0% found this document useful (0 votes)
105 views3 pages

Quiz - M3&M4

Ang dokumento ay tungkol sa isang maikling pagsusulit sa aspekto ng pangunahing konsepto ng ekonomiya. Ang pagsusulit ay may 25 item na multiple choice na nagtatanong tungkol sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya, salik ng produksyon, at iba pang konseptong pang-ekonomiya.

Uploaded by

Jennelyn Cadiao
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
105 views3 pages

Quiz - M3&M4

Ang dokumento ay tungkol sa isang maikling pagsusulit sa aspekto ng pangunahing konsepto ng ekonomiya. Ang pagsusulit ay may 25 item na multiple choice na nagtatanong tungkol sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya, salik ng produksyon, at iba pang konseptong pang-ekonomiya.

Uploaded by

Jennelyn Cadiao
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

MAIKLING PAGSUSULIT SA AP

TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan:________________________________________________ Puntos:________
Baitang at Pangkat:____________________ Petsa: ___________

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakatamang sagot.


1. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
2. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy.
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
3. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuse
5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang
inagkukunang-
yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
6. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-ekonomiko. Alin sa sumusunod
ang
kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
7. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa,
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
8. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi
sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung
sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo
at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado
9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa
puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy

10. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
b. patayuan ng mga imprastraktura d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
11. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
b. maraming output ang mabubuo d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
12. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o
produkto
b. pagtayo ng mga pabrika d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
13. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay
niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
b. maging malikhain d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
14. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
a. capital b. lupa c. paggawa d. produksyon
15. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
16. Paano mo mapapatunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
a. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo
17. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
a. interes b. sahod c. subsidy d. tubo o profit
18. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na“mesa at silya”, alin sa
sumusunod ang mga input nito?
a. kagamitan, makinarya c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
b. kahoy, kagamitan, makinarya d. tabla, makinarya, teknolohiya
19. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang
isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o
may “blue collar job” ay________________.
a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
d. nagtatrabaho sa malalaking kompanya
20.Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. enterprise b. capital c. lupa d. paggawa
21.Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa
pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
a. kapitalista b. landlord c. manggagawa d. opisyales
22. Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
a. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
b. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
c. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
d. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
23. Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa
produksyon?
a. malawak na lupain c. makinarya at teknolohiya
b. libo-libong binhi ng prutas d. maayos na daan at tulay
24. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
a. business outsourcing b. entrepreneur c. entrepreneurship d. online business
25. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na
pamumuhay?
a. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
b. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto
at serbisyo.
c. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing
mas
mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

You might also like