You are on page 1of 21

Aralin 1

Ang Konsepto ng Pag-aaral


ng Ekonomiks
Kahulugan ng Ekonomiks

Hango sa salitang
Griyego – “oikonomia”

Oikos – “sambahayan”
Nomos – “pamamahala”

“pamamahala ng
tahanan/sambahayan”
Kahulugan ng Ekonomiks
Agham-panlipunan na
tumutugon/tumutukoy sa tama,
maayos, matalino at mahusay na
paggamit/pangangasiwa ng mga
limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay pag-aaral sa


isang aspekto ng buhay ng
tao – ang aspektong
PANGKABUHAYAN.
Nakabatay rito ang kalagayan
ng tao bilang isang mamimili
o manggagawa na
naaapektuhan ng
pangkalahatang kalagayan
ng bansa.
Kahulugan ng Ekonomiks

Kaya maaaring sabihing


naaapektuhan ng Ekonomiks
ang halos lahat ng mga
aspekto ng buhay –
panlipunan, pampolitika, at
pangkalinangan.
Kahulugan ng Ekonomiks

Kung iisipin, iniuugnay lamang ang


Ekonomiks sa mga bagay na may
kaugnayan sa pananalapi, sa pagtaas ng
bilihin, sa pagbubuwis at sa
paghahanapbuhay.
Kahulugan ng Ekonomiks

Kung kaya, kinakailangan dito ang


kakayahan ng tao upang magpasiya ng
nararapat sa mga nagtutunggaliang
pangangailangan at limitadong
pinagkukunang-yaman.
Opportunity Benefit
- halaga ng pagkakataong
nakamit batay sa
ginawang pagpili.
Opportunity Cost
- halaga ng pagkakataong
nawala batay sa
ginawang pagpili.
Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na
dumalo sa pagdiriwang ng kanyang
kaarawan na gaganapin sa gabi
pagkatapos ng inyong klase. Gayunman,
kailangan mo na ring umuwi nang maaga
dahil magkakaroon kayo ng mahabang
pagsusulit sa inyong klase kinabukasan.
Sa kabila nito, nais mo pa ring paunlakan
ang paanyaya ng iyong kaibigan. Paano
naman ang gagawin mong paghahanda
para sa inyong pagsusulit? Sa
halimbawang ito, ang limitadong
pinagkukunang-yaman ay ang panahon o
oras.
Upang maging mahusay
ang pagpapasiya,
kinakailangang mas
mataas ang
opportunity benefit
kaysa sa opportunity
cost.
Dapat maging handa sa
anumang kahihinatnan
na maaaring harapin sa
gagawing pagpili at
pagpapasiya.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

 Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay


walang katapusan.
 Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
 Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
 Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang Konsepto ng
Ekonomiks
Efficiency
 Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
 Pangunahing tuon ng pag-aaral ng
ekonomiks ang paglago ng ekonomiya
(economic growth) ng bawat bansa.
Mga Mahalagang Konsepto ng
Ekonomiks
Equality
 Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao
at ang distribusyon ng pinagkukunang
yaman.
 Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto ng
Ekonomiks
Sustainability
Ang paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang
pangangailangan at kagustuhan
nang hindi nanganganib ang
kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.
Dibisyon ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay nahahati sa


dalawang dibisyon:

maykroekonomiks at
makroekonomiks.
Maykroekonomiks

Ang maykroekonomiks ay tungkol


sa galaw at desisyon ng bawat
bahay kalakal at sambahayan. Ito
ay tumitingin sa bawat indibidwal na
yunit – sambahayan, bahay-kalakal
at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga
sa pag-unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks

Ang makroekonomiks naman ay


tumitingin sa kabuuang ekonomiya
ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang produksyon pati na
ang pangkahalatang antas ng
presyo at pambansang kita. Ito ay
tumitingin sa kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang
Dibisyon ng Ekonomiks

Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon Presyo ng Distribusyon


ekonimiks ng bawat bawat ng kita ng
industriya kalakal bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansang


ekonomiks Produksyon lebel ng kita
presyo
Bilang Pagtatapos…..
Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon
ng tamang at matalinong
pagpapasya at pagpili ang tao.
Kinakailangan ding
suriin kung ano ang
mas makapagbibigay
ng mga benepisyo sa
NAKARARAMI.
References:

 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at


Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
 www.WikiPinas.com
 Ekonomiks: Pagtanaw at Pag-unawa

You might also like