You are on page 1of 6

SACRED HEART DIOCESAN SCHOOL

“Where peacemaking is life-giving”


Molave, Zamboanga del Sur
S.Y 2020 – 2021

Gabay ng Mag-aaral sa Pagkatuto sa Araling Panlipunan 9

Pangalan : _________________________________________________ Baitang : 9


Paksa: ANG KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS Bilang ng Modyul : 1
Pagpapahalaga: Pagiging maunawain at pagiging kritikal sa pagpili ng desisyon Markahan/Linggo: 1/2
Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling Bilang ng Gawain: 2
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal
Group, Inc.,2015.
http://clipartandscrap.com/student-clip-art_28084/
https://favpng.com/png_view/house-house-vector-graphics-clip-art-
mother-home-png/mhVz1QAb
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-jtjkj
https://youtu.be/eX0xy3Koxek
Gng. Jannah Kyra Jane B. Flores (09095011969)
Guro:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag- unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang- araw-araw na pamumuhay.
Layunin : Sa katapusan ng linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan:
1. Nasusuri ang kahalagahan ng Ekonomiks sa buhay bilang isang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at ng lipunan;
2. Nakagagawa ng isang malikhaing paraan sa pagbuo ng mga makatuwirang desisyon tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa
pang-araw-araw na pamumuhay; at
3. Napahahalagahan ang pag-uunawa sa Ekonomiks at ugnayan nito sa paggawa ng matalinong desisyon.
I. PAG-UUGNAY SA MGA PAHAYAG/PANGANYAK:
Gawain 1: Sang-ayon Ka Ba o Hindi?
Sagutin ng buong katapatan ang mga sumusunod na pahayag na napapaloob sa tsart. Lagyan ng tsek ang loob ng kahon kung
ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa bawat pahayag. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
4 – Mariing Sumasang-ayon 2 – Hindi Sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon 1 – Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Kapag iyong naunawaan ang Ekonomiks, ikaw ay: 4 3 2 1

1. Maaaring maging higit na mapanuri sa nagyayari sa kapaligiran.


2. Makapagbibigay ng opinyon tungkol sa mahahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.
3. Makapag-uunawa sa napapanahong isyu na may kinalaman sa usaping
pang-ekonomiko.
4. Makatutulong sa pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
5. Makakaunawa sa mga batas at programa ng pamahalaan kaugnay sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.

1. Anu-anong mga bilang na nasa talahanayan ang sinang-ayunan mo? Mahalaga ba ang mga pahayag na ito sa lubos na pag-
unawa sa Ekonomiks? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. May mga pahayag ba na hindi mo sinang-ayunan? Alin at bakit?
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
A. MGA MAHALAGANG KAISIPAN:
Pananaw sa Konsepto ng Ekonomiks
1. Alokasyon ng Yaman
Alokasyon- ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang lutasin
ang suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan.
- Ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Yaman- anumang bagay na nagbibigay ng kaligayahan/kasiyahan sa tao.
a. Tuwiran- kinukonsumo
b. Di-Tuwiran-ginagamit upang makabuo ng produkto
Isang katangian ng yaman ay ang pagiging limitado nito. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman, mahalagang gamitin ito
ng lipunan sa episyentang pamamaraan. Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang
maiwasan ang pagkaaksaya nito.
Sistemang Pang-ekonomiya- isang aspeto ng bansa kung saan binibigyang-katugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Layunin: Mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo at gayundin upang maiwasan ang kakulangan sa mga
bagay na ito.
Tradisyunal na ekonomiya- ang mekanismo ng alokasyon ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

Market Economy- ang produksyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng
malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sitema ng malayang pagtatakda ng halaga.

Command Economy- ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.

Mixed Economy- isang sistema kung saan ang desisyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang-yaman ay nasa
kamay ng pribadong sector at pamahalaan.

2. Agham Panlipunan- isang sistematikong paraan ng pagsusuri at pag-aaral ng mga pinagsama-samang mga tao.
a. Agham Pampulitika (Political Science)- tungkol sa pag-aaral ng mga konsepto at
prinsipyo tungkol sa pamamahala ng isang lipunan na may tiyak na teritoryo.
b. Antropolohiya (Anthropology)- tungkol sap ag-aaral ng simula, pag-unlad at katangian
ng tao.
c. Ekonomiks (Economics)
d. Heograpiya (Geography)- nalalaman natin ang katangiang pisikal ng daigdig.
Natatalakay din ang pagkilos ng tao ayon
sa katangian ng kanyang paligid.
e. Sikolohiya (Psychology)-nakatuon sap ag-aaral ng pagkilos o paggalaw ng tao.
f. Sosyolohiya (Sociology)- ang sanagy ng pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng tao sa mga
pangkat, institusyon o samahan
na kanyang kinabibilangan.
Kahalagahan ng Agham Panlipunan:
1. Ito ay tumitiyak sa mga karapatan at responsibilidad ng mga mamamayan.
2. Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga batas na umiiral sa Estado.
3. Nakatutulong ito sa mga mamamayan upang makibahagi sa simulain ng pamahalaan tulad ng demokrasya.

3. Agham ng Pagpili- kinakasangkutan ng pagpapasya na maaring kinabibilangan ng paghusga ng merito o pagtitimbang ng


maraming
Mga bagay na lubhang pagpipilian
mahalaga upang at pagpili ng isa o higit pa.
Pangangailangan Ito ang mga bagay na maaaring wala ang
Kagustuhan
ang tao ay mabuhay kabilang ditto ang mga
isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa
basic needs- damit, pagkain, at tirahan.
rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao
Kapag ipinagkait ang mga bagay na
sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan,
nakatutugon sa pangangailangan ng tao,
magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
VS . kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Kakapusan- ito ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang kagustuhan ng tao.
Dapat gawin para maiwaan ang kakapusan:
1. Magsipag at magtrabaho
2. Bawasan ang kagustuhan.

Ang Kahalagahan ng Ekonomiks

Sa pag-aaral ng Ekonomiks ay mas lalo nating mauunawaan ang pagbuo ng isang matalinong pagpapasya. Aalamin natin ang
kahalagahan ng Ekonomiks bilang mag-aaral, bilang bahagi ng iyong pamilya at bilang bahagi ng lipunan.
Bilang mag-aaral, kapag naunawaan ang kahalagahan ng Ekonomiks ay mas lalo kang maging mapanuri at
mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong paligid. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga matatalinong pagpapasya
tungo sa kinabukasan. Hinuhubog nito ang iyong pag-unawa sa mga bagay-bagay na maaaring makatulong sa
loob ng tahanan. Nagkakaroon ka ng interes sa mga usaping pang-ekonomiko na nakatutulong sa mas malawak na pag-uunawa sa
buhay mo at buhay ng ibang tao.
Bilang bahagi ng iyong pamilya, ang mga natutunan sa Ekonomiks ay magagamit sa mga pagdedesisyon sa loob
ng
tahanan. Ang iyong kaalaman ay magagamit sa pagbibigay ng mga makatuwirang opinyon tungkol sa
pagdedesisyon ng iyong pamilya. Ang mga desisyong ito ay may kinalaman sa usapin sa pag-aaral,
pagnenegosyo, paggasta, at pagtugon sa maraming pangangailangan at kagustuhan ng iyong pamilya. Ang mga sariling pananaw na
maibabahagi sa iyong pamilya ay hango sa iyong natutunan sa pag-aaral ng Ekonomiks.
Bilang bahagi ng lipunan, mas maunawaan moa ng iba’t ibang usaping panlipunan kasama na ang usaping pang-
ekonomiko. Magagamit moa ng mga natutunan mo sa Ekonomiks lalo na sa mga batas at programa na ipinatupad
ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya at ng buhay ng tao. Mas lalo mong lubos na
mauunawaan ang mga nangyayari sa paligid at ang mga isyung kinakaharap ng bansa. Magagamit moa ng iyong
mga natutunan sa Ekonomiks para makapagbigay ng sariling pananaw sa mga suliranin na kinakaharap at dinaranas ng bansa.

II. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

A. PAGLILINAW SA NATUTUHAN:
Gawain 2: Saan Ka Napapabilang?
Panuto:Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay tumutukoy sa kahalagahan ng Ekonomiks
bilang mag-aaral, bilang bahagi ng pamilya at bilang bahagi ng lipunan. Isulat lamang sa patlang ang BM, BBP at BBL sa ibaba.
BM – Bilang Mag-aaral
BBP – Bilang Bahagi ng Pamilya
BBL – Bilang Bahagi ng Lipunan

__________1. Nauunawaan ngayon ang iba’t ibang usaping panlipunan tulad ng usaping pang-ekonomiko ng bansa.
__________2. Nagiging mapanuri ka sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.
__________3. Nagagamit sa pagdedesisyon sa mga mahahalagang usapin sa loob ng tahanan.
__________4. Nagagamit sa pagbibigay ng mga makatuwirang opinion tungkol sa pagdedesisyon ng iyong pamilya.
__________5. Nagagamit sap ag-unawa sa mga batas at programa na ipinatupad ng ating gobyerno.
__________6. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga matatalinong pagpapasya tungo sa iyong kinabukasan gaya ng paghahanapbuhay.
__________7. Mas lubos na naunawaan ang mga isyu at suliranin na kinakaharap ng ating bansa.
__________8. Naibabahagi ang sariling pananaw sa pamilya.
__________9. Mas napapalawak ang pag-unawa sa sariling buhay at desisyon.
__________10. Mas lalong naiintindihan ang mga suliranin ng bansa at makapagbibigay ng pananaw sa mga suliraning ito.

B. PAMPROSESONG KATANUNGAN:
Panuto:Ihayag ang iyong mga saloobin tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks at kung paano mo magagamit ang kaalamang
ito
sa pang-araw-araw na pamumuhay lalung-lalo na sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2.Bilang bahagi ng iyong pamilya, paano mo magagamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa


pagmumungkahi ng desisyon?
______________________________________________
____________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3.Bilang bahagi ng lipunan, paano mo magagamit ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na


pakikisalamuha sa ibang tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

C. PAGTATAYA:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa Ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay na mapapakinabangan. Ano
ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
A. Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.
B. Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan gsuriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para
sa kanya.
C. Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.

2. Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga prayoridad. Alin sa mga sumusunod na mga
pahayag ang kailangan para mas mapa-igting ang pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks?
A. Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.
B. Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.
C. Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.
D. Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.

3. Malaki ang naging ambag ng Ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
A. Nakatutulong ang Ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon sa buhay.
B. Nakatutulong ang Ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.
C. Nakatutulong ang Ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang kagustuhan mo sa buhay.
D. Nakatutulong ang Ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan.

4. Mahalaga ang impluwensiya ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang
dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang paniniwala, kultura at tradisyon.
B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.
C. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
D. Isaalang-alang ang pagiging mapanuri at makatuwiran.

5. Mahalagang bahagi ng Ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bakit kailangan matutunan ang
kahalagahan ng Ekonomiks lalo na sa mga sitwasyong may pandemya at kaguluhan?
A. Upang mawaldas ang pera ng sambahayan.
B. Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naaapektuhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansiyal.
C. Upang mapili ang pwedeng tulungan.
D. Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.

6. Ang bawat pamilya ay nagpapasya sa loob ng tahanan. Bilang kasapi ng iyong pamilya, bakit kailangan na mas maunawaan ang
kahalagahan ng Ekonomiks?
A. Nakatutulong sa pagbuo ng tamang desisyon sa loob ng tahanan.
B. Nagagamit ang kaalaman sa pagbibigay ng hindi makatuwirang opinyon.
C. Walang pakialam sa mga usapin sa pangangailangan ng pamilya.
D. Maaaring sarilihin lamang ang opinyon sa usaping pang-ekonomiko.

7. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang
mga paggawaan at humina ang ekonomiya. Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng
ating ekonomiya?
A. Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
B. Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
C. Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
D. Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.

8. Walang pinipiling edad ng tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks. Ano ang idudulot nito sa isang mag-aaral
sa pang-araw-araw niyang pamumuhay?
A. Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.
B. Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
C. Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
D. Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya.

9. Bahagi ng Ekonomiks ang paggawa ng mga produkto upang matustusan ang maraming pangangailangan ng tao. Ano ang
pinakamahalagang paraan para matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
A. Dapat magnegosyo at ipagpaliban ang pag-aaral.
B. Maging matalino sa pagdedesisyon.
C. Iwasang mag-impok ng pera sa banko para may kita ang bansa.
D. Walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari.

10. Pinapahalagahan sa Ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran. Paano mo maipakikita ang iyong
natutunan tungkol dito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Pagbabadyet ng allowance.
B. Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
C. Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin.
D. Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.
III. PAGLALAGOM NG KONSEPTO:
Panuto: Isulat sa ulap na nasa gitna ng mga bilog ang paksa ng leksyon. Isulat naman sa mga bilog ang limang bagay/ideya na
iyong natutunan.

IV. PAGPAPALAWIG NG KASANAYAN:


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Alamin kung alin sa konseptong natalakay na sa nakalipas na aralin
ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang mga sagot na makikita sa loob ng kahon.

INCENTIVES ECONOMIC CHOICE SAMBAHAYAN

OPPORTUNITY COST MARGINAL THINKING

MAYKROEKONOMIKS TRADE-OFF
___________________________1. Ito ay tumutukoy sap ag-aaral ng maliit na unit sa ekonomiya.
___________________________2. Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
___________________________3. Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maari pang magbago ang desisyon ng mga mamimili.
___________________________4. Ito ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang-yaman.
___________________________5. Ito ay tumutukoy sa isinasakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas
makabuluhang paggagamitan nito.

V. PAGSASABUHAY SA NATUTUHAN:
Panuto: Base sa iyong natutunang kahalagahan ng Ekonomiks, ipaliwanag ang kahalagahan ng klase ng pamumuhay base sa
salitang galing sa Bibliya.
“Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni
Kristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.”

You might also like