You are on page 1of 8

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Greek na "oikonomos" na nangangahulugang


"pamamahala sabsambahayan. Mula sa kahulugang ito, mahihinuha na ang pamamahala sa
sambahayan ay may kaakibat na pagsasaalang-alang sa samo't saring pagpipilian kaugnay ng mga
pangangailangan at kagustuhanng mga kasapi ng sambahayan na kailangang tUgonan ngayon at sa
hinaharap. Ang pormal na depinisyon ng ekonomiks na ating gagamitin ay maaaninag din sa payak
na salitang ito.

Ang ekonomiks ang pag-aaral sa kung paano pinipili ng mga indibidwal at ng ipunan ang paggamit sa
mga kapos na pinagkukunang-yaman upang matugonan ang mga alternatibong kagustuhan at
pangangailangang pawang walang hangganan. Mula sa depinisyong ito, mahalagang maintindihan
natin ang tatlong konsepto: kakapusan pangangailangan at kagustuhan; at alokasyon. Hihimayin
natin angtatlong konseptong ito sa susunod na mga aralin.

Kung susuriin, mahalaga din ang konsepto ng pagpili o choice bilang pangunahing aksiyon na pinag-
uukulan sa kahulugan ng ekonomiks. Kung gayon, makikita nating ang pag-aaral ng ekonomiks ay
pag-aaral ding panlipunan o tungkol sa kaasalan. Malaking bahagi ng pag-aaral ng ekonomiks ay nag-
ugat o maaaring iugnay sa mga larangan ng philosophy, psychology, at iba pa. Dahil dito, itinuturing
ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat ito ay nagbabahagi ng tatlong bagay: pagbibigay ng
pamamaraan ng pag-iisip; pagkaunawa sa mga isyung panlipunan at pandaigdig; at pagiging isang
mamamayang may tamang pag-unawa.

Ekonomiks Bilang Paraan ng Pag-iisip

Marahil, isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pag-aaral ng ekonomiks ay ang kakayahan nitong
magbahagi ng isang paraan ng pag-iisip o pagtingin sa mundo. Higit sa iba't ibang konseptong
matututuhan natin sa susunod na mga aralin at yunit, makapangyarihan ang paraan ng pag-iisip na
ito sapagkat tayo ay nagkakaroon ng batayan ng pag-iisip na makatuwiran at sistematiko. May
tatlong salik angparaan ng pag-iisip na ito. Ito ay ang mga konsepto ng opportunity cost, marginal
thinking: at incentive

Ang opportunity cost ay ang halagang alternatibong aung pinapawalan o isinusuko s bawat
pasiyang gagawin.Halimbawa, kapag tayo ay nanonood ng isang Konsiyerto, nakikita lamang ng
karamihan ng tao ang presyo ng tiket. Ngunit hindi lang iyon ang "true cost" ng panonood ng isang
konsiyerto.Ang oras na ginugol mo sa panonood ay oras na hindi na maaaring gamitin para sa ihang
bagay tulad ng paglalaro,paliapag-usap sa mga kaibigan, o pag-aaral. Higit pa rito, hindi na maaaring
magamit ang perang pinambili ng tiket para sa ibang mga bagay tulad ng pagkain, laruan, o libro.

Ang marginal thinking ay ang pagingin sa bawat dagdag na yunit na pagkonsumo o produksiyon at
ano ang kontribusyon nito Sapangkatlahatan. Ang bawat yunit na idinadagdag o ibinabawas sa
pagkonsumo o produksiyon ay may kaalkibat na halaga o pakinabang.
Ang terminong incentive ay kumakatawan sa gantinpala o parusa. Sapag-iisip na ekonomiko,
manalagang maintindihan na ang bawat tao ay tumutugon sa kung anomang gantinpala o parusa ang
nagiging sanhi ng isang aksiyon. ilang makatuwirang indibidwal, pinaniniwalaang ang mga gatimpala
ay nag-uudyok ng mas maigting na aksiyon, habang ang parusa ay nagiging sanhi ng pagbawas sa
mga aksiyong nagdudulot ng parusa. Hahmbawa, kapag tayo ny nag-aaral nang mabuti,tayo ay
nakakukuha ng mas mataas na marka. Kapag tayo ay hindh nagaral, mas mababa ang markang ating
nakukuha. Ang mataas na marka ay gantimpala, at ang mababang marka ay parusa. Sa Kagustuhan
nating makamit ang mataas na marka, tayo ay maglalaan ng mas maraming oras sa pag-aaral. Sa
ganitong paraan, tayo ay tumugon sa incentive na naidudulot ng pag-aaral o hindi pag-aaral. Kung
pagsasamahin natin ang mga Konsepto ng opportunity cost, marginal thinking, at incentive makikita
nating ang pag-iisip na ekonomiko ay makapangyarıhan upang makaagpasiya nang maayos at
rasyonal lalong lalo na sa harap ng kapos na pinagkukunang yaman.

Ekonomiks para sa Pag-unawa ng mga lsyung Panlipunan

Mahalaga rin ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat nagbibigay ito sa atin ng panibagong kakayahan
upang maunawaan ang mga isyung panlipunan,lokal man o pandaigdig. Ang mga pasiyang
ekonomiko noon at ngayon ay may manahalagang implikasyon sa direksyon at karakter ng lipunan.
Ito ay nagbibigay ng direksiyon sapagkat ang bawat pasiyang ekonomiko ngayon ay may implikasyon
sa mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Ito ay may implikasyon sa karakter ng lipunan
sapagkat ang mga pasya at patakarang pang-ekonomiya ay nakaaapekto sa mga aksiyong itinuturing
na kanais nais at hindi kanais-nais ng mga kaakibat ng mga incentive na ipanahiwatig ng sistemang
pang-ekonomiya.

Ekonomiks Tungo sa Pagiging Mamamayang May Wastong Pag-unaw a

Mahalaga rin ang ekonomiks upang maging isang mamamayang may tamang pag-unawa sa mga
nangyayari sa ating lipunan. Bakit tumataas at bumababa ang presyo ng bilihin? Bakit nagkakaroon
ng kahirapan at paano tinutugonan ito? Saan kinukuha ng pamahalaan ang panggastos Sa
impraestruktura at iba pang proyekto? Ito at iba pang mahahalagang tanong ay nasasagot sa pag-
aaral ng ekonomiks. Sa pamamagitan ng ekonomiks, tayo ay nagkakaroon ng kakayahang umunawa
at pumatnubay sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.

Saklaw ng Ekonomiks

May dalawang pangunahing pagkakahati ang ekonomiks: ang makroekonomiks at


maykroekonomiks. Ang maykroekonomiks ay ang pag-asaral ng mga pasiya tungkol sa pagpili ng mga
indibdwal at mga bahay-kalakal. Ang mga pasiya ng mga indibidwal tungkol sa pagkonsumo at mga
pasiya ng mga bahay-kalakal tungkol sa produksiyon ay napapaloob dito.

Ang makroekonomiks naman angpag-aaral sa kung ano ang epekto ng mga pasiya ng mga
indibidwal at mga bahay-kalakal sa pagkonsumo at sa produksiyon sa kabuuan ng ekonomiya.
Nasasama dito ang kabuoan ng pambansang kita; pagtaas at pagbaba ng presyo; at kalagayan ng
empleo. Masasabi nating kung ang maykroekonomiks ay pagsusuri sa bawat puno at paano ito
tumutubo, ang makroekonomiks naman ay pagsusuri sa buong kagubatan at paano ito lumalago.

Mayroon ding dalawang pangunahing paraan ng pagsusuri na ginagamitsa ekonomiks. Kapag


ating sinusurin ang mga pangyayari sa ekonomiya sa isang obhetibong pamamaraan, itinuturing ito
bilang positive na pagsusuri. Ang layunin lamang ng pagsusuring positive ay isalaysay at linawin kung
ano ang nangyayari, maaaring mangyari, at dahilan ng mga pangyayari sa ating paligid. Halimbawa,
kapag batay sa katotohanan ay ating sinabi na Ang paglaki ng kabuoang produksyon ng Pilipinas ay
6% bawat taon, gumagawa tayo ng isang pahayag na positive.

Kapag ang pagsusuri naman ay nauukol sa kung ano ang nararapat, ang pagsusuri ay tnatawag
na normative. Sa pagsusuring normative, ating binibigyan ng kahalagahan ang isang bagay o
pangyayari. Mula dito, tayo ay maaaring magbigay ng rekomendasyon tungo sa nararapat na
aksiyon. gamit ang halimbawa sa itaas, maaring gumawa ng pahayag na normative tulad ng:"Ang
paglago ng ekonomiya ng 6% bawat taon ay maganda para sa bayan. Kailangan natin itong
ipagpatuloy.Mahalaga sa pagsusuring normative ang pagbibigay ng halaga sa obserbasyon at ang
posibilidad na magbigay ng rekomendasyon dahil dito. Sa ganitong paraan, ang pag-aaral ng
ekonomiks ay may kapangyarihang magbigay-direksiyon sa kalagayan ng bayan at ng lipunan.

Ekonomiks Bilang Agham Panlipunan

Sa iba't ibang pag-aaral tulad ng physics, geology, at chemistry, gumagamit ang mga siyentista ng
sistematikong pagsusuri, mga teorya, at mga modelo upang ipaliwanag ang mga likas na pangyayari
sa mundo. Sa ekonomiks, bilang isang agham panlipunan, gumagamit din ng mga pormal na modelo
at teorya upang maipaliwanag ang mga pangyayaring panlipunan atnmaintindihan kung ano ang
maaaring mangyari sa hinaharap. Kaiba sa mga agham panlipunan tulad ng ibang agham pisikal, sa
mga agham panlipunan tulad ng psychology, sociology. archaeology at ekonomiks ay tungkol sa tao
at sa mga gawi nito ang pag-uaral. Katulad ng ibang agham, ginagamit sa ekonomiks ang
pamamaraang siyentipiko kung saan 1)may sistematikong obserbasyon, 2) matalinong pagtatanong,
3) paggawa ng teorya, 4) pagsubok sa teorya gamit ang datos, 5) paggawa ng kongklusyon at
rekomendasyon gamit ang resulta ng pagsubok sa datos. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga
ekonomista kung tama ba ang mga teorya at modelong nabuo ng mga eksperto at kung akma ba ito
sa kasalukuyan. Sa ekonomiks, kabilang sa mga modelong ating makikita ang Production Possibilities
Frontier at Utility Maximization Model. Kabilang naman sa mga teorya ang Theory of Markets at
Theory of Comparative Advantage.

TANGING LATHALAIN

Paggamit ng Talangguhit sa Ekonomiks

Sa lahat ng mga agham panlipunan, ang ekonomiks marahil ang pinakamalimit gumamit ng
matematika. Sa pag-aaral ng ekonomiks, madalas ay tinitingnan ang ugnayan ng dalawang bagay o
variable, ito man ay presyo, dami ng pagkonsumo, kita, pagdaan ng panahon, at iba pa. Karaniwang
ginagamitan ng mga ekwasyon ang paglalarawan sa mga ugnayang ito. Madalas, upang mas
maintindihan nang mabuti ang ugnayan ng dalawang variable, kinakailangan ng biswal na
paglalarawan. Sa ekonomiks, ang karaniwang kasangakapan na ginagamit para rito ay ang
talangguhit o graph.

Ang talangguhit na ginagamit sa pag-aaral ng ugnayan ng dalawang variable ay hango sa Cartesian


Coordinate System. Matatandaan na ito ay binubuo sa pamamagitan ng pagguhit ng dalawang
linyang perpendikular. Ang pahalang na linya ay tinatawag na X-axis at ang patayong linya ay
tinatawag na Y-axis. Ang bawat axis ay kumakatawan sa isang panukat na magkasalikop sa tinatawag
na origin kung saan ang bilang ay nagsisimula sa 0. Ang mga bilang sa X-axis na nasa kanan ng origin
at sa Y-axis na nasa taas ng origin ay positive. Samantala, ang mga bilang naman sa Xaxis na nasa
kaliwa ng origin at sa Y-axis na nasa baba ng origin ay negative. Ang bawat punto sa talangguhit ay
kumakatawan sa isang pares ng numero, isa sa X-axis at isa sa Y-axis.

Gawin nating halimbawa ang ugnayan ng kita at gastos. Sa talahanayan sa baba,maaari tayong
maglista ng antas ng kita na may kaakibat na antas ng paggastos. Ang ugnayan ng mga ito ay maaari
nating maipakita sa isang talangguhit.

Kita Gastos

10,000 3,000

15,000 5,000

20,000 7,000

25,000 9,000

Maaaring ilagay ang antas ng kita sa Y-axis at ang antas ng gastos sa X-axis. Sa pamamagitan nito,
malinaw nating makikita sa talangguhit na may pataas na linya na habang lumalaki ang kita, lumalaki
rin ang gastos. Sa gayon, masasabi natin na may positibong ugnayan ang antas ng kita at antas ng
gastos. Kung nagkalaon na ang antas ng gastos ay bumababa sa pagtaas ng kita, ang talangguhit ay
magpapakita ng linyang pababa, na siyang nagpapakita ng negatibong ugnayan naman.

Sa akdang ito, madalas na makakikita ng iba't ibang klaseng talangguhit na nagpapakita ng iba't
ibang ugnayan ng mga variable na nakikita sa ekonomiya. Mapapansin na kadalasan, ang mga
talangguhit na makikita ay nagpapakita lamang ng mga positive value sapagkat malimit na ito lamang
ang mahalaga sa pagsusuring gagawin.

PAGBUBUOD

 Ang ekonomiks ang pagraaral sa kung paano pinipli ng mga indibidwal at ng lipunan ang
paggamit alakasyon sa mga kapos na pinagkukunang-yaman upang matugonan ang mga
ilternatibong kagustuhan at pangangailangang pawang walang hangganan.
 Ang pagraaral ng ekonomiks ay umikot sa tatlong pangunahing konseptp: kakapusan;
alokasyon at kagustuhan at pangangailangan.
 Ang pag-aaral ng ekonomiks ay mahalaga dahil sa tatlong bagay: pagbibigay ng pamamaraan
ng pag-iisip: pag-intindi sa mga isyung punlipunan at pandaigdig: at pagiging isang
mamamayang may tamang pag-unawa.
 Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing tema: maykroekonomiks at
makroekonomiks.
 Ang ekonomiks ay itinuturing na isang agham panlipunan sapagkat ito ay ginagamitan ng
sistematikong pagsusuri at teorya.

PAGSASANAY

A.Tukuyin ang pinatutung kulan sa bawat aytem.

_________________1.Ito ang Pangunahing aksiyon na pinag-uukulan sa kahulugan ng ekonomiks.

_________________2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ng


tamang alokasyon ang mga Pinagkukunang-yaman.

_________________3.Ang salitang Greek kung saan nakuha ing kahulugan ng ekonomiks ay


nangangahulugang pamamahala sa ____________.
_________________4. Kinakailangan nating mamili upang matugonan ang ating _________ at
__________.

_________________5. ito ang halaga ng ating pinapawalan o isinusuko sa ating

bawat pasiyang gagawin.

B. Ibigay ang hinihling sa sunmusunod.

1. Tatlong salik ng paraan ng pag-isip na pinapaunlad ng ekonomiks

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________

2.Dalawang pangunahing pagkakahati ng ekonomiks

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________
QUIZ NO. 7

A.Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod.

_________________1. Ang ekonomks ay isang agham panlipunan dahil ginagamit dito ang
pamamaraang siyentipiko sa pag-aaral sa ugnayan ng iba't ibang yunit ng lipunan.

_________________2. Hindi importante ang kakapusan sa pag aaral ng ekonomiks sapagkat sapat
naman ang lahat ng mga pinagkukunang yaman sa paligid.

_________________3.Ang makroekonomiks ay ang pag-aaral ng ekonomiks na tungkol sa mga


konseptong pangkalahatan tulad ng pqmbansang kita.

_________________4.Kapag tayo ay gumagawa ng obserbasyon sa ekonomiks, ito ay tinatawag na


pamamaraang normative sapagkat nilalagyan natin ng halaga ang mga obserbasyon.

_________________5.Hindi kinakailangan ang siyantipikong pamamaraan sa pag-aaral ng ekonomiks


sapagkat ito ay hindi naman talaga isang siyentipikong pag-aaral.

B. Ipaliwanag kung ang sumusunod na paksa isyu ay saklaw ng “maykroekonomiks” o ng


“makroekonomiks”.

1.Gustong malaman ng pamilyang Reyes kung wasto bang bumili sila ng bagong kotse.

____________________________________________________

2.Tumaas ang pambansang produksyon ng 6% noong nakaraang taon.

____________________________________________________

3.Inisip ng kompanyang XYZ kung magdaragdag sila ng bagong empleyado sa susunod na taon.

____________________________________________________

4.Ayon sa pinakahuling datos, tumaas ang bilang ng may trabaho sa buong bansa kung ihahambing
sa nakalipas na taon.

____________________________________________________

5.Nagugutom ka at inisip mo kung ano ang iyong kakainin sa pananghalian.

____________________________________________________
STA. IGNACIA HIGH SCHOOL
PRIVATE
Santa Ignacia, Tarlac 2303

LEARNING MODULE
ARALING
PANLIPUNAN 9
(WEEK 7)

__________________________________________
Name of Student

__________________________________________
Grade and Section

REGIE BOY M. FACUN


Subject Teacher

Contact Number: 0927-665-6042

You might also like