You are on page 1of 11

SURVEY

Aralin 3.4. Saliksik Arkibo, Tramskripsyon at Survey


Kabanata 3

Inihanda ni: Ngohayon, Kristine Kate A.


BSE-1
Ano ang Survey?
• Isang maikling panayam o pakikipagtalakayan sa isa o ilang indibidwal
tungkol sa isang natatanging paksa
• Pangongolekta ng mahahalagang impormasyon na tinatawag na baryabol
at mga kaisipan ng isang tao tungkol sa isang usapin.
• Non-experimental.
• Ito ay maaring metodong kwantitatibo at kwalitatibo.
Dalawang Kaukulan ng Survey
1. Pagtukoy ng bilang, dami o kaya ay bahagdan hinggil sa mga baryabol
at paghahambing sa mga ito.
2. Pagtukoy sa mga kaisipan, damdamin at maging ugaliin ng isang tao o
ng isang pangkat.
Mga Tiyak na Kagamitan sa Pagsasagawa ng
Survey
Talatanungan (Questionnaires)

• Hanay ng magkakugnay na tanong tungkol sa tagatugon.


• Ang pamamaraang ito ay naglalayon na makakuha ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa tagatugon namaaring maikling pagsulat,
pagmamarka ng ekis o tsek sa tanong o pagsasaad ng antas ng pagsang-
ayon o di pangsang-ayon.
Paraan upang Maisagawa ang Survey

a. Malayang Pagtatanong (Open ended questions)


- isinusulat ng tagatugon ang kanyang sagot sa pamamagitan ng
pagdurogtong sa punong pangungusap o kaya ay sa buong tanong.
Halimbawa:
Para sa iyo, ang cross-cultural na pag-aasawa ay .
Ano ang iyong buong kaisipan ukol sa cross-cultural na pag-aasawa?
b. May Pamimilian (Multiple-choice questions)
- ang lahat ng sagot ay naklahad sa talatanungan.
- pinipili ng tagatugon ang kanyang sagot ayon sa kaniyang karanasan at
kaisipan tungkol sa paksa
- ito ay karaniwang istatistikal kungsaan sinusumat ang mga tugon ayon sa
antas, dami o bahagdan.
- maari ding sukatin ayon sa pagsang-ayon o di pangsang-ayon.
• Halimbawa:
b.1 May Pamilian ayon sa Antas ng Pagtugon
4 Lubos na sang-ayon (LS) 2 Sang-ayon (SA)
3 Hindi sang-ayon (HSA) 1 Lubos na di sang-ayon (LDS)

4 3 2 1
Mataas ang
aking
kasanayan sa
paggamit ng
mga
makabagong
teknolohiya sa
pagtuturo
• b.2 May Pamilian sa Hanayan
Ako ay gumagamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo
□ 1-2 oras sa isang araw
□ 3-5 oras sa isang araw
□ 6-7 oras sa isang araw
□ 8 oras at higit pa sa isang araw
Panayam (Interview)

• Direktang tinatanong ng mananaliksik ang tagatugon tungkol sa titak na paksa


Mga kagamitan sa pakikipanayam:
□ Audio-Video
Katulad ito ng job interview kung saan magkasabay ang pagtatanong ng
mananaliksiksa tagatugon at pagdodokumento sa pamamagitan ng audio, video o kombinasyon
ng dalawa.
□ Oral at gabay na talatanungan
Pasalitang pagtatanong ng mga nakalahad na magkakaugnay batay sa tanong na nasa
gabay.
Benepisyo sa Pagsasagawa ng Survey na
Pananaliksik

■ Halaga ng Paggugol ng Salapi (Cost)


■ Masaklaw ( Extensive)
■ Naibibigay sa anumang uri ng pananaliksik (Flexible)
■ Kapani-paniwala/ Mapagkakatiwalaan(Dependable)

You might also like