You are on page 1of 44

Gawain 1:

HATING
MAGKAKLASE!!!
 Papangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral. Ipagpapalagay
na may isandaang pirasong tsokolate na maaaring
ipamahagi sa buong klase. Mag-iisip ng isang paraan
ang bawat pangkat upang maibahagi ang mga
tsokolateng ito. Isulat sa box sa ibaba ang mga
patakaran ng paraan ng pagbabahagi na maiisip ng
bawat pangkat.
Pangkat 1
  

Pangkat 2
  

Pangkat 3
  
 
 Pamprosesong Tanong

Ano ang pinakamakatwirang paraan ng


pagbabahagi ng tsokolate sa mga suhestiyon ng
bawat pangkat? Bakit?
ARALIN 4

ALOKASYON
Mga Mahalagang Konsepto

 Alokasyon
 Attainable set
 Utility maximization
 Market economy
 Command economy
 Traditional economy
Kahalagahan ng aralin

 Mahalaga ang araling ito sapagkat dito natin


mauunawaan ang tungkol sa pagpapasiya
kaugnay ng tamang paggamit sa mga kapos na
pinagkukunang yaman.
Mahalagang tanong:

 Bakit mahalagang mapag-aralan ang


makatuwirang paraan ng pagdedesisyon ukol sa
tamang alokasyon ng mga produkto sa
ekonomiya?
Sistemang Pang-ekonomiya

Pangangailangan at
Kakapusan
kagustuhan

Alokasyon

Balangkas ng Kaisipan
Kaugnayan ng konsepto ng alokasyon sa kakapusan at
pangangailangan at kagustuhan

 ALOKASYON – ay ang
mekanismong ating ginagamit upang
ipamahagi ang mga pinagkukunang-
yaman, mga produkto at serbisyo.

 .
 INDIFFERENCE CURVE – ay nagpapakita ng
kombinasyon ng produkto at serbisyong
nagbibigay ng pantay na utility

 BUDGET SET – ay nagpapakita ng kombinasyon


ng mga produkto at serbisyong pasok sa iisang
halaga o budget.
Kahalagahan ng Paggawa ng Tamang Desisyon Upang
Matuguan ang Pangangailangan

Ang ating pagsusuri ng alokasyon gamit ang utility-


maximization model ay nakapagbibigay ng ilang mga
mahalagang aral.

 UNA, kahit gaano karaming produkto ang ating suriin,


hangga’t ang presyo nila ay hindi nagkakalayo, kadalasang
magiging balanse ang pagkonsumo ng mga ito.
 PANGALAWA, gamit ang modelo ng utility
maximization, ating nabibigayn ng makatwirang
pagsusuri sa kung paano sasagutin ang suliranin
ng kakapusan sa anumang laki ng budget.
 PANGATLO, makikita natin na bagaman
pantay ang antas ng utility sa iisang indifference
curve, kadalasan ay hindi posibleng makamit ang
ibang puntong ito sapagkat tayo ay nalilimitahan
ng ating nakalaang budget.
 Sa huli, malinaw nating nakikita ang kahalagahan
ng paggawa ng tamang desisyon upang
matugunan ang ating mga pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng tama at
matalinong alokasyon.
GAWAIN 2! BUSINESS PLAN
 Mag-isip ng negosyo na maaring itayo sa harap ng paaralan
batay sa tatlong katanungang pang-ekonomiko.

Pangalan ng Negosyo
Mga produkto at serbisyo
Maaring kostumer
Pagmumulan ng tinda
Dami ng produkto o tagal ng
serbisyo
Iba’t ibang Sistemang Pang-
ekonomiya
Sistemang pang-ekonomiya

 Ay tumutukoy sa pormal at impormal na batayan


ukol sa pagkakaayos ng mga paraan ng
produksiyon, karapatan sa pagmamay-ari,
pagpapalago ng mga pinagkukunang-yaman, at
pamamahala sa gawaing pang-ekonomiko sa
isang bansa o lipunan.
 Layon ng isang sistemang pang-ekonomiya na
magbigay ng direksyon sa pagtugon sa suliranin ng
kakapusan at kung ano ang pinakamabisang
paggamit ng mg pinagkukunang-yaman na
nakikita sa isang bansa.

 (Tatlong mahahalagang tanong sa ekonomiks?)


Alokasyon sa iba’t ibang
sistemang pang-ekonomiya:
Command Economy

 Sa isang command economy, ang


pangunahing suliraning ekonomiko ay sinasagot

ng isang sentral na pamahalaan.


 Sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga bahay-
kalakal na pagmamay-ari ng gobyerno at
pagpaplanong sentral, ang paraan ng alokasyon ng
produksiyon, kita, at presyo ay direkta o
indirektang pinapapasiyahan ng estilo ng
pamahalaang nanaig.
 Ang pamahalaan ang siyang nagdidikta ng tamang
paggamit ng pinagkukunang-yamang mayroon.

 Limitado ang lipunan sa pagpili ng produkto at


serbisyong maaaring pagpilian sapagkat sa isang
purong command economy, ito kasama na ang mga
presyo ay napagpasiyahan na ng pamahalaan.
 Pinamumunuan ng isang TOTALITARIAN

GOVERNMENT o isang diktadurya.

 USSR (Union of Soviet Socialist Republics) – Joseph Stalin

 People’s Republic of China – Mao Zedong

 Parehong authoritarian at parehong komunistang pamunuan.


Market Economy

 Sa isang market economy, ang kasagutan sa


pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay

ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan.
 Ang market economy ang pangunahing sistemang
pang-ekonomiyang isinasaalang-alang.

 Sa sistemang ito, ang lahat ng kalahok sa


ekonomiya, maging isang mamimili o bahay-kalakal
ay namimili ng aksiyon ayon sa kanilang sariling
paniniwala kung ano ang makapgbibigay ng mataas
na antas ng kapakinabangan.
 Ang suliraning pang-ekonomiko ay sinasagot sa
pamamagitan ng natural na galaw ng merkado o
pamilihan.

 Sa sistemang ito, pinahihintulutan ang pribadong


pagmamay-ari ng paraan ng produksiyon at
malayang pumili ang mga mamimili ukol sa
kanilang kagustuhan at pangangailangan.
 Sa ganitong sistema, ang presyo ng mga bilihin ang
pangunahing nagtatakda o hudyat kung gaano
karami ang bibilhin ng mga mamimili at gayon din
kung gaano karami ang malilikhang produkto at
serbisyo ng mga bahay-kalakal.
 Isa sa pangunahing tungkulin naman ng pamahalaan
ay ang siguraduhing ang pag-aaring pambribado ay
mabigyan ng sapat na proteksyon sa pamamagitan
ng mga batas na nangangalaga sa karapatan, ari-
arian, at kontrata na pinapasukan ng mga
indibiduwal.
Mixed Economy

 Ang isang sistemang kinapapalooban ng mga


elementong mayroon sa isang market economy at
ng isang command economy.
 Tulad ng isang market economy, malaking bahagi
ng sistemang ito ang malayang pakikilahok ng mga
pribadong indibiduwal sa mga gawaing
pangkabuhayab na sumasailalim naman sa mga
batas at limitasyong inilalatag ng isang
pamahalaan.
Dagdag Kaalaman!
Traditional economy

 Ang mga desisyon tungkol sa ano, papaano, at


sino ang makatatanggap ng mga produkto at
serbisyong nagagawa ng lipunan ay kadalasang
nakabatay sa kanilang mga kaugalian,
paniniwalang espirituwal, at tradisyon.
 May katangian ng mixed, command at market
economy.

 Ang mga produkto ay karaniwang nagmumula sa


pagtatanim, paggugubat at pangangaso.

 Mabagal ang paglago ng traditional economy.


 Makikita ang mga ito sa mga agrikultural na
lugar, at tago sa modernong lipunan.

 Mga tribu, o katutubong pamayanan ang ilan sa


mga halimbawa nito.

 Ibaloi (hilagang bahagi ng bansa), Tribung


Lumad (Mindanao), Mangyan (Timog Luzon)
Uri ng Sistemang pang- Mga Bansa
ekonomiya

Market economy Mexico, Germany, Canada

Command economy Cuba, North Korea

Traditional Economy Africa, Middle East

Mixed Economy Iceland, Sweden, France,


Russia, U.S, China,
Philippines
PAGBUBUOD!
 Ang alokasyon ay ang mekanismong ating ginagamit
upang ipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman, mga
produkto, at mga serbisyo.

 Sa utility maximixation, ang budget set ay nagpapakita


ng kombinasyon ng mga produkto at serbisyong pasok
sa iisang budget o halaga.
 Ang punto kung saan nagtatagpo ang idifference curve
na asul, at ang pinakamataas na budget ay isang
tangent. Sa puntong ito ay sabay na nakakapagbigay ng
pinakamataas na utility, at nasasagad ang
pinakamaraming mabibiling kombinasyon ng produkto
o serbisyo sa nabibigay na budget.
 Gamit ang tamang alokasyon, nakikita ang
kahalagahan ng paggawa ng tamang desisyon upang
matugunan ang ating mga pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng tama at matalinong
alokasyon gamit ang isang pormal na pagsusuri.
 Ang paraan ng alokasyon sa isang bansa ay nakaayon
sa sistemang pang-ekonomiyang nananaig: ito ay
maaaring isang market economy, command economy, o
isang mixed economy. Layon ng isang sistemang pang-
ekonomiya na magbigay direksyon sa pagtugon sa
suliranin ng kakapusan at kung ano ang
pinakamabisang paggamit ng mga pinagkukunang-
yamang nakikita sa isang bansa.
TAPOS NA!  
Ano? Quiz na ba? 

You might also like