You are on page 1of 6

Semi-Detailed Lesson Plan

Guro: Sumalinog, Joshua T. Paaralan: Mater Dei College –


Highschool Department
Asignatura: Araling Panlipunan Markahan: Unang Markahan
Baitang: 9 Oras: Isang oras

Naibabahagi ang konsepto ng sistemang pang-


Mga Kasanayan:
ekonomiya
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng sistemang
pang-ekonomiya

 Nakakagawa ng isang talahayan na nagpapakita


ng positibo at negatibong epekto ng mga
1. Layunin: sistemang pang-ekonomiya

 Napahahalagahan ang mga konseptong natutunan


bilang batayan sa matalino at maunlad na
pamumuhay

2. Nilalaman: Sistemang Pang-ekonomiya


3. Mga Kagamitang  Electronic Instructional Material
Pampagturo  PowerPoint
Pamamaraan
 Panalangin
Panimulang Gawain  Pagtala sa Lumiban
 Pagbabalik-aral:
Mga
Gawain/Estratehiya .
Pagtatalakay ANO ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA?
Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy
sa sistemang pang-kaayusan na may kaugnay sa
alokasyon ng pinagkukunang-yaman. Tumutukoy rin ito
sa distribusyon ng produkto at serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng mga
mamamayan sa kabila ng kakapusan.
IBA’T IBANG URI NG SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA
 Tradisyunal (Traditional Economy)- Ang
traditional economy ay nakabatay sa mga
paniniwala, tradisyon, at kultura ng mga tao sa
lipunan. Ang mga produktong nililikha sa lipunang
ito ay batay lamang sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain,
damit, at tirahan. Hindi tulad ng ibang mga sistema
ng ekonomiya, ang mga pamantayan sa
ekonomiyang ito ay nakapaloob sa kultura ng
lugar. Halimbawa, may ilang lugar sa Pilipinas
kung saan nakakahiya ang maningil ng interes sa
mga pangutang dahil ang pagpapautang ay
kadalasan tinitingnan bilang pagtulong sa kapwa.

 Pampamilihan (Market Economy) - Ang market


economy ay isang uri ng sistemang pang
ekonomiya kung saan ang paggamit ng
pinagkukunang-yaman, produksyon, at
distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay
ipinapasakamay sa malayang pamilihan.
Binibigyang-diin ng pamilihan ang efficiency at
kalayaan sa pagpapalitan ng produkto at serbisyo.
Ang market economy ay kilala rin bilang capitalism.
Ito ay isang may malayang kalakalan at
sumusunod sa patakaran ng Laissez faire.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian


ng market economy o capitalism:

o Presence of economic freedom – May


kalayaan ang mga tao na maging
mayaman.
o Presence of profit motives – May
motibasyon ang mga tao na magtayo ng
negosyo dahil may kalayaan na silang
magtakda ng presyo.
o Presence of Competition – Ang mga
negosyo ay kailangang mabuhay sa
pamamagitan ng pag-alok at pagbinta ng
kanilang produkto laban sa iba pang
negosyo.
o Presence of Religion – Nagkaroon ng
pananampalataya sa diyos.
o No Central Planning – Walang sino man
ang makapagdikta kung gaano karami at
ano ang gagawing produkto.
 Kontrolado (Command Economy) - Sa
command economy ang ekonomiya ay nasa ilalim
ng isang sentralisadong pamahalaan. Ang ideya sa
likod nito ay efficiency at pagkapantay-pantay. Sa
sistemang ito, ang pamahalaan ang pangunahing
humahawak at may kontrol sa ekonomiya. Ito ang
dahilan kung bakit kilala rin ang command
economy sa tawag na planned economy o
communistic economic structure. Inihayag ng
cimmunistic economic structure na ang lahat ng
resources ay ibabahagi sa lahat ng mamamayan at
walang pribado o indibidwal na produksyon at
pagkonsumo ang nagaganap.

Ilan sa mga mahahalagang katangian ng


command o communistic economic structure

1. No economic freedom – Wala kang


kalayaan na pumili na maging mayaman,
lahat ay may pantay na bahagi sa mga
pinagkukunang yaman.
2. No free competition – The pamahalaan ay
ang may hawak sa pagpapalano at
pagdedesisyon.
3. No profit motives – Dahil kontrolado ng
pamahalaan ang presyo, ang mga
negosyante ay walang gana na magtayo ng
negosyo dahil sa pangingialam ng
pamahalaan sa kanilang sariling kalakaran.
4. No Religion – Hindi naniniwala ang mga
tao sa diyos.

 Pinaghalo (Mixed Economy) - Ang mixed


economy ay ang sistemang pang-ekonomiya kung
saan ang pagdedesisyon kung paano gagamitin
ang mga pinagkukunang-yaman ay nasa parehong
kamay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Paglalahat

1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong


upang mapanatili ang sistemang sinusunod ng
iyong bansa? Pangatwiranin

Pagtataya
Multiple Choice Test: Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sa iyong papel.

1. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa sistemang pang-


ekonomiya?
A) Pag-aalok ng produkto at serbisyo
B) Distribusyon ng yaman
C) Kalakaran ng pamahalaan
D) Kalakalan sa merkado

2. Ano ang pangunahing batayan ng traditional economy?


A) Makabago at teknolohikal na produksyon
B) Kultura, tradisyon, at paniniwala
C) Paggamit ng malayang pamilihan
D) Sentralisadong pamahalaan

3. Ito ang sistemang pang-ekonomiya na kung ang


napinagkukunang-yaman ay nasa parehong kamay ng
pamahalaan at ng pribadong sektor
A) market economy
B) Traditional Economy
C) Command Economy
D) Mixed Economy

4. Ano ang isa sa mga katangian ng Market Economy o


capitalism?
A) Walang kalayaan ang mga negosyante
B) Pantay-pantay ang distribusyon ng yaman
C) Pribado ang pagmamay-ari ng mga negosyo
D) May sentralisadong plano ang pamahalaan

5. Ano ang pangunahing ideya sa Command Economy?


A) Kalayaan sa pagtakda ng presyo
B) Pantay-pantay ang lahat ng negosyo
C) Pribado ang produksyon at konsumo
D) Kalayaan sa pagpili ng trabaho

TAMA O MALI: Isulat ang tama kung TAMA ang


pahayag. Isulat naman ang MALI kung hindi
6. Sa Traditional Economy, ang mga produkto ay batay
sa pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Sagot: TAMA

7. Ang Mixed Economy ay kilala rin bilang capitalism at ito


ay may kalayang pamilihan.
Sagot: MALI

8. Sa Command Economy, ang pamahalaan ang may


pangunahing kontrol sa ekonomiya at lahat ng
mamamayan ay may pantay na bahagi sa yaman.
Sagot: TAMA

9. Ang Mixed Economy ay nagpapahintulot sa


pamahalaan at pribadong sektor na magdesisyon kung
paano gamitin ang yaman.
Sagot: TAMA

10. Sa Market Economy, walang sentralisadong plano


ang pamahalaan at may kalayaan ang mga negosyante
sa pagtakda ng presyo.
Sagot: TAMA

PANUTO: Isang buong papel, isulat ang mga


kalamangan (pros) at kahinaan (cons) sa apat na uri ng
sistemang pang ekonomiya Maaari mong sundin ang
table sa ibaba.
PROS CONS

Traditional
Economy

Market
Takdang Aralin
Economy

Command
Economy

Mixed Economy

Panapos na Gawain (Utusan ang mga estudyante na kukunin ang mga


anumang kalat o basura sa kanilang upuan habang nag
checheck ng attendance. Pagkatapos, magsaitayo ang
lahat para sa pangwakas na panalangin.)

You might also like