You are on page 1of 29

Araling

Panlipunan
Mam Pablita
9
D.Gallardo
Handa ka na ba?
Isang araw ng Sabado, umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayo ng
iyong bunsong kapatid sa bahay. Matapos mahimbing na makatulog ang
iyong kapatid, ikaw ay naglaba at nagsaing. Matapos ang mga gawain
naisipan mong maligo. Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng
sabay-sabay ang mga sumusunod:
 Biglang umulan ng malakas at nakasampay sa likod-bahay ang mga damit
na iyong nilabhan.
 Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.
 Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.
 Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid.
Ano ang iyong uunahin?
Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli
Tuklasin:
• Maaari mo bang gawin ang mga
sumusunod nang sabay-sabay?
• Ano ang batayan sa iyong pagpili
sa kung anong gawain ang
uunahin?
Panimula
o Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa pinakasimple hanggang sa
pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa
marami niyang pamimilian.
o Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusan na nag-uugnay sa bawat isa.
Ang buhay ay tila isang malaking palaisipan.
o Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa
pang- araw-araw na pamumuhay?
Aralin 1
Kahulugan ng
Ekonomiks
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay
inaasahang:

1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa


pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. 7
Layunin :
1. Natutukoy ang kahulugan ng ekonomiks
2. Naiisa-isa ang mahahalagang konsepto ng
ekonomiks
3. Naiuugnay ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay
8
Gawain 2: Think, Pair, Share!
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa
una at ikalawang kolum.
Pagpasyahan kung ano ang pipiliin
mo sa Option A at B. Ibigay ang
dahilan mo sa pinili mong desiyon.
9
Gawain : Think, Pair, Share!
Option A Option B Desisyon Dahilan
   
1.Pagpapatuloy ng Pagtatrabaho pagkatapos
pag-aaral sa kolehiyo ng high
school
   
2.Paglalakad papunta sa Pagsakay ng jeep o
paaralan tricycle papunta sa
paaralan
   
3.Paglalaro ng Pagpasok sa klase
basketball
   
4.Pagtulong sa Pamamasyal kasama ang
gawaing bahay barkada
   
5.Paggawa ng takdang Paglaro ng mobile
aralin legend

10
Pamprosesong Tanong:
1.Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa
paggawa ng desisyon?
2.Ano angnaging batayan mo sa iyong ginawang
desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong mga pasya?
Bakit?
Gawain : Baitang ng Pag-unlad

Magbigay ng paunang kaalaman kung ano ang


kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag- aaral, kasapi ng
pamilya, at lipunan.

12
Baitang ng Pag-unlad
Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan?
13
Ekonomiks
-salitangGriyego na oikonomia na
nagmula naman sa dalawang salita:
Oikos- bahay/tahanan .
nomos - pamamahala

14
Ekonomiks
-isangsangay ng Agham Panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.

15
Pagkakatulad ng ekonomiya
sa sambahayan
gumagawa ng mga
desisyon.

16
17
MIND MAPPING
Panuto: Isaayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ang mga konseptong
nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows at lines.

18
MAHALAGANG KONSEPTO
SA EKONOMIKS
Trade-off-sa pagpili
ng isa,may
isasakripisyong iba
19
MAHALAGANG KONSEPTO SA
EKONOMIKS
Opportunity cost-tumutukoy sa
halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa
paggawa ng desisyon.
MAHALAGANG KONSEPTO SA
EKONOMIKS
Incentives-tumutugon ang tao
batay sa gantimpalang
makukuha o parusang
matatamo
21
MAHALAGANG KONSEPTO SA
EKONOMIKS
Marginal thinking-sinusuri ng
isang indibidwal ang karagdagng
halaga maging ito may ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
22
2 DIBISYON NG EKONOMIKS
1.Maykroekonomiks (Microeconomics)
-tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay-
kalakal at sambahayan

2. Makroekonomiks (Macroeconmics)
-tumutukoy sa kabuuang ekonomiya ng isang
bansa
23
Paano maisasabuhay ang
pag-aaral ng ekonomiks
• Magkakaroon ng mapanuring pag-iisip
• Mauunawaan ang kaganapan sa lipunan
• Maging matalinong botante
• Maging responsableng mamayang Pilipino

24
Mahalagang kaalaman na dapat
tandaan
Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na
tungkol sa paggamit at alokasyon o
pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-
yaman ng lipunan upang makalikha ng
pinakamahusay at de-kalidad na mga produkto
at serbisyong makatutugon sa paparaming
pangangailangan at hilig ng tao sa paraang
pinakamatipid at pinakamabisa.
25
Mahalagang kaalaman na dapat tandaan
 Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng Ekonomiks ay kung
paano tutugunan ang mga suliranin at
pangangailangan ng mga tao sa lipunan kaya’t ito’y
nabibilang sa agham panlipunan. Sinusuri at
tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning
pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may kinalaman sa
pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat
pamilya at ng buong bansa.
Mahalagang kaalaman na dapat tandaan
Sa pag-aaral ng Ekonomiks, inuunawa ang mga
konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming
pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon,
alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga
gawaing pamproduksiyon at pangkalahatang
kaunlaran.
 Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nakatutulong
upang magkaroon ng tamang pagpapasiya at
pagpili ang tao.
PAGSULAT NG REPLEKSYON
Panuto: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon
sa kahulugan ng Ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral, bilang kasapi ng pamilya at
lipunan. Isulat ito sa isang buong papel.
Maraming
Salamat!!!

29

You might also like