You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I - Modyul 3
Iba’t Ibang Sistemang
Pang-ekonomiya

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng
materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot ng Kagawaran.
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Baby Sairine S. Cabaṅa
Pangnilalamang Patnugot: Villaflor C. Ocampo, Mary Grace I. Ogoc
Editor: Jonah A. Heredero
Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagaguhit: Ernesto S. Lerio, Willissa Eva Ada B. Cuvinar


Tagalapat: KesterT.Badenas
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot, Enrile Abrigo Jr.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

MELC: Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. (Ikatlong linggo)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.
2. Natutukoy ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umusbong upang
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
3. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.

Subukin Natin

Panuto: Unawain mo ang bawat katanungan at isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ito ay sumasaklaw sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos


ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-
yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
A. Traditional C. Market
B. Command D. Sistemang Pang-ekonomiya
_______2. Ang pananamit ni Maria ay napakasimple. Ang kanilang tribu ay gumagawa
lamang ng damit mula sa desinyo ng kanilang mga ninuno at gumagawa lamang
ng tamang bilang ng kanilang kasuotan basi sa pangangailangan ng kanilang
miyembro. Sa anong sistemang pang-ekonomiya nabibilang si Maria?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Command Economy D. Tradisyonal na Ekonomiya
_______3. Mula sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko, ang tanong na ano
ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sa kadahilanang?
A. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa
teknolohiya.
B. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa
pag-iisip ng gagawa nito.
C. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa
pangangailangan ng tao.
D. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa
hindi pangangailangan ng tao.
_______4. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas, paano mo maipakikita ang
iyong pagsuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
I - Pagbili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
II- Pagbili ng murang produkto na gawa mula sa China.
III- Pagbili ng mga gadgets na hindi naman lubos na kailangan.
IV- Paggamit ng salapi/baon sa tamang gastusin lamang.
A. I & II C. II & IV
B. II & III D. I & IV

1
_______5. Dahil sa masamang epekto ng pagmimina sa ating kabundukan ay maraming batas
ang ipinasa upang mapangalagaan ang ating likas na yaman. Anong sisitema ang
nagsasabi na maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa usaping
nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-
ari ng estado?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______6. Alin sa sistemang pang-ekonomiya ang kombinasyon ng elemento ng market
economy at command economy?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______7. Anong sistemang pang-ekonomiya ang tinutukoy kung estado ang nagpapasya sa
proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa?
A. Mixed Economy C. Tradisyonal na Ekonomiya
B. Market Economy D. Command Economy
_______8. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan, alin sa sistemang pang-ekonomiya ang pinangangasiwaan ng
pamahalaan sa pamamagitan ng sentralisadong ahensiya na nagpaplano?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______9. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay
tradisyon, paniniwala at .
A. Kultura C. Pananampalataya
B. Pagdarasal D. Pagmamahal
_______10. Anong uri ng sistema na bawat kalahok-konsyumer at prodyuser ay kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking
pakinabang?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na ekonomiya D. Command Economy

Ating Alamin at Tuklasin

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang


institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang
paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-
Paghawan ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng
ng Balakid: kakapusan at kung paanong episyenteng magagamit ang mga
Alokasyon- pinagkukunang-yaman ng bansa.
mekanismo
Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay
ng
pamamahagi matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya
ng mga o konsepto tungkol sa alokasyon. Inaasahang
pinagkukuna magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto
ng yaman. upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan ng
mekanismo ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa
ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?
Halina’t simulan na natin.
Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Nawa ay napagtanto mo
na ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto
\
at serbisyo ang gagawin? Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto
at serbisyo? Pangatlo, para kanino gagawin
2 ang mga produkto at serbisyo?
Panghuli, gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:

Tradisyonal na Ekonomiya

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya.


Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa
pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan.
Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na
tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan ng
itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak
na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan
nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Market Economy

Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay


ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat
kalahok- konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes
na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring
makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot
sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitang ng presyo, at
pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili
at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa
kabuuan, ang dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo
ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng
pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa
kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa
karapatan, ari-arian at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

Command Economy

Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at


regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa
pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central
planning agencies).
Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado
o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-
yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita
sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng
hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa
pamamagitan ng pagtatakda ng halaga ng mga produktong nagmumula rito
Ang mga patakaran ng command economy ay ipinatutupad sa dating Soviet Union.
Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at
North Korea.

3
Mixed Economy

Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy


at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay
kinapalolooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang
pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy
ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng
pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang
pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa
usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari
ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at
mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng
mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi
nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga
desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao, et al., Ekonomiks – Araling Panlipunan-Modyul para sa


Mag- aaral, Pasig City: Department of Education-Vibal Publishing
House, Inc., 2015, 310-314.)

Tayo’y Magsanay

Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa


bawat kahon.

2. Sa tradisyonal na
ekonomiya, bakit
1. Sa command madali lang sagutin
economy, sino ang tanong kung
ang nagpaplano ano ang lilikhaing
ng ekonomiya? produkto? .
.

4
Piliin sa kahon ang salita na angkop sa bawat larawan.
Isulat ang sagot sa patlang na makikita sa ilalim ng bawat larawan.

Tradisyonal na Ekonomiya Mixed Economy


Command Economy Market Economy

1. 2.

3. 4.

Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa bansang Pilipinas?

5
Ating Pagyamanin

Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mahalagang katangian ng


bawat sistemang pang-ekonomiya.

Sistemang
Pang-ekonomiya Mahalagang Katangian

Tradisyonal na Ekonomiya

Command Economy

Market Economy

Mixed Economy

Bumuo ng isang islogan na may temang “Maayos na sistemang


pang-ekonomiya tugon sa suliranin ng lipunan.” Bigyan ng puntos ang
islogan gamit ang Rubrik, gawin ito ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka ng Picture Islogan


Krayterya Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Mayaman sa katuturan 10
ukol sa paksang“Maayos
na sistemang pang-
ekonomiya tugon sa
suliranin ng lipunan” at
mapanghikayat sa
mambabasa.
Organisasyon Gumamit ng mga angkop 10
ng mga ideya na salita at estratehiya sa
pagsulat ng tugma,
metapora, at patudyong
salita upang maging
kaaya-aya ang islogan.
Pagkamalikhain Angkop ang islogan sa 10
tema “Maayos na
sistemang pang-
ekonomiya tugon sa
suliranin ng lipunan”.
Kabuuang Puntos 30

6
Ang Aking Natutuhan

Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo
ang mga pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

pamahalaan sistemang pang-ekonomiya mixed economy


alokasyon market economy

Bawat lipunan ay may sinusunod na upang matugunan ang


mga suliraning napaloloob sa produksiyon at ng mga produkto at serbisyo.
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng . Ang ay nagpapahintulot sa pribadong
pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitang ng presyo, at pangangasiwa
ng mga gawain at ang ay isang sistema na kinapalolooban ng elemento
ng market economy at command economy.

7
Ating Tayahin

_______1. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas, paano mo maipakikita ang


iyong pagsuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
I - Pagbili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
II - Pagbili ng murang produkto na gawa mula sa China.
III - Pagbili ng mga gadgets na hindi naman lubos na kailangan.
IV - Paggamit ng salapi/baon sa tamang gastusin lamang.
A. I & II C. II & IV
B. II & III D. I & IV
_______2. Dahil sa masamang epekto ng pagmimina sa ating kabundukan ay maraming
batas ang ipinasa upang mapangalagaan ang ating likas na yaman. Anong
sistema ang nagsasabi na maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan
sa usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______3. Alin sa sistemang pang-ekonomiya ang kombinasyon ng elemento ng market
economy at command economy?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______4. Anong sistemang pang-ekonomiya ang tinutukoy kung estado ang nagpapasya
sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa?
A. Mixed Economy C. Tradisyonal na Ekonomiya
B. Market Economy D. Command Economy
_______5. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan, alin sa sistemang pang-ekonomiya ang pinangangasiwaan ng
pamahalaan sa pamamagitan ng sentralisadong ahensiya na nagpaplano?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na Ekonomiya D. Command Economy
_______6. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay
tradisyon, paniniwala at .
A. Kultura C. Pananampalataya
B. Pagdarasal D. Pagmamahal
_______7. Anong uri ng sistema na bawat kalahok- konsyumer at prodyuser ay kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking
pakinabang?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Tradisyonal na ekonomiya D. Command Economy
_______8. Ito ay sumasaklaw sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang
lipunan.
A. Tradisyonal na Ekonomiya C. Market Economy
B. Command Economy D. Sistemang Pang-ekonomiya

8
_______9. Ang pananamit ni Maria ay napakasimple. Ang kanilang tribu ay gumagawa
lamang ng damit mula sa desinyo ng kanilang mga ninuno at gumagawa lamang
ng tamang bilang ng kanilang kasuotan basi sa pangangailangan ng kanilang
miyembro. Sa anong sistemang pang-ekonomiya nabibilang si Maria?
A. Mixed Economy C. Market Economy
B. Command Economy D. Tradisyonal na Ekonomiya
_______10. Mula sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko, ang tanong na
ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sa kadahilanang?
A. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay
sa teknolohiya.
B. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay
sa pag-iisip ng gagawa nito.
C. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay
sa pangangailangan ng tao.
D. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay
sa hindi pangangailangan ng tao.

Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay
Gawain 1 Ating Pagyamanin
1. Pamahalaan Gawain 1
2. Ang desisyon ay 1.Tradisyonal na Ekonomiya- Ayon sa kinagawian,
nakasalalay sa tradisyon at paniniwala.
pangangailangan ng tao. 2.Command Economy-Pinagpapasyahan ng
estado/pamahalaan.
Tayo’y Magsanay 3.Market Economy- Nagpapahintulot sa pribadong
Gawain 2 pagmamay-ari ng kapital,pakikipag-ugnayan sa
1. Mixed Economy pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga
2. Market Economy gawain.
3. Command Economy 4.Mixed Economy- Pinaghalong market economy at
4. Tradisyonal na command economy.
Ekonomiya

Subukin Tayahin
1. D 6. A 1. D 6. A Aking Natutunan
2. D 7. D 2. A 7. C Sistemang Pang-ekonomiya
3. C 8. D 3. A 8. D Alokasyon
4. D 9. A 4. D 9. D Pamahalaan
5. A 10. C 5. D 10.C Market Economy
Mixed Economy

Sanggunian
Aklat

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Lumibao Jr., Alex P. Mateo at Irene J. Mondejar. Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources,
2017.

9
FFEEDBACK SLIP

FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong


lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?
2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad
para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?
3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa
pag-aaral gamit ang CLAS na ito?
4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano
ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like