You are on page 1of 8

IKALAWANG MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN 09

Name of Student: ________________________________________________


Section: _________________________________________________________

ARALIN 1: ALOKASYON
Inaasahang mga Kasanayan:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng alokasyon

2. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan , pangangailangan at


kagustuhan

3. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang


pangangailangan

4. Nasusuri ang mekanismso ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-


ekonomiya bilang sagot sa kakapusan

5. Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa


pagtugon sa mga pangangailangan ng lumalaking bilang ng mamamayan

KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN, PANGANGAILANGAN AT


KAGUSTUHAN

Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag-


aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Ito
ay limitado kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang
mahusay angmgaito at upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman , produkto at serbisyo ay tinatawag


na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi atmagamit ang
lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay
makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.

Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng


bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula
rito. Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga
pinagkukunang- yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang
pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon .
Ugnayan ng Alokasyon sa Kakapusan

Ang pangunahing pakay ng alokasyon ay upang maiwasan ang kondisyon ng kakapusan sa


isang ekonomiya at kung dumating man ang panahon ng kakapusan, ay maibsan ang mga
epekto nito para tumagal ang dami ng pinagkukunang-yaman. Nagaganap ito kapag ang
sambahayan o pamayanan ay nagkakasundo sa bahagdan o porsyento ng mga yamang ito
depende sa antas ng pangangailangan nila.

Ugnayan ng Alokasyon sa Pangangailangan


Ginaganap ang alokasyon sa mga pangunahing pangangailangan tuwing may mga panahon ng
kagipitan para dito at dahil din sa kakapusan sa pinagkukunang-yaman na panustos para sa
pagkamit nito. Ang paggawa ng isang badyet ay sang halimbawa ng paraan ng alokasyon ng
mga pangangailangan. Ginagawa ang isang badyet upang magkaroon ng tamang paglalaan ng
mga pondong panustos sa mga pangunahing pangangailangan.

Halimbawa , ang Pambansang Badyet ng Pamahalaan ng Pilipinas ay ang yaman ng bansa na


nagmumula sa mga buwis ng mamamayan na ginagamit para sa mga proyektong tutugon sa
pangangailangaan ng mamamayaan taon-taon. Karamihan sa mga proyektong ito ay nakatuon
sa pagpapasigla ng ekonomiya at sa pag-angat sa kahirapan ng mga mamamayan upang
matulungan silang makamit ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. ( Tunghayan
ang simpleng presentasyon ng alokasyon ng badyet ng isang pamilya sa kahon sa ibaba
)

Ugnayan ng Alokasyon sa Kagustuhan

Nakakaiba ang mga kagustuhan ng tao sa kanilang mga pangangailangan. Mababa ang dami
ng mga kagustuhan, kaya hindi halos ginagawa ang alokasyon dito kung ikukumpara sa mga
pangunahing pangangailangan na marami. Halimbawa, mas marami ang bilang ng sako ng
bigas kaysa bilang ng mga cellphone sa pamilihan dahil walang kakayahan ang maraming tao
na makakamit ng cellphone na hindi tulad ng isang sako ng bigas.( Tunghayan ang larawan
sa ibaba )
Paggawa ng Tamang Desisyon Upang Matugunan ang mga Pangangailangan:

Ang konsepto ng alokasyon ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang desisyon o pasiya


ang mga mamamayan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.Upang matiyak na
efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumagot sa apat
na pangunahing katanungang pang-ekonomiya.

1. Ano-ano ang produkto at serbisyo ang gagawin?


Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na
gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung anong
produkto o serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao.
2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung
anong input ang gagamitin. Marami ng mga paraan na maaaring gamitin kung paano
isasakatuparan ang produksyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyunal na
paraan ng paggawa upang mabuo ang output.

3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa


pagpapatuloy ng produksyon . ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino
ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o labas ng
bansa ang gagamit ng gagawing produkto at serbisyo.

4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang


makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. Ang
potensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

1. Tradisyunal na Ekonomiya ( Treditional Economy )

Tinatawag na tradisyunal ang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagpapasya


tungkol sa ekonomiya ay napapaloob sa isang mas malaking sistemang sosyo-kultural
na hinubog ng mga gawi, tradisyon, at paniniwalang panrelihiyon sa pagdaan ng
panahon. Ibig sabihin, ang pagtugon ng mga tao sa isang tradisyunal na sistemang
pang-ekonomiya sa tatlong batayang suliranin ng ekonomiya ay batay sa mga
nakagisnang produkto, pamamaraan ng produksyon, at bahaginan ng produkto. Kung
gayon, maaaring mabagal ang antas ng pagtuklas sa mga bagong produkto at paraan
ng produksyon at sa paglago ng antas ng pamumuhay sa sistemang ito. Gayundin,
madalas na tuwiran ang kalakalan sa pagitan ng mga mamimili at hindi
nangangailangan ang kalakalan ng salapi dahil maaaring ipagpalit ang isang produkto o
serbisyo sa ibang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng barter.
Ang pagmamay-ari ng mga pangangailangan ay naibabahagi sa lahat ng mamamayan
batay sa hirap ng kanilang p;agtatrabaho para dito. Nakatuon ito sa produksyon ng
pagkain at serbisyo para sa pamayanan. Katulad dinito ng teoryang physiocracy kung
saan ang pag-unlad sa agrikultura at lupa ay magdudulot ng pinakamalaking kita ng
pamayanan, lalo nan g mga magsasaka. Ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan ay
nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan at sa kapasidad ng lupa na
makapagbigay o magbunga ng mga hilaw na materyales na magagamit sa produksyon
ng mga pangunahing pangangailangan.

Unti-unting nagbago ang pokus ng sistemang tradisyunal mula sa pagtugon sa


pangangailangan patungo sa iba pang mga suliranin. Sa paglitaw ng merkantilismo, nabigyang
pansin ang kahalagahan ng pakikipagkalakalan. Nabago rin ang mga tradisyunal na kasanayan
dahil sa pagkakaroon ng bagong teknolohiya at hindi na nakasalig sa agrikultura ang pag-unlad
ng ekonomiya. Nalipat na ito sa pananalapi at sa dami ng mga mahahalagang mineral sa
pamilihan. Nagkaroon din ng sigalot sa pagitan ng mga nagmamay-ari ng lupa at ng mga
magsasaka dahil sa pagbabahagdan ng kita at sa pag-aaksaya at pagkasira ng mga lupang
sakahan dulot ng labis na produksyon ng pagkain.

2. Pinag-utos na Sistemang Pang-ekonomiya (Command Economya )

Kung pamahalaan lamang ang tanging pinagmumulan ng pagpapasiya tungkol sa mga


batayang suliranin ng ekonomiya ay masasabing umaayon ang isang lipunan sa command na
sistemang pang-ekonomiya. Nagmumula ang kapangyarihang ito ng pamahalaan sa
pagmamay-ari nito sa halos lahat ng mahahalagang salik ng produksyon. Ang pamahalaan ang
nagpapatakbo ng pangangalakal kung kaya’t dito nagmumula ang pasiya tungkol sa kung ano
ang lilikhain at sa anong presyo ipagbibili ang mga ito. Gayundin, ang pamahalaan ang
nagpapasiya sa kung anong yaman ang gagamitin sa paglikha ng kung anong kalakal.

Ipinauubaya ng mga mamamayan sa pamahalaan ang pagpapasiya sa alokasyon ng mga


pangangailangan ng tatanggapain ng bawat isa. Isinasagawa ito ng pamahalaan upang
magkaroon ng mabilis na pagpapasiya tungkol sa mga proseso ng paggawa. Naaayon sa utos
ng pamahaan kung para saan at para kanino gagawin ang mga nililikhang mga
pangangailangan ng tao. Karaniwang kakikitaan ng pantay-pantay na distribusyon ng mga
produkto ang sistemang ito. Ang isang halimbawa ng bansa o pamahalaang umaangkop ng
sistemang ito sa kasalukuyan ay ang Hilagang Korea.

Bagama’t ang layon nito ay maibahagi nang pantay ang mga pangangailangan, nagbubunga
naman ito ng higit na pagpapahalaga sa iilang industriya lamang. Ang alokasyon ng mga
pangangailangan ay hindi agad naibabahagi dahil sa bagal ng paggalaw ng mga produkto at
serbisyo na dulot din ng pagpapahalaga ng kakaunting bilang ng mga industriya. Kaya ito ay
tinatanggihan ng maraming ekonomista.

3. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan (Market Economy)

Ang pagpapasiya sa sistemang pang-ekonomiyang market ay nagmumula sa gawi ng mga


mamimili at manininda, na tila may “ invisible hand”, na gumagabay sa mga kalakaran sa
pamilihan. Nagsisilbing doktrina ang laissez faire, na ang ibig sabihin “ hayaan na lamang”, na
tumutuligsa sa panghihimasok ng pamahalaan sa kalakalan ng mga mamimili at manininda.

Madalas na tinatawag na sistemang kapitalismo ang sistemang pamilihan dahil nakapaikot sa


capital o kita ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Malayang gawin ng mga negosyo
ang anumang uri ng produkto at serbisyo batay sa halagang ginugol nila dito. Kita ang kanilang
kailangan upang mapatakbo ang kanilang mga negosyo. Sinasabi ng mga ekonomista na
umuunlad ang ekonomiya kung ang lahat ng mamamayan , negosyante at mamimili, ay
nakatatanggap ng kita mula sa mga produkto at serbisyo. Samakatwid, ang alokasyon ng mga
pangangailangan ay malayang kinokonsumo o binubuo ng mga mamamayan.

Hindi ito perpekto sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil kung walang uri ng control ang
pamahalaan sa ekonomiya ay maaaring magdulot ito ng kaguluhan tuwing makakaranas ang
isang bansa ng kakapusan. Kung nagkakaroon ng malaking alokasyon sa ibang
pangangailangan ang ibang indibidwal, ito ay magdudulot naman ng labis na dami nito na
nakasasama sa isang ekonomiya dahil hindi lahat ng tao ang magkakaroon ng kita para dito.

4. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya ( Mixed Economy )


Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at
command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay
kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang
pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol
ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang mixed economy ay
nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at
indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila
sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan npamahalaan.

Tinatanggap ng maraming bansa sa daigdig ngayon ang sistemang pamilihan, ngunit may mga
sistemang mas pinapahalagahan o mas ginagamit kaysa sa iba. Halimbawa: ang bansang
Tsina ay may halong sistemang pamilihan at sistemang pinag-uutos sapagkat binuksan nila ang
kanilang bansa sa pagkakaroon ng kita, habang nasa kamay ng pamahalaan ang ilang
mahahalagang industriya. Ang Pilipinas naman ay umaangkop sa sistemang tradisyunal dahil
sa agrikultura, sistemang pamilihan dahil sa kita at ang sistemang pinag-uutos dahil sa
pakikialam ng pamahalaan sa alokasyon ng mga pangangailangan.

Naipakita ang mga sistemang ito sa Pilipinas dahil sa mga programa ng pamahalaan at ng mga
negosyong pribado na tinatawag na private-public partnership. Nagtutulungan ang publiko sa
ilalim ng pamahalaana at mga pribadong indibidwal sa ilalim ng mga negosyo sa pagpapaunlad
ng iba’t ibang industriya dahil hawak ng mga negosyo ang teknolohiya at kasanayan upang
maisagawa ang mga proyekto. Samantala ang pamahalaan naman ang may malaking pondo o
pinagkukunang-yaman at mga polisiya para pondohan ang mga proyektong ito.

Maraming proyektong pang-imprastraktura ang itinayo sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga


negosyo mula sa alokasyon ng Pambansang badyet tulad ng sistemang tren, paliparan at mga
kalsada.

You might also like