuhan; at alokasyon
• Kung susuriin, mahalaga din ang konsepto ng pagpili o choice
bilang pangunahing aksiyon na pinag-uukulan sa kahulugan ng
ekonomiks pangangailangan at kagustuhan;at alokasyon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
EKONONMIKS

• Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks


sapagkat ito ay nagbabahagi ng tatlong
bagay: pagbibigay ng pamamaraan ng pag-
iisip; pagkaunawa sa mga isyung panlipunan
at pandaigdig; at pagiging isang
mamamayang may tamang pag-unawa.
EKONOMIKS BILANG
PARAAN NG PAG-IISIP
• Marahil, isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa
pag-aaral ng ekonomiks ay ang kakayahan nitong
magbahagi ng isang paraan ng pag-iisip o
pagtingin sa mundo.
• May tatlong salik ang paraan ng pag-isip na ito.
Ito ay ang mga Konsepto ng opportunity
cost,marginal thinking, at incentive
OPPORTUNITY COST

ay ang halagang alternatibong ating pinapawalan o isinusuko sa


bawat pasiyang gagawin.Halimbawa, kapag tayo ay nanonood ng
isang konsiyerto, nakikita lamang ng karamihan ng tao ang presyo
ng tiket. Ngunit hindi lang iyon ang truecost ng panonood ng isang
konsiyerto. Ang oras na ginugol mo sa panonood ay oras na hindi
na maaaring gamitin para sa ibang bagay tulad ng paglalaro,ng
pakikipag-usap sa mga kaibigan, o pag-aaral. Higit pa rito, hindi na
maaaring magamit ang perang pinambili ng tiket para sa ibang
mga bagay tulad ng pag-kain, laruan, o libro.
MARGINAL THINKING

• ay ang pagtingin sa bawat dagdag na yunit na


pagkonsumo o produksiyon at ano ang
kontribusyon nito sa pangkalahatan. Ang bawat
yunit na idinadagdag o ibinabawas sa pagkonsumo
o produksiyon ay may kaakibat na halaga o
pakinabang
TERMINONG INCENTIVE
• ay kumakatawan sa gantimpala o parusa. Sa pag-iisip na ekonomiko,
mahalagang maintindihan na ang bawat tao ay tumutugon sa kung ano mang
gantimpala o parusa ang nagiging sanhi ng isang aksiyon. Bilang makatuwirang
indibidwal, pinaniniwalaang ang mga gantimpala ay nag-uudyok ng mas
maigting na aksiyon, habang ang parusa ay nagiging sanhi ng pagbawas sa
mga aksiyong nagdudulot ng parusa.
• Halimbawa,kapag tayo ay nag-aaral nang mabuti,tayo ay nakakukuha ng mas
mataasna marka. Kapag tayo ay hindi nag- aral, mas mababa ang markang
ating nakukuha. Ang mataas na marka ay gantimpala, at ang mababang marka
ay parusa.Sa kagustuhan natingmakamit ang mataas na marka, tayo ay
maglalaan ng mas maraming oras sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, tayo ay
tumugon sa incentive na naidudulot ng pag-aaral o hindi pag-aaral.Kung
pagsasamahin natin ang mga konsepto ng opportunity cost,marginal thinking,
at incentive maki-kita nating ang pag-isip na ekonomiko ay makapangyarihan
upang maka-pagpasiya nang maayos at rasyonal lalong lalo na sa harap ng
kapos na pinagkukunang yaman.
EKONOMIKS PARA SA PAG-UNAWA NG MGA ISYUNG
PANLIPUNAN

•Mahalaga rin ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat nagbibigay ito sa


atin ng panibagong kakayahan upang maunawaan ang mga isyung
panlipunan,lokal man o pandaigdig. Ang mga pasiyang ekonomiko noon
at ngayon ay may mahahalagang implikasyon sa direksiyon at karakter
ng lipunan. Ito ay nagbibigay ng direksiyon sapagkat ang bawat
pasiyang ekonomiko ngayon ay may implikasyon sa mga pangyayaring
magaganap sa hinaharap. Ito ay may implikasyon sa karakter ng lipunan
sa-pagkat ang mga pasiya at patakarang pang-ekonomiya ay
nakaaapekto sa mga aksiyong itinuturing na kanais-nais at hindi kanais-
nais ng mga tao kaakibat ng mga incentive na ipinahi hiwatig ng
sistemang pang-ekonomiya.
EKONOMIKS TUNGO SA PAGIGING
MAMAMAYANG MAY WASTONG PAG-UNAWA

•Mahalaga rin ang ekonomiks upang maging isang


mamamayang may tamang pagunawa sa mga nangyayari sa
ating lipunan. Bakit tumataas at bumababa ang presyo ng
bilihin? Bakit nagkakaroon ng kahirapan at paano tinutugonan
ito? Saan kinukuha ng pamahalaan ang panggastos sa im-
praestruktura at iba pang proyekto? Ito at iba pang
mahahalagang tanong ay nasasagotsa pag-aaral ng
ekonomiks. Sa pamamagitan ng ekonomiks, tayo ay
nagkakaroon ng kakayahang umuna-wa at pumatnubay sa
mga nangyayari sa ating kapaligiran.
• 
SAKLAW NG EKONOMIKS
• Ang maykroekonomiks ay ang pag-aaral ngat mga bahay-kalakal. Ang
mga pasiya ng mga indibidwal tungkol sa pagkonsumo at mga pasiya
ng mga bahay-kalakal tungkol sa produksiyon ay napapaloob dito.

Ang makroekonomiks naman ang pag-aaral sa kung ano ang epekto ng


mga pasiya ng mga indibidwal at mga bahay-kalakal sa pagkonsumo at
sa produksiyon sa kabuoan ng ekonomiya.Nasasama rito ang kabuoan
ng pam-bansang kita; pagtaas at pagbaba ng presyo; at kalagayan ng
empleyo.Masasabi natin kung ang maykroekonomiks ay pagsusuri sa
bawat puno at paano ito tumutubo, ang makroekonomiks naman ay
pagsusuri sa buong kagubatan at paano ito lumalago.
DALAWANG PANGUNA-HING PARAAN NG
PAGSUSURI NA GINAGAMIT SA EKONOMIKS.

•Kapag ating sinusuri ang mga pangyayari sa ekonomiya sa isang


obhetibong pamamaraan, itinuturing ito bilang positive na pagsusuri
Ang layunin lamang ng pagsusuring positive ay isalaysay at linawin
kung ano ang nangyayari, maaaring mang
yari, at dahilan ng mga pangyayari sa ating paligid.
• Halimbawa, kapag batay sa katotohanan ay ating sinabi na "Ang paglaki
ng kabuo ang produksiyon ng
Pilipinas ay 69% bawat taon, gumaga-wa tayo ng isang pahayag na
positive.
•Kapag ang pagsusuri naman ay nauukol sa kung ano ang nararapat, ang
pagsusuri ay tinatawag na norma-tive.Sa pagsusuring normative, ating
binibigyan ng kahalagahan ang isang bagay o pangyayari. Mula rito, tayo
ay maaaring magbigay ng rekomendasyon tungo sa nararapat na
aksiyon.
•Gamit ang halimbawa sa itaas, maaring gu-mawa ng pahayag na
normative tulad ng: "Ang paglago ng ekonomiya ng 6% bawat taon ay
maganda para sa bayan.kailangan natin itong ipagpatuloy.mahalaga sa
pagsusuring normative ang pagbibigay ng halaga sa obserbasyon at ang
posibilidad na mag-bigay ng rekomendasyon dahil dito.Sa ganitong
paraan, ang pag-aaral ng ekonomiks ay may kapangyarihang
magbigay-dire ksiyon sa kalagayan ng bayan at ng lipunan.
EKONOMIKS BILANG AGHAM
• PANLIPUNAN
Sa iba’t ibang pag-aaral tulad ng physics, at chemistry, gumagamit ang mga
siyentista ng sistematikong pagsusuri, mga teorya, at mga modelo upang ipaliwanag
ang mga likas na pangyayari sa mundo.Sa ekonomiks bilang isang agham
panlipunan, gumagamit din ng mga pormal na modelo at teorya upang maipaliwanag
ang mga pangyayaring panlipunan at maintindihan kung ano ang maaaring mangyari
sa hinaharap. Kaiba sa mga agham pisikal, sa mga agham panlipunan tulad ng
psychology, sociology, archaeology, at ekonomiks ay tungkol sa tao at sa mga gawi
nito ang pag-aaral.

Katulad ng ibang agham, ginagamit sa ekonomiks ang pamamaraang siyentipiko
kung saan 1) may sistemaikong obserbasyon, 2) matalinong pagtatanong, 3) paggawa
ng teorya, 4)pagsubok sa teorya gamit ang datos, 5)paggawa ng kongklusyon at
rekomendasyon gamit ang resulta ng pagsubok sa datos. Sa pamamagitan nito,
nalalaman ng mga ekonomista kung tama ba ang mga teorya at modelong nabuo
ng mga eksperto at kung akma ba ito sa kasalukuyan.

You might also like