You are on page 1of 9

Mater Dei College

Cabulijan, Tubigon, Bohol

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9


Mga Guro Nymph Deza Evangelista Pedoche
Joshua Tapales Sumalinog
Paaralan Mater Dei College
Baitang at Seksiyon 9 December 11, 2023

Asignatura Baitang Markahan Oras


Ekonomiks 9 Ika-apat na Isang Oras
Markahan
Ugnayan at Patakarang AP9MSP-IVh-16
Mga Kasanayan: Panlabas na Nakakatulong sa
Pilipinas
May mga produkto at serbisyong hindi kayang matugunan sa loob ng
lokal na pamilihan ng isang bansa kaya’t nagaganap ang kalakalang
panlabas sa mga bansa. Ang internasyonal na kalakalan sa Pilipinas ay
binubuo ng iba't ibang aspeto tulad ng pagluluwas at pag-import ng
kalakal, panloob na kalakalan, mamamakyaw, broker, retailer, at
Susi ng Pag-unawa na middlemen. Ang bansa ay mayroong comparative advantage at absolute
Lilinangin: advantage, at may mga ugnayan sa mga pandaigdigang organisasyon
gaya ng World Trade Organization (WTO), Asia-Pacific Economic
Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN),
pati na rin sa iba't ibang institusyon tulad ng Foreign Trade Service
Corps at Trade and Investment Information Center (TIIC).

Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-9


1. Layunin
na baiting ay inaasahan na:
 Nasusuri ang kahalagahan, mga patakaran, at programa ng
Kaalaman
kalakalang panlabas ng Pilipinas;
 Nakalilikha ng isang komersyal na kampanya na nagtatampok ng
mga natatanging lokal na produkto mula sa Pilipinas gamit ang
Kasanayan pag-awit, pagra-rap, jingle, at tula upang masulong ang mga
produkto at maging tanyag ito sa buong mundo; at

Nakapagbibigay ng kahalagahan at kamalayan sa kalakaran ng


Kahalagahan
kalakalang panlabas sa Pilipinas.
UGNAYAN AT PATAKARANG PANLABAS NA NAKATUTULONG SA
2. Nilalaman
PILIPINAS
3. Mga  Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks) Ikaapat na Markahan -
Kagamitang Aralin/Modyul 8
Pampagtuturo  Traditional Instructional Materials
4. Pamamaraan
Panimulang Gawain A. Pagsasaayos ng mga Upuan (Seating Arrangement)
(5 minuto)
Susundin ng mga bata ang panuntunan sa pag-upo sa mga upuang
may distansya na naaayon sa IATF Health and Safety Protocols. May
isang metro ang pagitan ng bawat upuan sa gilid, harap, at sa likod.
Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal na
mga pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa mula sa malayo
ay uupo sa harapan, habang ang mga nakababasa kahit na mula sa
malayo ay uupo sa likod. Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay
uupo sa harap, habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo
sa bandang hulihan.
1
B. Pagdarasal

Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal. Isusunod agad


ang pagtatala ng lumiban sa klase.

C. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral sa nakaraang tagp

Ihanay Mo!
Panuto: May dalawang parihaba na nagsasaad na IMPORT at
EXPORT. Kinakailangang ihanay ng mga mag-aaral ang bawat produkto
ayun sa klasipikasyon.

1. 2.

3. 4.

Mga
Gawain/Estratehiya 5. 6.
(8 minuto)

7. 8.

Pagsusuri Pamprosesong Tanong:


(2 minuto)
1. Bigyang pansin ang mga larawan, mayroon na ba kayong mga
nakita o di kaya’y narinig?
2. Kung ikaw ang tatanungin, anong dahilan at nakikita natin sila dito

2
sa Pilipinas? Ano kaya ang kahalagahan nito sa isa’t isa?

Pagtatalakay ANO NGA BA ANG KALAKAN PANLABAS?


(15 na minuto)
Ayon sa Oxford Dictionary of Economics, ang kalakalang
Panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng
mga bansa. Pangunahing layunin nito ay matugunan ang mga pang
ekonomikong pangangailangan.

 Export - Tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto pamilihan.


serbisyo sa pandaigdigang

 Import- Tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga


produkto o serbisyo mula sa ibang bansa

KALAKALANG PANLOOB
- Tumutukoy sa pagpapalitan at pamamahagi ng mga produkto at
serbisyo sa loob ng bansa.
- Ito ang naging daan upang ang mga produkto ng isang lugar ay
makarating sa iba't ibang lugar.
- Wholesalers - kinabibilangan ng mga brokers at jobbers na bumibili
ng mga produkto sa maramihan at bultuhan at kanilang ipinagbibili sa
mga tindera ng tingian.
- Retailers - tuwirang nagbibili ng produkto ng tingian sa mga
konsyumer.
- Middlemen - sila ang nagiging daan upang maipamahagi nang
maayos ang mga produkto sa loob ng bansa.

KALAKALANG PANLABAS

- Pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo ng isang bansa sa ibang


bansa.
- Ang ating bansa ay kumikita rin sa tulong ng kalakalang Panlabas.
- Nagkakaroon ng pamilihan ang ating produkto sa labas ng bansa.
- Ang Kalakalang Pandaigdig ay nagaganap dahil sa ilang salik tulad
ng:

a. Espesyalisasyon ng bawat bansa sa paggawa ng produkto ang


isang bansa ay lumilikha ng higit sa kanilang pangangailangan
upang maipagbili sa ibang bansa na nangangailangan ng
nasabing produkto.
b. Kapital ng Bansa - Ang mga bansa na sagana sa capital ay
nakalilikha ng maraming produkto na ginagamit sa
pakikipagkalakalan sa ibang bansa samantalang ang mga
bansang salat sa capital ay kailangang pumili ng produktong
magbibigay ng kapakinabangan sa ekonomiya.
Dalawang Principlyo ng Kalakaan Panlabas

1. Kapital ng Bansa - Ang mga bansa na sagana sa capital ay


nakalilikha ng maraming produkto na ginagamit sa
pakikipagkalakalan sa ibang bansa samantalang ang mga
bansang salat sa capital ay kailangang pumili ng produktong
magbibigay ng kapakinabangan sa ekonomiya.
2. Prinsipyo ng Lubos na Kalamangan (Absolute Advantage) -

3
Isinasaad ng prinsipyong ito na ang isang bansa ay
nagpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto na magdudulot
sa kanila ng pinakamalaking kita dahil mas mura ang paggawa ng
mga ito kumpara sa paglikha ng ibang produkto.

ANG KALAKANG PANLABAS NG PILIPINAS

Upang maunawaan ang takbo ng Kalakalang Panlabas ng isang


bansa ay sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP).

Balance Of Payment (BOP) - ang nagpapakita ng talaan ng


transaksiyon ng ibang bansa sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

ANG UGNAYAN NG PILIPINAS SA MGA SAMAHANG PANDAIGDIG

1. World Trade Organization (WTO) - Ito ay kinikilala bilang


samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema
ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping
estado o member states.

2. Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) - Ito ay isang


samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang ekonomiya
at katiwasayan sa Rehiyong Asia Pacific kaugnay na rin ng
pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. (Australia,
Brunei, Canada, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New
Zealand, Singapore, Thailand at United States).

3. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) - Ang


samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga
bansa sa Timog Silangang Asya.(binubuo ng mga bansang
Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand).

KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS: KAHALAGAHAN, MGA


PATAKARAN AT PROGRAMA

 Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A 7721) Ito ay


isinabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang
bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito.

 Foreign Trade Service Corps (FTSC) Ito ay ahensiyang


naglulunsad ng iba't ibang estratehiya ng pamilihan upang lubusang
makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa.

 Trade and Industry Information Center (TIIC) - Ito ang


nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center na
nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa
ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan at kapakanan ng
mamimili.

 Center for Industrial Competitiveness - Naglulunsad ng mga


programang magtataas sa antas o kalidad at produktibidad ng mga
manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang
pamilihan ng mangagagawa, produkto at serbisyo.

KAHALAGAHAN NG KALAKALANG PANLABAS

1. Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring


4
pamilian o tangkilikin ng mga tao upang matugunan ang kanilang
mga kagustuhan at pangangailangan.

2. Mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng produksiyon


upang mas maging mahusay ang kalidad ng mga produkto.

3. Ang mga produkto ng mga bansa gaya na lamang ng Pilipinas ay


nabibigyan ng pagkakataong makilala at tangkilikin sa ibang
bansa dulot sa husay at nagiging pagkakakilanlan din ng ating
bansa.

4. Ang kalakalang panlabas ay nakakatulong upang mas maging


matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa at maging
episyente ang pamilihan para sa mga produkto at serbisyo.

Sa larangan ng ugnayang pandaigdig at patakarang panlabas, mahalaga


ang papel na ginagampanan ng Pilipinas upang mapanatili at palakasin
ang kanyang posisyon sa pandaigdigang palakaran. Ang ugnayang
pandaigdig ay nagbibigay daan sa Pilipinas na makilahok at
magtagumpay sa iba't ibang aspeto ng internasyonal na komunidad.
Paglalahat
(3-4 na minuto) 1. Bilang isang mag-aaral sa makabagong henerasyon, nakatutulong
ka ba sa ekonomiya ng bansa? Paano?

2. Bilang isang mag-aaral sa makabagong henerasyon, gaano


kahalaga ang papel ng pamahalaan sa larangan ng kalakalan?

Gawain 1: Mapa ng Produkto (Photo Bucket)

Panuto: Gamit ang bond paper iguhit ang mapa ng bansang Pilipinas.
Magsaliksik ng mga unique local products ng ating bansa, at idikit ang
mga larawan ng mga napili ninyong produkto sa loob ng mapa na inyong
Paglalapat iginuhit ayon sa kung saang bahagi ng bansa nanggaling ang nasabing
(12 na minuto) produkto, punuin ang mapa ng mga larawan. Pagkatapos, gumawa ng
Commercial Campaign ng mga nasabing produkto na nagpapahayag
ng makabuluhang impormasyon para makilala ito sa buong mundo.
Gawin ang commercial campaign sa pamamaraan ng pagkanta, pagrap,
jingle at tula.

 Nabibigyang-pansin ng guro ang naipamalas na galing at


kooperasyon ng mga mag-aaral sa paglahok sa mga pangkatang
gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang puntos:

Pagsusuri sa mga
Produkto ng mga
Mag-aaral

5
Pagtataya Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
(10 minuto)
1. Anong programa ang nagsusulong nang pag-alis ng taripa o quota
upang mapadali ang daloy sa pagpasok ng mga produkto sa mga
bansang kasapi nito?

A. Common Effective Preferential Tariff


B. Community Enhancement Program Tariff
C. Common Elaboration Program Tariff
D. Collaborative Effective Preferential Tariff

2. Paano malalaman ang balance of trade ng isang bansa?

A. Ang balance of trade (BOT) ay makukuha sa pamamagitan ng


pagbabawas ng halaga ng kalakal na inangkat sa halaga ng
kalakal na iniluluwas.
B. Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag mataas ang
iniluluwas na produkto kaysa inaangkat.
C. Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag mataas ang
iniangkat na produkto kaysa iniluluwas.
D. Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag pareho ang
daming iniluluwas at inaangkat na produkto.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong


epekto ng kalakalang panlabas?

A. Ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng pag-uugaling mas


tinatangkilik nila ang mga produktong banyaga kaysa sa mga
produktong lokal.
B. Nasisiyahan ang mga mamamayan dahil nagkakaroon na sila ng
mga gamit na galing sa ibang bansa na umaaayon sa kanilang
kagustuhan.
C. Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring
pamilian of tangkilikin ng mga tao upang matugunan ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
D. Maaaring palaasa ang mga mamamayan sa produktong banyaga
at humihina ang mga lokal na produkto sa isang bansa.

4. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga produktong agrikultural


gaya ng mais, gulay, at mga prutas, subalit salat naman sa mga
produktong langis at petrolyo, kung kaya't umaasa tayo sa
produksiyon sa ibang bansa. Anong sistemang kalakalan ang
ipinapahiwatig ng sitwasyon?

A. market trading
B. kalakalang panlabas
C. free enterprise system
D. liberasyon ng pakikipagkalakalan

5. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng kalakalang panlabas sa


paglago ng ekonomiya ng bawat bansa. Alin sa sumusunod na
pangungusap ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng mga
bansa?

A. Bawat bansa ay nagkakaroon ng mga produktong panluwas


B. Bawat bansa ay nagkakaroon ng mga produktong inaangkat.
C. Ang mga bansang kasali ay nagpapalitan ng kanilang mga
produkto.

6
D. Bawat bansa ay nagkakaroon ng mga produktong inaangkat. Ito
ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay
magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang
pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao.

6. Aling pahayag ang nagsaad ng Absolute Advantage?

A. Ang isang bansa ay dapat damihan ang mga iniluluwas na


produkto.
B. Ang isang bansa ay dapat mas efficient sa paglikha ng produkto
at serbisyo
C. Ang isang bansa ay dapat damihan ang mga iniluluwas na
produkto.
D. Ang isang bansa na makalikha ng maraming bilang ng produkto
gamit ang kaunting sangkap ng produksiyon at sa mas mababang
halaga ng mga salik nito kumpara sa isang bansa dapat
pagbutihin at damihan ang mga produktong iniangkat at
iniluluwas.

7. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng samahang


pandaigdigang pang-ekonomiko?

A. Dahil layunin nitong sumigla ang kalakalang pandaigdig.


B. Dahil layunin ng bawat bansa na makilala ang kanilang mga lokal
na produkto.
C. Dahil layunin nitong magkakilala ang mga namumunuan at
mangangalakal bawat bansa.
D. Dahil pareho sila ng mga layunin na naglalayong palawakin ang
ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

8. Alin sa mga sumusunod ang pinaka akmang dahilan ng


pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?

A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.


B. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal.
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga
bansa.
D. Maipagmalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

9. Ang mga bansa ay nakinabang sa isa't isa ayon sa konsepto ng


comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila
makikinabang?

A. sabwatan at kartel
B. trade embargo at quota
C. kasunduang multilateral
D. espesyalisasyon at kalakalan

10. Alin ang kinikilala na namamahala sa pandaigdigang patakaran ng


sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga
kasaping estado o member state.

A. Association of Southeast Asian Nations


B. Asia Pacific Economic - Cooperation
C. World Trade Organization
D. ASEAN Free Trade Area

7
Panuto: Punan ng sagot na hinihingi sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel. Pagkatapos sagutin ang mga kasunod na
katanungan.

Ibigay ang mga Isinasaad o Kahalagan


samahang Nilalaman
pandaigdigang
pang- ekonomiko

Takdang-Aralin

Sagutin ang gabay na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Batay sa iyong sagot bakit kinakailangang ang pamahalaan ay


magpatupad ng mga batas, patakaran, o programang may kaugnayan sa
kalakalang panlabas?
2. Bilang isang mag-aaral sa makabagong henerasyon, gaano kahalaga
ang papel ng pamahalaan sa larangan ng kalakalan?

Paglalagom/Panapos (Utusan ang mga estudyante na kukunin ang mga anumang kalat o
na Gawain basura sa kanilang upuan habang nag checheck ng attendance.
Pagkatapos, magsaitayo ang lahat para sa pangwakas na panalangin.)

(Itala sa ibaba ang mga di inaasahang ganapin subalit huwag limitahin


sa pagpapatuloy lamang na banghay-aralin sa susunod na araw sakaling
5. Mga Tala
ito ay ituturo muli o kakulangan ng oras, paglilipat ng aralin sa susunod
na araw o sakaling may suspensiyon ng klase.)
6.Pagninilay (Magnilay sa iyong mga estratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog
ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito
maisasakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang
sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong
tagamasid sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.)
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakakatulong ba
ng remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
estratehiyang
8
pagtuturo ang lubos
na nakakatulong?
Paano ito
nakakatulong?
F. Anong suliranin
na aking naranasan
ang nasolusyunan ng
aking punong-guro o
tagamasid?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nabuo na
maaari kong
mabahagi sa aking
kapwa guro?

Bibliography: Grade 9 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan Modyul: Kalakalang


Panlabas ng Pilipinas
Appendices: (mga kagamitan na gagamitin sa pagtatalakay sa paksa)
1. Formative Assessment
2. PowerPoint Presentation
3. Handouts
4. LED TV Screen/Projector

Prepared by:

NYMPH DEZA EVANGELISTA PEDOCHE


JOSHUA TAPALES SUMALINOG

You might also like