You are on page 1of 30

Yunit IV

Huwag Mo Lang Sabihin, Isulat Mo Rin!


Aralin 14

Eksplorasyon sa Pananaliksik:
Pagpili ng Paksa, Pagbuo ng
Tesis na Pahayag, at Balangkas
Layunin ng Talakayan
 maisa-isa ang mga dapat tandaan sa pagpili at paglilimita ng
mga paksa para sa pananaliksik;

 matiyak ang hakbang sa pagbuo ng tesis na pahayag at


balangkas;

 maisa-isa ang katangian ng isang mahusay na pahayag na tesis


at balangkas;

 matukoy ang tesis ng mga balitang napanood o napakinggan;


at

 makabuo ng balangkas ng mga tekstong binasa.


Daloy ng Talakayan
 Eksplorasyon sa pananaliksik: pagpili ng paksa, pagbuo
ng tesis na pahayag, at balangkas;

 Pagpili ng paksa;

 Pagbuo ng tesis na pahayag; at

 Balangkas.
Eksplorasyon sa Pananaliksik:
Pagpili ng Paksa, Pagbuo ng Tesis na Pahayag at
Balangkas

Ang mabisang pananaliksik ay nakabatay sa


makabuluhang suliranin na tinatawag na gap. Ang
pagpapasya sa kritikal na isyu o gap ng pananaliksik ang
pangunahing kailangang isaisip ng mananaliksik sa
pormulasyon ng pipiliing paksa, pagbuo ng pahayag na
tesis, at gabay sa pagbabalangkas.
.
Pagpili ng Paksa

Simulan ang panimulang gawaing ito sa pagpili at pagpapasiya ng


tiyak at limitadong paksa batay sa mga sumusunod na katangian ng
mahusay na paksa sa larangan ng wika at kultura:

(1) tiyaking ang paksa ay malapit sa interes ng mananaliksik


at pagkokonsidera sa kapakanan ng paksa;
(2) makapagtitiyak ng sapat na materyales o sanggunian;
(3) makabubuo ng mga tiyak na suliranin at haypotesis;
(4) may katangiang napapanahon at nakapag-aambag sa
kasalukuyang kalagayan o penomena sa larangan ng wika at kultura;
(5) may matibay na kaugnayan at kabuluhang
mapaglalapatan ng angkop at malayang metodo o
pamamaraan; at
(6) paksang nakapagpapayaman sa pag-unawa, pagdalumat,
at pagpapahalaga sa anomang isyu o usapin sa larangan ng
kultura at wika.
Pagpili ng Paksa

Halimbaw
a
May ilang tiyak na pokus sa paglilimita ng paksang pampananaliksik na nakatuon
sa uri, panahon, grupong kinabibilangan, perspektiba, edad, kasarian, at lugar. Ang mga
pokus na nabanggit ay maaring makapaglilinaw sa parametro ng pananaliksik.
Halimbawa sa paksang:“Pagbanghay sa Iba’t ibang Imahe ng Kababaihan sa Piling TV
Adbertisment”

Pagbanghay sa iba’t ibang imahe = pokus sa pananaw o perspektiba


Kababaihan = pokus sa kasarian
Piling TV Adbertisment = pokus sa uri
Pagbuo ng Tesis na Pahayag
Nagsisilbing gabay ang tesis na pahayag upang
mailimita ang paksa sa pokus at limitadong isyu. Naitala
sa Online Writing Lab ng Purdue University ang ilang
tips sa pagsulat ng tesis na pahayag:
1. Tukuyin ang uri ng papel na isusulat batay sa
katangiang analitikal (pagtalakay sa isang isyu at
ebalwasyon ng isyu o ideya ng madla), ekspositori
(layuning magpaliwanag sa madla), o agumentatibo
(pagbuo ng katuwiran ukol sa isang paksa at paggigiit
ng tiyak na katibayan; maaaring ang katuwiran ay isang
opinyon, panukalang polisiya, isang ebalwasyon o
sanhi at bunga, o interpretasyon).
• 2. Kinakailangang maging tiyak ang tesis na
pahayag at kinakailangang saklawin lamang
nito ang tatalakayin sa iyong papel na
sinusuportahan ng mga tiyak na patunay.
• 3. Kadalasang inilalagay ang tesis na
pahayag sa katapusan ng unang talata ng iyong
papel.
• 4. Maaaring magbago ang iyong paksa
habang nagsusulat, kung kaya maaaring
rebisahin ang tesis na pahayag batay sa
pagkakatalakay sa papel.
Pagbuo ng Tesis na Pahayag
Halimbawa ng Tesis na Pahayag:
 Ang iba’t ibang imahe ng kababaihan sa piling adbertisment
ay maaaring basahin batay sa isyu ng komodikasyon at
pagkalakal sa uring ito.

 Ang iba’t ibang imahe ng kababaihan sa piling adbertisment


sa larangan ng komodipikasyon at pagkakalakal.

 Ang iba’t ibang imahe ng kababaihan sa piling adbertisment


ay may kinalaman sa intensiyon ng mga kapitalista na
gawing komoditi at kalakal ang uring ito.
Sa unang tesis na pahayag, inilalatag ang isyu
ng papel bilang isang panukalang lente ng
pagsusuri. Sa ikalawang tesis na pahayag
naman, nasa antas ng payak na paglalahad
lamang ng paksa at isyu ang punto ng
pagkakasulat. Samantalang sa ikatlong tesis na
pahayag, malinaw ang argumentatibong
katangian ng papel sa paglalahad nito ng
kanyang tiyak na pananaw at argumento sa
paksang napili.
Balangkas
Makatutulong ang paglalatag ng tentatibong
balangkas na naglalaman ng mahahalagang aspekto at
punto na tatalakayin sa kabuuan ng pananaliksik.
Kailangang ibatay ang daloy ng isasagawang
balangkas sa mga naitalang tiyak na suliranin o layunin
ng pananaliksik.
Maaaring gumamit ng pormal na paraan ng
pagbabalangkas na gumagamit ng mga titulo at subtitulo
upang mabusising mailatag ang mahahalagang punto ng
pananaliksik. Samantala, maaari rin naman isagawa ang
impormal na pagbabalangkas na naglalaman lamang ng
pagtatala sa mahahalagang punto ng isasagawang
pagtalakay sa papel.
Balangkas

Halimbawa ng mga pormal na balangkas

A. I. Epekto ng Sin Tax Law


A. Negosyante
1. Malaking kompanya
2. Maliit na tindahan

B. Konsyumer
1. Mayaman
2. Mahihirap

II. Implikasyon sa Ekonomiya ng Sin Tax Law


A. Pagbubuwis
1. Distribusyon
Balangkas
Halimbawa ng mga pormal na balangkas
I. Imahe ng Kababaihan sa mga Komersyal ng Shampoo
A. Tradisyunal
B. B. Makabago

II. Paraan ng Presentasyon sa Imahe


A. Testimonial
B. Sitwasyunal
C. Karakterisasyon

III. Implikasyon sa Kalagayan ng Kababaihan sa


Kasalukuyan
A. Babae bilang malaya sa kanyang kapasyahan
B. Babae bilang kapantay ng kalalakihan
C. Babae bilang makabago sa paraan ng pamumuhay
D. Babae bilang representasyon ng post-
Balangkas

Halimbawa ng mga impormal na


balangkas

1. Kasanayan ng Kababaihan sa Komersiyal


2. Imahe ng Kababaihan sa Komersiyal ng
Shampoo
3. Paraan ng Presentasyon sa Imahe
4. Implikasyon sa Kalagayan ng Kababaihan sa
Kasalukuyan
Yunit IV
Huwag Mo Lang Sabihin, Isulat Mo Rin!
Aralin 15

Pagkalap ng Datos sa
Pananaliksik:
Mga Hakbang, Lapit, at
Pamamaraan
Layunin ng Talakayan
 matukoy ang iba’t ibang klasipikasyon sa datos;

 mailahad ang mga lapit at pamamaraan sa pangangalap ng datos;


at

 matalakay ang kahalagahan ng interbyu bilang mabisang paraan


sa pagkuha ng datos.
Daloy ng Talakayan
Pangangalap ng datos: ang mabusisi at
malawak na hakbang sa gawaing
pampananaliksik;
Klasipikasyon ng datos;
Lapit at pamamaraan ng pangangalap ng
datos;
Interbyu bilang paraan ng pagkuha ng
datos; at
Bentahe at disbentahe sa pagsasagawa ng
interbyu.
Pangangalap ng Datos: Ang Mabusisi at Malawak
na Hakbang sa Gawaing Pampananaliksik
Maituturing na pinakamabusisi at
pinakamalawak na gawain ng pananaliksik ang
pangangalap ng datos, kadikit ang pagsusuri sa
mga ito. Sa gawaing pampananaliksik, sinasaklaw
ito ng bahaging kaparaanan o metodolohiya sa
pananaliksik na tumutukoy sa mga lapit at
pamamaraan sa pagtamo ng mga inaasahang
impormasyon.
Klasipikasyon ng Datos

1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos –


Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos
kung mayroong limbag na dokumentong
kaakibat nito. Kabilang ditto ang mga libro,
journal, magasin, pahayagan, liham,
awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan,
kalendaryo, at iba pang kasulatan. Sa kabilang
dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay
pasalitang panitikan, sining audio-biswal, iba’t
ibang labi, fossil, artifact, at iba pang katulad
nito.
• Primarya, sekondarya, o terserang datos –
Maaari ding organisahin ang datos batay sa
ikalawang klasipikasyon. Naituturing na
primarya ang datos kung kapanahong saksi at
may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-aaralang
paksa. Sekondarya naman ang datos kung hindi
ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan
at gumamit lamang ng mga primaryang datos.
Terserang datos naman ang turing sa mga
sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom
ng mga primary at sekondaryang datos.
Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

1. Pananaliksik sa laboratoryo – tumutukoy ito sa


ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa larangan ng
agham pangkalikasan.
2. Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na
pinaglalagakan ng mga dokumento at impormasyon –
tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula sa mga
dokumento at babasahing makikita sa aklatan, artsibo o
sinupan, Internet, pribadong koleksiyon, simbahan,
munisipyo, museo, at iba pa.
3. Pananaliksik sa larangan – tumutukoy ito sa
mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa.
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Isa sa mga popular na paraan sa
pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng
interbyu. Sa biglang tingin, ang paraang ito
ay hindi nangangailangan ng maraming
kagamitan—tanging recorder at sulatan
lamang—at ng komplikadong kasanayan sa
pakikipag-usap. Gayunman, hindi
nangangahulugang walang dapat isaalang-
alang sa pagpili ng interbyu bilang paraan
ng pangangalap ng datos sa isang
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos

Listahan sa Pagpili at Paghahansa sa


Interbyu:

1. Angkop ba ang pagsasagawa ng interbyu kung


pag-uusapan ang:
a. paksa ng pananaliksik;
b. pangangailangan sa detalyadong
impormasyon;
c. akses sa kakapanayamin; at
d. kasapatan sa oras at salapi?
• 2. May malinaw ba akong bisyon sa mga usaping tatalakayin sa
panahon ng interbyu?
• 3. Maisasaayos ba ang iskedyul ng mga interbyu, sapat upang
makabuo ng transkripsiyon at analisis ng mga ito?
• 4. Kumpiyansa ba akong ang aking personal na pagkakakilanlan
ay hindi magiging hadlang sa pagkuha ng mga kakapanayamin, at
sa kanilang bukas at tapat na tugon sa aking mga itatanong?
• 5. Nakapagsangguni at nakakuha na ba ako ng pahintulot sa
awtoridad para sa gagawing interbyu?
• 6. Malinaw ba sa akin ang pamantayan sa pagpili ng
kakapanayamin?
• 7. Naisaayos o napili na ba ang oras at
pook ng interbyu?
• 8. May limitasyon ba sa oras ang
isasagawang interbyu at batid ba ito ng
mga kalahok?
• 9. Nabigyang-pansin ko na ba ang
angkop na paraan ng pagpapakilala
(estilo ng pananamit, digri ng
pormalidad, at iba pa)?
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Hakbang na nararapat bigyang-pansin bago isagawa, habang isinasagawa,
at pagkatapos isagawa ang interbyu:
1. Bago ang interbyu
• Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impormasyong nais mong makuha.
• Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at lugar ng interbyu nang may
malinaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
• Magsaliksik tungkol sa paksa at taong iinterbyuhin.
• Maghanda ng mga gabay na tanong.
• Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa interbyu gaya ng tape o digital recorder,
panulat, at sulatan.
2. Habang nag-iinterbyu
• Dumating sa itinakdang petsa, oras, at lugar ng interbyu.
• Magpakilalang muli sa iinterbyuhin at talakayin sa kaniya ang kaligiran ng paksa at
layunin sa isasagawang interbyu.
• Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.
• Magpasalamat sa pagpapaunlak ng ininterbyu.
3. Pagkatapos ng interbyu
• Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit sa interbyu
• Gawan ng transkripsiyon ang interbyu.
Bentahe at Disbentahe ng Pagsasagawa ng Interbyu

1. Bentahe

• Lalim ng impormasyon – sa pamamagitan ng interbyu, nakakakuha ng mga datos na


nagpapalalim at nagdedetalye sa isang partikular na paksa.
• Bagong ideya – maaari ding makakuha ng bagong ideya ang mga mananaliksik mula sa
mga impormasyong makukuha.
• Kagamitan – ang interbyu ay nangangailangan lamang ng simpleng kagamitan.
• Pokus sa iniinterbyu bilang tagapagbahagi ng impormasyon – isang mabisang paraan ang
interbyu para sa pangangalap ng mga datos batay sa ideya at opinyon ng isang tao.
• Fleksibilidad – masasabing ang interbyu ang pinaka-flexible na pamamaraan sa
pangangalap ng datos.
• Katumpakan (Validity) – dahil sa tuwirang ugnayan ng mananaliksik at ng taong
pinagmumulan ng datos, kagyat na nalilinaw ang anomang kalituhan sa proseso ng
interbyu.
• Mataas na antas ng pagtugon – karaniwang naisasaayos ang panahon ng interbyu batay sa
kaluwagan ng iinterbyuhin.
• Nakalulunas – kumpara sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos, karaniwang isang
masayang karanasan ang interbyu para sa iniinterbyu dahil sa elemento nitong mas
personal.
Bentahe at Disbentahe ng Pagsasagawa ng Interbyu

2. Disbentahe

• Mahabang oras – bagaman maaaring maikli o mahaba ang isang interbyu,


maaaring ang pagsusuri sa datos ay maging mahirap at mangailangan ng mahabang
oras.
• Pagkamaaasahan (Reliability) – ang makokolektang datos ay karaniwang natatangi
sa partikula na konteksto at indibiduwal.
• Interviewer effect – ang ugnayan ng mananaliksik at kalahok ay may epekto sa
kalidad ng datos na makukuha sa interbyu.
• Pagpipigil sa sarili – maaari ding makaapekto sa iniinterbyu ang presensiya ng
recorder o kamera habang isinasagawa ang interbyu.
• Halaga ng gugugulin – posibleng maging malaki ang gastusin ng mananaliksik
kung pag-uusapan ang kaniyang ginugol na oras, pagtungo sa lugar ng mga
iinterbyuhin, at pagsulat ng transkripsiyon.

You might also like