You are on page 1of 17

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng
Ekonomiks
Handa Ka na Ba?
Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng
sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong
uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang
pinakahuli.
• Biglang umulan at nakasambay sa
likod-bahay ang mga damit na
iyong nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang
sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong
celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang
sanggol na kapatid.
Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa
sitwasyong kailangan niyang pumili.

sitwason desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot


ng labis na kapakinabangan.
Kahulugan ng Ekonomiks
• Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na
oikonomia. Ito ay mula sa dalawang salita oikos at nomos.
Ang oikos ay ibig sabihin ay bahay at ang nomos naman ay
pamamahala.
• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan
ang walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa
mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na
economist’s perspective.
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa
pagbuo ng matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin
ng kakapusan.
 Trade off- pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro ng mobile legend?

 Opportunity cost- halaga ng bagay o nang best alternative na


handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Sa ginawang
pagsasakripisyo, ang paglalaro sa na unang halimbawa ay ang
halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin.

 Incentives- mga karagdagang makukuha mula sa bagay o


situwasyon.

 Marginal Thinking- pagsusuri na ginagawa ng isang indibidwal


sa mga karagdagang halaga maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa nagawang desisyon. May
kasabihan “Rational people think at the margin” na ang ibig
sabihin ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga
na makukuha sa isang bagay o desisyon na gagawin.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang
limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot
ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Efficiency
• Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

• Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang


paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat
bansa.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Equality
• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.

• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay


nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks

Sustainability
• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at
kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan
ng susunod na henerasyon na tugunan ito.
Ekonomiks bilang Isang Agham
Panlipunan

• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng


kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-
uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at kapaligiran.

• Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks.


Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao
ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng
kakapusan.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)

Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT
Dibisyon ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang
dibisyon:

maykroekonomiks

makroekonomiks
Maykroekonomiks
• Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at
desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks

• Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa


kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri
nito ang pambansang produksyon pati na ang
pangkahalatang antas ng presyo at
pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang
Dibisyon ng Ekonomiks

Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon Presyo ng Distribusyon


ekonimiks ng bawat bawat kalakal ng kita ng
industriya bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansan


ekonomiks Produksyon lebel ng g kita
presyo
Bilang Pagtatapos…..

• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay


nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang
tao.
PAGPAPAHALAGA

• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang


pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?

You might also like