You are on page 1of 1

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao sa
pinakamahusay na paraan.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya sa mga suliranin (economist’s
perspective).
Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.
Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.
Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan
at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.

Mga Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Efficiency
• Masinop na paggamit sa mga pinagkukunang- yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pangunahing tuon ng ekonomiks ang pag-aaral kung paano tutugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan.
Equality
• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang distribusyon ng pinagkukunang yaman.
• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay nakabatay sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa
pagkamit nito.
Sustainability
• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.

Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan


Ang agham panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag- uugali ng
tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran. Isang displina ng agham
panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Dibisyon ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.
Maykroekonomiks
Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay
tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan, bahay- kalakal at industriya. Ang mga desisyon
ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag- unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay
tumitingin sa kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks
Produksyon ng bawat Presyo ng bawat Distribusyon ng kita ng
Maykro- ekonimiks
industriya kalakal bawat tao
Kabuuang lebel ng
Makro- ekonomiks Pambansang Produksyon Pambansang kita
presyo

You might also like