You are on page 1of 6

JOHN WESLEY COLLEGE

#57 College Avenue, Tuguegarao City


Highschool Department
(2020-2021)
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9
(LYDIA AT PETER)

PANGALAN: ________________________________________ DATE:___________________


GRADE/SECTION:___________________________________ SCORE:__________________
I. Multiple Choice
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at BILUGAN ANG TAMANG SAGOT.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin
ay: 
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid
2. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na
likhain ay nakasalalay sa kamay ng;
a. konsyumer
b. prodyuser
c. pamilihan
d. pamahalaan
3. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas,
yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa
pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
4. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang
pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
5. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban
sa _______.
a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
d. magiging maayos ang pagbabadyet
6. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na kagustuhan ang
isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang
pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan
c. Hindi mabubuhay ang mga tao kapag wala ang mga ito
d. Makakabili ka ng mga bagay sa pamamagitan ng mga ito.
7. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng
gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.
8. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
9. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.
b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
d. Palagiang gumagamit ng recycled na bagay upang mapangalagaan ang kapaligiran.
10. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang
materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
11. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
12. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
13. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang
pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
14. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser
15. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-
tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming
bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at
kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan sa pamamagitan ng presyo
at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado.
16. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa
puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy
17. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer
b. Pamahalaan
c. Pamilihan
d. Prodyuser
18. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
market economy?
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.
19. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pangekonomiko. Alin sa
sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
20. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
21. Ang ahensiyang ito ang nagtatakda ng pagtaas at tamang pagsingil sa pamasahe sa mga pampublikong
sasakyan.
a. FDA
b. LTFRB
c. DTI
d. Bureau of Product Standards
22. Isinasaad sa batas na ito na ipinagbabawal ang paggamit at pagbenta ng bawal na gamot nang walang
pahintulot ng doctor.
a. Republic Act no. 10175
b. Republic Act no. 71
c. Republic Act no. 9165
d. Republic Act no. 3740
23. Isinasaad sa batas na ito ang pagpapalagay ng prseyo sa lahat ng mga produktong ipinagbibili upang
mabawasan ang pagtatawaran ng mga presyo sa pamilihan.
a. Republic Act no. 10175
b. Republic Act no. 71
c. Republic Act no. 9165
d. Republic Act no. 3740
24. Pinapangalagaan ng ahensiyang ito ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng paniniguro na ang
kalidad ng mga produkto ng pagkain at gamut ay hindi mapanganib at nagtataglay ng tamang
impormasyon tungkol sa nilalaman ng mga para sa kaalaman ng mga mamayan.
a. FDA
b. LTFRB
c. DTI
d. Bureau of Product Standards
25. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na ngabibigay ng mga pamantayang dapat sundin ng mga kompanya at
pabrika na gumagawa ng iba’t- ibang produkto.
a. FDA
b. LTFRB
c. DTI
d. Bureau of Product Standards

II. Tama o Mali


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang Tama kung
ang pahayag ay makatotohanan at Mali kung ang pahayag ay Di- Makatotohanan.

26. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng
kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
27. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning
nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
28. Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino pa ang dapat gumamit.
29. Sa market economy, ang kalahok-konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alisunod sa pansariling interes
na makakuha ng malaking pakinabang.
30. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
31. Sa command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan ang planong
nauukol sa pagsulong ng ekonomiya.
32. Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng command economy ay ang North Korea at Cuba.
33. Ang mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o kombinasyon ng command at market
economy.
34. Sa sistemang pang-ekonomiya na mixed economy ay nagpapahintulot sa mga pribadong pagpapasya ng
pribadong kompanya at indibidwal ngunit karamihan pa rin sa mga desisyong pang-ekonomiya ay
ginagabayan ng pamahalaan.
35. Hindi nakaaapekto ang panonood ng telibisyon sa pagpili ng mfga produktong bibilhin.
36. Ang pagkakaroon ng raffle at promosyon ay mga pamamaraang hindi ginagamit ng mga prodyuser
upang hindi maimpluwensyahan ang mga mamimili sa pagbili ng kanilang produkto at serbisyo.
37. Ang pagbibigay pansin sa kalidad ng isang produkto ai isang mahalagang salik sa pagbili ng mga
produkto o serbisyo.
38. Ang kita ng isang tao ay hindi nakakaapekto sa kanyang pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo.
39. Sa pagkokonsumo marapat na tignan ang presyo ng isang produkto kaysa sa kalidad nito.
40. Matalino ang mamimiling marunong magbadyet.

III. Identification
Panuto: basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay Kakulangan o
Kakapusan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
41. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa. ______________

42. Pagpunta ng mga manggagawa sa ibang bansa upang magtrabaho. ______________

43. Paggamit ng mga plsatik na materyales sa halip na kahoy sa paggawa ng mga kasangkapan.
________________

44. Paiba-ibang kagustuhan ng tao sa kanyang pananamit. _____________

45. Limitadong suplay ng bigas sa isang rehiyon. _________________

46. Walang sapat na mapagkukunan ng mga salapi ang pamahalaan para sa mga manggagawa.
_____________

47. Pag-angkat ng pamahalaan ng bigas mula sa ibang bansa. _______________

48. Paggamit ng alternatibong pataba sa pagsasaka. ________________

49. Paggamit ng plastic sa halip na papel dahil sa pagkaubos ng puno sa paggawa ng papel.
_________________

50. Panandaliang pagkaubos ng suplay ng asukal. ______________

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Via Lamer Gepila Rev. Norina B. Balunsat


Ap Teacher Punong Guro

You might also like