You are on page 1of 6

The First Uniting Christian School

City of Dasmarinas, Cavite


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A ( CALABARZON )

ARALING
PANLIPUNAN 9
WEEK 1&2

PUNDASYON NG EKONOMIKS

Name: ___________________________________ Grade/ Section: ___________________________


Teacher: SIR. JAIME GULDARASE L.

ARALIN 1

KAHULUGAN NG EKONOMIKS
EKONOMIKS: “ANG PINAGMULAN AT KAHULUGAN NITO BILANG ISANG AGHAM PANLIPUAN”
Ang salitang "ekonomiks” ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nangangahulugang
pamamahala ng sambahayan.” Ito ay binubuo ng dalawang salita—ang oikos na ang kahulugan ay
"sambahayan” at ang salitang nomos na ang ibig sabihin naman ay “sistema ng pamamahala." Hindi
lamang ang pamamahala ng sambahayan ang sinasaklawan ng oikonomia kung 'di ang buong sektor ng
lipunan at ng buong bansa.

SANGAY NG EKONOMIKS:
A.Maykroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na mikros o mikro oikonomia na ang ibig sabihin
ay “maliit na pamamahala.” Ito ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri sa mga gawain at
pagpapasiya ng bawat sektor sa lipunan. Ang mga sektor na ito ay ang sambahayan na sektor o indibidwal
at bahay-kalakal. Ipinaliliwanag ng maykroekonomiks ang ugnayan at implikasyon ng bawat sektor sa
ekonomiya sa pagpili, pagkonsumo, at produksiyon ng kalakal at serbisyo.

B. Makroekonomiks- naman ay nagmula sa salitang Griyego namakros o makro oikonomia na ang ibig
sabihin ay “malaking pamamahala." Ito ay isangsangay ng ekonomiks na sumusuri sa pangkabuuang
ekonomiya. Sinusuri rito angpangkalahatang produksiyon ng kalakal at serbisyo at kabuuang kita ng
buong bansa.

“MGA MAHAHAGANG AMBAG AT KAISIPAN NG MGA EKONOMISTA”


1. Adam Smith (1723-1790) Siya ay isang Scottish na kilala bilang "Ama ng Klasikong Ekonomiks." of
Nation (1770) at The Theory of Moral Sentiments (1759) ay nakilala "Invisible hand theory". Laluez-faire
na tumutukoy sa pamamagitan ng Ang kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the
Wealth tungkol sa pagsisiyasat ng kayaman at kaunlaran. "Wealth of the Nation"

2. David Ricardo (1772-1823) Siya ay isang classical English political economist. Nakilala siya sa Saw of
Comparative Advantage at ang kapwa kapakinabangan sa kalakalan. Siya rin ang nagbigay-kaalaman sa
konsepto ng Law of Diminishing Returns.
3.John Stuart Mill (1806-1873) Siya ay isang English philosopher at klasikong ekonomista na nagging
simbolo "Utilitarianism" . Utilitarianismo na nagbibigay ng kasiyahan at kapakinabangan para sa
karamihan. Nakilala si Mill sa kaniyang akda na Essays on Some Unsettled Questions of Political
Economy at ang inilimbag niyang aklat na Principles of Political Economy noong 1842.

4. Alfred Marshall (1842-1924) Siya ay isang British economist na kung saan ang kaniyang mga akda ay
mula sa pinagsamang kaalaman ng klasikal at utilitarianismo na tinawag niyang, "Neoclassical
Economics." Ang kaniyang edisyon na sumikat sa England ay ang Principles of Economics (1890) na
binuo niya ang maraming konsepto sa maykroekonomiks.

5. Marie-Esprit-Leon Walras (1834-1910) Siya ay isang French mathematical economist at Georgist.


Siya ang naglinang ng teoryang "Marginal Utility.” Nakilala si Walras sa kaniyang akda na, Elements of
Pure Economics na kung saan ipinaliwanag niya ang teorya ng "General Equilibrium" ng demand at
suplay.

6. Karl Heinrich Marx (1777-1838) Siya ay isang German political philosopher. Nakilala siya bilang
“Father of Communism” ng Neoclassical School. Matalino niyang pinag-aralan ang iba't ibang uri ng
komunismo. Nakilala ang kaniyang mga akdang, Das Kapital at Outlines of the Critique of Political
Economy. Pinalawak niya ang pag-unawa sa, The Labor Theory of Value and Exploitation.

7. John Maynard Keynes (1883–1946) Siya ay isang modern English philosopher na mas nakilala sa
Keynesian School. Siya ang may akda ng, The General Theory of Employment, Interests, and Money
(1936). Siya ang nagbigay ng ideya na naging batayan ng teorya at kaugalian sa maykroekonomiks.
ARALIN 2

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PAMUMUHAY AT LIPUNAN

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS:
1. Matutunang unawain ang mga kaganapan sa iyong lipunan Mahalaga na maunawaan mo ang
nakaraan at pangkasalukuyangpangyayari sa iyong lipunan. Ang pagsisiyasat sa mga pangyayari
katulad ngmga kasaganahan, sakuna, trahedya, kaguluhan, kagutuman, kahirapan, at iba pang
kaganapan ay makatutulong na madali mong maunawan ang pag- ng ekonomiks.
Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng paggarnit ng siyentipikong pamamaraan at mga
modelo.
2. Lahat ng bansa ay kabahagi ng pangkalahatang ekonomiya Mahalaga na maunawaan mo ang
relasyon, transaksiyon, pangyayari sa buong mundo. Ang bawat kilos, pagpapasiya at
isang bansa ay maaaring magkaroon ng epekto sa ekonomiya, sa relasyon, o sa transaksiyon sa
ibang bansa.
3. Maging isang mulat at aktibong miyembro ng lipunan Bilang isang kasapi ng lipunan,
mahalagang malaman mo ang iyong responsabilidad sa ikagaganda ng iyong buhay at ng bansa.
Dapat na maging bukas ang iyong isipan at maging mapanuri at mapagmasid sa mga kaganapan
sa lipunan upang ang mga miyembro nito ay makilahok sa mga programang pang-ekonomiya.

PARAAN AT PAGSISIYASAT:
May dalawang paraan sa pagsisiyasat, pagsusuri, at pag-unawa sa mga sangay ng ekonomiks. Ito ay ang
positive economics at normative economics.
1. Positive economics -ay inilalarawan at ipinaliliwanag ang kalagayan Ano ang nangan ng
ekonomiya nang hindi gumagawa ng paghahatol o pagpapasiya. Layunin nito na maipaliwanag
nang huwaran kung paano mangyayari o nangyari ang ang buma binabayaran isang bagay sa
pamamagitan ng mga datos.
2. Normative economics- naman ay inilalarawan ibaba ang buw ipinaliliwanag ang kalagayan ng
ekonomiya nang may pagpapasiya o na binabayaran ng mga tao paghahatol. Sinasagot nito ang
katanungan na, ano ang dapat? Ito ay tinatawag sundin ang ) din na "economic policy," dahil ito
ay may kaugnayan sa pagbabalangkas ng pangkasalukuyang buwis patakaran at alituntuning
pang-ekonomiya.

ARALIN 3

IBA’T-IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


ANG PANGUNAHIN SULIRANIN NG EKONOMIYA:

 Ang kakapusan o scarcity ay ang pangunahing suliranin na kinahaharap ng ekonomiya. Ang


ganitong sitwasyon ay nangyayari 'kung saan ang pinagkukuhanang-yaman ay limitado dahil sa
walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa mga limitadong pinagkukuhanang-yaman.
Ang tao ay may limitasyon dahil ang pinagkukuhanan ay mula sa likas na yaman.

 Ang kakulangan o shortage ay isang kalagayan ng ekonomiya na kung saan ang suplay ng
produkto at serbisyo ay pansamantalang hindi sapat sa pangangailangan ng mga tao. Ito ay
maituturing na panandaliang problema ng ekonomiya. Ang nasa ibaba ay ang mga halimbawa ng
mga limitadong pinagkukuhanang-yaman na maaaring kaharapin ng isang sambahayan o ng
bansa.

PAGHARAP SA KAKAPUSAN:
А. Kahusayan (efficiency) - Lahat ay nakararanas ng kakapusan, kung kaya't nararapat lamang na
gamitin ang pinagkukuhanang-yaman sa pinakamahusay na paraan na walang mga masasayang na yaman.
Ito ay tinatawag din na “economic efficiency." Layunin nito na magkaroon ng wastong alokasyon at
matalinong pagpapasiya sa paggamit ng pinagkukuhanang-yaman.
B. Pagpili (choice) - Dahil sa kakulangan, lahat ay napipilitang mamili dahil hindi makakamtan ang lahat
ng kagustuhan.
C. Halaga ng pagkakataon (opportunity cost) - Ang pagpili ay may kaakibat na paggastos. Kung ang
pinagkukuhanang-yaman ay kulang at ang napagpasiyahan ay lumikha ng isang produkto kumpara sa
paggawa ng maraming produkto, ang napagpasiyahan sa paggawa ng maraming produkto ay isasantabi.

GAWAIN 1. 10 POINTS:
Alamin ang mga gastusin at halaga ng bawat isa ng iyong sambahayan sa isang araw.Kabuuan kita sa
isang araw._____________________________
-

GAWAIN 2. 10 POINTS
Pangkatin ang mga salita sa loob ng kahon ayon sa dalawang sangay ng ekonomiks.

DAMI NG PILIPINONG WALANG TRABAHO PRODYUSER BAHAY KALAKAL

INDIBIDWAL NA PANGKONSUMO GASTUSIN NG PAMAHALAAN SAMBAHAYAN

EXPORT NG BIGAS KITA NG KOMPANYA GLOBALISASYON

MAYKROEKONIMIKS MAKROEKONOMIKS

You might also like