You are on page 1of 40

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng
Ekonomiks
Inihanda ni: NAR
LAYUNIN:

 Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks


sa pang araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan. »

 Natataya ang kahalagahan ng


ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan
MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG
EKONOMIKS
 Bawat tao ay humaharap sa iba’t ibang
sitwasyon sa araw-araw.

 Kalimitan, magkakaiba ang kanilang mga


karanasan ayon sa kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan.

 Ang kanilang pagtugon ay batay sa kanilang


interes at pinipili.

 Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay


ng pagtugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan ay nahaharap tayo sa suliranin na
dulot ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman.
GAWAIN 1. OVER SLEPT :
Suriin ang larawan at bigyan ng sariling interpretasyon
PAMPROSESONG TANONG

1. ANO ANG IPINAPAKITA SA LARAWAN ?

2.Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad


nito ? Ipaliwanag

3.Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa


gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan
mong pumili ? Ipaliwanag
ARALIN 1
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS
EKONOMIKS
 Hango sa salitang Griyego =
oikonomia – na ang ibig sabihin
ay ‘pamamahala ng sambahayan
 (sambahayan – buong pamilya )

 Oikos = nangangahulugang bahay

 Nomos = pamamahala
ay isang pag-aaral sa pang-araw-araw na buhay ng tao, gaya ng kaniyang kita, kabuhayan, at lahat
halos ng materyal na aspeto ng kaniyang buhay.
oikonomia
mula sa salitang gyriyego na nangangahulugang pamamalakad sa
pamamahay.
Ekonomiks
ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa pag-aaral ng
paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang tila walang hanggang mga pangangailangan ng
bawat miyembro ng kaniyang pamilya.
Ekonomiks
ay isang agham na nag-aaral sa mga aktibidad at pamumuhay ng
tao upang matugunan ang kaniyang pa gunahing
pangangailangan.
Maykroekonomiks
ang pag-aaral ng maliit na bahagi ng ekonomiya. Pinag-aaralan
kung paano gumagalaw at nagdedesisyon ang sambahayan at
bahay-kalakalan.
Kahulugan ng Ekonomiks
 Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan
ang walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman.

 Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na


paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

 Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa


pagbuo ng matalinong desisyon.

 Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng


kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng
Ekonomiks
 Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
 Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
 Kailangang gumawa ng matalinong
pagpapasya upang matugunan ng tao ang
kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit
ang kanyang limitadong pinagkukunang-
yaman.
 Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Gawain 2: THINK, PAIR, AND
SHARE

Suriin ang bawat aytem sa una at


ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa
ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa
ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong
naging pasya. Option A Option B
Desisyon Dahilan
OPTION A. OPTION B DESISYON DAHILAN
1.Pagpapatuloy Pagtratrabaho
ng pag-aaral sa pagkatapos ng
kolehiyo high school
2.Paglalakad Pagsakay ng
papunta sa tricycle papunta
paaralan sa paaralan
3. Paglalaro sa Pagpasok sa
parke klase

4.Pakikipagkwen Paggawa ng
tuhan sa takdang aralin
kapitbahay
5Pananaliksik sa Pamamasyal sa
Aklatan parke
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian


sa paggawa ng desisyon?

2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang


desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
Pagkakatulad ng Ekonomiya at Sambahayan
 Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga
gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan.

 Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring


nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang
mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa
pamilya.

 Ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay


gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan
ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para
kanino, at gaano karami ang gagawin.
Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa
ng mga pilosopo at may iba’t ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na
nag-uugnay sa politika at ekonomiks

Ang Paglaganap ng Kaisipang Ekonomics

Xenophon – Mabuting pamamahala at pamumuno -> Oiconomicus

Plato – Espesyalisasyon at division of labor -> The Republic

Aristotle – Pribadong pagmamay-ari -> Topics and Rhretoric

Mercantilist – Paglikom na yaman sa paggamit ng likas na yaman


tulad ng lupa, ginto, at pilak
Francois Quesnay at Physiocrats – pagbibigay halaga sa kalikasan at
paggamit ng wasto sa mga yamang likas
Tableu Economique – nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto
at serbisyo sa ekonomiya
Magkaibang Paniniwala ng mga Sinaunang Pilosopo at Grupo ng
mga Ekonomista

Nagbigay –daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa ekonomiks.

Ekonomista – ay ang nag-aaral batay sa pagpili at pagpapasya ng mga tao sa


lipunan, at amg epekto nito sa buong ekonomiya.

Ang kaisipan ng ekonomiks ay nahiwalay sa kaisipan ng ekonomiyang


politikal
 Binigyan diin ng ekonomiks ang mga gawain ng tao na nakatuon sa
pangkabuhayan at gawi ng pamumuhay.
 Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang mga bagay na nakakaapekto sa
ekonomiyang pamumuhay ng mga tao sa buong bansa.
Mga Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Ang pagpili at padedesisyon ay magkaugnay. Ang tao na


nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin ay tanda na siya
ay nakagawa ng pagdedesisyon.

1.Individual Choice  ang pagawa ng pagpili at pasya ng


indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan
dahil sa limitadong pinagkukunang yaman.

2.Social Choice  Ang pagpapasyang ginagawa ng


pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

3.Economic Choice  ay may kinalaman sa desisyon ukol sa


iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
4.Opportunity cost  ang halaga ng bagay o nang best
alternative na isinakripisyo o ipinalit sa bawat paggawang
desisyon
 ang isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang
paggagamitan nito.

5.Trade Off  ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit


ng mga bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang
bagay upang makamit ang ibang bagay.
6.Marginal Thinkingpagsusuri ng karagdagang
halaga,maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha
mula sa mga gagawing desisyon
7.Incentives –insentibo
pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng
mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto
o serbisyo.
8.Efficiency / kakayahan o husay
Masinop na pamamaraan ng paggamit sa limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

9. Equality
Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang distribusyon
ng pinagkukunang yaman.
Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay nakabatay sa hirap
at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.

10. Sustainability
Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para tugunan
ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang
hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na henerasyon
na tugunan ito.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatutulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa
pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

Opportunity
Incentives
cost Marginal
Trade-off
Thinking

Matalinong Pagdedesisyon
Pamprosesong Tanong:

1. Paano nakatutulong sa matalinong


pagdedesisyon ang mga konsepto
ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking?
2. Sa iyong palagay, kailan
masasabing matalino ang
pagdedesisyong ginawa ng tao?
Ekonomiks bilang Isang Agham
Panlipunan
 Ang agham panlipunan - ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-
uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at kapaligiran.

 Isang displina ng agham panlipunan ang


ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)

Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok
Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT
Dibisyon ng Ekonomiks

 Ang ekonomiks ay nahahati


sa dalawang dibisyon:
1.maykroekonomiks at
2.makroekonomiks.
Maykroekonomiks
 Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at
desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
 Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa
kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri
nito ang pambansang produksyon pati na ang
pangkahalatang antas ng presyo at
pambansang kita. Ito ay tumitingin sa
kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon
ng Ekonomiks

Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon Presyo ng Distribusyon


ekonomiks ng bawat bawat kalakal ng kita ng
industriya bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansang


ekonomiks Produksyon lebel ng kita
presyo
. Kahalagahan ng Ekonomiks ( II )
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat
makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon.

Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at


kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa


ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu
na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng
bansa.

Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang


ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit
na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga
nangyayari sa iyong kapaligiran.

Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa,


ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang
ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa paggawa
ng desisyon? Ipaliwanag.
Gawain 3: TAYO NA SA CANTEEN
Sitwasyon:

Si Nicole ay pumapasok sa isang


pampublikong paaralan na malapit sa
kanilang bahay. Naglalakad lamang siya sa
tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang
lingo, binibigyan siya ng kanyang mga
magulang ng Php100 na baon pambili ng
kanyang pagkain at iba pang
pangangailangan. Suriin ang talahanayan ng
mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa
canteen at sagutan ang pamprosesong
tanong sa ibaba.
Produkto Presyo bawat Piraso
Tubig na Inumin Php 10
Tinapay Php 8
Kanin Php 10
Ulam Php 20
Juice Php10

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa
mong ipagpalit upang makabili ng inuming tubig? Bakit?

2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals)


at bumaba sa Php25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si
Nicole, paano mo pamamahalaan ang iyong badyet?
Gawin 4: Pagsulat ng Repleksiyon

Sumulat ng maikling repleksiyon


tungkol sa iyong mga natutuhan at
reyalisasyon tungkol sa kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay
bilang mag-aaral at bilang kasapi ng
pamilya at lipunan.
RUBRIK SA PAGTATAYA NG
REPLEKSIYON

NANGANGAIL
DIMENSIYON NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN ANGAN NG
7 PUNTOS PAGPAPABUTI
10 PUNTOS 8 PUNTOS
5 PUNTOS

Hindi
Maliwanag Maliwanag Hindi maliwanag
at subalit gaanong at marami
Buod ng
kumpleto may maliwanag at ang kulang
aralin,
kulang sa kulang sa sa mga
paksa, o ang
detalye sa ilang detalye detalye sa
gawain pagbuod
paksa o sa paksa o paksa o
ng araling araling
araling araling
tinalakay tinalakay tinalakay tinalakay
Bilang Pagtatapos…..

 Ang pag-aaral ng ekonomiks ay


nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang
tao.
PAGPAPAHALAGA

• Mahalaga pa ba para sa mga


kabataan ang pag-aaral ng
ekonomiks? Bakit?
Araw-araw, ang tao ay laging
nahaharap sa sitwasyong kailangan
niyang pumili.
si
d d
t a
es
w
is h
as
y il
y
o
o a
n
n n

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng


labis na kasiyahan at kapakinabangan.
References:
 EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
 De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like