You are on page 1of 40

UNANG MARKAHAN, UNANG LINGGO

Gawain 3: Kaalaman mo, Tayahin mo!


I. II.
1. √ 1. D 6. A
2. √ 2. D 7. C
3. √ 3. D 8. A
4. X 4. D 9. B
5. X 5. D 10. D
UNANG MARKAHAN, IKALAWANG
LINGGO
Gawain 3: Kaalaman mo, Tayahin mo!
I. II.
1. A 1. SA
2. C 2. SA
3. D 3. SA
4. D 4. DSA
5. D 5. SA
P S AK T RUKNAD I
L S AK Y SOKNAG I
MS A K E S O K T A G I
MELC:

Nasusuri ang iba’t-ibang


sistemang pang-ekonomiya.
MGA LAYUNIN:
a. nabibigyang-kahulugan ang alokasyon;
b.natutukoy ang kaugnayan ng suliranin ng kakapusan
at alokasyon at;
c. naipapaliwanag ang alokasyon sa iba’t ibang
sistemang pang-ekonomiya.
MGA PAKSA:
1. Kakapusan at Alokasyon
2. Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
3. Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-
ekonomiya
KAKAPUSAN
 Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang-
yaman ay limitado upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

 Ito ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks.


PALATANDAAN NG KAKAPUSAN:
1. Ang mga kagubatan ay maaaring maubos at magdulot ng
pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng
mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity.
2. Bumababa ang mga nahuhuling isda at iba pang lamang-dagat
dahilan sa pagkasira ng mga coral reefs.
3. Ang produktong agricultural na nakukuha mula sa lupa ay
maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong
panahon.
4. Ang yamang kapital tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan
sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaaring masira at may
limitasyon din ang maaaring malikha.

5. Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang


tayong 24 oras sa isang araw.
ALOKASYON
 Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na
yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba’t ibang
paggagamitan nito.
 Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi magamit
ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa.
 Ang alokasyon ang nagsisilbing sagot sa kakapusan.
 Tatlong paraan upang maging malawak ang paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman:

1. Epektibo, maayos at matalinong paggamit


2. Pamumuhunan
3. Paggamit ng makabagong teknolohiya
ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
 Ito ay isang institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksyon, pag-mamay-ari,
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
 Ito ay sistema ng pagsasaayos ng mga yunit ng ekonomiya
upang makatugon sa mga suliraning pangkabuhayan ng
bawat lipunan.
Upang matiyak na episyente at maayos ang
pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, dapat
itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiko. Tandaan na ang mga sistemang
pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiko.
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
 Hindi laging makagagawa o makabubuo ang lipunan ng
mga produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri ng
gusto ng lahat sapagkat bahagi ito ng suliranin ng
kakapusan o limitado ang mga pinagkukunang yaman.
Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang
gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao.
2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
 Ang desisyon kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng
produkto at serbisyo ay nakasalalay sa kung anong input
ang gagamitin sa paggawa ng output. Maaring gumamit
ng payak o makabagong teknolohiya bilang input sa
paggawa ng mga produkto at serbisyo.
3. Para kanino ang gagawing mga produkto at
serbisyo?
 Ang desisyon kung sino ang makikinabang sa produkto at
serbisyo ay nakasalalay sa kung sino ang
nangangailangan at may kakayahang makamit ito.
4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbiyo?
 Ang desisyon kung gaano karami ang gagawing produkto
at serbisyo ay nakasalalay sa laki ng pangangailangan ng
ekonomiya.
IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
1. TRADISYUNAL NA EKONOMIYA
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko
ay nakabatay sa mga tradisyon, kultura at paniniwala.
COMMAND ECONOMY
Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol
ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsulong
ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya.
Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga
gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa
kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga
gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga
kapital.
MARKET ECONOMY
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang
pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok
konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot
ng puwersa ng pamilihan.
Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong
pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga
gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano
karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa
loob ng pamilihan.
MIXED ECONOMY
Isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market
economy at command economy. Walang maituturing na isang
kahulugan ang mixed economy.
Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng
dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga
gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan
at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan.
Ang salitang mixed economy ay nilikha upang tukuyin
ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na
bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at
market economy. Hinahayaan dito ang malayang
pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok o
makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan
at pagmamay-ari ng estado.
Sistemang Ano ang Paano Para kanino ang Gaano karami
Pang- gagawin? gagawin? gagawin? ang gagawin?
ekonomiya
Traditional Ayon sa Naaayon sa Nakasentro sa Naaayon sa
kinagawian, tradisyon at tradisyon ng pangangailang
tradisyon at kinagawian pamilya at mga an ng pamilya
paniniwala pangkat-etniko at mga
pangkat-etniko

Market Pinagpapasiyah Ayon sa Ayon sa Nakabatay sa


an ng indibidwal at indibidwal at presyo na
indbidwal ayon negosyante negosyante umiiral sa
sa merkado pamilihan
Sistemang Ano ang Paano Para kanino ang Gaano karami
Pang- gagawin? gagawin? gagawin? ang gagawin?
ekonomiya
Command Pinagpapasiyahan Ayon sa estado Ayon sa estado Ayon sa estado
ng estado o o pamahalaan o pamahalaan o pamahalaan
pamahalaan

Mixed Pinagpapasiyahan Pinagpapasiyahan Pinagpapasiyahan Pinagpapasiyahan


ng indibidwal ng indibidwal at ng indibidwal at ng indibidwal
at estado estado estado at estado
Para sa attendance, i-type sa chatbox ang
pangalan, seksyon at ang salitang PRESENT

Hal. CARDO DALISAY, 9- DALTON- PRESENT


MGA IBA’T IBANG
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA SA
PAGLIPAS NG PANAHON
PIYUDALISMO (FEUDALISM)
Ang piyudalismo ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa.
Pinagkakalooban ng lupa ang mga taong naglilingkod sa
nagmamay-ari ng lupa na kung tawagin ay feudal lord.

Vassals ang tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyo at


nagbibigay proteksiyon sa feudal lord.
Bilang kabayaran, sila ay pinagkakalooban ng lupa na
tinatawag na fief.
MERKANTILISMO (MERCANTILISM)
Sa pagitan ng ika-15 at ika-18 na siglo, umiral sa Europa ang
sistemang merkantilismo kung saan ang batayan ng
kapangyarihan ng bansa ay sa dami ng supply ng ginto at
pilak.

Sa kasalukuyan, hindi na umiiral ang sistemang


merkantilismo.
KAPITALISMO (CAPITALISM)
Ang Rebolusyong Industriyal ang nagbigay daan sa pagkilala
ng mga karapatan ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng
industriya.

Si Adam Smith ay tinaguriang


“Ama ng Makabagong Ekonomiks.”
Noong kalagitnaan ng ika-17 siglo, binigyang-pansin ang
kaniyang ideya na isinulat sa aklat na “An Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of Nations.” Ito ay tungkol sa
papel na gagampanan ng pamahalaan sa pamamahala ng
ekonomiya.
Sa doktrinang Laissez-faire ni Adam Smith, sinasabing ang
pamahalaan ay hindi dapat makialam sa pagpapaunlad at
pagpapatakbo ng mga indibidwal sa kanilang industriya at
negosyo.
Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang
pagmamay-ari ng yaman at produksiyon ay nasa kamay ng
mga indibidwal at pribadong sektor.
KOMUNISMO (COMMUNISM)
Ang teorya ukol sa komunismo ay unang binalangkas nina
Karl Marx at Friedrich Engels sa mga aklat na “Communist
Manifesto” at “Das Kapital” na itinuturing na bibilya ng
Komunismo.
Mula sa malawak na
pag-aaral ng kasaysayan,
naniwala si Marx na magbubunga
ang tunggalian ng uri (class conflict)
ng isang lipunang walang uri (classless society) at mabibigyan
ng kapangyarihan ang mga manggagawa na tinawag niyang
proletariat. Naniniwala siya na ang tagumpay ng proletariat
sa pamamahala ng produksiyon ang magiging daan sa
pagkamit ng classless society. Dahil sa kaniyang paniniwala,
tinawag si Karl Marx na Ama ng Komunismo.

You might also like