You are on page 1of 2

Ang ekonomiks bilang isang agham

Ang pagpili at pagdedesisyon ay bahagi na ng buhay ng tao.


o Ito ay maaring gawin ng isang indibidwal o o Ano man ang ating maging desisyon, Malaki
isang pangkat. ang epekto nito sa ating buhay at sa
ekonomiya.
Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks

o Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomia na ang ibig sabihin ay “pamamahala ng
sambahayan” (household management)

Oiko - bahay Nomos - pamamahala

o Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng nga pilosopo o philosopher.

o Ang pagkakaroon ng magkasalungat na ideya at prinsipyo ng mga naunang pilosopo at mga grupo ng mga
ekonomista ang nagbigay daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa ekonomiks.
Ekonomista (economist) - isang tao na nag-aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga
tao at lipunan at epekto nito sa buong ekonomiya.

o Ang kaisipan ng ekonomiks ay nahihiwalay sa kaisipan ng political economy dahil pinagtuunan ng pansin ng
ekonomiks ang mga gawain ng tao na may kinalaman sa pangkabuhayan at paraan ng pamumuhay.

Kahulugan ng Ekonomiks
◦ Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na myroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap
ng mga tao at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunan yaman upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Kailangan piliin ng mga tao o ng pamahalaan kung saan
gagamitin ang limitadong lijkas na na yaman.
◦ May tinatawag na Economic Goods kung saan ang lahat ng bagay ay may halaga o presyo tulad ng pagkain,
damit at bahay. Bago makamit ang mga bagay na ito, kailangan ng tao ng salapi. Bunga ng walang katapusan
pangangailangan ng taokaya nagkakaroon ng kakapusan sa economic goods.
◦ Ang Free Goods naman ay mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad tulad ng init ng araw at hangin.
Lahat ng tao ay nakikinabang sa mga bagay na ito. Kaya mahalaga ang bawat kilos at galaw ng tao sa ekonomiks
dahil ito ang magtatakda ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.
Ang ekonomiks bilang isang agham
Pag-aaral ng Ekonomiks

o Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan, at
konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang magganapbuhay
at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.

o Isa sa mahahalagang katangian na matutunan ng mga tao lalo na ng mga kabataan ay ang paggawa ng rasyonal na
pagdedesisyon sa buhay. Kailangan malinang sa mga mag-aaral ang paggawa ng matalinong desisyon sapagkat
hindi sa lahat ng oras ay umaasa sila sa kaniloang magulang ukol sa pagdedesisyon sa isang bagay.

Maraming bagay ang dapat pagdesisyunan ng mga mag-aaral sa kanilang buhay, tulad ng
sumusunod:

1. Pagpili ng kurso sa kolehiyo . 2.Paggastos ng allowance. 3.Pagsapi sa mga


organisasyon.
4 . Pagsama sa pamamasyal ng mga kaibigan. 5. Pagbili ng nga damit at pagkain.
6. Pagpili ng magiging kaibigan. 7. Pagpili ng papasukin
trabaho.

Sa Tulong ng ekonomiks, mauunawaan na ang bawat desisyon mo ay maaari ding makaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, mapapahalagahan mo rin ang pagtupad at pagganap mo sa iyong tungkulin bilang mamamayan. Ang
pagbabayad ng tamng buwis, pagtangkilik sa sariling produkto, pagsunod sa mga batas ng itinakda ng pamahalaan, at
pagsuporta sa mga programa at proyektong pangkalikasan, pangkabuhayan, at panlipunan ng pamahalaan at mga NGOs
(non-governmental organizations), pagboto kapag may eleksiyon, at pagiging mapagmatyag at alerto sa maling gawain ng
mga namumuno sa ating bansa ay ilang halimbawa.
Bilang miyembro ng pamilya, mahalaga din ang mga desisyon na iyong gagawin sa ikauunlad at ikagaganda ng
samahan ng buong pamilya tulad ng pagbili ng mga bagay na mas kailangan ng pamilya, makapaghanapbuhay upang
makatulong sa pamilya, pagtitipid ng gamit sa kuryrnte, tubig at iba pa.

You might also like