You are on page 1of 3

AP 9 EKONOMIKS QUARTER 1 SUMMATIVE TEST #2

Suriin ang bawat pangungusap. Pagkatapos ay tukuyin kung anong sistemang pang-
ekonomiya: TRADITIONAL, MARKET, COMMAND o MIXED ECONOMY.
_____________1. Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya.
_____________2. Nakabatay ang nasabing sistemang pang-ekonomiya sa mekanismo ng
malayang pamilihan.
_____________3. Nakabatay ang nasabing sistemang pang-ekonomiya sa ilalim ng
komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
_____________4. Sa ganitong sistema ay kinapapalooban ng elemento ng market
economy at command economy.
_____________5. Simple lamang ang anyo ng sistemang pang-ekonomiyang ito.
_____________6. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok– konsyumer at prodyuser, ay
kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking
pakinabang.
_____________7. Sa ganitong sistema, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing
pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang.
_____________8. Sa ganitong sistema ay hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga
usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado.
_____________9. Nakabatay ang nasabing sistemang pang-ekonomiya sa tradisyon,
kultura, at paniniwala.
_____________10. Sa ganitong sistema, nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot
at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____11. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng:
A. Konsyumer C. Pamahalaan
B. Pamilihan D. Prodyuser
_____12. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
A. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga
layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
_____13. Si Alyana ay maaaring kumain sa fastfood chain na nais niya tulad ng Jollibee,
McDonalds, KFC, Pizza Hut, Shakey’s at iba pa, ayon sa presyo at dami ng nais niyang
ikonsumo. Sa anong sistemang pang-ekonomiya makikita ang katangiang ito?
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy
_____14. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa market economy.
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang
mga gawain.

_____15. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang


pang-ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang:
Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
A. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
B. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
C. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
D. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at
pamahalan.
_____16. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na
nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan.
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
_____17. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang
salik ng produksyon?
A. Tinataniman ng mga magsasaka
B. Patayuan ng mga imprastraktura
C. Itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. Pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
_____18. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso
ng produksyon?
A. Interes C. Kita
B. Pera D. Regalo
_____19. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
A. Paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. Pagtayo ng mga pabrika
C. Pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. Pagkamalikhain ng mga manggagawa

_____20. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.


A. Kapital C. Lupa
B. Paggawa D. Produksyon
_____21. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
A. Maraming hilaw na sangkap ang magagamit
B. Maraming output ang mabubuo
C. Mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
D. Matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
_____22. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag
sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng
produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo
ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay
ng kapakinabangan sa tao.
D. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo
nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.
_____23. Paano mo mapapatunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
A. Paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
B. Kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
C. Teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
D. Magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo
_____24. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng
demonstration effect?
A. Billboards C. Internet
B. Pahayagan D. Radyo
_____25. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. Araw ng eleksyon C. Kaarawan
B. Kalamidad D. Palabas sa telebisyon
_____26. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan angpangangailangan.
A. Distribusyon C. Pagkonsumo
B. Produksiyon D. Pamimili
_____27. Ang mga taong namimili ng mga produkto o serbisyo na sa tingin nila ay
makakapagbigay sa kanila ng lubos na kasiyahan ay tinatawag na:
A. Prodyuser B. Negosyante C. Konsyumer D. Artista
_____28. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
_____29. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
A. Kakaunti ang suplay C. Marami ang suplay
B. Mataas ang presyo D. Mababa ang presyo
_____30. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng
demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
_____31. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
A. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
B. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
C. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita
_____32. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
A. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
B. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
C. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
D. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
_____33. Ang pagkonsumo ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga salik
ng pagkonsumo ang dahilan ng pagkakaiba sa paraan ng pagkonsumo ng isang abogado at
sang construction worker?
A. Kita B. Mga inaasahan C. Pagkakautang D.Pagbabago ng presyo
_____34. Sa lipunang ating ginagalawan, talamak na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot
na nagiging dahilan ngunti-unting pagkasira ng kaisipan, pagkatao at pangarap ng isang
indibidwal. Anong uri ng pagkonsumo ang tinutukoy nito?
A. Tuwirang pagkonsumo C. Produktibong Pagkonsumo
B. Maaksayang Pagkonsumo D. Mapanganib na Pagkonsumo
_____35. May mga ilang konsyumer na naiimpluwensiyahan ng mga anunsiyo sa radyo,
telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media na nagiging dahilan sa
pagtaas na pagkonsumo sa isang inendorsongprodukto. Alin sa sumusunod na salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo ang tinutukoy nito?
A. Kita C. Mga Inaasahan
B. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo
_____36. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?
A. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
B. Lumalaki ang ipon sa bangko
C. Walang utang na kailangang bayaran
D. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
_____37. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang
maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?
A. Department of Labor and Employment
B. Energy Regulatory Commission
C. Department of Trade and Industry
D. Securities and Exchange Commission
_____38. Hindi inaakala ni Joan na ang kanyang biniling makeup ay peke pala matapos siyang
magkaroon ng allergy sa mukha pagkagamit nito. Sa anong ahensya siya maaaring
magreklamo?
A. Department of Health C. Department of Trade and Industry
B. Bureau of Food and Drugs D. Department of Agriculture
_____39. Sa gitna ng pag-aanunsiyo sa telebisyon na mahalagang panatilihing malinis ang mga
kamay upang makaiwas sa anumang sakit lalo na sa covid-19, paano mo ipamamalas ang
pagiging matalinong mamimili?
A. Pagbili ng maraming alcohol C. Hindi pagpapanic-buying
B. Pagbebenta sa mas mataas na presyo D. Hindi pagbili ng alcohol online
_____40. Paano mo patutunayan na isa kang matalinong mamimili?
A. Madaling maniniwala sa mga anunsyo
B. Madalas na tatawad sa mga bibithin
C. Mahilig sa mga ukay-ukay
D. Mahilig sa mura ngunit de-kalidad na bilihin

You might also like