You are on page 1of 15

Aralin 1: Ekonomiks Paano Nagmimix sa Araw-araw

 Module 1: Kahulugan ng Ekonomiks at saklaw nito


 Module 2: Kahalagahan ng Ekonomiks
 Module 3:Mga Pangwakas na Gawain

Kahulugan ng Ekonomiks at Saklaw Nito


Module Duration: 2-3 Araw
Sa module na ito, gagawin ang sumusunod;

Panimulang Gawain: Ekonomiks, you mean to me!

1. Ekonomiks _________________________________________________________

2. Ekonomiya _________________________________________________________

3. Sambayanan _________________________________________________________

4. Alokasyon _________________________________________________________

5. Pamamahala _________________________________________________________

6. Kagustuhan _________________________________________________________

7. Pinagkukunang Yaman ___________________________________________________

8. Alternatibong gamit ___________________________________________________


Ano ang Ekonomiks?

Ang kagustuhan ng lahat ng tao ay walang hanggan. Ngunit paano matutugunan ang mga ito
kung kapos naman ang pinagkukunan ng kagustuhan? Ang pangyayari na ito ay isa sa
mahalagang sinasagot sa pag-aaral ng ekonomiks. Halina at alamin kung ano ang ekonomiks. 

Karaniwan sa mga pamilihan hinahanap ng tao ang kaniyang pangunahing pangangailangan sa araw-
araw, ang pagkain. Ngunit may mga pagkakataon na kapos o wala ang kinakailangang sangkap ng
pagkain. Ang pangyayari na ito ang isa sa suliranin pinag-aaralan  na tugunan sa ekonomiks.

Nagmula sa salitang Greek na oikonomos” na ang ibig sabihin ay pamamahala sa sambahayan.


Ayon naman sa Greek na economic historian na si Christos Baloglou, kalaunan ay naging saklaw
na ng oikonomia hindi lamang ang sambahayan kung hindi ang buong estado.

Sina dating Pangulong Benigno Aquino, III at Pangulong Rodrigo Duterte. Ang Pangulo ang inaasahang

mamahala sa ekonomiya ng bansa.


Ayon naman kay Lionel Robins “ang ekonomiks ay ang agham na sumisiyasat sa mga gawi ng
mga tao bilang ugnayan sa pagitan ng mga layon at kapos na sangkap na may alternatibong
mga gamit.”

Ang pagtitinda tulad ng nasa


larawan ay isang pagtugon
sa

pangangailangan ng kaniyang kapuwa. Sa pagtitinda karaniwang batayan ang gawi ng kapuwa na siyang
kailangang matugunan.

Ayon kay Gerardo Sicat ito ay ang pag-aaral sa kung paano pinipili ng mga indibidwal at ng
lipunan ang paggamit sa mga kapos na pinagkukunang yaman upang matugunan ang
alternatibong kagustuhan at pangangailangang pawang walang hangganan.

Tulad ng mga bata sa larawan, isa sa kasiyahan ng bawat tao ay ang matugunan ang kaniyang pangangailangan sa

pagkain. Ang pangangailangan din na ito ay sinasabing walang hanggan.


Mula sa mga ibinigay na depinisyon, matutukoy ang tatlong konsepto na sinasaklawan din ng
pag-aaral sa ekonomiks, ito ay ang mga;

 KAKAPUSAN
 PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
 ALOKASYON

Ang mga konseptong ito ay tatalakayin din sa mga susunod na aralin. Mahalaga rin na balikan
ang ilan sa mga karanasan sa araw-araw dahil karamihan sa mga iyon ay may kinalaman ang
ekonomiks.

Maaaring basahin ang “Economics Every Day” Student’s Digest Gr.9 (Volume 39 No.1 July-August 2019) Alamin

kung paano umiiral ang ekonomiks sa pang araw-araw na buhay ng bawat tao.

Tatlong Mahahalagang Tanong sa Ekonomiks

Mula sa pagbibigay kahulugan sa ekonomiks, natukoy ang batayang konsepto nito na walang
hanggan ang kagustuhan ng tao at ang kakulangan ng pinagkukunang-yaman. Ito ay lumiklikha
ng tinatawag na economic problem, kung saan kinakailangang magpasiya ang lipunan sa
produksiyon ng produkto o serbisyo. Mula rito, tinukoy ng Amerikanong ekonomista na si
Samuelson ang tatlong tanong na dapat sagutin sa ekonomiks.
Ano ang ipoprodyus na produkto at serbisyo?

 Kailangang pumili ng lipunan ng pinakamainam na produkto o


serbisyo na tutugon sa kagustuhan.
 Matutukoy din sa prosesong ito kung gaano karaming serbisyo o
produkto ang kailangan.

Paano ipoprodyus ang mga produkto at serbisyo?

 Kailangang matukoy ang dami na kailangan upang maiprodyus ang


mga produkto at serbisyo
 Kinakailangan din na matukoy ang episyenteng kombinasyon sa
produksiyon.

Para kanino ang ipoprodyus na produkto at serbisyo?

 Kinakailangang pagpasiyahan kung kanino mapupunta ang ipoprodyus


na mga produkto at serbisyo.
 Layon nito na tukuyin ang tiyak na pangkat na kailangang makinabang
sa produkto at serbisyo.

Saklaw ng Ekonomiks?

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nahahati sa dalawa. Alamin ang kung paano sila nagkakaiba at
kung ano-ano ang kanilang sinasaklawan.

Maykroekonomiks

 Sinusuri dito ang mga pasiya ng indibidwal na sambahayan at bahay-


kalakal, at kung ano ang epekto sa pamilihan ng gayong mga pasiya.

Halimbawa:

- Pinag-aaralan presyo ng isang gadget at kung paano nito naaapektuhan ang dami ng gadget na
ipinoprodyus at ipinagbibili. Tinitingnan din nito ang epekto ng buwis sa presyo at suplay ng
gadget

Makroekonomiks

 Ito pag-aaral sa kung ano ang epekto ng mga pasiya ng mga


indibidwal at mga bahay-kalakal sa pagkonsumo at sa produksiyon sa
kabuoan ng ekonomiya. Nasasama rito ang kabuoan ng pambansang
kita; pagtaas at pagbaba ng presyo; at kalagayan ng empleo.
Halimbawa:

- Sinusuri dito ang pangkalahatang presyo, produksiyon, at kita. Pinag-aaralan din ang kabuuang
kita ng bansa, ang paggalaw ng pangkalahatang presyo, at ang pangkalahatang antas ng
kawalang-trabaho.

Paghahati sa
Produksiyon Presyo Kita
Ekonomiks
Produksiyon ng bawat Presyo ng bawat Distribusyon ng bawat
Maykroekonomiks
industriya kalakal kita ng tao
Pambansang Kabuoang Lebel ng
Makroekonomiks Pambansang Kita
produksiyon Presyo

Mga Pagsasanay: Match Tayo!

Itambal ang salita sa hanay A sa kaugnay nitong parirala sa hanay B.


Isulat ang titik lamang sa patlang.

_______ 1. Maykroekonomiks a. Amerikanong ekonomista

_______2. Makroekonomiks b. Economic Historian

_______3. Economic Problem c. Indibidwal na pamilihan

_______4. Oikonomos d. Pagpapasiya sa produksiyon ng produkto at serbisyo

_______5. Samuelson e. Pamamahala sa sambayanan

f. Pangkalahatang presyo, produksiyon at kita

Mga Pagsasanay: List down, list down!

Itala ang mga hinihinging impormasyon sa bawat bilang.

1. Tatlong mahahalagang Tanong sa Ekonomiks

1.

2.

3.

2. Dalawang saklaw ng Pag-aaral ng Ekonomiks

1.

2.
Kahalagahan ng Ekonomiks

Panimulang Gawain: Ekonomiks, kailangan ba kita?

Pag-isipan at subukang sagutin ang tanong.


 Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa ating buhay at lipunan?

Ano ang dalawang uri ng pagsisiyasat sa Ekonomiks?

Gaya ng binanggit sa unang module, maraming pangyayari sa ating paligid sa araw-araw ay may
kinalaman ang ekonomiks. Kaya’t mahalagang magkaroon ng kaalaman kung paano ito masusuri at
makatukoy ng mga tamang hakbang na dapat gawin kung kinakailangan. Mayroong dalawang
pangunahing uri ng pagsisiyasat sa ekonomiks. 

POSITIVE ECONOMICS

 ang paglalarawan at pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa ekonomiya gamit


ang iba't ibang konsepto at kaisipan sa ekonomiks.
 gumawa ng prediksiyon tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari batay
sa kaukulang teorya o pattern ng mga pangyayari sa nakaraan.

NORMATIVE ECONOMICS

 pagbibigay ng panukala at value-laden na pahayag tungkol sa kung ano ang


dapat gawin sa larangang ekonomiko.
 Maaaring mapaloob dito ang mga makatotohanang kaisipan ngunit ang
kabuuan ng pahayag ay hindi mapatototohanan.
CASE STUDY

Tunghayan at suriin ang sumusunod na pahayag. Alin ang positive na pahayag at alin naman ang
normative na pahayag?

• Kapag tumaas ang presyo ng produktong itinuturing na luho ay lumiliit ang quantity demanded dito.

• Kapag tumaas ang presyo ng produktong itinuturing na luho ay dapat iwasan muna ang
pagkonsumo nito.

Ang mga bagong modelo ng cellular phone ay itinuturing na luho. Dapat ipagpaliban ang pagkonsumo dito kapag

tumaas ang kanilang presyo. Batay ito sa normative economics.

Halaga ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Tinutugunan ng pag-aaral sa ekonomiks ang ilan sa mga kinakaharap na suliranin ng tao sa araw-
araw na pamumuhay.

Ekonomiks bilang paraan ng pag-iisip

Pagkakaroon ng batayan ng pag-iisip na makatuwiran o sistematiko.


Mayroon itong tatlong salik;

 Opportunity cost - ito ay ang halaga ng alternatibong ating pinapawalan o


isinusuko sa bawat pasiyang gagawin.
 Marginal thinking - ito ay ang pagtingin sa bawat dagdag na yunit na
pagkonsumo o produksiyon at ano ang kontribusyon nito sa pangkalahatan.
 Incentive - ito ay ang kumakatawan sa gantimpala o parusa.
Ekonomiks para sa pag-unawa ng mga isyung panlipunan

 Ang mga pasiyang ekonomiko noon at ngayon ay may mahahalagang


implikasyon sa direksiyon at karakter ng lipunan.
 Ito ay nagbibigay kakayahan sa tao na maunawaan ang mga isyung politikal,
global o lokal.

Ekonomiks tungo sa pagiging mamamayan na may wastong pag-unawa

 Pagkakaroon ng kakayahan na umunawa at pumatnubay sa mga pangyayari


sa paligid.
 Layon nito na tukuyin ang tiyak na pangkat na kailangang makinabang sa
produkto at serbisyo.

Ekonomiks Bilang Isang Agham Panlipunan

Itinuturing na agham ang isang sistematikong larangan ng pag-aaral na sumusuri at nagpapaliwanag sa


naoobserbahang penomena. Tulad ng agham panlipunan, kung saan ang pag-aaral ay nakatuon sa
ugnayan ng mga indibidwal, pangkat, at institusyong bumubuo sa lipunan. Sa ganitong mga pamamaraan,
sumusunod sa maka-agham na proseso ang pag-aaral ng ekonomiks. Tunghayan ang mga patunay ukol
dito.

Isa itong sistematikong larangan ng pag-aaral na nakatuon sa interaksiyon ng iba't ibang yunit ng lipunan.

Tulad sa agham, gumagamit ang ekonomiks ng mga pormal na modelo at teorya upang maipaliwanag ang
mga pangyayaring panlipunan at maintindihan kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Ginagamit sa ekonomiks ang pamamaraang siyentipiko kung saan

1) may sistematikong obserbasyon,

2) matalinong pagtatanong,

3) paggawa ng teorya,

4) pagsubok sa teorya gamit ang datos,

5) paggawa ng kongklusyon at rekomendasyon gamit ang resulta ng pagsubok sa datos.


Tunghayan sa Pigura 1.1 ang isang halimbawa ng paggamit ng siyentipikong pamamaraan sa
ekonomiks.

Pigura 1.1

Mga Pagsasanay

A. Tukuyin kung ang bawat pangungusap ay tama o mali. 

1. Ang normative economics ay paglalarawan at pagpapaliwanag sa mga pangyayari sa


ekonomiya gamit ang iba't ibang konsepto at kaisipan sa ekonomiks.
Tama Mali
2. Sa positive economics gumagawa ng prediksiyon tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari
batay sa kaukulang teorya o pattern ng mga pangyayari sa nakaraan.
Tama Mali
3. Marginal thinking  ay ang pagtingin sa bawat dagdag na yunit na pagkonsumo o produksiyon
at ano ang kontribusyon nito sa pangkalahatan.
Tama Mali
4. Incentive ay ang halaga ng alternatibong ating pinapawalan o isinusuko sa bawat pasiyang
gagawin.
Tama Mali
5. Matematikang sistema  ang pag-aaral na sumusuri at nagpapaliwanag sa naoobserbahang
penomena.
Tama Mali
Mga Pagsasanay

B. Tukuyin kung alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng siyentipikong pamamaraan at


alin ang hindi. Para sa mga hindi alinsunod sa siyentipikong pamamaraan, sabihin kung ano ang
dapat gawin upang masunod ang siyentipikong pamamaraan.

1. Isinasantabi ni Ekonomista A ang datos na taliwas sa kaniyang hinuha. Pinili lamang niya ang
mga naayon sa kaniyang hinuha.

2. Kinapanayam ni Ekonomista B ang mga negosyante tungkol sa kaniyang hinuha kaugnay ng


pamimili nila ng hilaw na sangkap.

3.Bumuo si Ekonomista C ng paglalahat tungkol sa mga gawi ng mga mamimili matapos


makapanayam ang dalawang mamimili sa mall.

4.Inihambing ni Ekonomista D ang nakalap niyang datos sa kaugnay na datos na nakalap sa mga
naunang pananaliksik.

5.Matapos mangalap ng datos ay tinukoy ni Ekonomista E ang tanong na nais niyang masagot.

Mga Pagtataya
C. Muling balikan ang naging sagot sa Panimulang Gawain ng Module 2. Pag-isipan muli ang
iyong sagot kung batay pa rin iyon sa iyong mga natutunan sa aralin.

Pagbubuod
Bumuo ng concept map na bubuod sa araling “Ekonomiks sa Araw-araw.”
Aralin 1: Ekonomiks paano nagmimix sa araw-araw

Mga Pangwakas na Gawain

Sa module na ito, gagawin ang sumusunod;

Mga Pagtataya

A. Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. 

B. Sagutin ang sumusunod na tanong.

C. Bumuo ng tula na ang tema ay tumutukoy sa kahalagahan ng ekonomiya sa pang araw-araw


na pamumuhay ng tao sa kaniyang lipunan.

D. Muling balikan ang naging sagot Panimulang Gawain ng Module 2. Pag-isipan muli ang
iyong sagot kung batay pa rin iyon sa iyong mga natutuhan sa aralin.

A.
1. Ikaw ay nagtungo sa grocery upang bumili ng iyong paboritong tsokolate. Anong aspekto ng
ekonomiks ang ipinapakita sa sitwasyon?
a. kakapusan ng pinagkukuhanang yaman
b. kawalang hangganan ng kagustuhan
c. paggamit ng pinagkukunang yaman
d. pagprodyus ng produkto

2. Ikaw ay bumili ng damit para sa handaan na pupuntahan. Tatlong pirasong damit ang iyong
napusuan subalit nahirapan kang piliin ang damit na iyong bibilhin. Binili mo na lamang ang
tatlong damit na iyong nabili. Anong aspekto ng ekonomiks ang ipinapakita sa sitwasyon?
a. kakapusan ng pinagkukuhanang yaman
b. kawalang hangganan ng kagustuhan
c. paggamit ng pinagkukunang yaman
d. pagprodyus ng produkto

3. Bakit kailangang pag-aralan ng bawat mag-aaral ang ekonomiks?


a. dahil may kinalaman ito sa kasaysayan ng mundo
b. dahil pinahahalagahan nito ang kabuhayan ng isang bansa
c. dahil malaki ang papel na ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng isang bansa
d. pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao

4. Paano nakakatulong ang ekonomiks upang masolusyunan ang suliranin ng isang bansa?
a. nagagamit bilang pangkritiko sa mga pulitiko
b. napag-aaralang itago ang mga problema ng isang bansa.
c. nakapagbibigay ng solusyon mula sa mga datos na makukuha
d. nakapagpapaisip na kritikal ang mga pinuno na nasa pamahalaan

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng ekonomiks sa tuwing namamalengke?


a. bumili ng maraming pagkain kahit hindi ito mauubos
b. bumili ng mga produkto na sapat lang sa dalang pera
c. bumili ng gamit na nakaaya-aya tingnan kahit hindi kailangan
d.bumili ng mga bagay na hindi naman pangunahing pangangailangan
6. Bakit mahalagang malaman kung gaano karaming bigas ang nakokonsumo ng inyong
pamilya?
a. upang makabenta ng mas mahal sa ibang naubusan
b. upang malaman kung kasya sa mga kasama sa bahay
c. upang mabigyan ang kapitbahay kung sila ay naubusan
d. upang malaman kung kasya sa lalagyan ng bigas sa bahay

7. Niyaya ng isang kamag-aral si Maria na kumain sa labas. Sapat lang ang pera ni Maria para sa
buong araw niyang gastos sa loob ng paaralan. Ano ang maaaring maging desisyon ni Maria?
a. Sabihin sa kamag-aral na sapat lang ang dala niyang pera.
b. Sabihin sa kamag-aral ng isang maluhong bagay ang pagkain sa labas.
c. Sabihin sa kamag-aral na kung maaari siyang manghiram ng pera upang makakain.
d. Sabihin sa kamag-aral na mas masaya kumain sa loob ng paaralan kaysa sa labas.

8. Bakit nakakaapekto ang antas na tinapos sa edukasyon sa magiging hanapbuhay ng isang tao?
a. dahil dito maaaring ibatay ang magiging trabaho at kita
b. dahil dito nakasalalay ang magiging kinabukasan ng isang tao
c. dahil dito malalaman kung nagging masipag na mag-aaral ang isang tao.
d. dahil dito malalaman kung magiging mahusay bas a trabaho ang isang tao
9. Bakit kahit may trabaho ang isang tao ay may mga bagay pa ring hindi niya mabibili?
a. dahil ayaw siyang pabilhin ng kaniyang amo
b. dahil nahihiya siyang asarin ng mga katrabaho
c. dahil sa limitadong kinikita niya mula sa trabaho
d. dahil laging mahahabang oras ang kanyang ginugugol sa trabaho

10. Nagtatrabaho sa isang mataas na posisyon sa isang kilalang kumpanya si Leo. Mahilig sa
mamamahalin at bagong gamit si Leo. Ano ang maaaring dahilan kung bakit nakahiligan ni Leo
ang bumili ng mamahalin at bagong gamit?
a. Maaaring si Leo ay nakakakuha ng diskwento sa mga gamit ng kanyang binibili nang
maramihan.
b. Maaaring si Leo ay may malaking kita at kayang bumili ng mamahalin at bagong
gamit
c. Maaaring si Leo ay walang paglagyan ng kanyang kinikitang pera buwan buwan
d. Maaaring si Leo ay naiinggit sa mga kasamahan niya sa trabaho.

B.
1. Bakit mahalagang maintindihan na ang pag-aaral ng ekonomiks ay hindi lamang isang araling
panlipunan kundi isa ring pamamaraan ng pag-iisip?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Papaano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks sa pagtugon sa iyong mga sariling
suliranin na walang kinalaman sa ekonomiya ng bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa ating buhay at lipunan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PETA: Kasambahay mo, ipatrol mo!

Ipagpalagay na ikaw ay isang mamamahayag. Kapanayamin ang ilang kasama sa bahay tungkol
sa kanilang pagkakaunawa sa salitang “ekonomiks” at kung paano iyon nakakaapekto sa
kanilang pang araw-araw na buhay. Layon ng pakikipanayam ang ihambing ang sagot ng mga
kasama sa bahay sa pormal na depinisyon ng ekonomiks at ang kanilang mga karanasan sa araw-
araw na may kinalaman sa ekonomiks. Gawan ng video presentation ang iyong pakikipanayam
tulad sa reporter sa isang news show.  (Hingin ang gabay ng guro tungkol sa pagtupad at
pagmamarka ng gawain.)

Output: Buod ng naging sagot ng mga kinapanayam. Video na nagpapakita habang ginagawa ang
pakikipagpanayam.

You might also like