You are on page 1of 10

TSAPTER 1

Introduksyon o pagpapakilala ng paksang


gustong gawan ng pag-aaral
1.1 Paglalahad ng Suliranin
1.2 Batayang Teoretikal
1.3 Batayang Konseptwal
1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral
1.5 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
1.6 Limitasyon ng Pag-aaral
1.7 Depinisyon ng mga Termino
1.1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN
• Inilalahad kung bakit isasagawa ang pag-aaral
-- PANLAHAT NA LAYUNIN – malawak ang
saklaw
-- MGA TIYAK NA LAYUNIN – batay sa panlahat

na layunin maaaring ihayag sa patanong na


paraan
1.2 BATAYANG TEORETIKAL
• Ipinapaliwanag ng teorya/mga teorya kung
bakit lumutang ang isang penomenon o
pangyayari na ginagawan ng pag-aaral
• Mga konsepto na siyang nagpapaliwanag,
nanghuhula o naghahaka at nag-iinterpreta
kung paanong ang isang penomenon o
pangyayari ay lumutang o lumitaw at
gumagana
1.3 BATAYANG KONSEPTWAL
• Inihahayag dito ang haka, palagay o
pangkalahatang ideya tungkol sa paksa o pokus
ng pag-aaral na ibinatay sa batayang teoretikal
• Kailangang gumawa ng iskematik na dayagram
ng pananaliksik. Nagbibigay ito ng direksyon sa
pag-aanalisa ng mga datos.
• Hindi ito dapat ipagkamali sa metodolohiya,
sariling pananaw ang inilalahad
1.4 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
• Ang kabutihang maidudulot ng pag-aaral sa
kung sino at kung paano
• Kailangang banggitin ang maaaring maging
kontribusyon ng pag-aaral sa partikular na
larangan, organisasyon o samahan
1.5 SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-
AARAL
• Ito ang sakop o saklaw ng pag-aaral at maging
ang hangganan nito
• Ipakikilala rito ang mga respondente/
impormante, ang lugar ng magiging pag-aaral at
ang sasakuping panahon
• Kung dokumento ang gagawan ng pagsusuri,
kailangang banggitin kung anong dokumento
ang gagamitin, ang susuriin, ang panahong
lumabas ang dokumento
1.5 SAKLAW AT DELIMITASYON
• Ang hangganan o delimitasyon ay bagay na
kayang kontrolin – halimbawa, lugar na
gagawan ng pananaliksik, ang bilang ng
respondente/impormante, ang uri ng
dokumentong gustong gamitin, ang bilang ng
dokumento, ang bahagi ng dokumento at
maging ang taon kung kailan lumabas o
naipablis ang dokumento
1.6 LIMITASYON NG PAG-AARAL
• Ang mga bagay na hindi kayang kontrolin –
halimbawa, ang panahon ng pag-aaral; mahirap
na kausaping respondente/ impormante; kawalan
o kakulangan ng mga materyales mula sa laybrari
• Ang mga bagay na saklaw ng limitasyon ng pag-
aaral ay dapat bigyan ng pansin sa
rekomendasyon upang magawan ng solusyon ng
ibang interesadong mag-aral ng paksang pag-
aaralan.
1.7 DEPENISYON NG MGA TERMINO
• Dalawang depinisyon ang maaaring magbigay-
linaw sa mambabasa
1. KONSEPTWAL – depinisyon na maaaring makuha
sa libro, diksyonaryo, ensayklopidya o mga
awtoridad/eksperto sa iba’t ibang larangan (dapat
kilalanin ang pinagkunan o ang taong nagbigay depinisyon)
2. OPEREYSYUNAL – depinisyon na sa mga termino
na dapat mabigyang linaw upang madaling
maunawaan ng mambabasa ang takbo ng pag-
aaral KUNG GAYON,
1.7 DEPINISYON NG MGA TERMINO

ang OPEREYSYUNAL NA DEPINISYON ay ang


sariling depinisyon sa mga terminong may
natatanging kahulugan para sa gagawing pag-
aaral – partikular na gamit sa pag-aaral na
maaaring kaiba sa ordinaryong
pagpapakahulugan ng iba sa ibang panahon o
domeyn

You might also like